Share

CHAPTER 4- CANNOT BE

[I can't help but respond to every motion of his lips.

It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.]

Napangiti ako nang matamis dahil sa ala-alang iyon. Tuwing sumasagi talaga iyon sa isip ko, kahit badtrip ako o kaya ay may ginagawa ako ay napapahinto ako at napapangiti.

Kanina ay hindi lang isang beses akong napuna nina Gab at Kenya, ang ganda daw ng mood ko na naman. Nahuli rin nila akong parang baliw na nakangiti. Zsss!

Crazy, Marciella. Crazy!

I can't help but reminisce about that moment with him. It naturally runs through my mind. It's as if I want to return to his flat and answer his question, "Should we do it?" with a 'yes.'

Aba, Marci, ah? Landi din 'te! Nyawa.

Parang may mga butuin akong nakikita sa kalangitan kahit tanghaling tapat. Ito na yata ang epekto ng halik ng haduf na Ash. Nanggigil ako sa kanya! Sarap niyang isako, bakit kasi 'di pa tinuloy?

Self-warning uli.

Napangiti na lang ako sa kahadufan ng utak ko. Bwiset.

"Hoy! Aba anong nginiti-ngiti mo diyan, ah?"

Halos mapatalon pa ako sa gulat. "Percy naman, nakakagulat ka, ha?" reklamo ko. Hindi ko man lang namalayan ang kanyang paglapit.

Tumawa lang siya at kagaya ng kanyang nakasanayan ay nasa flat ko na naman siya ngayon nakatambay. "Sorry naman, kumatok ako pero 'di ka sumagot. Hindi naman lock ang pinto mo kaya pumasok na ako."

Napailing na lang ako, kaya kung sino-sino sa kanila ang nakakapasok dito dahil makakalimutin ako pagdating sa pag-lock ng pinto.

Well, except kung ang kasama ko ay si Ashmer Guieco.

Napailing at napangiti na naman ako uli.

"Anong klaseng ngiti yan Marci, ha?" usisa pa uli nitong kasama ko.

Umiling ako. "Wala naman," tipid kong sagot. Bawal ipaalam at baka matuloy na ang world war III.

"Anong wala? Huwag ako, pwend. Napagdaanan ko' yan kay Ashmer, alam ko ang ganyang klaseng ngiti at pakiramdam. Now tell me, who's the lucky guy?"

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.

She's right, alam na alam niya ang pakiramdam dahil malamang sa malamang ay ganitong saya rin ang naramdaman niya noong naging sila, at ganitong klase ng ngiti rin ang pinapakawalan niya noon. Maging ngayon ay matamis pa rin ang ngiti niya.

And unfortunately, there's only one man who's the reason for our happiness and smiles. The guilt started to punish me again.

Kung alam niya lang na ang lalaking mahal niya ang siyang dahilan, baka isinumpa niya na ako. Baka galit na galit na siya sa akin bagay na ayaw kong mangyari.

"Uy, tinatanong kita, Marciella, ah?" nakangiting panunukso niya.

Ngiting noon pa man ay 'di mawala-wala sa bibig niya. Ni isang beses ay hindi ko pa siya nakitang nakabusangot na para bang pasan ang langit at lupa. Hindi ko pa siyanakitang umiyak dahil sa sobrang nalulungkot o nasasaktan. Ngiti lang ang palaging nakaplastada sa mukha niya.

No one desires to fade the glow of her smile, the distinct smile she possesses. We love her even more for her smile, capable of brightening the entire world.

I won't forgive myself if I'm the cause of her tears.

Pasimple akong suminghap at kunwari ay natawa. "Wala, naalala ko lang ang usapan namin ni Sir JB last friday."

Napataas-kilay naman siya. "Sir JB? Co-lecturer mo ba?" Bakas sa tono niya ang interest. Titig na titig din siya sa'kin. Pauulanan na naman ako nito ng tanong.

Naririnig ko sa kukuti ko ang lyrics na 'I'm sorry that I lied'.

Lord, marami na po akong kasalanan, mapapatawad mo pa kaya ako?

"Yes."

"Oh my god! Baka siya na ang Mr. Right mo. Nanliligaw ba sa'yo?"

Natawa naman ako. Advance talaga mag-isip ang babaeng ito eh.

Paano manliligaw eh di nga kami close masyado ng lalaking iyon. Malas ko lang at JB pa ang pangalan na sumagi sa isip ko.

Well, Marci simulan mo ng i'close si Sir JB.

"Ah, hindi pa naman," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Weh? Pa? So it means, hinihintay mo na lang? Ano ba account niyan sa socmed at ma-DM ko na bilisan na ang kilos."

Napangiwi naman ako habang hindi alam ang isasagot. Sa dami ba namang pwedeng maging alibi ay bakit nandamay pa ako ng taong inosente?

