Share

Chapter 4

Author: Jessa Writes
last update Last Updated: 2025-03-18 11:30:17

Nakaawang pa rin ang mga labi ni Coleen habang nakatitig sa salamin. Sa harap niya ay ang repleksyon ng isang babaeng hindi na niya halos makilala—nakasuot ng puting wedding dress, ngunit walang bakas ng saya sa mga mata. Ang bawat paghinga ay parang pasan ang bigat ng isang rehas.

Kinasal siya. Sa isang lalaking hindi niya mahal. Isang lalaking halos hindi pa rin lubos na kilala.

Pumikit siya, pinipilit pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Hindi ito ang kasal na pinangarap niya. Hindi ito ang araw na inakala niyang magiging pinakamasaya sa buhay niya. Ngunit wala na siyang pagpipilian. Ito ang kapalit ng kaligtasan ng kanyang pamilya.

“Mrs. Alvarez.”

Napapitlag si Coleen sa boses na dumagundong mula sa likuran—mababa, buo, at puno ng pangingibabaw. Pagharap niya, bumungad si Gregory sa pintuan ng silid. Nakasuot pa rin ito ng itim na suit na para bang isinadya sa kanya, tumitingkad ang awtoridad sa bawat hakbang habang papasok ito.

Parang isang hari. Isang hari ng dilim.

Lumapit si Gregory, at sa paglapit niya, tuluyang nawala ang pagitan nila. Itinukod niya ang isang kamay sa dingding malapit sa mukha ni Coleen. Ang presensya niya ay tila usok na pumupuno sa bawat espasyo—hindi makalabas, hindi makahinga.

“Huwag mong kalimutan ang apelyido mong dala ngayon, Coleen,” malamig niyang bulong. “Sa bawat galaw mo, sa bawat hininga mo… akin ka na.”

Napalunok si Coleen, ngunit pinilit panatilihin ang tapang sa tinig. “Ano bang gusto mong marinig sa akin? Na masaya ako? Na nagpapasalamat ako sa’yo?”

Ngumiti si Gregory, ngunit walang init sa kanyang mga mata. “Hindi ko kailanman inasahan na magiging masaya ka.”

Ilang segundo ang lumipas sa katahimikan bago bigla siyang yumuko at hinawakan ang baba ni Coleen, pinilit siyang tumingin nang diretso sa mga mata nito.

“Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Coleen?” madiin niyang tanong, puno ng malamig na katotohanan. “You were sold to me.”

Nanlaki ang mga mata ni Coleen. “What?”

Hinila siya ni Gregory palapit, halos magdikit na ang kanilang katawan. “You think this marriage was just a business deal?” Natawa ito, ngunit ang mga mata’y tila naging mas madilim. “No, Coleen. It was a trade. Isang kasunduan sa pagitan ko at ng pamilya mo. I paid for you. You were their bargaining chip.”

Parang may sumabog na salitang “kataksilan” sa loob ng kanyang dibdib. Umiling siya, pilit isinasantabi ang mga salitang narinig.

“You’re lying,” mahinang bulong niya.

“I don’t need to.” Matalim ang mga mata ni Gregory, walang bahid ng alinlangan. “You should ask your parents, Coleen. Silang dalawa ang nagpresyo sa ‘yo. And you know what’s funny?” Tumawa siya, mapait. “Mura ka lang nilang ibinenta.”

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya marinig ang sarili. Ang tibok ng puso niya ang naging tanging tunog na gumugulo sa kanyang pandinig.

Wala siyang maisagot. Wala siyang maipilit na depensa. Lahat ng lakas niya ay tila naubos sa isang iglap.

“Ayaw mo pang maniwala?” marahang bulong ni Gregory sa kanyang tainga. “I can show you the signed documents, Coleen. I can let you see exactly how much you were worth to them.”

Napakagat siya sa labi, pilit nilulunok ang pait na nagbabantang sumabog sa kanyang dibdib.

“Why are you telling me this?” mahina niyang tanong, tinig na puno ng sugat.

“Because I want you to understand,” sagot ni Gregory, walang alinlangan. “You are mine now. Hindi mo na sila kailangang alalahanin, dahil wala na silang halaga sa akin.”

