ログインNakangiting pinagmamasdan ni Julia sina Miguel at Kai na naglalaro sa malawak na hardin ng bahay ng kanyang kapatid. Ang dalawa ang mga anak nina Karen at Jess. Tuwing weekend ay nagpupunta siya sa bahay ng mga ito. Mahal na mahal niya ang mga pamangkin. Ito ang nagpapasaya sa buhay niya. Maraming beses na naiinggit siya sa mag asawa. Masarap siguro kapag mayroon na siyang sariling anak. Napabuntong hininga siya sa isiping iyon.
" Hey! Parang ang layo yata ng lipad ng utak mo ngayon. Ano bang iniisip mo?" anang hipag na nakalapit na pala sa kinauupuan niya. May dala itong tray na naglalaman ng dalawang baso ng juice at dalawang plato ng chocolate cake. Ipinatong nito iyon sa mesang bakal sa harap niya.
" Children. I was supposed to have five before I turn thirty. Twenty nine na ako ngayon, so far wala pa ako kahit isa." Nanlaki ang mga mata ni Karen. "Five! Ang dami naman! Sa amin nga ni Jess, okay na iyang dalawa lang."
" Gusto ko kasi ng maraming anak. Ang lungkot pag mag isa ka lang. Hindi ko naranasang magkaroon ng kapatid sa bahay." Lumungkot ang mukha nito. "I'm sorry, Julia. Gumawa ako ng paraan para magkalapit kayo pero matigas talaga ang looh nitong si Jess! Sometimes I wonder what I saw in him."
Napangiti si Julia. Of course, biro lang iyon. Alam niya kung gaano kamahal ni Karen ang asawa, and vice versa. "It's okay, you filled that position for him. You're the sisters that I never had. And those children over there, they are more than enough to make up for what I lack in life." Nagngitian silang magkaibigan.
"Siya, balik tayo sa usapang anak. Dumadrama na tayo eh, nakangiting sabi ni Karen." Hindi pa naman huli para magsimula kang bumuo ng limang anak. Pero mag asawa ka muna. Kumusta na yong nobyo mong Cebuano?"
" Alin dun?" Nagkatawanan sila. Marami siyang naging nobyo sa Cebu. But none of them came close to be considered as a husband material. Hindi niya alam kung bakit, pero wala sa kanila ang hinahanap ng puso niya. "Karen kailan pa naghiwalay sina Melissa at Robbie?" Maya maya ay naisipan niyang itanong.
" Matagal na. Mahigit isang taon na. Bakit?" Isinenyas nito sa kanya ang cake na inilagay nito sa kanyang harapan pero hindi naman niya ginagalaw. "Nakasalubong ko kasi si Melissa at parang boyfriend niya yata iyong kasama. Nagtaka lang ako kasi diba nobya ni Robbie si Melissa?" Sumubo siya ng cake para hindi nito mahalata ang ginagawa niyang pag uusisa.
" Ah, si Ray ang tinutukoy mo. Si Ray ang ating legal officer. Malapit nang magpakasal ang dalawang iyon," kaswal na kuwento nito. "Bakit sila naghiwalay ni Robbie?" Pinilit niyang huwag magmukang masyadong interesado dahil tiyak na tutuksuin siya nito.
" Parang tinatabangan na ang dalawa sa kanilang relasyon. Melissa felt that Robbie was not the dating boyfriend that he used to be. Na develop sina Melissa at Ray sa mga corporate seminars na sabay nilang dinadaluhan. Robbie didn't even lift a finger to prevent it from happening." tumawa si Julia. "Hah! Imagine Robbie getting dumped. Poor boy!" Napailing pa siya.
" Alam mo, sa palagay ko gusto naman niya iyon. Parang hindi na rin niya mahal si Melissa. Ni hindi nga niya dinamdam ang paghihiwalay nila," matter of factly na sabi ng kaibigan. Lalo tuloy siyang naintriga.
" Paano mo naman nasabi iyan?"
