Share

CHAPTER 5- ONE LAST STARRY NIGHT

Napabusangot ako sa sarili kong iniisip. Sakit sa bagang ng buhay kabit, ha? Ang hirap. Hindi ako mabubuhay nang matagal sa ganitong estado.

Oo na, Marciella, kabit lang tayo. Wag na tayong magmalinis, masakit 'diba? Gano'n talaga, truth hurts at isa pa ay desisyon mo rin naman ito.

"Gusto kita."

"Pero mahal mo siya, Ashmer. Ang galing, ano bang ipinaglalaban mo?"

Hindi naman siya umimik pero nanatiling nakayakap siya sa'kin.

"Gusto kong matulog dito ngayon, pwede ba?"

Nanlaki naman ang mata ko. "Baliw ka ba? Nandito si Percylla."

Napanguso siya at napakalas sa akin. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Paglabas ko ay sakto ding nagmamadali sa Percy sa pagpasok.

Naku! Buti na lang talaga!

"Mer, alis na pala ako ngayon, ha? Kailangan na ako sa FIS eh. Bye! Marci, alis na ako."

Mukhang nagmamadali talaga ito. Hindi pa nga ako nakapagutgon pa at papatayo pa lang din sana si Ash pero nasa pinto na si Percy at tuluyan ng nakaalis.

Naglakad naman siya papuntang pinto, nagkamali ako nang akalain kong lalabas na rin siya dahil ni-lock niya lang pala iyon. Napailing na lang ako, saktong nilingon niya ako.

"Bakit?" usisa niya pa.

"Wala," sagot ko. Lumapit siya sa'kin.

"Pwede na ba akong matulog dito?"

Napataas-kilay naman ako at napatitig sa kanya.

Para bang naawa ako sa hitsura niya na ngayon ko lang napansin. Parang pagod talaga at puyat. Busy kasi siya palagi, 24 hours naka-monitor sa camp at kailangan updated siya sa lahat ng misyon na nakatalagang gawin oras-oras.

"Matulog ka."

"SWM."

Nanlaki naman ang mata ko. Gags ba ang lalaking ito? Natawa lang siya sa naging reaction.

"It stands for Sleep With Me and not what you think it is," natatawa niyang saad.

Sorry naman. Eh, sa sex with me ang alam ko.

"Ah, okay. Sleep lang naman eh," tugon ko para 'di na mapahiya pa.

Ang pink kasi ng utak eh. Kasalanan ito ni Kenya! Kung ano-ano ang ikinukwento sa akin, zsss!

"Pwede naman din 'yong isa pang ibig sabihin kung gusto mo..."

"Let's sleep then," pamumutol ko pa sa kanyang sasabihin. Inirapan ko pa siya dahil nakangisi pa rin siya.

Nagpatiuna na ako sa kwarto ko at tahimik naman na sumunod siya.

"Wow, pink?" natatawa niya pang saad. Napairap ulit ako.

"What's the problem with pink?" mataray kong tanong.

"Wala naman, taray."

"Wala naman pala tsaka it's not that I love pink, color coding 'yan ng Clan natin. Kasalanan ko bang pink ang national color natin?" paliwanag ko na may halong pagrereklamo.

Naglakad-lakad naman siya na para bang sinusuri bawat sulok ng kwarto ko.

"I know, Ell, defensive?"

Hindi na ako umimik. Maya-maya ay sumampa na siya sa kama.

"Bango, smells like you."

"Duh? Baka kasi ako 'yong gumagamit."

"Taray mo na lang bigla-bigla, ah? Halika na rito."

Bahala ka diyan. Daot ka!

"Ell."

Tumalikod ako sa kanya at akmang lalabas ng kwarto pero biglang umangat ang paa ko. Napatili pa ako ng wala sa oras.

"Hey gags! Put me down!" asik ko pero 'di siya nakinig.

Pabagsak na inilapag niya ako sa bed at dinaganan pa ako ng nyawa. Akala mo ang gaan-gaan eh. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gags ka talaga," asik ko.

"Gags you too."

"Tigilan mo ako."

"Simulan na natin ang misyon," nakangisi niyang saad.

"Ayoko na palang umalis kasama ka."

"Eh di 'wag pero sa'yo ako at akin ka this night. Star gazing tayo mamaya sa garden," bulong niya sa akin.

Wala pa man ang star gazing na sinasabi niya, nakakakita na ako ng mga star. Haduf na 'yan! Ano bang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako?

"Hoy, naririnig mo ba ako?" Hinaplos niya pa ang pisngi ko. May kung anong dulot na naman iyon sa malandi kong sistema.

"Oo na po," malumanay kong saad para 'wag ng makulit pa.

"Matulog na tayo," sambit niya, hinalikan niya pa ako at pinaunan sa braso niya at pumikit na.

Pinakatitigan ko naman ang maamo niyang mukha. Ang gwapo talaga ng isang ito. Hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming may gusto sa kanya.

