แชร์

CHAPTER 3:

ผู้เขียน: ArtofPollyanna
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-27 13:34:57

ZOREIGN’S POV:

Kinabukasan ay mabilis na naligo ako at nagsuot ng usual get up ko kapag nag-aapply sa isang kumpanya.

Puting long sleeve na naka-tuck in sa itim na palda kong hanggang tuhod at may slit sa gilid ng hita ko. Saka kulay krema na doll shoes para makumpleto ang outfit ko.

Nag-apply lang ako ng pulbo, konting pink na blush on saka lip tint. Sinuklay ko ang itim, mahaba at straight kong buhok na hanggang sa baywang ko. Saka naglagay ng pulang fiona cologne.

Napangiti ako sa salamin.

“Ang ganda mo na, Zoreign. Kaya mo yan, ikaw pa ba?" saad ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang itim kong sling bag saka ang brown envelope na naglalaman ng resume ko.

Mabilis na naglalakad ako palabas ng bahay. Alas siyete pa lang ng umaga kaya malamang ay tulog pa ang mga prinsesa at prinsipe.

Sumakay ako ng tricycle dahil sa kabilang baranggay lang ang mansyon ni sir Caius Hawthorne.

"Saan ang lakad mo, miss beautiful?” tanong ni Darius ang binatang tricycle driver.

Matagal nang nagpapalipad hangin ito sa akin pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay.

“Sa mga Hawthorne." maikling saad ko.

“Huh? Bakit anong pakay mo sa kanila?" nagtatakang saad niya habang nagmamaneho ng sinasakyan kong tricycle.

"Secret walang clue.” saad ko.

Dahilan para mapakamot siya sa ulo.

Doon nakatira ang mga mayayaman dito sa amin. Isang exclusive subdivision kung saan isa siya sa mga nakatira.

Ang lalakeng isa sa pinakabatang bilyonaryo sa loob at labas ng bansa. Nanatiling misteryoso ang itsura niya sa lahat sa hindi malamang dahilan. Iniilagan din nila ito dahil marami ang sabi-sabi na kaya hindi nagpapakita ay dahil pangit siya at may ketong. May tsismis pa nga na isang halimaw daw ito kaya kinatatakutan ng sariling tauhan niya.

At higit sa lahat ay wala raw nagtatagal na mga kasambahay sa mansyon niya.

Kahit ano pa ang sabi-sabi, totoo man ‘yon o hindi ay mag-aapply pa rin ako. Sayang ang kita ang laki pa naman. Makakaipon na ako para makalayas sa bahay ng bruha kong tiyahin.

“Dito na lang. Magkano ang ibabayad ko?" tanong ko sa kanya.

“Libre ko na lang para sayo. Kung gusto mo ay hintayin na lang kita. Mahirap ang sasakyan dito sa exclusive subdivision nila." saad niya.

“Huwag na, ako nang bahala. Kaya ko ang sarili ko. Sigurado ka ba na libre na lang ang paghatid mo sa akin?" muling tanong ko.

“Oo. Sige mauna na ako ha." saad niya na para bang nalugi sa isang negosyo dahil sa pagtanggi ko.

“Salamat, ingat ka. Saka, pasensya na pero hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo. Nag-usap na tayo tungkol diyan diba?" seryosong saad ko.

“Oo na. Mauna na ako. Mag-iingat ka rin honey ay este Zoreign." saad niya.

Saka na nagmaneho paalis.

Napailing na lamang ako sa kalokohan niya.

“Sorry pero hindi gagana sa akin ang pagpapansin niya." pabulong na saad ko.

“Anong kailangan nila ma’am?" nakangiting saad ng guwardiya sa sakin dito sa guard house.

“Mag-aapply sana ako bilang maid sa mansyon ni sir Caius Hawthorne." saad ko.

“Saglit lang ma’am ha. Sabihan ko muna si Sir Hawthorne.” paliwanag niya saka may pinindot sa telepono.