Nanlabo ang paningin ni Coleen sa luhang pilit niyang pinipigil. Ang sakit ay hindi lang sa pagkakabenta sa kanya, kundi sa katotohanang wala siyang naramdamang hudyat na ginawa iyon ng mga magulang niya.

They sold her like she was nothing but property. An investment to save themselves.

Nang lumabas si Gregory ng silid, saka lang siya muling huminga. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya bumaba para kunin ang mga gamit na naiwan sa sofa.

***

Pagod na pagod siyang bumalik sa kwarto. Ang kasal na dapat ay simula ng isang bagong buhay ay naging simula ng kanyang pagkakakulong. Isang bangungot na gising siya habang nilalakaran.

Hinila niya ang pinto, ngunit halos mabitawan niya ito nang bumungad ang isang tanawing hindi niya inasahan.

Si Gregory.

Basang-basa pa ito mula sa shower, ang mga patak ng tubig ay dumadaloy mula sa buhok nito, papunta sa matipuno nitong dibdib at tiyan. Isang puting tuwalya lang ang nakatapis sa baywang nito—at bahagyang nakalaylay na, tila isang maling galaw ay mahuhulog ito.

Napasinghap si Coleen. Agad siyang tumalikod, sinusubukang itago ang pamumula ng pisngi.

“Damn it,” bulong niya sa sarili.

Ngunit narinig niya ang mababang halakhak ni Gregory—mapanganib at tila ba masyadong sanay sa epekto niya sa kababaihan.

“You’re in the wrong room, Mrs. Alvarez.”

Ramdam ni Coleen ang panunukso sa boses nito, kaya lalo niyang iniiwas ang tingin.

“I— I didn’t know—”

“Really?” Bumagal ang bawat hakbang ni Gregory habang papalapit. “O baka naman gusto mo lang talagang makita kung ano ang pag-aari mo na ngayon?”

Napakagat siya sa labi. Pilit nilalabanan ang init na sumisirit sa kanyang balat. Napaka-arrogante talaga ng lalaking ito.

Mabilis niyang inabot ang doorknob para makaalis, ngunit bago pa man niya mabuksan ito, mainit na palad ang sumapo sa kanyang pulso.

Napapitlag siya. Napakainit ng katawan ni Gregory, at kahit wala itong sinasabi, ang presensya nito’y parang apoy sa kalamnan niya.

“You’re my wife now, Coleen,” bulong nito malapit sa kanyang tainga. “Dapat masanay ka na sa ganitong eksena.”

Pilit niyang iniangat ang baba, kahit nanginginig ang loob. “Then maybe you should learn how to lock your door.”

Humagikhik si Gregory, mapanganib ang ngiti. “O baka naman gusto mo lang sumilip.”

Hindi na siya tumugon. Mabilis niyang binuksan ang pinto at lumabas, halos magmamadali papunta sa sariling silid.

Ilang minuto ang lumipas. Nakaupo na siya sa gilid ng kama, sinusubukang pakalmahin ang sarili, nang may kumatok sa pinto.

Pagbukas niya, si Gregory ang bumungad—ngayon ay nakasuot na ng black silk robe, may hawak na mamahaling alak.

“Celebration,” aniya, itinataas ang bote. “Dahil mag-asawa na tayo.”

Inirapan siya ni Coleen. “Ano na naman ang gusto mo?”

“Just one drink, Coleen. That’s all.”

Nag-aalangan siya. Ngunit sa loob-loob niya, gusto rin niyang uminom. Hindi para ipagdiwang ang kasal, kundi para kahit papaano ay makalimot.

Tinanggap niya ang baso.

Isang lagok. Dalawa. Tatlo.

Hanggang sa maramdaman niyang lumulutang na ang kanyang pakiramdam.

“Alam mo ba kung anong maganda sa alak?” tanong ni Gregory habang iniikot ang baso. “Pinapakita nito ang tunay na nararamdaman ng isang tao.”

Tumingala si Coleen, bahagyang hilo. “And what do you feel, Gregory?”

Nagtagpo ang mga mata nila. May kung anong dilim sa tingin ng lalaki—halong pagnanasa at panganib.

