Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa amin kagabi ni Terrence. Yung halik niya, yung haplos at hinga niya sa balat ko. Lahat yon nakakapanindig balahibo. Sa lahat ng lalaking nakahawak sa katawan ko, sa kanya lang ako nakaranas ng ganon. Parang siya lang yung tumatak sa katawan ko. Parang hindi siya malimutan. Parang hinahanap-hanap ko pa. Napahinga ako ng malalim bago ako bumangon sa tabi ni Terrence. Inayos ko naman ang puting kumot na nakabalot sa katawan ko. Mahimbing ang tulog ni Terrence at hindi niya namalayan na wala na ako sa tabi niya. Ilang beses din ba naming ginawa iyon kagabi? Parang tatlong beses! Uminom kami pareho ng pills para mas ganahan at ginamit din niya sakin yung sex toy. Sobrang init ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Talagang hindi ko malimutan ang gabing yon.
Kinuha ko sa bedside table ang cellphone ko. Binuksan ko ang online bank account ko at nakitang may laman itong apat na milyong piso. Sinilip ko ulit si Terrence at ganun pa rin ang itsura niya, tulog na tulog. Siguradong siya ang naghulog ng dalawang milyon sakin dahil ika nga sa kanya kahapon, dodoblehin niya ang presyo ko. Nagkibit-balikat ako nang mapagtanto na hindi lang pala ako p****k dito, dahil base sa pagkakaalala ko, ipapakasal kami ng Lolo niya at kailangang mabuntis ako! Doon pa lang parang naisip ko, kakayanin ko bang pakisamahan si Terrence? Kahit na p****k ako, nangangarap pa rin naman akong may lalaki na tatrato sakin ng maganda, yung kahit na may pangit akong nakaraan, hindi niya iyon ipanlalaban sakin para iwanan ako. Yung tanggap ako ng buo. And I think, Terrence will not be that kind of man. Kailangan niya lang ako para maisalba siya sa yaman at iniingatan niyang pangalan. So dapat, ganun din ako… kailangan ko siya dahil sa pera niya at hindi na muli ako bumalik sa pagiging p****k.
IT’S BEEN 3 days nang huli naming pagkikita ni Terrence, ni hindi pa ako nakakauwi kila Momi. Siguradong nag-aalala na yon sakin. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw nila ako palabasin. Hindi raw pwede at lalo na kung wala si Terrence. Ni hindi ko rin mahawakan ang phone ko para makausap ang pamilya ko. Kasi for sure nag-aalala na yung mga yon. Buti na lang talaga at nakapag iwan ako kay Momi ng pera na pambili nila ng makakain. Pero siguradong hinahanap na ako ng mga kapatid ko.
Sa tatlong araw na nakakulong ako sa kwarto at sa buong mansyon, hindi ko maiwasang hindi mamangha at magtaka. Kahit saan kasi ako magpunta, may nakabuntot sakin na tatlong men in black at dalawang katulong. Kahit sa pag CR ko, nasa labas sila. Medyo nakakairita nga, para tuloy akong preso na binabantayan at baka makatakas. Hinayaan ko na lang din baka kasi inaakala nila na magnanakaw ako or worst, tatakasan ko ang kontrata namin. Wala pa naman akong pambayad kung mag breach ang contract!
Ngayon heto nasa kusina ako. Sa sobrang bored ko ay nagpasya akong matutong magluto. Umokay naman ang mayordoma at gusto rin ang nais ko. Pinagsuot nila ako ng black apron at may hairnet din na nasa ulo ko. Nakahilera naman ang limang katulong sa gilid at nagmamasid lamang sa ginagawa namin ng mayordoma.
“Since baguhan ka pa lang sa pagluluto, Lady Raisha…ang una kong ituturo sayong putahe ay sinigang na baboy. Since iyon din ang favorite food ni Young Master, iyon kasi ang madalas na iluto sa kanya ng kanyang yumaong Ina,” umpisa ng mayordoma at inayos ang mga ingredients na nasa lamesa.
Hindi ko naman magawang hindi mang-usisa. “If ever na kung okay lang ho, pwede ko bang malaman ang kinamatay ng Mommy at Daddy ni Terrence? Pero if hindi naman, okay lang ho, ang tsismosa ko talaga hehehe,” nahihiya kong sambit at inayos ang takas na buhok sa tainga ko. Napaubo naman ang mayordoma.