Imbes la mag isip pa ay ipinikit ko na rin ang mata ko kahit hindi naman talaga ako inaantok.

Hindi ko alam kung nasa tamang sitwasyon pa ako. Kung may karapatan ba akong magsaya, magselos, masaktan at malungkot kapag ang lalaking nasa tabi ko ngayon ang involve.

Bahala ka na lord. Kung anong plano mo ay siya nawa ang mangyari. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Basta isa lang ang alam ko, masaya ako sa piling ng lalaking ito.

Napakilos ako pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Zsss! Para namang tatakasan ko siya. Kahit tulog malandi pa rin, ah?

Sinikap kong makaangat lagpas sa ulohan niya. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya. Ang bango. Napadako ang tingin ko sa pinkish niyang lips.

Damn! Parang gusto ko siyang nakawan ng halik. Tulog naman siya, 'diba? Hindi naman yata niya malalaman.

Dumukwang ako para gawaran siya ng halik pero sa pagkabigla ko ay nahawakan niya agad ako sa batok at siniil ng halik ang labi ko.

Nyawa, Marci! Huli ka sa akto! Bwiset! Nakakahiya!

Ramdam ko ang init ng mukha ko. Nang maputol ang halikan namin ay inaasahan ko ng tutuksuhin niya ako pero 'di niya ginawa. Ni 'di nga siya nagmulat ng mata eh. Humigpit ulit ang yakap niya sa akin kaya niyakap ko na lang din siya.

Just until tonight, Percy. I'm sorry. Tomorrow, I'll try to avoid him, to forget him. I'll set him free.

I shut my eyes as sleep finally embraced me. I need some rest for what lies ahead.

I hope it won't rain, I hope the weather will be in our favor. I need the stars later. I just need to see them all, as if gazing at them fulfills my desire to love and be with Ash.

I understand it may not happen, but as long as there are stars... Whether it becomes reality or not, I'll still consider it a win.

Tuluyan akong nilamon ng antok. Nang magising naman ako ay tahimik lang pala akong pinagmamasdan ni Ash. Huling-huli ko talaga siya.

"Good evening," bati niya pa.

"Evening? Anong oras na ba?"

"7:15 p.m."

Napabalikwas naman ako ng bangon. Ngayon lang yata ako natulog ng hapon at ginabi na ng gising.

Well, katabi ko nga kasi pala siya.

"I'm sorry. Napasarap tulog ko. Kanina ka pa gising?"

"Mga six na rin 'yon, let's have a dinner first."

Tumango ako at tumayo na. Dire-diretso ako sa pinaka-main door ng flat ko at akmang pipihitin na ang door knob ng tumawa siya.

"What's funny, Ash?" angil ko pa.

"Dinner nga, 'diba?"

"Yeah, I know. Asan ba ang DH? Diba nasa labas?"

Lumapit naman siya sa'kin at parang pusang dumikit.

"Nakapagluto na po ako, hon," malambing niyang saad.

Okay na sana, kaso 'di ko nagustuhan 'yong huli niyang sinabi.

"I am not her," asik ko.

"I know. Bawal ka bang tawaging gano'?"

"Bawal, hindi ako siya."

"C'mon, Ell, iba ka, iba si Cylla. I know that. I just wanna call you hon so let me, please?"

"So, dalawa na kaming tatawagin mong ganun?"

"Narinig mo bang tinawag ko din siyang ganun?"

Nag-isip naman ako.

"Malay ko ba, pero oo... minsan?"

"Hmmm, yeah ,whenever you're around just to pissed you off."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Zsss! Now I know. Kaya pala may diin lagi 'yong pagtawag mo sa kanya ng gano'n. Sama."

Tumawa lang siya. Haduf talaga ang lalaking ito. Sarap ng isako.

"Let's eat," saad niya. "Or I'll eat you. Pili."

Uminit naman mukha ko dahil sa naalala ko ang pagkahuli sa akto niya sa akin kanina.

"E-ewan k-ko sayo!" Nautal pa ako, kainis talaga. Ngumiti lang siya at nakaakbay na iginiya ako sa Kitchen.

Tahimik lang kaming kumain pero may mga pagkakataong nagkakasalubong ang mga tingin namin at parehong napapangiti sa isa't-isa.

Damn! I love every moment that I am with him. How to stop this feeling? Bakit parang mas lalo lang akong nahuhulog sa lalaking ito?

After namin kumain ay umalis muna siya at ako naman ay naligo. Pinili ko ang paborito kong damit na galing pa rin sa kanya. I think birthday ko iyon ng ibigay niya sa akin ito. Marami siyang inireregalo sa akin na lingid sa kaalaman ng lahat. Actually, halos lahat ng ipinapampahay ko ay galing sa kanya.

Nang matapos ako ay lumabas ako ng flat at sakto ring pabalik na siya. Mukhang naligo rin siya. Ang bango talaga kahit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa'kin.

"Tara na," yaya ko. Nagpatiuna na ako habang bitbit ang hindi naman kakapalan na libro.

