共有

Chapter 3

作者: She
last update 最終更新日: 2026-01-18 17:51:21

Nagpatawag ng meeting si Jess sa lahat ng opisyales ng kompanya. Namataan ni Julia na naroon din si Robbie sa conference room. Hindi na nga siya nito pinakikialaman sa trabaho, pero matabang parin ang pakikitungo nito sa kanya.

" We will be celebrating our twenty-fifth anniversary next month. This celebration is to honor the memory of my dad. The newly- acquired building in Filinvest where we would have our grand celebration will be named after him, JEFFERSON GENARO DE RIGUERA BUILDING."

Napahanga si Julia sa kapatid. In his executive suit and confident manner, Jess was every inch the company's president. So much like their dad. Proud na proud siya para dito.

" Okay na ba Ang lahat, Mr. Sison?" tanong nito sa chairman ng anniversary committee.

" Yes, Sir, everything is in order."

" That's great! Kasabay ng ating anibersaryo ay ang pagbubukas ng LifePlan Hongkong." Masigabong palakpakan ang bumati sa anunsyo nito.

" Pupunta ka ba sa Hongkong?" tanong ng isang EVP.

" I'm afraid not. Graduation ng anak ko sa prep. Ang kapatid ko at si Robbie ang ipapadala ko para dumalo sa opening doon."

Nagulat ang dalaga sa sinabi ni Jess. Hindi ang pagpapadala sa kanya sa Hongkong ang ikinagitla niya kundi ang pagbanggit nito sa salitang kapatid, bilang pagtukoy sa kanya sa harap ng board. He never acknowledge her as his sister in public before, ito ang unang pagkakataon. Tuwang tuwa siya.

" I appreciate all that you have done for this company," pagpapatuloy ng kapatid." This will be the best birthday present for my dad kung nabubuhay pa siya." Nang magtayuan na ang lahat ng opisyales, nagpaiwan siya.

" Jess, salamat sa....."

" Julia, I still want you to..."

Nagkasabay pa sa pagsasalita ang magkapatid. Nagtawanan sila.

" Ikaw muna," udyok nito.

" Jess, thank you, simpleng nasabi niya.

" Saan? Sa pagpapadala ko sa iyo sa Hongkong?" 

" Sa pagkilala mo sa akin bilang kapatid sa harap ng board. It mean so much to me. You can't know just how much I waited to hear that from you," nakangiting sabi niya, teary eyed.

" Naalala mo nang tinanong mo ako why can't I love you like a sister?" umpisa ng lalaki. "I realized I've been so mean to you. Hindi ako naging mabuting kapatid sayo. Napaka selfish ko. Sinisi kita sa lahat gayung wala ka namang kasalanan sa nangyari sa mga magulang natin. I'm very sorry. Gusto kung magsimula tayo muli. Sana maturuan mo ako kung paano ang maging Isang kapatid."

" Jess , I'm sorry, too. Alam kung lagi rin kitang binibigyan ng sakit ng ulo." Maluha luhang napayakap siya sa kapatid. Matagal niyang hinintay ang ganoong pagkakataon. Niyakap din siya ni Jess.

" Matutuwa ang Daddy. Kung nasaan man siya ngayon, alam ko nakikita niya tayo."

" Yes." They smiled meaningfully at each other nang kumalas sila sa pagkakayakap.

" Pero paano iyan, ayaw ni Robbie na makasama niya ako sa Hongkong?" nakalabi niyang sabi. Hindi niya malimutan ang reaksyon ng binata kanina sa inanunsyo ng kapatid.

Natawa si Jess. Kunwari ay sinuntok niya ito sa panga.

" Why? Will it bother you? It never bothered you before. Alam ko kaya mong alagaan ang sarili mo sis."

" Lagi akong inaaway nun. At kaya naman laging galit iyon sa akin eh dahil na rin sayo." Pinandilatan niya ito. 

" Ako, bakit?" turo nito sa sarili.

" Kasi kung ano anung kasinungalingan ang pinagsasabi mo sa kanya tungkol sa akin." Inirapan niya ang half brother.

Namula ito, mukhang guilty sa akusasyon niya.

" Pasensya kana, very loyal kasi sakin iyon.

Akala kasi nun inaapi mo ako lagi niya akong ipinagtatanggol sayo. Remember the time na sinuntok mo Ako?"

