Share

Chapter 27

last update Huling Na-update: 2025-08-12 22:24:06

“Mamang!” mariing sita ni Abe sa kanyang lola pero halatang pinigilan pa rin niya ang sarili na tuluyang sumigaw bilang paggalang sa matanda.

Dinampot ko ang table napkin at itinakip iyon sa aking bibig at ilong. Ang sakit ng ilong ko at nauubo ako dahil na singhot ko ang tubig at pakiramdam ko ay muntik akong nalunod.

Aburido ang mukha ni Abe sa paghagod at panaka-nakang pagtakip sa likod ko habang si Mamang ay napatayo rin sa kanyang upuan at lumipat sa katabi kong bakanteng upuan para himasin naman ang dibdib ko.

“Kung nagkataon na nalunod ang misis ko, mas hindi kayo magkakaapo,” seryosong sabi ni Abe sa kanyang lola.

Akala ko ay mahihimasmasan na ako. Napalingon ako nang bahagya kay Mamang para sabihin sana na okay na ako dahil halatang nag-aalala ang matanda.

Humaba ang nguso ng matanda at inismiran si Abe. “Kapag hindi ka nagka-anak, kasalanan mo iyon dahil ikinukulong mo lang iyang semilya mo. Iputok mo kasi kay Isla!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at uminit ang mga p
Lilian Alexxis

Nagagandahan po ba kayo sa story? Please leave some comments and gems! Thank you!

| 4
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
haha mapapahagulgol ka talaga kay lola ni Abe Ms Lilian kay mamang pla haha..naku naku Abe at Iska wag naman KC mamula para di kayo mabisto na kasal kasalan lang ginawa niyo at tlga hindi pa kayo nagtatabi ..ang ganda Ms Lilian grabeh nagpakilig..gustong gusto ko si mamang plagi masaya eksena nla
goodnovel comment avatar
Gabbine Wozniacki
Thank you sa update. Maganda story nilang dalawa
goodnovel comment avatar
Jeanette Dayson
.thank you ms. A sa update . maganda ang takbo ng story nila ..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 28

    Kahit hawak pa rin ni Abe ang aking kamay ay hindi ko na nilingon pa ang lalaki at nagpanggap na matapang na hindi natatakot hanggang sa tuluyan kaming makababa sa hellipad sa loob ng isang malawak na lupain na sa tingin ko ay sa mga Dela Torre. Sa hindi kalayuan ay tanaw ang isang mediterranean style mansion. Naunang bumaba si Abe sa chopper at saka ako inalalayan pababa. May nag-aabang na golf cart na naghatid sa amin sa harap ng mansyon kung saan mayroong fountain na ikutan ng sasakyang dumarating at magbababa sa harap ng eleganteng double doors ng mansyon. “Papasok ka ba mamaya sa Uni?” tanong ni Abe bago kami bumaba sa golf cart.“Oo. Midterms na namin next Monday kaya mahirap may ma-miss sa topics,” paliwanag ko.“Huwag ka na lang muna pumasok today sa trabaho para hindi ka mapagod ng husto, mag-out ka na rin naman mamayang 2pm,” pangungumbinse pa niya habang inaalalayan akong bumaba. “Absent na ako kahapon, Abe. Nakalimutan ko nga magpaalam kay Sir, baka ma-AWOL ako.” Ngayon

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 27

    “Mamang!” mariing sita ni Abe sa kanyang lola pero halatang pinigilan pa rin niya ang sarili na tuluyang sumigaw bilang paggalang sa matanda.Dinampot ko ang table napkin at itinakip iyon sa aking bibig at ilong. Ang sakit ng ilong ko at nauubo ako dahil na singhot ko ang tubig at pakiramdam ko ay muntik akong nalunod.Aburido ang mukha ni Abe sa paghagod at panaka-nakang pagtakip sa likod ko habang si Mamang ay napatayo rin sa kanyang upuan at lumipat sa katabi kong bakanteng upuan para himasin naman ang dibdib ko.“Kung nagkataon na nalunod ang misis ko, mas hindi kayo magkakaapo,” seryosong sabi ni Abe sa kanyang lola.Akala ko ay mahihimasmasan na ako. Napalingon ako nang bahagya kay Mamang para sabihin sana na okay na ako dahil halatang nag-aalala ang matanda.Humaba ang nguso ng matanda at inismiran si Abe. “Kapag hindi ka nagka-anak, kasalanan mo iyon dahil ikinukulong mo lang iyang semilya mo. Iputok mo kasi kay Isla!”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at uminit ang mga p