"Good afternoon."

Pareho kaming napalingon sa pinto at bumungad doon ang mukha ng lalaking nasa isip ko palagi at dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi.

Hindi ba siya napagod? Magdamag siyang tumatakbo sa isip ko, eh. Ang tanga niya naman kasi, dumaan na nga lang siya sa isip ko, nahulog pa siya sa puso ko. Sana naging unan na lang siya, para lagi ko siyang kasama sa pagtulog.

I know, I know ang corny. Zsss. Epekto na ito sa mga nababasa mong nobela Marciella.

"Good afternoon, boss ko," malambing na bati ni Percylla kay Ashmer.

"Good afternoon," tugon naman nito sa girlfriend niya. "Nandito ka rin pala, Cylla?"

"Ah, yes, kakarating ko lang from studio eh. Dito na muna ako dumiretso sa flat ni Marci dahil mas maaliwalas dito. Triple yata ang laki nito kaysa sa mga flat natin," natatawa namang saad ni Percy.

"Of course, mamatay ako kapag maliit lang ang lungga ko, 'no?"

I hate crowded places, and I'm not fond of tight spaces either, which is why I have the largest flat here. They all know the reason why. Gab and I are opposites; she gets bored with spacious areas. She's used to cramped spaces, so she has a smaller flat compared to others.

"Ano nga palang kailangan mo, boss?" usisa ko pa sa kaswal na tono.

Bakit siya nagawi rito? Sigurado ako na nakita niya naman si Percy bago siya pumasok, eh. Tumuloy pa talaga.

"Let's discuss our mission for tonight."

Mission? I wanted to ask that and raise an eyebrow, but then I suddenly remembered that I was the one who invited him yesterday.

"Mission?" usisa ni Percy. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. "Anong misyon 'yon?" ulit ni Percy.

Gusto kong mapasapo sa noo. Bakit kasi 'yon pa ang alibay niya? Eh sa hindi naman siya nasa field eh kasi boss siya. Alibi ba talaga o sinasadya niya lang bulabugin ang sistema ko ngayon.

Damn this jerk! Pahamak.

"Ano kasi Percy..."

"It's a confidential mission, Cylla," putol niya sa sasabihin ko sana. Bahala nga siya.

"Siya ang ni-recommend ng fad na sumama sa akin," dagdag niya.

Bilib din ako sa tibay ng loob ng isang ito, ah? Mukhang malulusutan niya nga si Percy.

Saglit naman na nag-isip si Percy at pagkuwa'y tumango at ngumiti. Nakahinga ako nang maluwag at pasimpleng napabuga.

"Okay. I understand. Well, may lakad din ako mamayang gabi, eh."

"Where?" sabay pa naming tanong. Nakakunot-noo siya habang ako ay napataas-kilay.

Saan na naman ang punta nito?

"Junior and Senior Prom ng FIS at ako ang kinuhang official photographer ng school. Hindi ko matanggihan, ang laki ng offer nila, sayang naman."

"How much?" Dabay na naman kami.

Napangiwi si Percy. "Why niyo naitanong?" conyo niyang tanong din.

"Ako na magbabayad."

Napakamot ako sa kilay ko habang siya ay sa batok kasi sabay na naman kami. Humagalpak ng tawa si Percy tsaka namewang.

"Yong totoo? Scripted ba ito at instructed ba kayong dalawa na dapat magsabay?"

"Hindi."

"No."

Mabuti naman kahit sabay kami at least magkaiba na ang salitang ginamit namin. Gaya-gaya talaga ang isang ito.

"Okay, fine pero hayaan niyo na akong pumunta roon. Passion ko naman 'yon eh, alam niyo 'yon, 'diba?" Matamis ang ngiting pinakawalan nito. Ngiting hindi mo matatanggihan o mahihindian ninuman.

Napabuntonghininga kami pareho.

"Fine, basta safe ka roon," aniya pa sa kay Percy. Ipinulupot naman ng isa ang kamay nito sa braso niya , umiwas na ako ng tingin.

Masasaktan lang ako. Napabuntonghininga ako ng pasimple.

"Safe ako doon, promise. Tsaka, I can fight naman if ever. Ako pa ba? Kaya kong makipaghabulan kay Tarzan."

Pareho silang natawa. Tahimik lang ako at kinuha ulit ang libro na binabasa ko bago pa lumipad ang imahinasyon ko kanina. Kunwaring nagbabasa ako.

"Good to hear that. Pasamahan kita gusto mo?"

"Ano ba? Huwag na, hon. Ito naman, oh. Anyway, mukhang kailangan niyo pang mag-usap ni Marci patungkol sa mission niyo mamaya kaya aalis na muna ako. God bless sa inyo and ingat din. Marci, labas na ako ah?"

