Share

Four

“We’re here.” Tinitigan ko ang malaking bahay na nasa gilid ko. What was I doing here? I didn’t even know why I let him take me here! Hindi ko man lang siya pinigilan o kaya tinanong ng kung ano-ano. Hinayaan ko lang siya mag-drive!

At saka bakit nga ba ako sumakay sa kotse niya? Eh, hindi nga yata kami close nito. Nagkakausap lang kami kapag nasa klase o nasa school. ‘Yon lang, close na ba kami noon?

“Anong ginagawa natin dito?” I asked, confused.

“I told you, you’re meeting my family.” Bakit ko nga kikitain? Para saan, Arthielo?

“Bakit?” He shrugged and left me to open my door. Lito pa rin akong lumabas sa kotse at muling pinagmasdan ang malaking bahay sa harap ko. “Let’s go?” I stared at him with my forehead frowned. Teka lang! Hindi pa nagsisink-in lahat sa akin.

When we stepped in their house, we were welcomed by Art’s mom. Binigyan nito ako ng ngiti pero halata sa mata niya ang lito. “Mom, this is Raeyshen. My.” His brows furrowed when he tried to introduce me to his mother. “The girl I like.”

Lumaki ang mata ko at muntikan nang masuntok sa braso si Art. Ano bang pinagsasabi nito? May problema yata talaga utak ng lalaking ‘to, eh! “The girl you like?” Her mom looked surprised. Same po!

“Yes, mom.” I bit the insides of my cheeks and tried my best to control my frustration. Ano bang ginagawa ko rito?

“Oh, hi dear!” I smiled at Art’s mom and accepted her brief hug. Pinanatili ko ang ngiti sa mukha ko noong kausapin ako ng mama ni Art. Marami iyong tanong katulad na lang kung ano’ng course ko at ilang taon na ako.

“I think the food’s prepared. Let’s go?” Tumango ako at sinundan ang mama ni Art. I stopped myself from walking when I heard Art laughing beside me. Sa inis ko ay sinuntok ko siya sa tiyan!

“Aray!” he reacted but kept his voice low. Tinignan niya ang mama niya bago ako nilakihan ng mata. Gago!

I kept a smile during the dinner I had with Art’s family. Natatakot at nahihiya pa ako sa daddy niya. Would you believe it? Naglakad lang ako pauwi, nakasama ko na sa dinner ang mayor ng lugar namin! Ang galing!

“So, you are courting Raeyshen, Art?” I drank a glass of water because of that question. Sumakay ka lang sa kotse, nagkagusto na bigla sa ‘yo ang anak ng mayor! Ang galing talaga!

“Yes, dad,” he answered with his serious voice. “Sadly.” Mas kumulo yata ang dugo ko sa sinabing iyon ni Art. Anong sadly?

“Kailan pa?” usisa pa muli ni Mr. Ramirez. “Hmm, months ago?” I gave Art a fake smile. Hindi pa siya sure roon, ha. Magsisinungaling ka na nga lang, hindi mo pa galingan.

“Sorry, I lost count.” I slightly rolled my eyes. Napakasinungaling mo, Arthielo!

“Do you like my son, Raeyshen?” I coughed at the question. Hindi ko nga po alam kung bakit ako nandito! ‘Yong may gusto pa kaya ako sa anak niyo?

“Uh, yes?” Ramdam ko ang pagsiko ni Art sa akin. Kung ikaw hindi sure, ako rin! Malakas na tumawa ang daddy ni Art. Bumuga ako ng hangin at bumalik sa pagkain.

“So, you are living with your Tita, right?” Gulat akong tumingin kay Mayor.

“Y-yes, mayor.” I got confused. “Paano niyo po nalaman?” Tinitigan niya ako at saglit na nagisip. “Hmm, well, I’m a mayor here kaya alam ko kung anong mga nangyayari sa pali-paligid.” Tumango ako nang maintindihan ang sinabi niya.