" Ano kaba? Best friend ni Jess ang lalaking iyon. Natural lang na malaman ko. Magkaibigan parin sina Melissa at Robbie. Parang iisipin mo na walang namagitan sa kanila." tinitigan siya nito.
"O, bakit?" Naasiwang tanong ni Julia.
" Crush mo siya, diba? Hanggang ngayon no?"
Kaibigan niya mula pa noong college si Karen. Wala silang itinatagong sekreto sa isat isa. Alam nito ang pagkakagusto niya sa binata noon.
" Dati, Oo. Pero hindi na ngayon. I outgrew it, thank God!" Pero hind naman niya maitago ang aggkatuwa sa balita ng higap. "Eh, bakit ang lawak ng ngiti mo? Parang tuwang tuwa ka na wala na sila ni Melissa," puna nito. Naligtas siya sa pagsagot ng kaibigan ng malakas na pagtawag ni Miguel sa mommy nito. Pinuntahan ni Karen ang anak.
Conscious na hinawakan ni Julia ang mukha. Malawak ba talaga ang pagkakangiti ko?
"Pinatatawag mo raw ako?" Tanong ni Julia kay Robbie pagkapasok sa conference room. As EVP and chief financial officer, boss niya ito. " Will you explain this?" Ipinakita nito sa kanya ang folder na naglalaman ng kanyang mga plano for strategic marketing.
"What is there to explain? Didn't you read it?" kunot noong tanong niya.
" My God, Julia, insurance ang pinapatakbo natin, hindi hotel," paalala nito." Pang hotel marketing ang plano mo."
" Bakit anong masama diyan? Call it by any other name but it's still marketing."
"Nagpapatawa kaba?" Tumingin ito sa kanya ng malalim na parang gusto niyang malusaw sa harap nito.
" Ikaw lang ang natatawa. For your information, I've discussed this with the sales agent and they are all very enthusiastic about it. Payag silang subukan lahat ng mga bago kung ideya."
" Pero wala pa tayong ginawang ganyan. Why don't you just stick to the tried and tested marketing strategies? Hindi iyong isusugal mo ang kita ng kompanya sa isang bagay na walang katiyakan." Parang permanente na ang pagkaka kunot ng noo ng binata. " I'm not contesting and tested formula. They've done well, fine! Ang akin lang, bakit hindi natin subukan ang mga bagong pamamaraan? Malay mo, mas tanggapin ng tao?" pangungumbinsi niya.
" At kung hindi?" hamon nito.
" At least, sinubukan natin."
" Ako parin ang nag aapproved ng lahat ng iyan, Julia. At ayaw ko!"
Nainis na si Julia sa rejection nito. "Look, wala kang magagawa! I own almost half of the company. Kahit pa immediate boss kita, tauhan parin kita. Hindi ko kailangan ng approval mo. If you will excuse me..." Tumalikod na siya. Wala rin namang patutunguhan ang usapan na iyon. Buo na ang desisyon niya. Kahit ang kapatid niya ay hindi siya mapipigilan. Nahawakan ng lalaki ang braso niya bago pa man siya nakalayo. Marahas na nilingon niya ito and met two beautiful but angry eyes.
" Ang kapatid mo ang presidente ng kompanya, pero ni minsan hindi niya ipinamukha sa amin na empleyado lang kami. Pero Ikaw, akala mo pag aari muna ang lahat ng ito. Don't you forget that I also have shares here and that entitles me to protect my interest!" Halos dumikit ang mukha nito sa kanyang mukha kaya kitang kita niya ang poot doon. Nakaramdam siya ng di maipaliwanga na takot. Kahit lagi silang nag aaway at halos murahin siya at saktan physically ng kapatid ay hindi siya nakadama ng ganoong takot. Pero sa lalaking ito...Sa pagkakahawak palang nito sa kanyang braso, pakiramdam niya ay mababalian na siya ng buto.
"Bitiwan mo ako, Robbie, nasasaktan ako!" Pinilit niyang tatagan ang kanyang tinig.
