Share

Three

Pagod kong binagsak ang bag ko sa study table at mariin muling napapikit nang makita ang sarili sa salamin. Why did I assume too fast? Kakakilala niyo pa nga lang tapos ihahatid ka na sa bahay niyo! Bakit ba hindi ko iyon naisip? Bakit tuwing nasa harap ko siya ay natatameme lang ako at lahat ng isenyas o sabihin niya ay ginagawa ko?

“Nasaan si Yana, Eyshen?” Sumilip si Tita sa kwarto ko, halatang nagluluto at umakyat lang dito para tanungin iyon.

“May pupuntahan daw po sila noong mga kaibigan niya.”

“Ay diyos kong bata, mula noong mag-college, gala rito, gala roon na!” I bit my lip and stifled a laugh. Kaysheana was always spoiled by her parents. Swerte siya at buo ang pamilya niya at kaya niyang gawin ang kahit ano lang.

Her family was wealthy, I had to admit that. May kaya talaga sila. Ganoon din ang pamilya namin dati noong buhay pa ang magulang ko kaya naman hirap na hirap ako noon mag-adjust nang mawala sila. It felt like I lost everything. Hindi lang pamilya.

“Eyshen, kakain na!” Tinigil ko ang pagbabasa ng libro. Nang makababa ako ay si Tita lang ang naroon kaya in-assume kong hindi pa nauwi si Yana.

“Sa susunod ay huwag kang pumayag kapag sinabi ni Yana na may pupuntahan siya, ako ang nase-stress sa inyong dalawa!”

“Uh, magsisimula na po kasi ako sa trabaho ko bukas, Tita. Kaya hindi na po ako sasabay palagi kay Yana umuwi.” Gulat niya akong tinitigan.

“Ano’ng trabaho? Bakit ka magtatrabaho?”

“I need to earn some money for my future, Tita. Naisip ko pong lumipat kapag natapos ko ang pagaaral ko.”

“What’s the need, Eyshen? May naiwang pera ang mga magulang mo para sa ‘yo. At iyon ang ginagamit natin para sa pagaaral mo, ‘di ba?”

“Y-yes, pero hindi pa rin po iyon sapat para sa huling dalawang taon ko sa kolehiyo.” Tumingin siya sa akin bago ako binigyan ng maliit na ngiti. Tumango siya na nagpangiti sa akin.

Matapos ang tahimik na hapunan namin ay bumalik ako sa kwarto para maligo at matulog na nang maaga. Magbabasa na lang ako ng lesson namin bukas at matutulog na dahil maaga muli ang klase ko bukas.

Nakatulugan ko ang pagbabasa at nagising bago magalas-sais. I hurriedly took a bath and changed my clothes. Itinali ko pataas ang buhok ko at kumuha ng damit na pamalit para mamaya. I looked on my mirror and sighed when I realized that I didn’t have a dream earlier. Mabuti naman at nang wala akong isipin buong magdamag.

“Dai, hindi ko nga alam ang sagot! Sabihin mo na lang at naiinip na ‘ko rito.” Dinig ko kaagad ang boses ni Uryel pagkapasok sa room namin.

“Tanga ka! Kaya nga review. Ano? Ganiyan ang isasagot mo kay ma’am mamaya kapag hindi mo alam ang sagot?”

“Magandang umaga!” Ngumiti sila sa akin ngunit nalipat ang atensyon sa likod ko. Tumalon ang balikat ko sa gulat nang maramdaman ang hininga sa likod ng tainga ko. “Good morning, miss helpful.”

I bit my lip and gulped a huge amount of courage to look at him. His lips rose up when our eyes met. “Where’s my good morning?” he whispered making me tremble.

“G-good morning.” His face looked satisfied. Ngumuso siya bago ako nilagpasan at umupo sa upuan niya.

“Taray, may pa-good morning, dai.” Kinurot ako sa tagiliran ni Uryel at saka naglakad na parang walang nangyari.

