ログイン
Hindi pwedeng basta ka nalang pumasok sa kompanya, Julia!"anang half brother niyang si Jess na napatayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito. Halata sa mukha ng lalaki ang disgusto sa biglang pagsulpot ni Julia sa opisina nito para ihayag ang kagustuhan niyang makigulo sa kompanyang minana nito mula sa ama nila. Matapang na tinaasan niya ito ng kilay. " At bakit hindi? May karapatan din ako sa kompanya, pag aari ko ang thirty percent nito. At kung gusto kongagtrabaho dito, gagawin ko!"
" At ano naman ang alam mo sa pamamalakad ng isang insurance company? Ang pag manage ng hotel and restaurant ang forte mo." Kunot noo na muli itong umupo sa swivel chair nito. " Jess, hindi magiging successful ang Roadstead Hotel sa Cebu kung wala akong alam sa business management." Isang taon ang tanda ni Julia sa kapatid at bagaman illegitimate siyang anak, alam niyang mahal na mahal siya ng kanilang ama. Katunayan ay ang pagbibigay nito ng karapatan sa kanya sa lahat ng iniwan nitong ari-arian. Halos fifty- fifty ang hatian nila ng kapatid na lalong ikinagalit ni Jess at ng ina nito.
" Iyon na nga! Iniwan sa iyo ni Daddy ang Roadstead Hotel kung saan wala man lang akong parte, tapos gusto mo pang angkinin ang isang bagay na ako ang naghirap magpalakad simula nang magkasakit si Daddy!" May bahagyang pait na dumaan sa mga mata ng kapatid." Kung gusto mo ng share ng hotel, bibigyan kita. Pagbigyan mo lang akong magtrabaho sa LifePlan," ani Julia.
" You can have the hotel for all I care! Pero ang LifePlan Insurance ay akin simula pa nang ipinanganak Ako," mariing hayah ng half brother. " Bakit kailangang bigyan ka pa ng parte ni Daddy rito? At bakit kailangang tanggapin mo? Hindi pa ba sapat ang mga iniwan niya sayo at kailangan mo pang makihati sa isang bagay na hindi mo naman kailangan?" Hindi nito napigilan ang sarili na sumbatan siya. " Maawa ka sa mga anak ko. Magtira ka naman para sa mga pamangkin mo. O sadya bang napakaganid mo at lahat na lang, gusto mong angkinin?"
Nawalan ng kulay ang mukha ng dalaga sa mga akusasyon ng kapatid lalo at binanggit nito ang mga pamangkin niya. Pagiging ganid ba iyon? Gusto lang niyang mapalapit sa mga bagay na sumisimbolo sa ama niya. Isa na roon ang LifePlan Insurance na alam niyang pinagbuhusan ng pawis at dugo ni Jefferson de Riguera. Ni minsan ay hindi siya makatungtung doon dahil pinagbawalan siya ni Tita Elaine, ang Ina ni Jess. Namatay ang kanilang ama dahil sa cancer of the urinary bladder.
Magrarason pa sana siya sa kapatid nang pumasok sa opisina si Karen, asawa ni Jess at best friend niya. "Jess, Julia, nag aaway nanaman ba kayo?" sita ng babae. " Kahit nasa labas ako ay dinig na dinig ko ang mga boses ninyo. Ano ba kayo? Kamamatay lang ni Daddy, ah." Ang asawa mo ang pagsabihan mo, Karen, huwag ako. Uuwi muna ako. Kapag rational na uli ang utak ng kapatid ko ay saka na lang uli ako babalik." Tumayo na si Julia mula sa kinauupuan at humalik sa pisngi ng kaibigan.
" Hindi ko alam kung bakit kita naging kapatid. Wala man lang ugali nang daddy ang nananalaytay sayo," narinig niyang sabi ni Jess. "Well, sorry, bro. Whether you like it or not, Isa akong de Riguera. At hindi mo ako mapipigilan. Daddy's last will and testament said I could have the vice-presidency of this company anytime I want. " Bye. See you later." Kumaway siya sa dalawa bago lumabas ng opisina ng half brother. Naiiling si Jess habang palapit sa asawa. He gave her a kiss on the neck.