" Not until you apologize to what you've just said!"
" Okay, okay, I'm sorry!" exasperated na sabi niya.
Kaagad siyang binitiwan nito. Parang nawalan ng dugong dumadaloy ang braso niyang hinawakan nito.
" I hate you! You're not even a gentleman!" Hinimas niya ang brasong hinablot nito.
Tumawa ito. "You expect to be treated liked a lady, gayung ganyan ang ugali mo?" Umakyat ang dugo ni Julia sa ulo. Huli na bagi niya napag isipan ang dapat gawin. Sinampal niya ang binata. Siya namang pagpasok ng iba pang mga bise presidente sa conference room. May meeting ang mga ito with Robbie at dumaan lang muna siya roon para makausap ang binata. Kitang kita ng mga ito ang pagsampal na ginawa niya sa lalaki.
Kaagad niyang pinagsisihan ang nagawa, pagkakita sa namumulang mukha ni Robbie sa sobrang galit at pagkapahiya.
" I... I'm... I'm s-sorry." Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya. Akmang lalapitan siya ng binata ngunit dahil sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa kanya ay mabilis siyang lumabas ng silid.
"DANE JULIA!" Iyon ang tawag ni Jess sa kanya kapag galit na galit ito. Madilim nga ang mukha nito nang pumasok sa opisina niya.
" Oh, brother, to what do I owe this honor?" Nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.
" Balita sa buong opisina na simapal mo raw Ang chief financial officer Konsa harap ng mga bise presidente," angal nito.
Hindi siya sumagot. Nagkunwari siyang abala at itinutok ang mga mata sa papeles sa harap niya. Itinukod nito ang dalawang kamay sa mesa at dumukwang. " Ano ba ang pinaggagagawa mo? Hindi mo ba alam na pwede ka niyang kasuhan?" Naiinis na napatayo si Julia at sinalubong ang galit ng kapatid." Ano? Insubordination? Physical abuse? Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin kaya ko siya nasampal?"
" Maybe you provoked him to do it. Kilala ko siya, hindi niya gagawin iyon ng walang dahilan."
" Go ahead, kampihan mo siya! Bata pa lang tayo, magkakampi na kayo samantalang ako ang kapatid mo!" galit na tugon niya, may hinanakit sa tinig.
Nilapitan siya ni Jess. " I'm warning you, Julia. Huwag kang magkakamaling guluhin ang maayos na pamumuno ko rito. If you do, I will by all means remove you from my company."
" And how will you do that? The will said I could stay here," matapang na sagot niya. Hanggang ngayon ba kailangan parin niyang ipaglaban ang kanyang posisyon bilang anak ni Jefferson de Riguera?
Tumiim ang mga bagang nito. " Hindi ko papayagang sirain mo ang kompanya ko. I hold the presidency, I control the share and I have the blind loyalties of the board. Isang pitik lang sa botohan, matatanggal ka, sis."
Hindi siya natatakot sa kapatid pero alam niyang kaya nitong gawin ang sinasabi.
" Wala akong intensyong sirain ang kompanya, Jess. Itinayo ito ng sarili kung ama. How could you say that?"
" I'm warning you, Julia..."
" Tapos kana ba? Kung tapos kana, makakaalis kana. Sa susunod, alamin mo muna ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon. I may be your sister, but you have never treated me like one."
Namasa ang mga mata ni Julia dahil sa tinitimping emosyon. Hindi siya emosyonal na tao. Pero ngayon, hindi niya napigilang sumbatan ang kapatid. Natigilan ang lalaki, napaawang ang labi nito. Sa lahat ng maaring sabihin ng babae, iyon ang hindi niya inaasahan. Hindi pa niya nakitang umiyak si Julia minsan man. Kahit noong maulila ang dalaga sa ina at namatay ang ama nila. Nakilala ni Jess na matapang Ang m half sister niya kaya hindi siya handa sa reaksyon nito ngayon.