I was consciously sitting there while listening to our professors who were teaching. Minsan ay sumusulyap ako kay Art nang patago at napapakagat sa labi tuwing makikita siyang seryosong nakikinig sa klase namin. In that moment, he looked different than before. He would always smile every time he saw me looking at him.

“Why? Do you need something?” he suddenly asked when he noticed I was staring again. “H-huh? Wala!” sagot ko kaagad.

He bit his lip and stared at me. “Perhaps, someone who’ll bring you home?” Napairap ako nang makita ang nanunukso niyang tingin. For a moment, I really thought he looked different. He was still the same! Gago pa rin!

Natapos ang sunod-sunod kong madugong klase noong magtanghali na. Kanina pa rin ako kinukulit nila Uryel na sumama raw sa kanila mag-mall pero lagi akong tumatanggi. Kung wala siguro akong trabaho ay sasama ako sa kanila kaso ay mayroon kaya wala akong magawa kundi tumanggi nang tumanggi.

“Nakakatampo ka na! Pang-ilang tanggi mo na ‘to sa amin.” Yumuko ako nang mahiya sa kanilang dalawa. “Pasensya na talaga. May trabaho kasi ako, babawi naman ako,” dahilan ko sa kanila.

“Siguraduhin mo lang! Kung ‘di.” Binitin ni Uryel ang sasabihin niya. “Magtatampo na talaga ako nang tuluyan.” I laughed at what he said. Duda ‘ko roon, hindi naman tampuhin ito si Uryel. Maintindihing kaibigan ‘yan si Uryel! Kaya nga masaya ako na siya ang klase ng kaibigan na mayroon ako.

“Sige na! Bye, enjoy!” Hinintay kong makaalis ang sinakyan nilang jeep bago dumiretso sa café na pagtatrabahuhan ko.

When I arrived there, the customers were a lot already. Kaya tuloy wala akong panahon para magpawili-wili at nagtrabaho kaagad. I served orders to the customers. Paminsan ay ako ang nagkaka-cashier o kaya’y pinaglilinis sa buong store.

Tumagal nang halos dalawang oras ang trabaho ako bago kinausap ng manager naming. Ipinaalam niya lang sa akin ang mga kailangan kong malaman tungkol sa aking trabaho. Pati na iyong oras at araw ng pasok ko. I was not a full-time worker there, so I didn’t need to work every day. Iyong mga araw na wala lang talaga akong pasok o ‘di kaya’y ‘yong may free time ako.

“Thank you po, ma’am.” Tumungo ako sa manager naming at matapos ay nagpalit ng damit pauwi. I checked my phone also when I saw a message from Uryel.

From: Uryel

Sayang, dai! Wala ka rito, nandito si Art!

Kumunot ang noo ko at nagtipa ng reply roon.

To: Uryel

Ano naman?

I waited for him to reply but I became impatient when minutes passed, and I didn’t receive any. Itinago ko na lang ang cellphone sa bag ko. Nagpaalam ako sa mga ka-trabaho bago lumabas ng store.

While walking, I narrowed my eyes when I saw a familiar man. Hindi ba’t nasa mall daw ‘to? “May hinihintay ka?” tanong ko kay Art.

“Hop in.” Binuksan niya ang pinto ng kotse. Sinigurado ko muna kung may iba ba siyang sinabihan noon. Ayaw ko nang magmukhang tanga rito, ano! “Rae, I said hop in.” Ngumuso ako at mabagal na pumasok sa kotse ni Art.

Pinanood ko siyang sumakay sa kotse. He quietly maneuvered the car while I typed a message on my phone.

To: Uryel

Sabi mo nasa mall si Art.

Katulad noong kanina ay wala ulit naging reply si Uryel sa message ko.

“Alam mo ba kung saan ang bahay ko?” I asked him when I noticed that he was driving in the wrong way.

“What do you mean?” Tinapunan niya ako ng tingin. “You’re meeting my family.” Bumuka ang bibig ko sa sinabi ni Art. What was he telling? Why would I meet his family? I was meeting his family?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status