LOGINNakababa na sila sa port at nakalabas ng terminal building. Ang ipinagbili ni Vincent sa courier service para iwan sa lobby ay isang bagong biling blanket at isang pares ng flat shoes. Kinuha ni Vincent ang sapatos at inilagay sa harap niya para isuot. Kanina pa kasi siya nakapaa, malamig sa paanan. Hindi tinanggihan ni Kate ang sapatos. Kahit gustuhin niyang maglagay ng malinaw na boundary sa pagitan nila ng lalaking ito, wala namang dahilan para magpakahirap siya nang walang katuturan. Babayaran na lang niya ang halaga ng sapatos mamaya. Pero para saan naman ang blanket?Hindi na nag-abalang magtanong si Kate; naglakad na siya diretso palabas ng hall.Si Vincent na rin ang nag-book ng sasakyan."Sakay na," pinagbuksan siya ni Vincent ng pinto ng kotse. "Matulog ka muna sa biyahe. Sa ganitong panahon, siguradong nakabukas ang aircon sa loob. Kakagaling mo lang sa pawis at nakainom ka pa, takpan mo ang sarili mo ng blanket para hindi ka magkasakit."Inabot nito ang blanket sa kanya. "B
Tumango si Vincent. "Okay, uuwi tayo."Habang lalong lumalapit ang barko sa dalampasigan, nagkaroon na rin ng signal ang cellphone. Nagsimulang tumunog ang phone ni Vincent."May sasagutin lang akong tawag," sabi niya bago lumayo ng kaunti. Mahina niyang binigkas, "Hello, Anna?"Ang boses niya ay mas pabulong pa kaysa sa ihip ng hangin sa dagat."May kaunting problema lang dito sa pwesto ko, nasa..."Sa sobrang hina ng boses niya, hindi na marinig ni Kate ang mga kasunod na sinabi nito.Pero medyo malakas ang boses ng babae mula sa speaker phone. Kahit hindi buo ang mga pangungusap, malinaw na naririnig ang galit na galit na "You can't... You can't..." nang paulit-ulit. Halatang sobrang galit nito.Pagkatapos niyon, maririnig lang ang paulit-ulit na "I'm sorry" ni Vincent, alternate sa Tagalog at English na wika… Ang tono ng boses niya ay napakumbaba—na halos parang nagmamakaawa na.Si Vincent ba talaga 'to?Ito ang Vincent na hindi pamilyar sa kanya."Kate, humingi ka ng tawad kay Mi
Sa kabila ng lahat, siya pa rin talaga ang dumating... pero siya rin ang taong nawala sa kanya… May ilang seamen na kumuha ng mga litrato at video, tsaka pinakita kay Kate. Nagpaalam pa sila nang maayos na kung ayaw niya, buburahin agad nila.Tumingin si Kate sa screen ng phone ng seaman.Sa gitna ng madilim na gabi sa karagatan, ang ilaw mula sa barko ay parang spotlight sa isang stage na nakatutok sa kanya. Doon siya sumayaw—walang ibang naririnig kundi ang ihip ng hangin at ang tunog ng harmonica.Sobrang ganda...Hindi lang dahil sa sayaw niya, kundi dahil sa mismong mood at kuha ng video. Isa 'yun sa pinakamagandang stage na naisayaw niya sa buong buhay niya."Huwag niyo pong burahin! Salamat nga po pala kasi ang ganda ng kuha niyo sa akin," ngumiti si Kate at ibinalik ang phone sa kanila. Gusto niya sanang ipa-send ang video, kaya lang nawawala ang phone niya."Hey, bakit hindi na lang tayong lahat ang sumayaw?!" aya ng seaman na nagbigay ng alak kay Kate kanina.Nagsimulang magb
Gulat, pagsisisi, at matinding kapaitan ang lumabas sa mukha ni Vincent bago siya napangiti nang pilit sa huling sinabi nito. "Paano ko magagawa 'yun? Kahit anong mangyari, hindi ko...""Walang imposibleng mangyari!" Putol ni Kate sa sasabihin nito. "Naaalala mo pa ba 'yung sikat na scene sa Titanic? 'Yung nakatayo ang male lead sa likod ng female lead habang nakahawak sa baywang nito sa dulo ng barko? Kung ikaw at ako 'yun, siguradong nasa ilalim na ako ng dagat!""Kate... hindi ko...""Manahimik ka na lang! Ayoko nang makarinig ng kahit anong gawa-gawang kwento mula sa 'yo! Tapos na ang nakaraan, kaya umalis ka na lang sa harap ko!"Yumuko si Vincent. Matagal bago niya muling itinaas ang ulo niya at binigyan si Kate ng isang tipid na ngiti. "Sige. Lalayo ako. Kakayanin mo ba rito mag-isa?"Hindi siya pinansin ni Kate at tumalikod na lang.Lumipas ang halos isang minuto pero wala pa ring gumagalaw.Lumingon si Kate at nakitang nakatayo pa rin ito sa dating pwesto. "Sabi mo aalis ka? B
Matapang ang alak at mabilis tumama sa ulo. Habang nararamdaman ni Kate ang panunumbalik ng init sa katawan, nagsimula na rin siyang mahilo.Ang magandang dulot lang nito, kapag medyo nakainom na siya, mas nababawasan ang takot niya.Pagkatapos ng hotpot, nag-ayos na ang mga seamen at pumasok na sa kanya-kanyang designated areas para magtrabaho.Sa deck, sina Vincent at Kate na naman ang natira.Kailanman ay hindi pa nakikita ni Vincent si Kate na uminom ng ganito katapang na alak. Halatang-halata na tumama na ito sa ulo niya dahil sa namumulang mga pisngi. "Okay ka lang ba? Lasing ka na ba? Masama ba ang pakiramdam ng tiyan mo?"Nahihilo na nga dahil sa alon ng dagat, hindi ba't mas lalala pa ang pakiramdam kapag uminom ng alak?Umiling si Kate. Medyo nakainom na siya, at syempre masama ang pakiramdam—lasing man o hindi—pero baka kapag nakatulog siya ay maayos din ang lahat."Pumikit ka man lang, huwag kang matutulog diyan." Gusto sanang tapikin ni Vincent ang pisngi niya para gisingi
"Bitawan mo ako!" Mabilis at sobrang mahigpit ang hawak ni Vincent sa kanya habang hawak siya sa baywang."Lumayo ka nga sa akin!" Giit ni Kate habang ayaw na ayaw iharap ang mukha niya sa lalaki.Tila na-realize ni Vincent kung bakit siya nagkakaganyan. "Nababaliw ka ba? Bakit kailangan mo pang magpanggap o mag-alala sa posture mo sa harap ko? Anong masama kung nasuka ka? Lagpas sampung taon tayong magkasama, anong itsura mo ang hindi ko pa nakikita? May iba pa bang tao sa mundong 'ito na mas nakakakilala sayo nang buo kaysa sa akin?""Vincent!" Mapait na napatawa si Kate. Kahit sabihin niyang wala na silang pakialam sa isa't isa, palaging may paraan si Vincent para sagarin ang galit niya. Tinitigan niya ito ng matalim. "Ikaw ang pinaka nakakakilala sa akin? Paano mo naisusumbat 'yang salitang 'yan nang walang kaabog-abog?!"Dahil kilalang-kilala niya si Kate, alam niya kung saan ang kahinaan nito—at iyon din ang dahilan kung bakit napakadali para sa kanya na saktan at durugin si Kate
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya
MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi sil
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita







