Share

Chapter 5

Penulis: Jessa Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-18 11:31:12

Pagmulat ng kanyang mga mata, agad na naramdaman ni Coleen ang kirot sa buong katawan—isang matinding paalala ng gabing puno ng init, galit, at kawalan ng kontrol. Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang sariling damhin ang hapdi ng bawat galaw, ang init ng mga alaala ni Gregory na parang apoy na hindi mawala sa balat.

Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang pag-ihip ng hangin mula sa bintanang bahagyang bukas ang tanging tunog sa paligid. Pinilit niyang buuin sa isip ang mga pangyayari: ang kasal, ang gabi ng pagkakakulong sa bisig ng isang lalaking hindi niya minahal, at ang mga halik at haplos na walang halong pagmamahal—tanging pag-angkin.

Dahan-dahan siyang bumangon, inayos ang gusot na kobrekama at ang sarili. Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng pansin niya—isang maliit na papel na nakapatong sa nightstand.

Kinabahan siya.

Nang basahin niya ang sulat, parang piniga ang kanyang dibdib:

> “Huwag kang umasa ng masyado, Mrs. Alvarez. Ang pagiging asawa ko ay hindi isang pribilehiyo—isa itong kaparusahan. Masanay ka na.”

Nanginig ang kanyang kamay habang hawak ang papel. Bawat salita ay tila kutsilyong unti-unting bumaon sa kanyang dibdib. Hindi siya asawa sa mata ni Gregory. Isa lamang siyang bayad-utang. Isang laruan na maaari nitong paglaruan, angkinin, at isantabi kapag nagsawa na.

Pinunit ni Coleen ang papel, ngunit kahit napira-piraso niya ito, hindi nabawasan ang sakit. Nakatatak na sa puso niya ang kahulugan ng mensahe.

Mula sa araw na iyon, araw-araw siyang pinaramdamang wala siyang halaga.

Sa harap ng mga tauhan ni Gregory, hindi siya kailanman itinuring na asawa. Madalas siyang nilalampasan na parang hindi umiiral. Sa mga business gatherings at charity events, palamuti lang siya sa braso ng lalaki—suot ang magagarang damit, may alahas sa leeg, ngunit walang boses. Walang identidad. Hindi bilang isang Alvarez. Hindi bilang babae.

Isang gabi, sa isang charity gala, pilit niyang ginampanan ang papel ng perpektong asawa. Ngiti, tikas, tahimik na suporta. Ngunit agad siyang pinahiya.

"Gregory," bulong ni Coleen habang magkatabi silang nakaupo sa table. Maingat niyang iniunat ang kamay para hawakan ang kanya. "You haven’t introduced me to your associates."

Tiningnan lang siya nito. Umangat ang kilay ni Gregory bago ito lumapit at bumulong sa tenga niya. "Why would I? They don’t need to know the details of my investments."

Napakapit siya sa baso ng champagne, pilit pinipigil ang panginginig ng loob. Isa lang siyang investment.

Ang kasal na ito, na inakala niyang pansamantalang sakripisyo, ay naging tanikala. Sa loob ng mansyon, wala siyang boses. Maging ang mga tauhan ay walang respeto sa kanya—dahil mismong asawa niya ang nagturo sa kanilang huwag siyang ituring bilang bahagi ng kanilang mundo.

Sa hapag, hindi siya kinakausap ni Gregory. Sa umaga, wala ito. Sa gabi, dumarating ito kapag alam nitong tulog na siya.

Ngunit may mga pagkakataong pinapansin siya—at iyon ang mga sandaling mas masakit kaysa sa pananahimik.

Isang gabi, nagdesisyon si Coleen na maglakad sa hardin upang kahit papaano ay makalanghap ng sariwang hangin. Tahimik siyang nakaupo sa gazebo nang lapitan siya ni Rafi, isa sa mga tauhan ni Gregory.

"Good evening, Mrs. Alvarez," bati ng lalaki, may magaan na ngiti sa labi. "Hindi ko akalaing mahilig ka rin palang maglakad-lakad sa gabi."

Bahagyang ngumiti si Coleen. Alam niyang may kautusan si Gregory na huwag siyang kausapin ng mga tauhan. Kaya't nagtaka siya sa tapang ng lalaking ito.

“Maganda ang hangin dito,” tipid niyang sagot, nagbabakasakaling matapos agad ang usapan.

Ngunit bago pa siya makaalis, isang malamig na boses ang pumunit sa katahimikan.

“Rafi.”

Kapwa sila napalingon.