“Hindi dapat ako magsasabi nito sayo pero… namatay si Madam dahil sa may lumason sa kanya. Pinatay siya noong 8 years old pa lang si Young Master…” nangilabot ako sa narinig ko. “At ang Daddy naman niya, na-ambush after ng libing ni Madam.” Ibig sabihin ang bata pa lang ni Terrence nung namatay parents niya. So, tama nga ako, kulang siya sa aruga ng magulang kaya ganun kagaspang ang ugali niya. Pero rest in peace, soon-to-be-mother-and-father-in-law.
“Nahuli po ba yung mga pumatay?” Wala naman akong narinig na sagot mula sa mayordoma at tila parang pilit na sinesikreto ang pagkamatay ng mother ni Terrence.
Abala ako sa paghihiwa ng sibuyas at bawang nang makarinig kami ng putok ng baril. Nabitawan ko agad ang kutsilyo at dumaplis ito sa daliri ko. Maging ang mga kasambahay na nakahilera sa gilid ay mga napatalon sa gulat. Nagtatanong ang mga mata ko sa kanila pero tikom ang kanilang mga bibig. Ang mayordoma naman ay parang sanay na sanay sa ganitong eksena dahil hindi ko siya nakitaan ng gulat o reaksyon habang tinitikman ang sabaw ng isa pang nilulutong putahe.
“Medyo kulang pa ito sa alat at anghang, pwede ka pang maglagay dito ng asin at pinong paminta Lady Raisha…” aniya sa normal lang na salita. Hindi ko kayang hindi manahimik, nainip akong hindi tanungin ito.
“Uh, mawalang galang na po, bakit po may putok ng baril? I mean, narinig niyo po ba?”
“Hindi mo pa ba alam na sa mansyon na ito ay normal lang na may namamatay? Dapat hindi ka na nagugulat dahil nakadikit na yan sayo…”
“Ho? Hindi ko po kayo ma-gets, clarify niyo pa”
“Lady Raisha… ang napangasawa mo lang naman ay ang heir ng mafia boss. Si Young Master Terrence, ang susunod na mafia boss ng Ashford Clan.”
WHAT?!
Bigla akong nanginig at hindi mapakali. Parang nag slow motion ang paligid ko sa narinig. Hanggang dito ba naman ay sinusundan ako ng kasamaan? Wala na bang katahimikang ibibigay ang buhay ko? P****k na nga bobo pa? Ano ba talaga ang saysay ng buhay ko at lagi na lang akong nalalagay sa alanganin?
Raisha’s POVNakakabingi.Hindi putok ng baril. Hindi sigawan. Hindi yapak ng mga tauhan. Hindi sigaw ng pangalan ko sa gitna ng gulo.Kundi katahimikan.Yung klase ng katahimikang parang sinasakal ako habang nakaupo lang sa gitna ng malawak na silid na puro salamin ang dingding. Lahat ng sulok, may repleksyon ako. Lahat ng direksyon, ako ang nakikita ko.Pero kahit pa sobrang dami ng bersyon ko sa paligid, bakit parang hindi ko pa rin kilala ang sarili ko?Isang linggo na. Pitong araw. Isang daan at animnapu’t walong oras. Pero parang kahapon lang nang mangyari ‘yon—ang gabing 'yon na halos mapunit ang boses ko sa sigaw, sa takot, sa pangalang paulit-ulit kong binibigkas.Please, 'wag 'yung mga anak ko...Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang init ng mga matang ‘yon. Hindi init ng pagmamahal. Kundi apoy ng galit. Apoy ng pagnanasa. Apoy ng intensyon.Minsan, napapaisip ako kung tama bang nasa poder ako ng pamilya ko. Kung tama bang ang lalaking minahal ko—at nagbigay sa akin n
Raisha’s POVMalamig. Hindi lang dahil madaling-araw pa lang, kundi dahil nararamdaman ko na naman ang panibagong kaba na hindi ko maipaliwanag. Nasa loob kami ng itim na SUV ni Terrence. Tahimik siya habang nagmamaneho. Walang radyo, walang kahit anong tunog kundi ang ugong ng makina at tibok ng puso kong para bang sasabog sa bawat liko ng sasakyan.Walang ibang sasakyan sa kalsadang iyon. Parang kami lang ang gumagalaw sa mundo. Wala ring ilaw sa paligid kundi ang headlights na sumusuyod sa madamong daan. Pakiramdam ko, anytime, may susulpot na kung ano. O kung sino. Masyado yata akong naging kabado. Kinalma ko ang sarili dahil hindi ito nakakatulong sa mga anak ko. "Are we almost there?" tanong ko, bahagyang tiningnan ang madilim na paligid.Tumango siya. "Few more minutes, baby. Malapit na tayo sa property. It’s well-guarded. Nandun na rin si Lucas."Napatigil ako. Lucas? Sino naman yun? Guard? Alalay niya? Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Mukha namang naintindihan ni Terr