"Hmmm," ni ko sabay ngiti at tango. Inihatid na lang namin ito ng tingin.

I'm sorry, Percy. Konting oras na lang naman din ang kailan ko. Hinding-hindi na ako makikita hati pa sa atensyon at pagmamahal ni Ashmer.

Napabuntonghininga ulit ako nang makalabas na si Percylla. Ramdam ko na ang titig ng haduf na Ashmer kahit 'di ko pa siya tingnan.

"Ell," untag niya sa akin. Blangkong ekspresyon ng mukha ang ibinigay ko sa kanya.

"Hmmm?"

Umupo siya sa tabi ko, paharap sa'kin at isinampa niya pa ang isang paa sa sofa at pinakatitigan ako.

"You're just distracting me and ruining my mood, Ashmer," asik ko. Bahagya pa siyang napanguso. Nakita ko lang iyon sa gilid ng mga mata ko.

"Pero kapag si 'Sir JB' ay hindi nasisira ang mood mo? Ngiting-ngiti ka dahil sa may naalala kang usapan ninyo? And oh, hindi pa naman siya nanliligaw sa'yo."

Natawa naman ako nang hindi ko sinasadya. Kabisadong-kabisado, ah? Di halatang nakinig siya sa usapan namin ng jowa niya.

Sumasakit panga ko sa lalaking ito, napaka-chismoso, parang ang Chairman Dailann lang na talagang tinanong sa'kin kung nakahanap na raw ba ako ng papakasalan ko dahil sabi raw ni Kenya ay ako na ang susunod,zsss!

Ayan pa 'yang pamahiin na 'yan! Nyawang Kenya! Ako pa ang napagtripan! Sana pala pumulos agad ako ng araw ng kasal nila para hindi ako ang ma-appoint na susunod na ikakasal.

"Tawang-tawa, ah? Narinig lang ang JB eh 'no?"

"Don't act like a jealous boyfriend Ash. Lalo akong nahuhulog sa'yo eh" biro ko pa pero alam niyo na, totoo naman iyon. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, natameme eh.

"Hindi ako nagseselos," bakabusangot niyang saad.

Natawa ulit ako at napailing. I know this man that much. Kahit naman walang kami at may girlfriend siya, alam ko kung kailan siya nagseselos at kailan naiinis lang talaga.

"Okay, sabi mo eh," kibit-balikat kong saad.

"Bawal kang magka+lovelife, 'diba?"

Hindi ako umimik. "Diba?" ulit niya.

"Oo na."

"Oh, eh bakit may balak ka yatang magpaligaw?"

Sinalubong ko na ang tingin niya at ibinaba na ang libro.

"Well, well, well, balak pa lang."

"Sabing hindi ka pwedeng magka-lovelife, 'diba?"

"Pero 'di naman bawal magpaligaw," pang-aasar ko sa kanya.

Gulo namin, 'diba? No... Ang gulo ng lalaking ito, 'diba? Salawahan talaga. Bakit ba pinapatulan ko pa ang kalandian nito?

Simply Marci, kasi malandi ka din naman. Pasimple nga lang.

Bawal ba sa batas 'yon? Bakit si Kenshane? Lantaran pa 'yon, tsaka si Kenya patago naman. Alam kung naglalandian na talaga sila ng chairman noon, nananahimik lang ako. Ayoko lang makialam since may reputasyon sila pareho na dapat ingatan.

Pero sila kasi ayos lang na landiin 'yong mga lalaking mahal nila dahil wala namang sabit.

"Bawal din, doon nagsisimula ang pagkakaroon ng love life."

Pinigilan kong panliitan siya ng mata. "Hindi nga bawal..."

Hindi ko na naituloy dahil nakabig niya na ako at hinalikan sa paraang gusto ko.

Gentle and slowly. Yong nararamdaman mo pa rin ang respito niya sayo. Nakakalasing, nakakawala ng stress sa katawan.

Napapikit ako hanggang sa mag hiwalay ang mga labi namin.

"Sabi ko nga bawal eh," nakangiti kong sambit.

"Good." Mas malapad ang ngiti niya.

Hindi niya ako hinayaang makawala, niyakap niya ako ng mahigpit.

"Miss na miss mo ako?" Pang-aalaska ko pa sa kanya.

"Super... As always."

Wew! May mga stars sa kisame ah? Haduf na yan.

"Bolahin mo pa ako, para namang wala kang girlfriend."

Para namang 'di mo rin alam na may kasintahan siya, Marci, ah? Hanggang kailan ba kayo magiging ganito? Hindi pwedeng maging kabit ka, hinding-hindi, Marciella Perrer.

Aish! Hanggang kailan ko rin ba papaalalahanan ang sarili ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status