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 26

    Pagbaba namin ng kotse agad kong napansin ang matandang lalaki na matiyagang nakatayo sa main door ng mansyon ng pamilya Dela Torre. “Señorito, welcome home po,” bati ng matandang lalaki na nakasuot ng itim na slacks at puting plain longsleeves. “Hermie, this is my wife Isla,” pagpapakilala sa akin ni Abe sa matanda. “Love, this is Hermie our butler, also the grandfather of Harris.”“Nice meeting you po, Sir Hermie,” nakangiti kong bati.Rumehistro ang pagkataranta sa mukha ng matanda. “Hermie lang po, Señorita. Hermie lang po.”“Isla din lang po,” ganting sabi ko na sinabayan ko nang ngiti.Kumunot ang noo ng matanda at aburidong napatingin kay Abe. “She’ll get used to it,” komento ni Abe at tiningnan ko na lamang siya para hindi na humaba ang isyu.Binuksan ng matanda ang dalawang malapad na pinto. Sa hitsura at lapad ng mga itinulak niyang pintuang kahoy ay halatang gawa ang mga ito sa mamahaling uri ng hard wood na para bang sumisimbolo sa mga taong naninirahan sa magarbong tah

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 25

    Nagising ako dahil may mabigat na kung anong nakapaikot sa baywang ko habang may kung anong nakasiksik sa batok ko at nakadikit sa buong likod ko na nagbibigay ng init sa katawan ko maliban sa comforter. Liwanag lamang na mula sa dim lights sa magkabilang gilid ng dingding ang nagsisilbing ilaw sa silid. Nag-aalangan akong gumalaw dahil siguradong magigising si Abe. Hindi ako natakot kahit ngayon lang ako nagising nang may nakayakap sa akin na lalaki dahil amoy na amoy ko ang bath gel ng lalaki.Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig nang maisip ko na hindi ako nakaligo kagabi ni hindi nakapaghilamos at toothbrush! Tapos yakap-yakap niya ako ngayon! Siinubukan kong ilayo ang katawan ko sa kanya pero lalo pa niyang isiniksik sa batok ko ang mukha niya. Nakakahiya!Dahan-dahan kong iniangat ang braso ni Abe pero lalo lamang niya akong niyakap. Napapikit ako. Nakahinga ako nang maluwag nang bahagyang inilayo ng lalaki ang ulo niya kaya sinubok ko ulit na iangat ang kanyang braso

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 24

    Napahinto sa pagsubo ng kanyang pagkain si Abe at nagkatinginan kami. Napahugot ako nang malalim na buntong-hininga. Ayaw ko pa sana ipaalam kay Inay ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Lemuel dahil ayaw kong sumabay sa isipin niya pero siguro dapat ko na ngang sabihin na hiwalay na kami ng lalaki para hindi na niya hanapin.“Break na po kami,” maiksi kong sabi na nagpalingon kay Inay.“Ano? Bakit? Anong nangyari?” nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Inay.Nilingon niya si Abe at parang nailang ang lalaki sa sitwasyon. Tatayo sana siya pero mabilis ko siyang pinigilan.“I’m sorry. Please stay and continue with your food,” nahihiya kong sabi bago ko nilingon si Inay.“Nahuli ko siyang nambababae noong Sabado, Inay.” Hindi ko alam pero nang sabihin ko iyon ay gumaralgal ang boses ko. Malakas ang loob ko kanina na sabiihin dahil akala ko ay kaya ko nang ipaalam sa kanya nang hindi ako nasasaktan pero masakit pa rin pala.Nailapag ni Inay ang hawak na mangkok sa side table ni Ayah at sa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 23

    “Isla, may tanong ka pa ba?” Nagulat ako nang mapansing malapit na ang mukha ni Abe sa mukha ko at iwinawagayway niya ang isa niyang kamay sa harap ko.“Are you okay? Bakit ka biglang natulala?” nag-aalala niyang tanong.“Wala,” pag-iwas ko. Tumayo ako para tingnan ang cellphone kong nagcha-charge. “Would you like to leave na? Para maaga tayo makatulog mamaya kasi nakapangako ako kay Mamang na mag-aalmusal tayo doon. We will fly tomorrow at 8:30, 10 am ang meeting ko sa Claveria,” pagpapaalala niya.Tinanggal ko sa saksakan ang phone ko at niyaya na siyang umalis.Dumaan kami sa isang Chinese Restaurant at nag take-out ng ilang ulam at fried rice. Eksaktong gising si Ayah nang dumating kami.“Ate!” masayang bati ni Ayah pagpasok na pagpasok ko sa pinto habang nilingon niya si Abe na nasa likod.“Ayah, kumusta ka?” masaya kong tanong sa kapatid ko na hinalikan ko pa sa pisngi pero kay Abe pa rin siya nakatingin na naglalapag ng mga pagkain sa mesa.“Sino ka?” diretsang tanong ng kap

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status