"Gregory, bitawan mo ako!" sigaw ni Coleen habang pilit niyang inaalis ang sarili sa marahas na pagkakahawak ng asawa. Ngunit tila bingi si Gregory. Wala siyang ibang naririnig kundi ang galit na bumabalot sa kanyang pagkatao.
Habang hinihila siya papasok sa mansyon, bawat hakbang ay may kasamang kirot. Mahigpit ang kapit ni Gregory sa kanyang braso—parang bakal na pumipiga. Ramdam ni Coleen ang sakit, at alam niyang bukas, mamumula ito. Baka nga magkapasa.
Pagkapasok nila sa living room, walang pag-aatubili siyang ibinato ni Gregory sa sofa. Napasinghap si Coleen, nasaktan sa likod ngunit hindi na niya nagawang makaangal. Ilang segundo lang, at nasa ibabaw na niya ang lalaki, mabigat ang katawan na parang tinik sa dibdib.
"Gregory, please..." mahina at nanginginig ang tinig ni Coleen. Hindi niya malaman kung alin ang nangingibabaw sa kanya—takot, galit, o pagkalito.
Ngunit sa halip na makinig, marahas na sinapo ni Gregory ang kanyang mukha gamit ang dalawang palad, at idinuldol ang labi niya sa labi ng babae.
Walang lambing. Walang pag-ibig. Ang halik ay mapusok, mabangis—punô ng galit, pag-angkin, at kontrol.
Sinubukan niyang lumaban. Pilit niyang iwasan ang halik, pero binuka ni Gregory ang kanyang labi, pinilit na sakupin ang bawat sulok na kaya niyang angkinin. Ang kanyang mga bisig ay parang posas sa magkabilang gilid ng ulo ni Coleen—walang daan ng pagtakas.
Gusto ni Coleen na itulak siya. Gustong-gusto niya. Pero ang katawan niya ay traydor—hindi gumagalaw. Nanigas, hindi sa kagustuhan, kundi sa pagkatakot.
Parang nawala siya sa realidad. Habang gumagala ang bibig ni Gregory pababa sa kanyang panga, sa leeg, iniwan nito ang mga marka—mga bakas ng galit, hindi ng pagmamahal.
"Hindi ka pwedeng pagmamay-arian ng iba," bulong niya sa gitna ng mga halik. Mababaw, pero mabigat. Parang bawat salita'y itinataga niya sa balat ng babae.
"Gregory, tama na," impit na sabi ni Coleen, pilit na itinutulak ang dibdib ng lalaki. Ngunit lalo lamang humigpit ang yakap nito.
"Sinabi ko na sa 'yo... ikaw ay akin," mariin niyang sambit, bago ibinaon muli ang mukha sa leeg ni Coleen, tila ba gustong burahin ang anumang bakas ng mundo at palitan ng sarili niyang marka.
Hindi alam ni Coleen kung gaano katagal silang nanatili sa ganoong posisyon—siya, pilit pa ring nilalabanan ang pwersa; si Gregory, hindi bumibitaw, patuloy sa pagpaparamdam ng kanyang kapangyarihan.
Sa bawat halik, sa bawat madiing haplos, mas lalo niyang naramdaman kung gaano siya kaliit sa harap ng galit at obsesyon ng lalaking ito.
“Fuck. You’re so boring,” malamig na sabi ni Gregory, bago siya iwanang nakahandusay.
***
Matagal na nanatiling nakaupo si Coleen sa sofa. Nanghihina, walang saysay ang paghinga, at basang-basa ng pait ang kaluluwa. Hindi niya namalayan kung ilang oras siyang tulala—nakatingin sa kawalan habang unti-unting lumalamig ang gabi.
Hanggang sa marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan sa driveway.
Kumabog ang dibdib niya. Bahagyang umangat ang pag-asa—baka, sa kabila ng galit at pananakit, may natitira pang konsensya si Gregory.
Marahan siyang tumayo, pinunasan ang mga luha, inayos ang sarili, at huminga nang malalim. Pero ang mumunting pag-asa niya ay nawasak sa isang iglap.
Mula sa bahagyang nakabukas na bintana, kitang-kita niya ang pagbaba ni Gregory mula sa sasakyan—kasama ang isang babae.
Bata. Maputi. Nakasuot ng mamahaling itim na cocktail dress, at nakatawa pa habang nakasampa ang isang braso sa balikat ni Gregory, tila ba taglay niya ang buong mundo.
Hindi pa nakakakilos si Coleen nang biglang hilahin ni Gregory ang babae sa isang halik—puno ng alab, pagnanasa, at walang bahid ng pagsisisi. Isang halik na hindi man lang niya itinago sa harap ng sariling asawa.
Parang may sumabog sa loob ni Coleen. Parang hinugot ang kaluluwa niya sa katawan niya at iniwang hungkag.
Nanghina ang tuhod niya, ngunit pinilit niyang tumindig. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Hindi dapat makita ni Gregory kung gaano siya nasasaktan.