It's a copy of a tragic story of Romeo and Juliet written by William Shakespeare. Pinasadya ko talaga itong ipa-hardbound bago pa man ang kasal nina Kenya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sumabay sakin sa paglalakad. Binagalan ko ang lakad kesyohadong may makakita pa sa amin na agents, ayokong marating agad ang destinasyon namin dahil kapag nangyari iyon ay tuluyan na akong magpapaalam sa kanya, tuluyan ko na siyang papakawalan.

And that's it . This is it. Narating na namin ang garden. Nauna siyang maupo sa duyan.

"Have a seat," usal niya at tumingala sa kalangitan kagaya ng madalas naming gawin tuwing pinatatagpo ang landas namin dito.

Umupo naman ako sa tabi niya at inilapag ang libro sa tabi ko.

Mga ilang minuto rin siguro na wala ni isa man sa amin ang nagsalita. Pareho lang kaming nakatitig sa kalawakan.

It's really a starry night, indeed. Ang sarap sa feeling na kasama ko siya habang tinititigan ang nag kikislapang buwan.

Inihilig ko ang ulo sa balakit niya. Naramdaman ko naman na bahagya niya akong kinabig papalapit sa kanya at niyakap ang isang kamay sa bewang ko.

What a perfect night!

Let me rephrase it... What a perfect and last starry night with him. Bukas ay paniguradong mawawalan na ng ningning ang mga bituin ng mundo ko as I take and do my promise and that is to stay away from him.

"Ganda ng mga butuin oh, parang ikaw Ell."

"Meron din sigurong gwapong butuin, ano? Parang ikaw lang din."

"Ell?"

"Hmm?"

"I... D-dont wanna lose you."

Abot-abot naman ang kabang naramdaman ko. Wala akong narinig. Wala.

No, no, no! Stop, heart. Don't be fragile, please. Absolutely not. This is your last night with him, remember? You made a promise to yourself, Marci.

Kunwari ay natawa ako para lang pakalmahin at itaboy ang emosyong namumuo sa sistema ko at siyang makakapigil sa plano ko ngayon.

"Kidding me Ash? You have Percy now and then... Me? Bawal sa batas 'yon," may halong biro ko pero 'yong sakit sa katotohanang hindi kami pwede ay dumadaloy sa aking buong katawan.

Speak, Marci! Huwag mong hahayaang makapagsalita pa siya ng siyang magpapalambot ulit sa puso mo.

"See this?"

Inabot ko sa kanya ang libro at tinitigan niya naman iyong mabuti pagkuwa'y tumitig sa akin. Sinalubong ko iyon at sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang ib't-ibang emosyon na meron ang mga mata niya at ayokong kilalanin pa ang mga iyon. Ayokong tukuyin pa ang mga iyon.

"It's a Romeo and Juliet story. I know you already know about their story, and unfortunately, Ash, just like them..."

"Ell, stop."

I didn't back down. "But... we can't, Ashmer. Let's accept that. Like them, there's no forever for us. There is no fairytale waiting for us. If we defy destiny... we might just hurt ourselves even more."

"And what is the fate you're talking about? Ell, I love you, and I know you love me also..."

"I love you."

Shit! Tears suddenly welled up in my eyes. It was the very first time I cried in front of him.

That feeling when you've wanted to hear those words from him for so long, but when he finally said it, it hurt even more.

It hurt so much because... it turns out you both love each other but it just can't be. It can't be, and it's too late. Or even if it's not too late, we can't be together. Even if we are meant for each other, I have to rewrite the stars for Percylla's sake.

I stood up, and he did the same, but there was a gap between us.

"Why are you saying this now? Why now, Ash?" I said casually, trying to sound uninterested.

"Because you never listened to me. Every time I tried to confess my feelings for you, you always blocked me, always thought I was joking, but hell I was not, and I am not. You just forced me to choose her; don't ever forget that."

I shook my head as tears streamed down my face. He was doing the same.

"It's because you've said you love Percy, Ashmer. I remember how you told me that you loved my best friend, and it was damn painful! So how can I believe you, huh? Tell me, how?" I blamed him back even though I knew that all of this was the aftermath of my choices.

"Everything is changing, so are my feelings..."

"Change? Ha! I hate changes! And I hate the idea that I'm part of the change you're talking about the most. Starting tomorrow, let's not be as close as we used to be. Let's help each other move on."

"I don't..."

"Please?"

"No, Ell..."

"Goodnight. I have to go."

"Ell, I love you, please believe me."

I turned away from him completely.

I believe you, Ash, because I can feel that what you said is true. I love you, and I know you love me too.

Yes, I love you too, Ash. But this is our destiny. Not all those who love each other are granted by fate. If we insist, we might... we might just lose each other completely. I'm content now just to see you every day and for you to see me. I'll be content watching you from afar while you're with her.

In silence... I'll love you secretly. In that way, I won't hurt anyone else except myself.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status