" I always wonder why you can't love me like a sister. Gusto kitang mahalin bilang kapatid, pero ayaw mo. Hindi mo ako tinatanggap. Hanggang ngayon nagtatanong parin ako kung bakit. Hindi ko naman kasalanang maging illegitimate na anak." Hindi na napigilan ni Julia nang tumulo ang luhang namuo sa kanyang mga mata.
Noon kapag nag aaway sila ng kapatid, nagpapanggap siyang matapang. Lahat ng sama ng loob niya kay Jess at sa ina nito ay inilalabas niya kapag walang tao na nakakakita sa kanya. Kapag siya nalang mag isa sa kwarto niya.
" Bakit hindi mo ako magawang mahalin? Bakit hindi mo ako matanggap bilang kapatid?" Patuloy niya.
" I....I don't know what your talking about." Iyon lang ang sinabi ng lalaki at lumabas na ito ng silid na iyon. Nanghihinang napaupo siya sa kanyang exclusive chair. Hindi naman siya nagpunta sa insurance company dahil ganid siya. Naroon siya dahil gusto niyang mapalapit sa mga alaala ng ama. Mahirap bang intindihin iyon? Pinahid niya ang mga luhang tumutulo sa mga pisngi niya.
Tumayo siya at dumuwang mula sa bintana. Nasa seventeenth floor ng gusali ang opisina niya. Kita niya ang view ng buong Maynila mula roon.
I will stay here, Papatunayan ko sa inyong karapat dapat ako sa kinalalagyan ko, mariing sabi niya sa isip.
Lumabas sa report na dumoble ang kita ng kompanya para sa buwan ng pebrero. Lumuwang ang ngiti ni Julia lalo na nang direkta siyang pinapurihan ng mga field directors. Swerte raw ang pagkakapasok niya sa kompanya. Natapus ang meeting na tuwang tuwa ang lahat na present sa conference room. They exceeded their sales target. That entitled the salesmen to a weekend get away bonus. It was part of the perks of the job. Tuwang tuwang nilapitan siya ng mga ito. Natutuwa si Julia na nirerespeto ng mga ito ang kakayahan niya. Kinilala rin siya bilang anak ng may ari. Hinayaan na siya nina Jess at Robbie sa mga plano niya. Alam niyang successful siya.
Hinintay niya na batiin siya ni Robbie pero wala siyang narinig dito ni isa mang salita. Ang batong ito, nagngingitngit niyang sabi sa sarili. Hindian lang ako batiin. I've done a good job. Kita naman niya na maalaga ito sa mga tauhan. Hindi ito matipid sa papuri sa mga empleyado maliban sa kanya.
Nang magsilabasan ang marketing staff sa conference room ay hindi siya kaagad umalis. Pero hindi siya tiningnan ni Robbie. He completely ignored her. Kailangang huminto ito. Hindi ako langaw sa dingding, naisip niya. Minabuti niyang siya na lang ang lumapit dito.
" Yes?" Hindi nakatiis ang lalaki nang nanatili siyang nakatingin dito.
" I'm waiting," she said sweetly.
Kumunot ang noo nito. " Waiting for what?"
" Aren't you supposed to congratulate me? Don't I get a congratulatory kiss from my boss?"
" Boss? Akala ko ba suwelduhan mo lang ako?"
Tumigas ang anyo nito.
" Hanggang ngayon ba hindi mo parin nakakalimutan ang sinabi ko? I apologized already and I recognized that you are clearly the boss in this department."
" Mabuti kung ganon. So ano pa ang kailangan mo?" supladong tanong nito.
" Why can't you admit that my ideas are good?"
" Okay, it's good. So, congratulations!" Mahina nitong isinara ang attache case. " For your information, even without your new ideas, the sales would still double. Produkto ito nang matagal na nilang pinaghirapan. Ang resulta ng isang bagong marketing strategy ay six months to one year pa bago malaman. As of today, your strategy is still waiting for approval on some company's desk. It might receive positive feedback, but no one is buying it yet."