“I feel like ruining you.”

Bago pa man niya maunawaan ang ibig sabihin nito, naramdaman niya ang palad ni Gregory sa kanyang beywang. Isang iglap lang, at nasa bisig na siya ng lalaki. Mainit. Mabigat. Hindi makatakas.

“Let me go,” mahina niyang bulong. Ngunit kahit siya, hindi na sigurado kung gusto niyang bumitaw ito.

Ngumiti si Gregory. “Bakit? Natatakot ka bang magustuhan ito?”

Hindi siya sumagot.

At sa susunod na segundo, dumapo ang labi ng lalaki sa kanya—isang halik na parang gustong burahin ang lahat ng alaala ng dati niyang buhay.

At hinayaan niya ito.

Dahil sa gabing ito, wala nang silbi ang pagtutol.

Gregory Alvarez was her husband.

She signed a contract with a devil.

At sa loob ng dalawang taon, kailangan niyang harapin ang impyernong ito—bitbit ang apelyidong hindi niya kailanman pinangarap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 14

    Mainit pa ang simoy ng araw pero malamig ang pakiramdam ni Coleen habang naglalakad sa sidewalk. Isang pa-simpleng tingin sa paligid, at wala naman siyang napansing kahina-hinala. Pero hindi niya alam na sa bawat hakbang niya, may mga matang matagal nang nakatutok.Paglampas niya sa isang tahimik na bahagi ng daan—biglang bumusina ang isang itim na van. Napalingon siya. Agad bumukas ang sliding door. Bago pa siya makatakbo, dalawang lalaki ang bumaba, mabilis, parang sanay na sanay sa ganitong galaw.“Miss, saglit lang—”Hindi na siya nakasigaw.Isang pares ng malalakas na braso ang humablot sa kanya mula sa likod. Isinakal ang isang tela sa bibig niya na may matapang na amoy—chloroform. Namilipit siya. Pumalag. Tinadyakan ang isa sa mga lalaki. But she was outnumbered. Outmatched."Bitawan n’yo ako!" sigaw niya, pilit na humihiyaw kahit inaapakan na ng isa ang binti niya."Put her in the van!" utos ng lalaking may tattoo sa leeg, si Marco—kanang kamay ng Valderrama Mafia boss.Nabuhat

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 13

    Pagkatapos ng lahat ng nangyari, si Jane lang ang naisip ni Coleen.Kaibigan. Kakampi. Isa sa mga iilang taong pinagkakatiwalaan niya sa mundong puno ng panlilinlang. Tinawagan niya ito habang nasa biyahe, halos hindi maipinta ang boses dahil sa pagod, galit, at sakit."Pwede ba akong tumuloy sa iyo kahit ilang araw lang?" mahina niyang tanong.“Of course, Coleen,” sagot ni Jane. “You can stay as long as you need. I’ll even help you find a job.”Bahagyang gumaan ang loob niya. Sa dami ng nawala sa kanya, may isa pa ring hindi nagbago—si Jane. Pagdating niya sa condo, nagmamadali siyang umakyat dala ang isang maliit na bag. Tulad ng dati, hindi na siya nag-abala pang kumatok. Jane never minded. Pero pagbukas ng pinto... doon tumigil ang mundo ni Coleen.Sa loob ng sala, doon mismo sa couch na madalas nilang tambayan noon habang nanonood ng cheesy romcoms, nakita niya ang eksena—isang tanawing parang mula sa bangungot. Sina James at Jane ay magkayakap. Magkadikit ang katawan. Nakapaton

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 12

    Mainit pa ang pakiramdam ng balat ni Coleen nang idilat niya ang mga mata. Naramdaman pa rin niya ang lambot ng silk sheets sa ilalim niya—mamahalin, malambot, at banyaga.Nasa master’s bedroom siya ng isang penthouse unit. Malaki, tahimik, at... malamig.Pero ang pinaka-malamig sa lahat ay ang katotohanang mag-isa na lang siya.Humaplos siya sa bahagi ng kama kung saan dapat naroon si Gregory. Wala na roon ang init ng katawan nito. Wala ni isang bakas ng presensiya niya.Wala na si Gregory.Napaupo si Coleen, pilit binubuo ang alaala ng nangyari kagabi. Ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang ibigay niya rito ang sarili niya. Ang una. Ang tanging siya.Kagabi, hinayaan niyang mahulog. Hinayaan niyang tangayin siya ng init, ng damdamin, ng pag-asang baka... baka hindi siya tulad ni James. Baka iba si Gregory.Pero ngayon, parang sinampal siya ng katotohanang hindi pa rin natututo ang puso niya.Napatingin siya sa sahig, kung saan nakalatag ang puting kumot na parang iniwang alaala—g