"Good morning sir Hawthorne, may gustong mag-apply bilang maid niyo. Papasukin ko ba?” tanong niya sa kanyang boss.

"Anong pangalan mo raw?” tanong ng guwardiya sa akin.

"Pakisabi ako si Zoreign Dominguez, twenty-three years old. Taga barangay pulang rosas lang.” paliwanag ko.

Kaya yon ang sinabi niya sa kanyang boss saka ibinaba ang telepono at humarap siya sa akin.

"Pwede ka nang pumasok ma’am. May puting electric cart na maghahatid sayo papunta sa mansyon ni sir Hawthorne.” paliwanag ng guard.

“Okay, salamat po." nakangiting saad ko pagpasok ng gate.

Sumaludo naman siya bilang tugon at bumalik sa guard house.

Ilang saglit lang ay may dumating na puting electric cart at huminto sa harapan ko. May lalakeng naka-uniform ng itim na polo shirt, itim na slacks, naka itim na cap at itim na sapatos.

“Good morning po. Kayo ba si ms. Zoreign Dominguez?" paglilinaw niya sa akin habang nakangiti, bakas ang paghanga sa kanyang mga mata.

"Ako nga sir.” sagot ko.

"Naku! Huwag mo na akong tawaging sir. Jerrick na lang saka palagay ko ay hindi rin nagkakalayo ang edad natin.” nakangiting saad niya.

Gwapo rin naman siya pero hindi yung tipong mapapanganga ako dahil sa paghanga. Ewan ko ba pero hindi basta-basta napupukaw ng isang lalake ang atensyon ko.

"Gano'n ba?” sabay tawa ko ng peke pagsakay ko sa likod ng electric cart.

Saka na sya nagmaneho papuntang mansyon.

Makaraan ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa marangya at magandang mala-palasyo na tahanan ni mr. Caius Hawthorne.

“Nandito na tayo ms. Zoreign." anunsyo niya.

Saka ako bumaba at pinagmasdan ang kagandahan ng tahanan ng misteryosong bilyonaryo.

“Wow! ang ganda…Parang nasa isang fairy tale ako.” namamanghang saad ko.

"Tama ka, ganyan din ang nasabi ko noong una akong magtrabaho sa kanila bilang driver nila." saad niya saka ako binalingan.

Tumikhim ako para maputol ang paninitig niya sa akin. Hindi na kasi ako nagiging komportable.

“Ah, pwede na bang pumasok sa mansyon?" sabay ngiti ko ng peke.

“Oo naman, tara?" aya niya.

Kaya sabay kami na pumasok ng mansyon ni sir Caius.

Akala ko ay maganda na ang nasa labas. Mas may igaganda pa pala ang sa loob nito.

Abala ang mga kasambahay sa paglilinis ng buong kabahayan nang madatnan ko sila.

“Nasaan pala si sir Hawthorne?" saad ni Jerrick sa isa sa mga kasambahay.

Tumigil ang babae sa pagpapag ng alikabok gamit ang feather dust saka niya binalingan ang lalake.

“Nasa opisina niya, doon mo na raw padiretsuhin ang maid na magpapasa ng resume." saad niya saka muling bumalik sa ginagawa.

“Sige, salamat!" magiliw na saad ni Jerrick saka ako binalingan. “Tara sa opisina ni sir Hawthorne." aya niya sa akin

“Okay…” sagot ko. "Teka nga, bakit nga pala surname basis ang tawag niyo kay sir?”

Kuryosong tanong ko habang naglalakad kami sa hallway patungo sa opisina ng magiging amo ko.

Kasi kine-claim ko na matatanggap na ako.

"Gusto niya na tawagin namin siya sa apelyido niya,” paliwanag niya. "Saka alam mo ba? Iwasan mong makagawa ng mali dahil napaka strikto niya at masungit.” halos pabulong na saad niya sa akin.

"Gano'n ba? Ilang taon na ba siya at anong itsura niya?” tanong ko.