Tumango siya. " At hindi niya binago ang opinion niya sa akin simula noon. Salamat sa iyo.

" Sorry, gusto mo pumunta ako sa kanya at sabihing mali ang mga sinabi ko tungkol sayo?"

Umiling siya. "Huwag na. Hahayaan ko siya mismo ang makadiskibre na mali ang impression niya sa akin."

" Huwag kang mag alala ngayong bati na tayo, I'm sure magbabago narin ang pakikitungo sayo ni Robbie. Makikita niya kung gaano ka kasweet." Napangiwi ang dalaga. " Sweet? That's the last adjective he will use to describe me."

Sa AIRPORT pa lang ay nagkainisan na sina Julia at Robbie.

" Bakit ngayon ka lang? Malapit na ang boarding time natin," nakasimangot na kaagad nitong sumbat.

" Bakit? Kasalanan ko bang may aksidenteng nangyari sa daan? Besides, hindi pa umaalis ang eroplano. Magsintir ka diyan kung naiwan na tayo."

" At kung sakali mang hindi ka parin dumating ngayon, talagang iiwan kita!"

Hindi siya nagsalita, bagkus ay umirap siya sa binata. Napaka ungentleman talaga nito, napaka inconsiderate pa!

" Kung hindi ka lang kapatid ng presidente," halos pabulong nitong sabi, pero umabot pa rin sa pandinig niya. 

" Anong sinabi mo? Kung hindi ako kapatid ng presidente ay ano?"

" Wala," malamig na tugon nito.

" Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo! Sinasabi mo ba na nakapasok lang ako sa opisina ay dahil kapatid ako ng presidente?" Napalakas ang boses niya at pinagtitinginan na sila ng mga tao sa airport. Na conscious naman ang binata. " Wala akong sinasabing ganyan. Lower your voice. You're making a scene."

" Ganun ang ibig mong sabihin! Dapat pala nag insist ako na hindi na lang Ikaw ang makasama ko sa Hongkong." Inunahan na niya sa paglalakad ang kausap. Napilitan itong sumunod sa kanya.

" Julia, wait!"

" Ikaw din naman, ah, hindi mo ba naisip na kaya ikaw ang kanyang EVP ay dahil kaibigan ka niya?"

" Hindi totoo iyan. Pinaghirapan ko kung ano man ang posisyon ko ngayon."

Tama si Robbie. Magna cum laude ito sa pag graduate sa Business Administration Major in Economics at may masteral degree sa UP. Mas matalino pa nga ito kay Jess, nagkataon lang na ang kapatid niya ang anak ng may ari. Nagsimula rin ito sa mababang posisyon bago na promote. Pero kahit na, wala parin itong karapatan na akusahan siya.

Nakapasok na sila sa airport lounge. Nahuli ang flight na mag dadala sa kanila sa Hongkong. Dahil ayaw ng dalaga makatabi ang lalaki sa upuan, naglakad lakad muna siya, makalayo lang dito. Nabangga niya ang isang lalaking mukhang arabo. Inalalayan naman siya nito. " I'm sorry, Miss."

" No problem." Pero hindi kaagad umalis ang lalaki. Ni hindi nito inalis ang kamay na nakahawak sa braso niya. Nginitian pa siya nito.

" Are you okay?"

" Yes." Nakadama siya ng uneasiness sa pagkakangiti nito. Iniiwas niya ang braso rito.

" Are you traveling alone?" Sinabayan siya nito sa paglalakad. Makulit ang foreigner at wala yatang bàlak na iwan siyang mag isa. She wanted to tell him to leave her alone but good manners forbade her.

" No, I have company."

" Mamy name is Jamil. I always come to visit the Philippines for some business, but now I'm going back to my country. I hope to be back here soon. What's your name?"

" Julia." She did not want his attention. Gusto na niyang bumalik kay Robbie. Napaka presko ni Jamil para sa kanya.

" Julia? What a beautiful name, as beautiful as you. Are you traveling with a friend?"

" I'm with my fiance," pagsisinungaling niya.

" Fiance? Oh, too bad!"