" Hindi ako makapaniwalang may kapatid akong katulad niya." aniya. " Jess, huwag mong kalimutang kaibigan ko siya at tiyahin ng mga anak natin." Tila na a amuse na niyakap siya nito. " Yun na nga! Hindi ko alam kung bakit magkaibigan pa rin kayo hanggang ngayon," himutok niya at hinaplos ang buhok ng asawa.
" That's not fair, sweetheart. Ang bait niya sa mga anak natin. Tayong dalawa ang mag aaway kung patuloy mo siyang mamasamain. Huwang mong kalimutan na kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo nagkalilala." Karen was smiling sweetly at unti unting nalusaw ang inis ng asawa. " Alam ko. I'm sorry. Kaya lang talagang unfair siya. Hindi mo ba alam, kinukuha niya ang ipapamana ko sa mga anak natin? Ano pa ang makukuha ng mga bata kung hahatian pa niya ako?"
Napatawa ito. "Jess, napakaliit pa ng mga bata para pag usapan ang mamanahin nila. There's just so much for the two of you. At kilala ko si Julia, hindi siya ganoon." Kumunot muli ang noo niya. " Nabubulagan ka lang dahil kaibigan mo siya. Simula maliit pa kami, kilala ko na siya. She was as scheming and bitchy as her mother. Sinira nilang dalawa ang buhay ng mommy ko. They made her life miserable. Hindi ko parin siya napapatawad sa ginawa nila kay mommy."
Iyon ang mga salitang narinig ni Julia nang bumalik siya para kunin sana ang naiwan niyang papeles sa opisina ng half brother. Dijig na dinig niya na tinawag ni Jess na bitchy sila ng kanyang Ina. Kanina ay nagdesisyon siya na huwag na magtrabaho sa insurance company. Pero ngayong narinig niya ang mga sinabi ni Jess, muling nagbago ang pasya niya.
Kung meron mang nasirang buhay, iyon ay ang sa nanay ko. Your mother is the bitchy one, Jess. Ginawa niyang impyerno ang buhay ng aking Ina! gigil na naisip niya.
Unang minahal ni Jefferson de Riguera ang nanay niyang si Augusta na sekretarya nito noon. Ngunit tumutol sa pag iibigan ng mga ito ang mga lolo niya sa panig ng ama kaya naipanganak si Julia na hindi kasal ang mga magulang. Pinilit ng pamilya ng ama na paglayuin ang parents niya at naikasal si Jefferson sa anak ng business partner nito, si Elaine. Si Jess ang naging bunga. Hindi naman kinalimutan ni Jefferson ang obligasyon sa kanya. Kahit ikinagalit ng legal na asawa nito, lantaran nitong kinilala si Julia bilang isang de Riguera.
Bitchy pala, katulad ng nanay ko. I'll show you just how bitchy I can be, little brother, aniya sa isip, pinatutungkulan ang kapatid.
Kahit na illegitimate child, lumaki si Julia na hindi salat sa karangyaan. Ibinibigay sa kanya ng ama ang lahat ng hilingin niya maliban lamang sa matagal na oras sa piling nito. Pinag aral siya nito sa paaralan na pinapasukan din ni Jess. Binigyan din siya ng private tutor at sariling yaya. She grew up confident and self-assured like other children born to rich families. Ganoon pa man, madalas ang pang aapi sa kanila ng asawa ng ama sa pamamagitan ng pag eeskandalo sa bahay na tinutuluyan nila ng kanyang Ina. Kaya naman natutu siyang lumaban at ipaglaban ang mga bagay na alam niyang dapat ay para sa kanila ng nanay niya.
Maliit pa siya ay hindi na sila magkasundo ni Jess, marahil dahil tinuruan ito ng ina na kamuhian siya. Kesyo mang aagaw sila ng pamilya, homewrecker at kung anu ano pang kasinungalingan. Kaya naman gusto niyang turuan ng leksyon ang kanyang magaling na kapatid.
"Congratulations, Miss de Riguera. Sana magustuhan mo ang pagtatrabaho dito," bati ng isa sa mga miyembro ng board kay Julia. Sa kabila ng pagtanggi ng kanyang kapatid, natuloy parin siya sa pag pasok sa LifePlan Insurance. Jess owned fifty percent of the shares, she had thirty and the remaining twenty percent was shared by the board members. Dane Julia de Riguera, VP for Strategic Marketing ang nakasulat sa pinto ng opisina niya. Baga man Wala siyang alam sa pamamalakad ng isang insurance company, sigurado siya na madali niya iyong matututunan.