Namula siya sa pagkapahiya. Totoo ang sinabi nito.
" So you wait for your day before you take someone else's accomplishment as your own." Tinalikuran na siya ni Robbie. Naiwan siyang mag isa sa conference room.
" Bakit ba ang sungit mo sa akin? Sayang lang ang crush ko sayo!" Sigaw niya sa nakasarang pinto. Alam niyang hindi na nito narinig iyon. Nasasaktan si Julia sa turing nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit tila napaka sensitive niya nitong nakakaraang mga araw. Dati, wala siyang pakialam sa mga tumatawag sa kanya ng bastarda at illegitimate. Matapang siya noon, kaya niyang alagaan ang sarili. Pero ngayon....she sighed. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya.
Maraming tao sa bar ng Roadstead Hotel at kulanga ang workforce nila ngayong gabi. Dalawa sa may waiter nila ay may sakit kaya kailangang tumulong ni Julia. Marunong naman siyang mag mix ng mga alcoholic beverages. Iyon ang ginagawa niya ngayon sa katuwaan na rin ng iba niyang staff. Hindi marahil inakala ng mga ito na ang amo nila ay marunong magbarista. Nag eenjoy talaga siya ng gabing iyon. She felt like an ordinary employee, without the responsibility of running a hotel.She wore a simple spaghetti strapped black dress. Hindi pa masyadong malaki ang tiyan niya, pero dahil clingy ang tela ay halata na ang kanyang kalagayan. "Sigurado ka bang hindi makakasama sa iyo ang ginagawa mo ngayon? Nag aalalang tanong ni John na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya."Of course not. Nakaupo lang naman ako. I swear pagdating ng alas nueve, magpapahinga na ako. Don't worry, me and baby are enjoying ourselves," natatawang sabi niya.Nagkibit balikat na lang ito at iniwan si Julia sa bar
Kinabukasan, Biyernes ng umaga, dumeretso si Julia sa opisina ni Jess, dala dala ang sulat na ginawa niya. Wala roon si Robbie dahil ayon sa sekretarya nito, may naka schedule itong meeting sa labas ng opisina. Ipinagpasalamat niya ang pagkakataong iyon. Bago ito makabalik, wala na siya sa LifePlan.Kumunot ang noo ng kapatid nang mabasa ang liham."Irrevocable resignation?""Di ba iyan ang hinihintay mo? Ayaw mo naman ako dito sa kompanya mo," biro ng dalaga na pinipilit maging masaya."Hindi totoo yan. You're worth all my vice presidents combined," anito."Salamat." Pinilit niyang ngumiti. "Nami-miss ko na ang Cebu, napapabayaan ko na ang hotel.""It's Robbie, right?" seryoso ang mukhang tanong nito.Hindi siya kumibo. "I'm sorry."Napatawa siya ng pagak. "Wala kang kasalanan, Jess. You've warned me. Hindi ako nakinig sayo." Parang maiiyak nanaman siya. Kinagat nalang niya ang pang ibabang labi."Julia...." Hinawakan nito ang kamay niya."No! Don't worry, this is for the better. Kay
"Brother, congratulate me!" Natutuwang balita ni Julia kay Jess pagkapasok niya sa opisina nito kinabukasan pagkagaling niya sa Baguio. Hinalikan niya ito sa pisngi pero sa halip na ngumiti ay nakakunot ang noo nito."Oh, bakit ka nakasimangot? Ginawa ko naman ang mga pinagagawa mo. Okay na ang branch nila.""But I didn't expect that you will immediately move in with Robbie the moment you get back!" asik nito.Nagulat siya. Ang bilis namang malaman ng kapatid ang balita. "I see nothing wrong about it. I'm old enough to do what I want.""I hope you know what you're doing!" matalim ang tingin nito sa kanya.She sighed. "Kung wala kanang sasabihin, babalik na ako sa opisina ko. Ang dami kong dapat tapusin.""Julia...." Napahinto siya sa paglalakad palabas ng office nito. "I'm sorry about Robbie treating you this way." Hinarap niya si Jess. Concern was clear in his eyes. "Thanks for caring. Kung kailangan ko ng advice mo, lalapitan kita." Hindi niya kailangan ang awa mula sa kapatid.Why