" Sorry, I have to go." Iyon lang at nagmamadali nang tumalikod ang dalaga. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na siya sinundan nito. Nakita niya si Robbie na nakaupo parin sa pinag iwanan niya kanina, nagbabasa ito ng diyaryo. Halos pahangos siyang umupo sa tabi nito. Hindi naman siya pinansin ng lalaki, nagpatuloy ito sa pagbabasa. Nakita niyang tinatanaw parin siya ng arabo. Kailangan gumawa siya ng paraan para magmukha talaga silang magnobyo ni Robbie.

Yumuko siya at hinawakan ang paa. Nagkunwari siyang ngumiwi." Aray!"

Dagling binitiwan ni Robbie ang binabasang diyaryo, concerned na tumingin sa kanya. " Bakit?"

" Ewan ko. Bigla nalang sumakit ang paa ko. Napatid kasi ako kanina nung pumunta ako sa CR. Parang namamanhid ang paa ko.

"Let me see. Kung saan saan ka kasi nagpupunta," mahinang sumbat nito, pero naroon ang pagsuyo. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang kanyang paa. Tinanggal nito ang sapatos niya. Magaan na pinisil nito ang bukong bukong niya." Alin ba dito ang masakit, eto ba?"

" Ou iyan nga." Lalo niyang pinag igihan ang pagngiwi habang patuloy nitong minasahe ang paa niya.

" Maybe you sprained your ankle. Dadalhin kita sa clinic."

" Huwag na, okay lang ito."

" Are you sure? May pagdududang tanong nito.

" Yeah. Nakatulong ang pagmamasahe mo." sagot niya.

Nakadama siya ng muntung kiliti habang hawak ng binata ang paa niya. Dapat siguro lagi siyang umaarteng ganito. Dumating na ang eroplano nila. Inalalayan siya ng binata na tumayo. Tutungo na sila sa boarding gate.

" Kaya mo ba? O kakargahin na kita?" Muntik na niyang sabihin na hindi nga niya kaya. Expert her common sense prevailed. My God, ano ba ang iniisip niya? Magtigil ka nga Julia! pagalit niya sa sarili.

" Kaya ko na, thank you." Nagsimula na silang maglakad pero nang makita ang nakabanggang banyaga na matiim paring nakatingin sa kanya ay napahawak uli siya sa braso ng lalaki.

" O, bakit? Sinabi na kasing kakargahin na lang kita," anito.

" No,okay lang ako. Kailangan ko lang ng makakapitan." Ito na ang nagdala ng bag niya habang nakahawak siya rito. Nang nakasakay sila sa eroplano ay parang nalimutan na nila na magkaaway sila. Robbie actually made a fuss at her. He saw to it that she was comfortably seated, even asked the stewardess for a cold compress for her foot. Tigas siya sa katututol. Natawa naman ang stewardess sa kanila.

" Really, okay na ako. Hindi ko kailangan ng cold compress."

"Huwag ng matigas ang ulo mo. Hanggang dito ba naman nakikipag argumento ka parin?"

He looked so cross that she smiled. Guwapo parin kasi itong tingnan kahit nakasimangot sa kanya. Hindi na niya makiga ang banyaga kaya wala ng dahilan para umakto silang sweet. Pero hindi nalang din siya kumibo. Mabait din pala si Robbie, sobrang sweet pa. Kinikilig yata siya.

LIFEPLAN INSURANCE HONGKONG was formally inaugurated. Maraming ambassador, businessman, expatriates at opisyales ng gobyerno ang nagsidalo. May mga inimbita sila na sikat na pilipinong mang aawit. Bumaha ang pagkain at alak at napadami ang nainom ni Julia. Nasa limousine sila at pabalik na sa hotel na tinutuluyan nila. Sa kotse ay hindi na niya maimulat ang mga mata. Bagaman dinig parin niya si Robbie na nagkukwento, hindi na niya iyon masyadong maintindihan dahil sa sobrang antok.

" I think our first branch overseas will be successful. Did you see the overwhelming response of both the Filipino and Hongkong community?" Nang hindi sumagot ang dalaga, nilingon siya nito. "Hey, Julia, gising kapa ba?"

" Yeah. Pero antok na antok na ako. Hindi kuna maimulat ang mga mata ko, sorry."