Sa totoo lang, kung masungit lang ang pag-uusapan ay baka talo pa niya ang bruha kong tiyahin.

Sanay na sanay na ako sa pagbubunganga niya kung alam lang ni Jerrick.

Kaya sisiw na lang sa akin si Sir sungit.

Napatawa ako sabay takip sa bibig ko dahil sa naisip. May nickname na agad siya sa akin.

“Hindi ko alam kung anong edad ni sir eh. Saka ikaw na ang bahalang manghusga kung gwapo ba siya o hindi." seryosong saad niya.

Kaya mas lalo akong kinain ng kuryosidad ko.

Sino ka nga ba talaga mr. Caius Hawthorne?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 28:

    ZOREIGN'S POV:Saka biglang humarang sa pagitan namin si sir Caius, na para bang nang-aasar.Dahilan para mapakunot-noo ako.“Bro, what’s wrong with you?” nakakunot-noong saad ni Xavier. Tila ba hindi na natutuwa sa pinanggagawa ng pinsan niya."Eh ba’t dito kasi kayo sa front door nag-uusap?” malamig na saad ni sir Caius.Pakiramdam ko ay parang may nabubuo na namang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang konti na lang ay magsusuntukan na sila.Humarang na ako sa pagitan nilang dalawa, saka hinawakan sa balikat si Xavier."Sige na Xavier, magkita na lang tayo next time. Baka hinahanap ka na rin nila sa inyo.” sabay tingin ko sa kanya ng makahulugan.Agad naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin sa pamamagitan ng tingin ko lang. Kaya tinanguan niya ako.“Sige alis na ako, Zoreign." seryosong saad niya.Dahilan para mapahinga ako ng maluwag.Hinarap ko si sir Caius. “Okay na ba sir? Siguro naman hindi ka na magrereklamo na haharang-harang kami sa daan. Kahit na napakalawak

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 27:

    ZOREIGN'S POV:“Anong ginawa mo kay Zoreign? Bakit na ospital siya?" seryosong saad ni Xavier.“What the hell are you talking about?" mahinang asik ni sir Caius.‘Yon ang unang bumungad sa pandinig ko saka unti-unting iminulat ang aking mga mata.Mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ako ni Xavier.“Kumusta ang pakiramdam mo, Zoreign? May masakit ba sayo?" bakas ang pag-aalala sa tinig niya.“Tubig…" ‘yon ang unang lumabas sa bibig ko.Pakiramdam ko ay natutuyot ang lalamunan ko.Saka niya kinuha ang isang baso sa may bed side table at pinuno ng tubig galing sa water dispenser.“Here, drink this." saka niya ako inalalayan na makaupo ng maayos.Tinanggap ko ang isang baso ng tubig at tinungga ito.Pagtingin ko sa paligid ay nasa private hospital pala ako, dahilan para mapakunot-noo ako."Ba't nandito ako? Sinong nagdala sa akin dito?” nagtatakang saad ko.Saka biglang sumingit sa pagitan naming dalawa ni Xavier si sir Caius.“I brought you here to the hospital yesterday ‘cause you pas

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 26:

    ZOREIGN'S POV:Umaga na naman at panibagong araw na na naman ang haharapin ko.Pero ang problema ay hindi ako makatayo ng maayos. Sobrang sakit ng buong katawan ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Nag-iinit ang mga mata ko at masakit din ang ulo ko.Babangon pa lang sana ako ay bigla akong napahiga ulit.“Aray! Kung sinuswerte ka nga naman oo! Tinrangkaso pa talaga ako at ngayon pa talaga!” naiinis na saad ko.Parang maiiyak na rin ako dahil pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hinahanap ko ang yakap ng ina ko sa panahon na nagkakasakit ako.Napaka sensitive talaga ng pakiramdam ko sa t’wing nagkakasakit ako at ayoko nang ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko masyado akong pabebe.“K-Kailangan kong magbanat-buto, sayang ang sahod. Konting pahinga lang ‘to at pwede na ulit akong magtrabaho.” halos pabulong na saad ko sa sarili.Umidlip muna ako ng konti at napabalikwas ako sa higaan ko nang makitang alas diyes na ng umaga sa aking cellphone.Paggising ko ay pinagpapawisan ako ng malapot at mai