Mula sa anino ng isang puno, lumitaw si Gregory. Malamig ang titig, at ang galit sa mga mata nito ay matalim at hindi maitatago.

Dahan-dahan itong lumapit. Mabigat ang bawat hakbang—tila dagundong sa dibdib ni Coleen.

“Wala bang nagturo sa ’yo ng tamang paggalang sa asawa ng amo mo?” tanong ni Gregory, malamig ngunit punung-puno ng banta.

Agad na yumuko si Rafi, bakas sa mukha ang takot. “Pasensya na po, boss. Wala po akong intensyong bastusin si Ma’am—”

Ngunit hindi na siya pinatapos ni Gregory. Isang iglap lang at sinunggaban niya ito sa kwelyo, marahas na isinandal sa pader ng gazebo.

“Gusto mong subukan kung gaano ako kaawa sa mga lalaking tumitingin sa kanya?” bulong niya, malapit sa mukha ni Rafi.

Nagpumiglas ang lalaki, ngunit hindi siya makawala.

“Gregory, tama na!” awat ni Coleen, nagmamadaling lumapit.

Ngunit hindi siya pinansin ni Gregory. Sa halip, iniwan si Rafi at lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang baba ni Coleen gamit ang dalawang daliri, marahang itinaas iyon.

“You’re mine,” bulong niya, malamig ang tinig. “At kahit kailan, hindi kita ibabahagi kahit kanino.”

Napalunok si Coleen, ang puso’y kumakabog sa kaba.

Sa gabing iyon, tuluyang bumuo sa kanyang isip ang katotohanang matagal na niyang tinatanggihan: si Gregory ay hindi kailanman naging asawa sa paraang inaasam niya. Sa mata ng lalaki, hindi siya isang babae. Isa siyang pag-aari.

At ang pinakamasakit sa lahat—wala siyang kawala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 14

    Mainit pa ang simoy ng araw pero malamig ang pakiramdam ni Coleen habang naglalakad sa sidewalk. Isang pa-simpleng tingin sa paligid, at wala naman siyang napansing kahina-hinala. Pero hindi niya alam na sa bawat hakbang niya, may mga matang matagal nang nakatutok.Paglampas niya sa isang tahimik na bahagi ng daan—biglang bumusina ang isang itim na van. Napalingon siya. Agad bumukas ang sliding door. Bago pa siya makatakbo, dalawang lalaki ang bumaba, mabilis, parang sanay na sanay sa ganitong galaw.“Miss, saglit lang—”Hindi na siya nakasigaw.Isang pares ng malalakas na braso ang humablot sa kanya mula sa likod. Isinakal ang isang tela sa bibig niya na may matapang na amoy—chloroform. Namilipit siya. Pumalag. Tinadyakan ang isa sa mga lalaki. But she was outnumbered. Outmatched."Bitawan n’yo ako!" sigaw niya, pilit na humihiyaw kahit inaapakan na ng isa ang binti niya."Put her in the van!" utos ng lalaking may tattoo sa leeg, si Marco—kanang kamay ng Valderrama Mafia boss.Nabuhat

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 13

    Pagkatapos ng lahat ng nangyari, si Jane lang ang naisip ni Coleen.Kaibigan. Kakampi. Isa sa mga iilang taong pinagkakatiwalaan niya sa mundong puno ng panlilinlang. Tinawagan niya ito habang nasa biyahe, halos hindi maipinta ang boses dahil sa pagod, galit, at sakit."Pwede ba akong tumuloy sa iyo kahit ilang araw lang?" mahina niyang tanong.“Of course, Coleen,” sagot ni Jane. “You can stay as long as you need. I’ll even help you find a job.”Bahagyang gumaan ang loob niya. Sa dami ng nawala sa kanya, may isa pa ring hindi nagbago—si Jane. Pagdating niya sa condo, nagmamadali siyang umakyat dala ang isang maliit na bag. Tulad ng dati, hindi na siya nag-abala pang kumatok. Jane never minded. Pero pagbukas ng pinto... doon tumigil ang mundo ni Coleen.Sa loob ng sala, doon mismo sa couch na madalas nilang tambayan noon habang nanonood ng cheesy romcoms, nakita niya ang eksena—isang tanawing parang mula sa bangungot. Sina James at Jane ay magkayakap. Magkadikit ang katawan. Nakapaton