Napailing nalang ang binata. Iinom inom hindi naman pala kaya. Lalo pa itong napailing ng sa balikat niya sumandal si Julia. Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha na himbing na himbing na. God but she's so beautiful and soft. Hindi niya mapigilan ang sariling haplusin ang mukha nito. Iginalaw ng babae ang ulo. Nagulat naman si Robbie. Akala niya ay nagising ito pero ibinagsak nito ang mukha sa kanyang kandungan.

"What the hell...!" Natigil ang kanyang paghinga nang sumadsad ang mukha nito sa itaas ng zipper ng pantalon niya. That excited him. Alumpihit siya na napangiti na lang sa sitwasyon nila. Inayos niya ang ulo ni Julia hanggang sa nakaunan ito sa lap niya. Tulog na tulog parin ito. Nagpasalamat siya at matutulog ito at hindi naramdaman na naapektuhan siya nito. Mas lumaki ang pasasalamat niya nang huminto na ang limousine sa tapat ng hotel na tinutuluyan nila. Kinarga niya ang natutulog na babae at dinala sa kuwarto nito na may connecting door patungo sa silid niya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A Love To Remember    Chapter 9

    Maraming tao sa bar ng Roadstead Hotel at kulanga ang workforce nila ngayong gabi. Dalawa sa may waiter nila ay may sakit kaya kailangang tumulong ni Julia. Marunong naman siyang mag mix ng mga alcoholic beverages. Iyon ang ginagawa niya ngayon sa katuwaan na rin ng iba niyang staff. Hindi marahil inakala ng mga ito na ang amo nila ay marunong magbarista. Nag eenjoy talaga siya ng gabing iyon. She felt like an ordinary employee, without the responsibility of running a hotel.She wore a simple spaghetti strapped black dress. Hindi pa masyadong malaki ang tiyan niya, pero dahil clingy ang tela ay halata na ang kanyang kalagayan. "Sigurado ka bang hindi makakasama sa iyo ang ginagawa mo ngayon? Nag aalalang tanong ni John na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya."Of course not. Nakaupo lang naman ako. I swear pagdating ng alas nueve, magpapahinga na ako. Don't worry, me and baby are enjoying ourselves," natatawang sabi niya.Nagkibit balikat na lang ito at iniwan si Julia sa bar

  • A Love To Remember    Chapter 8

    Kinabukasan, Biyernes ng umaga, dumeretso si Julia sa opisina ni Jess, dala dala ang sulat na ginawa niya. Wala roon si Robbie dahil ayon sa sekretarya nito, may naka schedule itong meeting sa labas ng opisina. Ipinagpasalamat niya ang pagkakataong iyon. Bago ito makabalik, wala na siya sa LifePlan.Kumunot ang noo ng kapatid nang mabasa ang liham."Irrevocable resignation?""Di ba iyan ang hinihintay mo? Ayaw mo naman ako dito sa kompanya mo," biro ng dalaga na pinipilit maging masaya."Hindi totoo yan. You're worth all my vice presidents combined," anito."Salamat." Pinilit niyang ngumiti. "Nami-miss ko na ang Cebu, napapabayaan ko na ang hotel.""It's Robbie, right?" seryoso ang mukhang tanong nito.Hindi siya kumibo. "I'm sorry."Napatawa siya ng pagak. "Wala kang kasalanan, Jess. You've warned me. Hindi ako nakinig sayo." Parang maiiyak nanaman siya. Kinagat nalang niya ang pang ibabang labi."Julia...." Hinawakan nito ang kamay niya."No! Don't worry, this is for the better. Kay

  • A Love To Remember    Chapter 7

    "Brother, congratulate me!" Natutuwang balita ni Julia kay Jess pagkapasok niya sa opisina nito kinabukasan pagkagaling niya sa Baguio. Hinalikan niya ito sa pisngi pero sa halip na ngumiti ay nakakunot ang noo nito."Oh, bakit ka nakasimangot? Ginawa ko naman ang mga pinagagawa mo. Okay na ang branch nila.""But I didn't expect that you will immediately move in with Robbie the moment you get back!" asik nito.Nagulat siya. Ang bilis namang malaman ng kapatid ang balita. "I see nothing wrong about it. I'm old enough to do what I want.""I hope you know what you're doing!" matalim ang tingin nito sa kanya.She sighed. "Kung wala kanang sasabihin, babalik na ako sa opisina ko. Ang dami kong dapat tapusin.""Julia...." Napahinto siya sa paglalakad palabas ng office nito. "I'm sorry about Robbie treating you this way." Hinarap niya si Jess. Concern was clear in his eyes. "Thanks for caring. Kung kailangan ko ng advice mo, lalapitan kita." Hindi niya kailangan ang awa mula sa kapatid.Why