Namataan niya si Robbie Siegfried Ilustre, EVP and chief financial officer ng kompanya. Matalik na kaibigan din ito ni Jess. Daig pa sa magkapatid ang turingan ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang opinyon nito sa pagdating niya sa kompanya. Pero kahit paano ay may ideya na siya dahil alam nitong namumuhi sa kanya ang half brother niya.
" Hi, Robbie! hindi mo ba ako babatiin?" aniya. Walang emosyon ang mukha nito nang harapin siya. "Akala ko ay kontento ka nang magbuhay reyna sa Cebu. Bakit nandito ka? Wala kana bang magawa doon?"
"Uhm..boring na kasi sa Cebu. Maayos naman at kumikita ang Roadstead Hotel kaya naisip kong maghanap ng ibang gagawin." May pakiramdam si Julia na inis din ang binata sa kanya, tulad ng best friend nito. Naiintindihan niya iyon. Kung anu ano siguro ang pinagsasabi ni Jess tungkol sa kanya. "It felt nice to be here. Ang tagal ko nang pinangarap na makatungtong dito. Maganda nga talaga dito. Sa palagay ko mag eenjoy ako."
Napailing ito. "Do you enjoy seeing your brother unhappy? Alam mong ayaw niyang nandito ka. Naghihinagpis pa naman siya sa pagkawala ng Tito Jeff." Bahagyang nasaktan ang dalaga sa halatang disgusto nito sa kanya pero hindi siya nagpahalata. "For your information, your Tito Jeff is also my father! Hindi lang ang kapatid ko ang naghihinagpis. Kaya ko nga gustong magtrabaho dito para maibsan ang pangungulila ko sa Daddy, pero---oh! Bakit ba ako nag eexplain? Hindi mo rin naman maiintindihan. Pero gusto kung malaman mo na...." Sasabihin sana niya na mali ang opinyon nito tungkol sa kanya. Pero hindi na niya itinuloy iyon. Ayaw niyang ipakita kay Robbie na nasasaktan siya sa mga akusasyon nito.
"Sana nga maging masaya ka sa desisyon mo, Miss de Riguera." Tumalikod na ito ng walang paalam. Tila kinukurot ang pusong pinanood na lang ng dalaga ang paglayo nito.
Julia had known Robbie since she was twelve. Sa katunayan, crush na niya ito noon pa man. Anak ito ng isang business partner ng kanyang ama at madalas isama sa bahay nina Jess. Siya naman, sa kabila ng pagtutol ni Elaine, palagi sin siyang dinadala ni Jefferson sa bahay ng pamilya nito. Kaya madalas niyang makita si Robbie. Cute na ito noon pa man pero may pagkasuplado na talaga. Kahit naman noon ay maloko na ang kapatid niya. Madalas siya nitong asarin. Nang minsang agawin nito ang iniinom niyang milk shake, napikon siya kaya sinuntok niya ito sa sikmura. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya at mula noon ay tila ilag na rin ito sa kanya. Ni hindi man lang nito tinanung kung bakit niya sinuntok si Jess. Basta hinusgahan nalang siya nito.
Iisa lang ang eskwelahan na pinapasukan nila noon at dahil alam na magkaiba sila ng nanay ni Jess ay sinimulan na rin siyang tuksuin ng mga kaklase. Minsan mas lumala pa, may lantarang tumatawag sa kanya na bastarda. Umiiyak siyang nagsumbong sa ina. Sinabihan lang siya ni Augusta na huwag na pansinin ang mga kaklase. Kung hindi na niya matagalan ang pang iinsulto ng mga ito, maaari naman siyang magpalipat ng paaralan. Ipagpatuloy na lamang niya ang pag aaral sa eskuwelahang iyon dahil alam niyang hindi siya papayagan ng ama na lumipat ng paaralan. Natuyo siyang lumaban kapag inaapi ng mga kaklase.
Totoong naging mabuting ama si Jefferson sa kanya, ngunit hindi na nito ipinagpatuloy ang relasyon sa kanyang ina. Si Augusta naman ay nabuhay sa sarili nitong mundo.Wala itong inasam kundi ang pagbabalik ng lalaking unang inibig. Ang buhay nitoy ginugol sa paghihintay kung kailan uuwi ang ama niya sa kanila hanggang sa puntong parang nawala na ito sa sarili. Namatay ang kanyang ina na hindi nakamit ang inaasam.
