تسجيل الدخولSa mismong sandali na makita ni Manang Nova ang mukha ni Vincent, ang mga luha sa kanyang mga mata ay mas lalo nag unahan sa pagbuhos…Walang kaalam-alam si Vincent sa mga nangyari sa loob ng bahay, kaya inikot niya ang kanyang tingin sa sala. “Mitch? Bakit ka nandito ngayon?”Mabilis na ibinaba ni Mitch ang kanyang mga paa mula sa ibabaw ng coffee table bago pumasok ang asawa ni Kate. Kasabay ng isang malambing na tawag.. “Vincent,” mabilis nitong ibinuka ang kanyang dalawang braso para yakapin at sumiksik sa katawan ng lalaki. “Vincent... napakaraming araw na kitang hindi nakikita, sobrang nangungulila ako sa’yo... Lahat ng mga barkada natin ay nag-aantay sa’yo, pero dahil ayaw mo kaming pansinin kaya ipinasiya ko na lang na pumunta rito ng personal para hanapin ka.”Nang makita ang reaksyon nito na parang isang maliit na ibon na sumisiksik sa kanyang dibdib, lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Vincent tsaka bahagyang napangiti. “Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo nitong mga nakara
Sa puntong ito, tuluyan nang naging miserable ang takot sa puso ni Melanie. Ayaw niyang bumalik sa probinsya... hinding-hindi... Ang tatay niyang lasenggo at sugarol ay siguradong aabusihin sila ng nanay niya kapag nahuli sila nito... Gusto niyang mag-aral, magkaroon ng galing, kumita ng maraming pera, at maging isang mabuting anak para alagaan ang kanyang ina…Tahimik na dumadaloy ang mga luha sa kanyang mga pisngi habang sinisimulan niyang masahiin ang mga paa ni Mitch.Subalit dahil hindi niya kailanman nagawa ito noon at wala siyang kaalam-alam sa pagmamasahe, kasama ang matinding sunog at sakit mula sa paso ng mainit na tsaa sa kanyang dibdib, labis ang kaba sa kanyang buong pagkatao. Pinipilit niya ang sarili na huwag humagulgol sa pamamagitan ng mariing pagkagat sa kanyang mga labi, subalit ang mga luha ay parang sirang gripo na patuloy na bumabagsak sa kanyang mukha. Dahil hindi niya ito mapunasan ng mabilis, may ilang patak ng luha ang direktang nahulog sa ibabaw ng paa ni M
Subalit ang bumungad sa kanya ay isang babaeng hindi niya kailanman nakilala sa buhay niya. Hindi rin ito ang among babae ng kanyang nanay. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng babaeng ito sa loob ng pinto, agad narinig ang malambing at maarte nitong tawag, “Vincent, Vincent...”Dahil napakaraming araw ng hindi nakikita ni Mitch si Vincent, at dahil ilang beses na itong tinanggihan sa mga inanyayahang dinner nina Norman, ipinasiya niyang pumunta nang personal dito sa condo para huliin ito. Ngunit pagkapasok niya sa living room ay walang imahe ni Vincent ang sumalubong sa kanya, kundi isang napakapayat na batang babae.“Sino ka?” Tinitigan siya ni Mitch nang may pagdududa. Alam niyang walang ibang tao sa paligid ni Vincent, could she be a relative ng pamilya ni Kate?“Ako po si Melanie. Ikaw po, sino po sila..?” Sa totoo lang, ang unang impression ni Melanie sa babaeng ito ay hindi maganda, pero dahil nakikitira lang sila sa bahay ng ibang tao, kailangan niyang panatilihin ang kanyang ma
“Ako na po, Sir,” mabilis na tulong ng assistant.Nang matanggal ang polo, doon lang napansin ni Vincent na ang cufflinks na gamit sa shirt niya ay yari sa sapphire, dalawang piraso ng sapphire na may napakagandang quality at hiwa ng design.“Napakabihira at elegante ng design ng cufflinks na ito,” pansin niya.Natawa ang assistant. “Napakataas po ng artistic taste ni Ma’am Kate. Gusto nga po sana ng management ng studio namin na makipag-cooperate sa kanya para mabili ang design rights ng cufflinks niya upang gawing pormal na product ng brand namin, pero mariin siyang tumanggi.”Bahagyang kumunot ang noo ni Vincent. “Anong sinabi mo? Design niya ang cufflinks na ito?”“Opo, Sir,” nakangiting sagot ng assistant. “Lahat ng cufflinks na ginagamit sa mga customized shirts ninyo ay mismong si Ma’am Kate ang gumagawa ng design. Ang gamit ninyo ngayon ay ang sapphire collection, at mayroon pa pong dalawang pairs sa loob ng kahon—isang pink diamond at isang yellow diamond. Noong nakaraang buwa
Ang pagkakasakit na ito ni Vincent ay totoong nagpapatunay sa kasabihang kapag ang sakit ay dumating, para itong gumuho na malaking bundok.Akala niya noong una, matapos uminom ng gamot na ibinigay ni Manang Nova at bumaba ang lagnat ay magiging maayos na ang lahat. Sino ba namang mag-aakala na pagkahiga niya sa kama ay muli siyang mawawalan ng malay at mahimbing na makakatulog, at nang sumapit ang gabi, ang pabalik-balik na lagnat ay muling sumugod ng mas matindi.Iinom na naman ng gamot para bumaba ang lagnat, tapos babalik na naman ang init, at muling nagpapababa. Ganyan ang naging takbo ng pabalik-balik na hirap sa loob ng tatlong araw. Nang sumapit ang ikaapat na araw, doon lang tuluyang nawala ang lagnat sa kanyang katawan. Magaling na nga siya sa sakit, pero bumagsak nang husto ang timbang niya at ang buong pagkatao niya ay parang nawalan ng kaluluwa, wala kahit konting lakas ang kanyang mga kalamnan.Lumipas ang araw, malabong makapasok siya sa opisina ng kumpanya.Sa buong
Subalit ang pangungusap na ‘yun ay hindi niya kayang sabihin nang malakas sa harap ni Vincent.“Kung ganoon ay manatili ka na lang dito para magpatuloy sa trabaho mo. Kung may hiling ka o reklamo, sabihin mo lang sa akin. Sa nakalipas na limang taon, maayos ng pag-aalaga mo kay Kate, kaya nararapat lang na magkaroon ka ng salary increase,” mariing desisyon ni Vincent.“Pero, si Ma’am Kate...” nag-aalinlangan ang boses ni Manang Nova.“Isang buwan lang siyang mawawala nasa abroad siya para sa tour, at pagkatapos ng isang buwan ay babalik din siya rito sa bahay,” sabi ni Vincent. Sinuri niya na ang mga balita sa internet, at ang nakasaad doon ay ang international tour ng academy ay tatagal lang ng eksaktong isang buwan sa Europe.Natahimik si Manang Nova, hindi niya kayang sabihin sa kanyang amo na ang pag-alis ni Kate ay hindi lang para sa isang buwan kundi para sa buong buhay nito.“Kung ganoon, Sir, gusto niyo po bang ipasok ko na lang ang pagkain dito sa loob ng kwarto, o gusto
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya
MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi sil