  • A Love To Remember    Chapter 6

    Bakit ganyan ang mga tingin mo sa akin?" sikmat ni Julia kay Karen nang mapansing tinititigan siya nito. Birthday ng pamangkin niyang si Kai at sabay sila ni Robbie na pumunta sa bahay ng kanyang kapatid. Kasalukuyang nasa magician ang atensyon ng mga bata at mga bisita."May inililihim ka sa akin. Hindi mo sinasabi ang tungkol sa inyo ni Robbie,"anito."Walang namamagitan sa amin, Karen.""Magkasabay kayong dumating sakay ng isang kotse. I saw the way you look at him and the way he can't keep his hands off you. Ang laki ng pagbabago sa inyong dalawa. Pero masaya ako para sa inyo." Ngumiti ito ng matamis."Walang kami. Gustuhin ko mang umamin, wala talaga," defensive na sabi niya."So, ano sa tingin mo ang nakikita ko sa inyo? Magkaibigan lang kayo?" Matiim ang tingin nito sa kanya. "Friends with benefits, ganun?" Iniiwas niya ang tingin sa hipag. Pinukol nito ng matalim na tingin si Robbie na noon ay hawak hawak si Kai. "Ang suwerte naman niya. Nagkaroon siya ng relasyon na walang co

  • A Love To Remember    Chapter 5

    Julia!" Niyuyugyog ni Robbie ang braso ng dalaga, ginigising siya. "Julia!""Uhm?" Pupungas pungas la siya."Anong ginagawa mo sa kama ko?""My God! How dare you ask me that!" Napabalikwas siya. Lahat ng antok niya ay nawala sa tanong ng lalaki."Hindi mo ba maalala ang nangyari kagabi?"Tinapik nito ang noo. "Lasing Ako.""So, lasing ka. Iyan ba ang excuse mo kaya hindi mo alam ang ginawa mo kagabi?"Tigagal na napatingin sa kanya ang binata, natutop nito ang noo. "My God, what have I done?""Iyan din ang tanong ko sa sarili ko kagabi," garalgal na sagot niya. Dali dali siyang bumangon at pumunta sa banyo na matatagpuan sa bedroom nito. Saka lang siya nakadama ng hiya. Ano nga ba itong ginawa ko? Bakit ko pinayagang mangyari ito? My first time and the guy didn't even know that we did it! Gusto niyang iuntog ang ulo sa dingding. What should have been beautiful and sacred turned into something sordid and shameful.Hindi siya makatingin kay Robbie nang lumabas niya sa banyo. "I'm going.

  • A Love To Remember    Chapter 4

    Paggising ni Julia ay kaagad nitong pinuntahan ang lalaki na noon ay tulog na tulog parin. " Rob! Rob! Wake up!""Uhm....bakit?" Iminulat nito ang isang mata pero nang makita siya ay mabilis na pumihit patalikod at muling pumikit. "Go away! Ang aga aga pa.""Pero alas nueve na."" So what? Eight pa ng gabi ang flight natin. Pwede tayong matulog maghapon." Hindi parin ito dumidilat." Pero sayang ang ipinunta natin dito kung matutulog lang tayo, come on, pasyal tayo. Ngayon lang ako nakapunta dito," hirit niya.Hindi ito sumagot. Nainis si Julia. Hinila niya ang kumot na nakatabing sa katawan ng lalaki. Napasigaw siya nang makitang nakahubot hubad ito. Mabilis siyang tumalikod sa pagkapahiya." Oh, my God! Get dressed!"Kaagad namang nawala ang antok ni Robbie sa ginawa ng dalaga at sa naging reaksiyon niya. Napatawa ito ng mahina. "Ang aga mo kasing nanggising, iyan tuloy...." Bumangon na ito mula sa kama." Ang sinabi ko magbihis ka, bastos!"Tumawa ito ng malakas. Kinuha nito mula s

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status