Julia vowed never to love like her mother. Maghahanap siya ng lalaking siya lang ang mamahalin at kayang ipaglaban ang pag ibig sa kanya. Pero sa malas ay kay Robbie pa siya nagkakaroon ng espesyal na damdamin. Si Robbie na katulad ng kapatid niya ay inis din sa kanya. Bitchy, scheming,and spoiled iyon ang impression nito sa kanya. She was nothing compared to his ever dearest Melissa. Si Melissa ang HRD manager ng kompanya. Ang nobya nito ay sweet, dainty and demure.
Kaya nagulat siya isang araw nang makasalubong sa elevator si Melissa. Kaakbay nito ang isang hindi niya nakikilalang empleyado nila. "Good evening, Miss de Riguera," sabay pang bati ng mga ito sa kanya. Wala sa sariling tumango lang si Julia. Shocked na sinundan niya ng tingin àng dalawa nang lumabas ang mga ito sa elevator. Si Melissa ay alam niyang girlfriend ni Robbie. Ilang beses naba nitong naisama ang babae kapag may okasyon sa bahay ng kapatid tulad ng binyagan at children's party sa bahay ni Jess? Bakit ngayon, mukhang may iba na yatang nobyo ang babae.
Poor Robbie, naiiling na nasabi niya sa isip. What happened to dainty, demure Melissa? Pero ang totoo ay natuwa siya sa isiping wala na ang dalawa.
Maraming tao sa bar ng Roadstead Hotel at kulanga ang workforce nila ngayong gabi. Dalawa sa may waiter nila ay may sakit kaya kailangang tumulong ni Julia. Marunong naman siyang mag mix ng mga alcoholic beverages. Iyon ang ginagawa niya ngayon sa katuwaan na rin ng iba niyang staff. Hindi marahil inakala ng mga ito na ang amo nila ay marunong magbarista. Nag eenjoy talaga siya ng gabing iyon. She felt like an ordinary employee, without the responsibility of running a hotel.She wore a simple spaghetti strapped black dress. Hindi pa masyadong malaki ang tiyan niya, pero dahil clingy ang tela ay halata na ang kanyang kalagayan. "Sigurado ka bang hindi makakasama sa iyo ang ginagawa mo ngayon? Nag aalalang tanong ni John na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya."Of course not. Nakaupo lang naman ako. I swear pagdating ng alas nueve, magpapahinga na ako. Don't worry, me and baby are enjoying ourselves," natatawang sabi niya.Nagkibit balikat na lang ito at iniwan si Julia sa bar
Kinabukasan, Biyernes ng umaga, dumeretso si Julia sa opisina ni Jess, dala dala ang sulat na ginawa niya. Wala roon si Robbie dahil ayon sa sekretarya nito, may naka schedule itong meeting sa labas ng opisina. Ipinagpasalamat niya ang pagkakataong iyon. Bago ito makabalik, wala na siya sa LifePlan.Kumunot ang noo ng kapatid nang mabasa ang liham."Irrevocable resignation?""Di ba iyan ang hinihintay mo? Ayaw mo naman ako dito sa kompanya mo," biro ng dalaga na pinipilit maging masaya."Hindi totoo yan. You're worth all my vice presidents combined," anito."Salamat." Pinilit niyang ngumiti. "Nami-miss ko na ang Cebu, napapabayaan ko na ang hotel.""It's Robbie, right?" seryoso ang mukhang tanong nito.Hindi siya kumibo. "I'm sorry."Napatawa siya ng pagak. "Wala kang kasalanan, Jess. You've warned me. Hindi ako nakinig sayo." Parang maiiyak nanaman siya. Kinagat nalang niya ang pang ibabang labi."Julia...." Hinawakan nito ang kamay niya."No! Don't worry, this is for the better. Kay
