Share

CHAPTER 48- FIRST SNELLENNS' AGENT

Narinig ko ang hikbi ng bata. Nagpumiglas siya sa pagkakakarga ni Ash sa kanya at pumasok sa nakabukas kong kwarto. Tumayo ako para sana sundan ang bata pero agad na nahila ako ng nyawa kaya bumagsak ako sa kandungan niya.

"Kakausapin ko lang..."

"Huwag na muna. Natural lang na reaksyon iyon ng bata. Unti-unti ay masasanay at matatanggap niya rin ang lahat." Napabuntonghininga na lang ako.

"Watawatawat!"

Bigla akong napatayo dahil sa gulat. Si Shane ang nagsalitang iyon.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong sa kanya ni Ash. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"Marunong naman pero hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako. Kapag ang pinto ay nakabukas ay hindi mo na kailangang katukin pa kasi nangangahulugan lamang iyon na bukas ito para sa lahat ng gustong pumasok."

Sinipat na naman nito ang kanyang bangs sa selpon na nasa kanang kamay.

"Sana all, bukas 'di ba? Sana ang kanyang puso ay tulad ng pinto ng flat ni Marciella Perrer. Laging bukas para sa gustong pumasok. Oh well,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status