"I can't believe this," bulong niya sa sarili, halos walang boses. "You still have the audacity to bring another woman into our home?"
Hindi siya kumibo. Pinanood lang niya habang tinatawanan ni Gregory ang babae, habang kinikilos nito ang kamay sa baywang ng babaeng hindi naman niya pinakasalan.
Hindi na siya nakatiis.
Tahimik siyang lumayo mula sa bintana, umakyat ng hagdan, at nagtago sa anino ng hallway bago pa makapasok ang dalawa sa living room. Mula sa itaas, narinig niya ang tawa ng babae. Ang mga bulong. Ang tinig ni Gregory na tila ba tinutukso ito.
"You're too beautiful to resist," ani Gregory—mababa, punô ng pananabik.
Parang sinaksak ang puso ni Coleen.
Hindi na niya napigilan ang mga luhang unti-unting dumaloy. Hindi lang dahil sa ginawa ni Gregory—kundi dahil sa katotohanang mula’t sapul, hindi niya siya kailanman tinuring bilang asawa. Isa lang siyang kontrata. Isang gamit. Isang utang na binayaran ng katawan niya.
Kasabay ng paglapit ng mga yabag nila, marahan siyang umatras, pilit na pinipigilan ang bawat hikbi. Gusto niyang mawala. Gusto niyang hindi makita. Dahil sa bahay na ito, siya na mismo ang naging multo.
Tahimik siyang pumasok sa kanyang kwarto. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto, sinigurong walang tunog. Nang maisara niya ito, napasandal siya sa kahoy, saka tuluyang napaluhod sa sahig, yakap-yakap ang sarili.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal roon. Ang mga luha ay parang walang katapusan, bumabakas ng mapapait na alaala sa kanyang balat.
At sa labas—sa mismong bahay na dapat ay tahanan niya—naririnig niya ang mga yabag ng isang lalaking hindi siya minahal. Naririnig niya ang halakhak ng isang estrangherang tinanggap ng asawa niya, habang siya, ang legal, ang pinakasal, ay nakakulong sa katahimikan ng sariling silid.
Ang tinig ng babae. Ang ungol ni Gregory. Ang kalampag ng katotohanang kahit kailan ay hindi siya naging mahalaga.
Isinubsob niya ang mukha sa mga palad, pilit pinipigilan ang hikbi. Ngunit walang pader ang sapat para itago ang pagdurog ng pusong iniwan sa kadiliman.
Good evening po. I'm back. Pasensiya na kung ngayon lang nasundan ang kwentong ito. Hindi ko kasi mabuksan ang account na ito at ngayon lang na-retrieve. Huwag kalimutan mag-iwan ng mga komento, i-rate ang book at magbigay ng gem. Salamat po.
Mainit pa ang simoy ng araw pero malamig ang pakiramdam ni Coleen habang naglalakad sa sidewalk. Isang pa-simpleng tingin sa paligid, at wala naman siyang napansing kahina-hinala. Pero hindi niya alam na sa bawat hakbang niya, may mga matang matagal nang nakatutok.Paglampas niya sa isang tahimik na bahagi ng daan—biglang bumusina ang isang itim na van. Napalingon siya. Agad bumukas ang sliding door. Bago pa siya makatakbo, dalawang lalaki ang bumaba, mabilis, parang sanay na sanay sa ganitong galaw.“Miss, saglit lang—”Hindi na siya nakasigaw.Isang pares ng malalakas na braso ang humablot sa kanya mula sa likod. Isinakal ang isang tela sa bibig niya na may matapang na amoy—chloroform. Namilipit siya. Pumalag. Tinadyakan ang isa sa mga lalaki. But she was outnumbered. Outmatched."Bitawan n’yo ako!" sigaw niya, pilit na humihiyaw kahit inaapakan na ng isa ang binti niya."Put her in the van!" utos ng lalaking may tattoo sa leeg, si Marco—kanang kamay ng Valderrama Mafia boss.Nabuhat
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, si Jane lang ang naisip ni Coleen.Kaibigan. Kakampi. Isa sa mga iilang taong pinagkakatiwalaan niya sa mundong puno ng panlilinlang. Tinawagan niya ito habang nasa biyahe, halos hindi maipinta ang boses dahil sa pagod, galit, at sakit."Pwede ba akong tumuloy sa iyo kahit ilang araw lang?" mahina niyang tanong.“Of course, Coleen,” sagot ni Jane. “You can stay as long as you need. I’ll even help you find a job.”Bahagyang gumaan ang loob niya. Sa dami ng nawala sa kanya, may isa pa ring hindi nagbago—si Jane. Pagdating niya sa condo, nagmamadali siyang umakyat dala ang isang maliit na bag. Tulad ng dati, hindi na siya nag-abala pang kumatok. Jane never minded. Pero pagbukas ng pinto... doon tumigil ang mundo ni Coleen.Sa loob ng sala, doon mismo sa couch na madalas nilang tambayan noon habang nanonood ng cheesy romcoms, nakita niya ang eksena—isang tanawing parang mula sa bangungot. Sina James at Jane ay magkayakap. Magkadikit ang katawan. Nakapaton