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 11

    Magsasalita pa sana si Coleen, ngunit biglang ibinaba ni Gregory ang suot niyang lace panty. Napalunok siya, nanlaki ang mga mata nang marahan siyang buhatin ng lalaki at paupuin sa malamig na marmol ng lababo.Walang pag-aalinlangan, ibinaba ni Gregory ang sariling pantalon habang itinatukod ang dalawang binti ni Coleen sa magkabilang balikat niya. The sudden shift made her breath hitch—caught between shock and arousal.“What the hell, Mr. Alvarez?” singhal ni James, halatang napuno na ang galit.Gregory’s gaze was icy. “Hindi mo ba nakikita? I’ll f*ck my wife. You’re our audience.”Napalingon si Coleen sa lalaking kaharap niya—nakakunot-noo, namumutla. Ngunit mas lalong kinabahan siya sa susunod na bulong ni Gregory sa kanyang tainga.“Don’t worry. I won’t touch you… not really. Just act. Moan. Moan my name.”Hindi man niya maintindihan ang dahilan ng lahat, sumunod si Coleen. Nang maramdaman niya ang mainit na dulo ng pagkalalaki ni Gregory na dumampi sa balat niya, tila nagtaasan a

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 10

    Napasinghap si Coleen, hindi na niya alam kung alin ang nangingibabaw sa dibdib niya—galit, kaba, o ang mas malalim pang damdaming ayaw niyang pangalanan.“You’re insane,” mahina niyang bulong.“I’m serious,” ani Gregory, ang mga mata’y nagliliyab sa determinasyon. “I want to erase that memory from you. Replace it with one where you were wanted. Desired. Worshipped.”Umiling si Coleen, sinusubukang pigilan ang apoy na unti-unting lumalagablab sa dibdib niya. “That’s not going to fix me.”“No,” sagot ni Gregory, lumalapit, ang labi’y bahagyang humaplos sa kanyang tainga. “But it will remind you that you’re still whole. That you still have power. That you’re not a victim of his choices.”“Gregory…” usal niya.“You’re not his shadow, Coleen,” patuloy nito, ang mga daliri’y marahang dumudulas sa braso niya. “You’re not his leftover. You’re fire. And he should’ve burned for you.”Napapikit siya. The way he looked at her—it wasn’t just lust. It was a vow. A challenge.“Let’s go,” bulong nito

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 9

    "Stay close,” bulong ni Gregory habang mariing hinawakan ang kamay ni Coleen.Hindi siya sumagot. Sa panlabas ay kalmado ang kilos niya, ngunit sa loob, tila may unos na sumisigaw sa kanyang dibdib. Hindi pa rin siya makabawi mula sa halik na iyon—ang halik na ginawa sa gitna ng party, sa harap ni James, na parang pagmamarka ni Gregory sa kanya.At ngayon, magkasabay silang lumalakad patungo sa isang grupo ng mga taong mukhang may-ari ng mundo.Matataas ang mga kilay. Matatalim ang mga mata. Kahit walang sinasabi, ramdam ni Coleen ang mga tingin—ang pagtitimbang, ang pagtatasa. Parang sinasala ang pagkatao niya sa bawat yapak niya sa loob ng ballroom.At siya? Siya ang asawa ni Gregory.Gregory Alvarez—the man everyone respected, feared, and followed.Huminto sila malapit sa vintage wine station, kung saan naroon ang isang grupo ng mga prominenteng negosyante. Agad lumapit ang isang lalaki kay Gregory at masiglang tinapik ito sa balikat.“Greg!” masiglang bati ng lalaki, may mayamang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status