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 12

    Mainit pa ang pakiramdam ng balat ni Coleen nang idilat niya ang mga mata. Naramdaman pa rin niya ang lambot ng silk sheets sa ilalim niya—mamahalin, malambot, at banyaga.Nasa master’s bedroom siya ng isang penthouse unit. Malaki, tahimik, at... malamig.Pero ang pinaka-malamig sa lahat ay ang katotohanang mag-isa na lang siya.Humaplos siya sa bahagi ng kama kung saan dapat naroon si Gregory. Wala na roon ang init ng katawan nito. Wala ni isang bakas ng presensiya niya.Wala na si Gregory.Napaupo si Coleen, pilit binubuo ang alaala ng nangyari kagabi. Ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang ibigay niya rito ang sarili niya. Ang una. Ang tanging siya.Kagabi, hinayaan niyang mahulog. Hinayaan niyang tangayin siya ng init, ng damdamin, ng pag-asang baka... baka hindi siya tulad ni James. Baka iba si Gregory.Pero ngayon, parang sinampal siya ng katotohanang hindi pa rin natututo ang puso niya.Napatingin siya sa sahig, kung saan nakalatag ang puting kumot na parang iniwang alaala—g

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 11

    Magsasalita pa sana si Coleen, ngunit biglang ibinaba ni Gregory ang suot niyang lace panty. Napalunok siya, nanlaki ang mga mata nang marahan siyang buhatin ng lalaki at paupuin sa malamig na marmol ng lababo.Walang pag-aalinlangan, ibinaba ni Gregory ang sariling pantalon habang itinatukod ang dalawang binti ni Coleen sa magkabilang balikat niya. The sudden shift made her breath hitch—caught between shock and arousal.“What the hell, Mr. Alvarez?” singhal ni James, halatang napuno na ang galit.Gregory’s gaze was icy. “Hindi mo ba nakikita? I’ll f*ck my wife. You’re our audience.”Napalingon si Coleen sa lalaking kaharap niya—nakakunot-noo, namumutla. Ngunit mas lalong kinabahan siya sa susunod na bulong ni Gregory sa kanyang tainga.“Don’t worry. I won’t touch you… not really. Just act. Moan. Moan my name.”Hindi man niya maintindihan ang dahilan ng lahat, sumunod si Coleen. Nang maramdaman niya ang mainit na dulo ng pagkalalaki ni Gregory na dumampi sa balat niya, tila nagtaasan a

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 10

    Napasinghap si Coleen, hindi na niya alam kung alin ang nangingibabaw sa dibdib niya—galit, kaba, o ang mas malalim pang damdaming ayaw niyang pangalanan.“You’re insane,” mahina niyang bulong.“I’m serious,” ani Gregory, ang mga mata’y nagliliyab sa determinasyon. “I want to erase that memory from you. Replace it with one where you were wanted. Desired. Worshipped.”Umiling si Coleen, sinusubukang pigilan ang apoy na unti-unting lumalagablab sa dibdib niya. “That’s not going to fix me.”“No,” sagot ni Gregory, lumalapit, ang labi’y bahagyang humaplos sa kanyang tainga. “But it will remind you that you’re still whole. That you still have power. That you’re not a victim of his choices.”“Gregory…” usal niya.“You’re not his shadow, Coleen,” patuloy nito, ang mga daliri’y marahang dumudulas sa braso niya. “You’re not his leftover. You’re fire. And he should’ve burned for you.”Napapikit siya. The way he looked at her—it wasn’t just lust. It was a vow. A challenge.“Let’s go,” bulong nito

  • A Deal with the Devil: My Mafia Husband   Chapter 9

    "Stay close,” bulong ni Gregory habang mariing hinawakan ang kamay ni Coleen.Hindi siya sumagot. Sa panlabas ay kalmado ang kilos niya, ngunit sa loob, tila may unos na sumisigaw sa kanyang dibdib. Hindi pa rin siya makabawi mula sa halik na iyon—ang halik na ginawa sa gitna ng party, sa harap ni James, na parang pagmamarka ni Gregory sa kanya.At ngayon, magkasabay silang lumalakad patungo sa isang grupo ng mga taong mukhang may-ari ng mundo.Matataas ang mga kilay. Matatalim ang mga mata. Kahit walang sinasabi, ramdam ni Coleen ang mga tingin—ang pagtitimbang, ang pagtatasa. Parang sinasala ang pagkatao niya sa bawat yapak niya sa loob ng ballroom.At siya? Siya ang asawa ni Gregory.Gregory Alvarez—the man everyone respected, feared, and followed.Huminto sila malapit sa vintage wine station, kung saan naroon ang isang grupo ng mga prominenteng negosyante. Agad lumapit ang isang lalaki kay Gregory at masiglang tinapik ito sa balikat.“Greg!” masiglang bati ng lalaki, may mayamang t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status