"Brother, congratulate me!" Natutuwang balita ni Julia kay Jess pagkapasok niya sa opisina nito kinabukasan pagkagaling niya sa Baguio. Hinalikan niya ito sa pisngi pero sa halip na ngumiti ay nakakunot ang noo nito."Oh, bakit ka nakasimangot? Ginawa ko naman ang mga pinagagawa mo. Okay na ang branch nila.""But I didn't expect that you will immediately move in with Robbie the moment you get back!" asik nito.Nagulat siya. Ang bilis namang malaman ng kapatid ang balita. "I see nothing wrong about it. I'm old enough to do what I want.""I hope you know what you're doing!" matalim ang tingin nito sa kanya.She sighed. "Kung wala kanang sasabihin, babalik na ako sa opisina ko. Ang dami kong dapat tapusin.""Julia...." Napahinto siya sa paglalakad palabas ng office nito. "I'm sorry about Robbie treating you this way." Hinarap niya si Jess. Concern was clear in his eyes. "Thanks for caring. Kung kailangan ko ng advice mo, lalapitan kita." Hindi niya kailangan ang awa mula sa kapatid.Why
Bakit ganyan ang mga tingin mo sa akin?" sikmat ni Julia kay Karen nang mapansing tinititigan siya nito. Birthday ng pamangkin niyang si Kai at sabay sila ni Robbie na pumunta sa bahay ng kanyang kapatid. Kasalukuyang nasa magician ang atensyon ng mga bata at mga bisita."May inililihim ka sa akin. Hindi mo sinasabi ang tungkol sa inyo ni Robbie,"anito."Walang namamagitan sa amin, Karen.""Magkasabay kayong dumating sakay ng isang kotse. I saw the way you look at him and the way he can't keep his hands off you. Ang laki ng pagbabago sa inyong dalawa. Pero masaya ako para sa inyo." Ngumiti ito ng matamis."Walang kami. Gustuhin ko mang umamin, wala talaga," defensive na sabi niya."So, ano sa tingin mo ang nakikita ko sa inyo? Magkaibigan lang kayo?" Matiim ang tingin nito sa kanya. "Friends with benefits, ganun?" Iniiwas niya ang tingin sa hipag. Pinukol nito ng matalim na tingin si Robbie na noon ay hawak hawak si Kai. "Ang suwerte naman niya. Nagkaroon siya ng relasyon na walang co
Julia!" Niyuyugyog ni Robbie ang braso ng dalaga, ginigising siya. "Julia!""Uhm?" Pupungas pungas la siya."Anong ginagawa mo sa kama ko?""My God! How dare you ask me that!" Napabalikwas siya. Lahat ng antok niya ay nawala sa tanong ng lalaki."Hindi mo ba maalala ang nangyari kagabi?"Tinapik nito ang noo. "Lasing Ako.""So, lasing ka. Iyan ba ang excuse mo kaya hindi mo alam ang ginawa mo kagabi?"Tigagal na napatingin sa kanya ang binata, natutop nito ang noo. "My God, what have I done?""Iyan din ang tanong ko sa sarili ko kagabi," garalgal na sagot niya. Dali dali siyang bumangon at pumunta sa banyo na matatagpuan sa bedroom nito. Saka lang siya nakadama ng hiya. Ano nga ba itong ginawa ko? Bakit ko pinayagang mangyari ito? My first time and the guy didn't even know that we did it! Gusto niyang iuntog ang ulo sa dingding. What should have been beautiful and sacred turned into something sordid and shameful.Hindi siya makatingin kay Robbie nang lumabas niya sa banyo. "I'm going.
Paggising ni Julia ay kaagad nitong pinuntahan ang lalaki na noon ay tulog na tulog parin. " Rob! Rob! Wake up!""Uhm....bakit?" Iminulat nito ang isang mata pero nang makita siya ay mabilis na pumihit patalikod at muling pumikit. "Go away! Ang aga aga pa.""Pero alas nueve na."" So what? Eight pa ng gabi ang flight natin. Pwede tayong matulog maghapon." Hindi parin ito dumidilat." Pero sayang ang ipinunta natin dito kung matutulog lang tayo, come on, pasyal tayo. Ngayon lang ako nakapunta dito," hirit niya.Hindi ito sumagot. Nainis si Julia. Hinila niya ang kumot na nakatabing sa katawan ng lalaki. Napasigaw siya nang makitang nakahubot hubad ito. Mabilis siyang tumalikod sa pagkapahiya." Oh, my God! Get dressed!"Kaagad namang nawala ang antok ni Robbie sa ginawa ng dalaga at sa naging reaksiyon niya. Napatawa ito ng mahina. "Ang aga mo kasing nanggising, iyan tuloy...." Bumangon na ito mula sa kama." Ang sinabi ko magbihis ka, bastos!"Tumawa ito ng malakas. Kinuha nito mula s