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 25:

    ZOREIGN'S POV:“Ahhh…Caius!" paungol na saad ko sa pagitan ng halikan naming dalawa.Kaya mas pinag-igihan niya pa ang paghalik sa akin."Shit!” tila nahihirapang saad niya.Saka unti-unting bumaba ang halik niya sa aking panga, patungo sa leeg ko. Naramdaman ko na marahang sinipsip nito ang balat ko saka may kasamang konting pagkagat.Tila ba pinanggigilan niya ang balat ko."Ohhh…Ahhh…Caius…" tila maiiyak sa sarap na saad ko.Saka mas ipinaling ang leeg sa kabila para mas mabigyan ko siya ng access sa leeg ko.Ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa palapulsuhan ko kaya hindi ako gaanong makagalaw ng maayos.Tila nilalasing ako ng bawat hagod ng labi niya sa akin. Kaya hinahanap-hanap ito ng katawan ko.Ngunit bigla kaming napatigil sa aming ginagawa nang biglang may kumatok sa pinto.Kapwa kami napatingin doon saka nagkatinginan, na para bang sa pamamagitan lang nito ay nagkakaintindihan na kaming dalawa.“Sir Hawthorne? Tumatawag daw ang lola niyo sa inyo hindi mo sinasagot

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 24:

    ZOREIGN'S POV:“H-Huh? Anong kasalanan ko sayo sir?" tanong ko habang unti-unting umaatras palayo sa kanya.“Nakalimutan mo na nga talaga." malamig na saad niya.Saka siya naglakad papalapit sa akin, hanggang sa tuluyan nang malaglag sa sahig ang suot niyang pang-itaas na damit pantulog.Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa matikas niyang katawan at anim na pandesal sa kanyang tiyan.“Do you like the view?" sabay ngisi niya.“Ah, oo! Ang sarappp! Kanin na lang ang kulang at mabubusog ka na." saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa maganda niyang katawan.Tila ba nahipnotismo ako ng lalakeng nasa harapan ko.Nagulat na lamang ako nang naramdaman ko na pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko. Saka ako hinila papalapit sa katawan niya habang nakayuko sa akin. Malaki ang agwat ng height nito sa akin kahit na nasa 5’7" na ako. Siya naman ay nasa 6 footer."Oh really?” seryosong saad niya.Saka ako binuhat ng pa-bridal style kaya napasigaw ako.“Shhhh… Stop screaming, or they mi

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 23:

    ZOREIGN'S POV:Pinapili ako ni Xavier ng susuotin ko. Kaya ang napili ko ay isang maroon na crop top at high waisted jeans na pinaresan ng white snickers.“Ayos lang ba ang suot ko?" tanong ko sa kanya pagkalabas ng fitting room.“Woah! Bagay sayo, saka okay yan para maging komportable ka na kumilos," nakangiting saad niya. “Come on, let’s buy it so we can finally go to the racetrack.”Pagkatapos makapagbayad gamit ang kanyang credit card ay mabilis na nagtungo kami sa aming destinasyon.Makaraan ang kalahating minuto ay huminto ang sasakyan sa isang malawak na race track. May mga iba't-ibang sports car na nakaparada sa gilid habang nasa labas ang mga kababaihan at kalalakihan. Tila ba may importanteng tao na hinihintay.Pinagbuksan ako ng pinto ni Xavier kaya nagpasalamat ako saka lumabas ng sasakyan."A-Ang dami pa lang tao, paano kung pumasok na lang ulit kaya ako sa sasakyan?” biglang saad ko saka hinila ang siko niya. Bigla akong tinubuan ng hiya dahil paniguradong ang mga ito a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status