“Okay ka na ba ngayon?” tanong muli nito sa akin, “It must be hard to lose both of your parents.” Malungkot akong ngumiti pero sinubukang takpan iyon. “Mas okay na po ako ngayon. Mahirap noong una pero kinaya po.” He nodded and smiled at me.

The dinner with Art’s family ended good. Hinatid kami palabas ni Tita Luwisa at hindi pumasok sa bahay hangga’t hindi nakitang umandar ang kotse ni Art. Ihahatid niya sana ako sa mismong bahay namin pero sinabihan ko siyang dumaan muna roon sa playground malapit sa bahay namin. I wanted to ask him why he brought me to their family dinner.

“Is your dad pushing you to marry a girl or what?” Gulo kong tanong sa kaniya.

He chuckled and sat on the swing. “Guess.” My brows furrowed. Umupo ako sa katabing swing na inuupuan niya.

“Siguro ay ipapakasal ka sa babae na hindi mo naman kilala kaya dinala mo ako roon.” Siguro nga! Ganoon naman lagi ‘yon, ‘di ba?

“I think you’re watching too many dramas.” He laughed. Umirap ako at binalewala ang sinabi niya, “Ano nga?”

He shrugged before answering my question. “Trip ko lang.” Malakas kong sinuntok ang braso niya sa inis. Lahat nang iyon ay para roon lang! “Nakakainis ka!” Sabay kong sigaw sa huling suntok na binigay ko sa kaniya.

“Why would I marry someone I don’t know? Is this how women think?” I rolled my eyes again. Tumayo na lang ako at ginusto nang umuwi dahil nakakuha na ng sagot sa mga tanong. Naglakad lang ako pauwi dahil nga malapit lang iyong playground ng village namin sa bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay kumakain na sila Tita, nahiya tuloy ako dahil kumain na ako ng dinner kasama ang iba. “Oh, late ka ngayon? Marami ba ang trabaho?” tanong sa akin ni Tita.

“Medyo po.” Hinubad ko ang sapatos na suot. “Uh, Tita, kumain na po kasi ako. Hindi na po ako makakasabay sa inyo.”

“Gano’n? Sinong kasama mong kumain ng hapunan?”

“Si- sila Uryel po,” pagsisinungaling ko. Pinakawalan din ako ni Tita at hinayaang umakyat sa kwarto. Like the usual, I took a bath before sleeping. Nang magising kinabukasan ay nakahinga muli ako nang maluwag dahil hindi nagkaroon ng panaginip.

Umalis ako sa bahay namin ng alas-otso at dumating sa school na wala pa sila Uryel. Nagsayang na lang ako ng oras sa pagbabasa ng libro sa library dahil may tao pa sa classroom namin. Sa paglalakad papunta ng library ay nagtaka ako sa tingin sa akin ng mga tao.

I tried to remember what happened yesterday. Wala naman siguro akong ginawang eskandalo kahapon? Hindi naman ako lasing kaya tanda ko pa ang lahat ng ginawa ko kahapon. Mula umaga hanggang sa matulog ako.

“Dai, kaya pala hindi ka sumama sa mall. Nagdate kayo ng bebe mo,” he teased me.

“Kunyari pa ‘tong may trabaho!” Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi maintindihan ang sinasabi nila. Ano’ng pinagsasabi ng mga ‘to? “Si Art, ‘di ba! Bali-balita kayo na raw.” I scoffed at what he said. Anong kami na?

“Hindi! Saan niyo naman nalaman ‘yan, mga ugok!”

“Huwag ka na magkunyari riyan, dai! ‘Eto nga, oh!” Pinakita niya sa akin ang cellphone niya at nagulat ako nang makita ang picture namin ni Art sa playground ng village namin.

“Anong-“ Naputol ang pagsasalita ko dahil sa pag-upo ni Art sa harap ko.

“Good morning, Amore.” He smiled at me. Nalito ako nang magreact ang mga tao sa paligid namin. Then, I looked at Art who was innocently talking to my friends. Muli kong nilibot ang paningin ko at kumunot ang noo. Anong kalokohan na naman ‘to?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status