Bakit ganyan ang mga tingin mo sa akin?" sikmat ni Julia kay Karen nang mapansing tinititigan siya nito. Birthday ng pamangkin niyang si Kai at sabay sila ni Robbie na pumunta sa bahay ng kanyang kapatid. Kasalukuyang nasa magician ang atensyon ng mga bata at mga bisita."May inililihim ka sa akin. Hindi mo sinasabi ang tungkol sa inyo ni Robbie,"anito."Walang namamagitan sa amin, Karen.""Magkasabay kayong dumating sakay ng isang kotse. I saw the way you look at him and the way he can't keep his hands off you. Ang laki ng pagbabago sa inyong dalawa. Pero masaya ako para sa inyo." Ngumiti ito ng matamis."Walang kami. Gustuhin ko mang umamin, wala talaga," defensive na sabi niya."So, ano sa tingin mo ang nakikita ko sa inyo? Magkaibigan lang kayo?" Matiim ang tingin nito sa kanya. "Friends with benefits, ganun?" Iniiwas niya ang tingin sa hipag. Pinukol nito ng matalim na tingin si Robbie na noon ay hawak hawak si Kai. "Ang suwerte naman niya. Nagkaroon siya ng relasyon na walang co
Julia!" Niyuyugyog ni Robbie ang braso ng dalaga, ginigising siya. "Julia!""Uhm?" Pupungas pungas la siya."Anong ginagawa mo sa kama ko?""My God! How dare you ask me that!" Napabalikwas siya. Lahat ng antok niya ay nawala sa tanong ng lalaki."Hindi mo ba maalala ang nangyari kagabi?"Tinapik nito ang noo. "Lasing Ako.""So, lasing ka. Iyan ba ang excuse mo kaya hindi mo alam ang ginawa mo kagabi?"Tigagal na napatingin sa kanya ang binata, natutop nito ang noo. "My God, what have I done?""Iyan din ang tanong ko sa sarili ko kagabi," garalgal na sagot niya. Dali dali siyang bumangon at pumunta sa banyo na matatagpuan sa bedroom nito. Saka lang siya nakadama ng hiya. Ano nga ba itong ginawa ko? Bakit ko pinayagang mangyari ito? My first time and the guy didn't even know that we did it! Gusto niyang iuntog ang ulo sa dingding. What should have been beautiful and sacred turned into something sordid and shameful.Hindi siya makatingin kay Robbie nang lumabas niya sa banyo. "I'm going.
Paggising ni Julia ay kaagad nitong pinuntahan ang lalaki na noon ay tulog na tulog parin. " Rob! Rob! Wake up!""Uhm....bakit?" Iminulat nito ang isang mata pero nang makita siya ay mabilis na pumihit patalikod at muling pumikit. "Go away! Ang aga aga pa.""Pero alas nueve na."" So what? Eight pa ng gabi ang flight natin. Pwede tayong matulog maghapon." Hindi parin ito dumidilat." Pero sayang ang ipinunta natin dito kung matutulog lang tayo, come on, pasyal tayo. Ngayon lang ako nakapunta dito," hirit niya.Hindi ito sumagot. Nainis si Julia. Hinila niya ang kumot na nakatabing sa katawan ng lalaki. Napasigaw siya nang makitang nakahubot hubad ito. Mabilis siyang tumalikod sa pagkapahiya." Oh, my God! Get dressed!"Kaagad namang nawala ang antok ni Robbie sa ginawa ng dalaga at sa naging reaksiyon niya. Napatawa ito ng mahina. "Ang aga mo kasing nanggising, iyan tuloy...." Bumangon na ito mula sa kama." Ang sinabi ko magbihis ka, bastos!"Tumawa ito ng malakas. Kinuha nito mula s







