LOGINBaby Samantha 🌻 Stay tuned. Kung nagustuhan po ninyo ang story, pwede kayong mag-iwan ng mga komento, gem votes, at i-rate po ang mismong libro. Salamat!
Kabanata 69 Samantha's Point of View Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo roon habang mahigpit na hawak ni Gabriel ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, pati ang matigas na pagkakahawak nito na para bang ayaw niya akong hayaang lumapit pa kay Joshua. Sa kabilang banda, halos hindi makahinga si Joshua sa sobrang pagkabigla. “Joshua, enough,” matigas na sabi ni Gabriel at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. “Samantha is your future stepmother.” “Step-mother?” paulit-ulit ni Joshua, na para bang hindi niya maiproseso ang narinig niya. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa amin. “Dad, anong sinasabi mo?” “Matagal nang patay ang Mommy mo,” malamig na sagot ni Gabriel. “Kailangan ko ng taong mag-aalaga sa akin at makakasama ko sa buhay.” “Dad, kahit sinong babae na lang ang pakasalan mo!” sigaw ni Joshua. “Huwag lang ang asawa ko!” “Asawa mo?” Bahagyang umangat ang kilay ni Gabriel. “Hindi na siya ang asawa mo. Ipapapa-annul ko ang kasal nin
Kabanata 68Samantha's Point of ViewMaingat kong inayos ang kurbata ni Gabriel. Kulay itim iyon na may manipis na guhit na pilak. Dahan-dahan kong hinigpitan ang pagkakatali habang inaayos ang kuwelyo ng puti niyang polo. Nakatingin lang siya sa akin, tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ko.Napangiti ako."Ano?" tanong ko nang mapansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin."Wala.""Huwag mo akong lokohin.""I'm not.""Then bakit ganyan ka makatingin?"Bahagya siyang ngumiti."I just like looking at you."Napailing ako."Ang aga-aga, nanglalambing ka na.""Pwede ba?""Hindi.""Sure?""Papasok pa tayo sa opisina.""So?""Tigilan mo ako."Mahina siyang natawa.Hindi ko rin napigilan ang mapangiti.Hindi ko akalaing darating ang araw na magiging magaan na ang pakiramdam ko kapag magkasama kami. Dati, puro pagdududa ang nararamdaman ko sa kanya. Ngayon, hindi ko na namamalayan na kusa na akong ngumingiti sa tuwing nakikita ko siya.Tinapik ko nang marahan ang dibdib niya.
Kabanata 67 Samantha's Point of View Tinitigan ko ang mga mata ni Gabriel. Sa unang pagkakataon, wala na akong nakitang pag-aalinlangan sa mga iyon. Puno na lamang ng pagmamahal, pag-aalaga, at pangakong hindi na niya ako hahayaang masaktan. Marahan kong hinawakan ang batok niya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Nagtagpo ang aming mga labi sa isang banayad ngunit punong-punong halik. Nang maghiwalay kami, pareho kaming bahagyang hinihingal. "I love you," mahina kong bulong. "Mahal na mahal kita, Gabriel." Napapikit ako. Sa wakas… nasabi ko rin ang mga salitang matagal ko nang kinikimkim. Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya bago niya ako muling niyakap. "Samantha," bulong niya. "Hm?" "Mahal na mahal kita. At hindi na kita pakakawalan." Napangiti ako sa gitna ng pagluha. "Hindi na kita pakakawalan," ulit niya. "Kahit anong mangyari. Kahit sino ang humadlang sa atin." Mahigpit ko siyang niyakap. "Salamat." "Hindi ako ang dapat mong pasalama
Kabanata 66 Samantha's Point of View Dahan-dahang naglakad si Gabriel palapit sa akin. Mabagal ang bawat hakbang niya, at hindi niya inaalis ang tingin sa dalawang kwintas na hawak ko. Kasabay ng paglapit niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi kaya… si Gabriel talaga ang sumagip sa akin noon? At si Joshua lang ang umangkin sa ginawa niya? Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nangingibabaw sa nararamdaman ko—takot o pag-asang sa wakas ay malalaman ko na ang katotohanan. Iniangat ko ang isa sa mga kwintas. "Gab... sa 'yo ba ang kwintas na ito?" Nanginginig ang boses ko. Hindi siya nag-atubiling tumango. "Yes." Hindi niya inalis ang tingin sa akin. "That's my family's heirloom." Parang gumuho ang mundo ko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko habang mahigpit kong hawak ang dalawang kwintas. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Ikaw ba ang sumagip sa akin... noong muntik na akong malunod?" Matagal siyang hindi nagsalita. Pagkatapos