Mainit pa ang pakiramdam ng balat ni Coleen nang idilat niya ang mga mata. Naramdaman pa rin niya ang lambot ng silk sheets sa ilalim niya—mamahalin, malambot, at banyaga.Nasa master’s bedroom siya ng isang penthouse unit. Malaki, tahimik, at... malamig.Pero ang pinaka-malamig sa lahat ay ang katotohanang mag-isa na lang siya.Humaplos siya sa bahagi ng kama kung saan dapat naroon si Gregory. Wala na roon ang init ng katawan nito. Wala ni isang bakas ng presensiya niya.Wala na si Gregory.Napaupo si Coleen, pilit binubuo ang alaala ng nangyari kagabi. Ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang ibigay niya rito ang sarili niya. Ang una. Ang tanging siya.Kagabi, hinayaan niyang mahulog. Hinayaan niyang tangayin siya ng init, ng damdamin, ng pag-asang baka... baka hindi siya tulad ni James. Baka iba si Gregory.Pero ngayon, parang sinampal siya ng katotohanang hindi pa rin natututo ang puso niya.Napatingin siya sa sahig, kung saan nakalatag ang puting kumot na parang iniwang alaala—g
Magsasalita pa sana si Coleen, ngunit biglang ibinaba ni Gregory ang suot niyang lace panty. Napalunok siya, nanlaki ang mga mata nang marahan siyang buhatin ng lalaki at paupuin sa malamig na marmol ng lababo.Walang pag-aalinlangan, ibinaba ni Gregory ang sariling pantalon habang itinatukod ang dalawang binti ni Coleen sa magkabilang balikat niya. The sudden shift made her breath hitch—caught between shock and arousal.“What the hell, Mr. Alvarez?” singhal ni James, halatang napuno na ang galit.Gregory’s gaze was icy. “Hindi mo ba nakikita? I’ll f*ck my wife. You’re our audience.”Napalingon si Coleen sa lalaking kaharap niya—nakakunot-noo, namumutla. Ngunit mas lalong kinabahan siya sa susunod na bulong ni Gregory sa kanyang tainga.“Don’t worry. I won’t touch you… not really. Just act. Moan. Moan my name.”Hindi man niya maintindihan ang dahilan ng lahat, sumunod si Coleen. Nang maramdaman niya ang mainit na dulo ng pagkalalaki ni Gregory na dumampi sa balat niya, tila nagtaasan a
Napasinghap si Coleen, hindi na niya alam kung alin ang nangingibabaw sa dibdib niya—galit, kaba, o ang mas malalim pang damdaming ayaw niyang pangalanan.“You’re insane,” mahina niyang bulong.“I’m serious,” ani Gregory, ang mga mata’y nagliliyab sa determinasyon. “I want to erase that memory from you. Replace it with one where you were wanted. Desired. Worshipped.”Umiling si Coleen, sinusubukang pigilan ang apoy na unti-unting lumalagablab sa dibdib niya. “That’s not going to fix me.”“No,” sagot ni Gregory, lumalapit, ang labi’y bahagyang humaplos sa kanyang tainga. “But it will remind you that you’re still whole. That you still have power. That you’re not a victim of his choices.”“Gregory…” usal niya.“You’re not his shadow, Coleen,” patuloy nito, ang mga daliri’y marahang dumudulas sa braso niya. “You’re not his leftover. You’re fire. And he should’ve burned for you.”Napapikit siya. The way he looked at her—it wasn’t just lust. It was a vow. A challenge.“Let’s go,” bulong nito
"Stay close,” bulong ni Gregory habang mariing hinawakan ang kamay ni Coleen.Hindi siya sumagot. Sa panlabas ay kalmado ang kilos niya, ngunit sa loob, tila may unos na sumisigaw sa kanyang dibdib. Hindi pa rin siya makabawi mula sa halik na iyon—ang halik na ginawa sa gitna ng party, sa harap ni James, na parang pagmamarka ni Gregory sa kanya.At ngayon, magkasabay silang lumalakad patungo sa isang grupo ng mga taong mukhang may-ari ng mundo.Matataas ang mga kilay. Matatalim ang mga mata. Kahit walang sinasabi, ramdam ni Coleen ang mga tingin—ang pagtitimbang, ang pagtatasa. Parang sinasala ang pagkatao niya sa bawat yapak niya sa loob ng ballroom.At siya? Siya ang asawa ni Gregory.Gregory Alvarez—the man everyone respected, feared, and followed.Huminto sila malapit sa vintage wine station, kung saan naroon ang isang grupo ng mga prominenteng negosyante. Agad lumapit ang isang lalaki kay Gregory at masiglang tinapik ito sa balikat.“Greg!” masiglang bati ng lalaki, may mayamang t