Kabanata 65Samantha's Point of ViewInaayos ko ang mga gamit ni Gab sa maleta niya dahil babalik na siya ngayon sa mansiyon. Maayos kong itinupi ang mga damit niya at inilagay ang bawat isa sa tamang compartment.Magkakatabi ang mga kamiseta niya. Nasa kabilang bahagi naman ang mga pantalon. Nakarolyo nang maayos ang mga medyas, habang ang mga underwear ay inilagay ko sa isang maliit na pouch.Dahan-dahan kong inayos ang bawat gamit habang tahimik ang buong condo. Marahang dumadausdos ang mga daliri ko sa tela ng mga damit niya, ngunit malayo ang isip ko.Babalik na siya.Babalik na siya sa mansiyon, habang ako naman ay mananatili rito.Napabuntong-hininga ako. Sanay naman akong mag-isa, pero iba na ang pakiramdam ngayon. Nasanay na rin akong kasama siya sa iisang bubong.Habang isinasara ko sana ang maleta, may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko.Isang kwintas.Napatigil ako.Dahan-dahan ko iyong pinulot.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang disenyo nito.Eksaktong katulad ng
Kabanata 64Samantha's Point of View"Good morning, Doktora!" bati ng ilang mga kasamahan ko sa ospital nang nakita nila akong pumasok na. "Good morning!" sagot ko na may ngiti. "Kamusta kayo?""Okay naman po," sabi ng isang nurse. "Na-miss po namin kayo, Doktora.""Na-miss ko rin kayo," sagot ko. "Ano ang mga pasyente ngayon?""Marami pong bata ngayon," sabi ng nurse. "Dahil sa pagbabago ng panahon. Maraming nilalagnat at may ubo.""Okay," sabi ko. "Ako na ang bahala sa kanila."Makalipas ang mahigit isang buwan kong leave, nakabalik na rin ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho bilang isang doktor. Miss ko ang mag-alaga ng mga pasyente. Miss ko ang makita ang mga ngiti ng mga bata. Miss ko ang marinig ang kanilang mga tawa. Miss ko ang makita ang kanilang paggaling.Ang sarap-sarap din gumising lalo pa't pagkagising ko ay may nakahanda ng pagkain. Si Gabriel mismo ang nagluluto. Ang kanyang mga luto ay simple ngunit masarap, puno ng pagmamahal at pag-aalaga.Kaya pakiramdam ko,
Mula nang pumunta si Rico sa Italy, halos araw-araw ay may dumarating na bulaklak sa bahay nila Vera. Minsan roses, minsan lilies, minsan simpleng white flowers lang na may maliit na card na may pirma ng asawa niya.“From your annoying husband,” bulong ni Vera habang binabasa ang card, bahagyang na
Naligo si Rico sa pabango na para bang may inaasahang interview sa board of directors at hindi simpleng pagkikita lang sa asawa niya. Halos ubos na ang bote nang tuluyan siyang tumigil at humarap sa salamin. Inayos niya ang kuwintas sa leeg at kinapkap ang suot na relo.Napatingin ang secretary niya
Katatapos lamang ni Vera maglibot sa ward at mag-check ng mga pasiyente nang biglang humabol ang assistant niyang si Maxine. Halata sa mukha nito ang excitement habang bitbit ang clipboard at ilang dokumento.“Doc Vera,” hingal na sabi ni Maxine. “May delivery po sa receiving area. Nakapangalan po s
Sinalubong ng mabibigat na tingin at pabulong na usapan si Rico Garcia sa mismong lobby pa lang ng Garcia Prime Construction. Alam niyang inaabangan siya ng lahat. Hindi niya kailangang tumingin sa paligid para malaman iyon. Ramdam niya sa bawat hakbang ang tensiyon, ang curiosity, at ang pagtataka