Raisha’s POV"And you… who are you in all this, Terrence?"Tumingin siya sa akin, masidhi ang tingin. "I was a miserable mafia boss before you came into my life. Now I’m the man you chose. The father of your children. The man who’s willing to burn the whole world just to keep you safe."Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o mapapalapit pa lalo sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. He’s the father of my children… hindi ko pa man gaano pinapaniwalaan pero yung mga anak ko sa loob parang kiti-kiti kung maka-react. Well, mukhang ito nga talaga ang tatay nila. Ito nga yata ang tinatawag na lukso ng dugo. Lumapit siya ng kaunti, halos magkalapit na ang mga mukha namin. Hinawakan niya ang aking ibabang labi. Gustuhin ko mang ilayo ang mukha pero tila naging estatwa ako sa kanyang mga mata. Punong-puno ito ng sinseridad at takot. "I know I sound like a monster. But you married me knowing who I am. And you loved every dark, twisted part of me." Napalunok ako sa sinabi
Raisha's POVAng dilim ng paligid ay tila sumasalamin sa gulo ng isipan ko. Nasa loob kami ng isang abandonadong safehouse—sira-sira ang mga pader, may mga basag na bintana, at ang amoy ng amag ay kumakapit sa bawat sulok. Pero sa kabila ng lahat, dito ako dinala ni Terrence matapos kaming habulin ng mga tauhan ni Xander."You need to rest," sabi niya, habang inaayos ang lumang sofa na may punit-punit na upholstery. "It’s not much, but it’s safe—for now."Umupo ako, hawak-hawak ang tiyan ko. Ramdam ko ang pagod ng mga anak ko sa loob. "Salamat," mahina kong tugon.Tahimik siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata'y nakatuon sa akin. "Raisha, I know this is overwhelming. But I need you to trust me."Tumingin ako sa kanya, pilit inaalala ang mga alaala na tila nawala. "I want to, Terrence. But I don't remember anything."Huminga siya ng malalim, ang kanyang mga mata'y puno ng sakit. "I understand. But know this—I will do everything to protect you and our children."Napayuko ako, pinipigilan
Raisha's POVMABILIS ANG HAKBANG ko kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Parang ang ingay ng mundo kahit tahimik naman ang paligid. Pati ang mga huni ng ibon sa Malesice Park, parang biglang naging sigaw na humahabol sa akin. Tuluy-tuloy ang iyak ko habang pinipilit kong itago ang sarili sa lilim ng mga puno. Kahit sobrang sakit ng puson ko, hindi ako huminto. Kinakabahan na baka maabutan ng mga humahabol sakin. Mabuti na lamang at nakalayo ako sa isang lalaki kanina, narinig ko na tinawag niya ako sa aking pangalan. Mukhang hindi rin mapagkakatiwalaan. Madami talaga ang gusto akong saktan pati na ng mga anak ko. Kailangan naming makalayo. Kailangan ko silang protektahan. “My twins… kapit kayo kay Mommy ha… kailangan nating lumayo, kailangan nating maging ligtas…”Bawat hakbang ko ay parang may tinatakasang multo. Hindi lang si Xander. Hindi lang 'yung mga kasabwat niya. Kundi pati ang sakit ng mga kasinungalingang tinanggap ko bilang totoo. Bakit ba kasi nawalan ako ng alaala?
Raisha’s POVGAYA ng inaasahan ko ay sinamahan ulit ako ni Xander. Pero sa ibang park niya ako dinala, dito sa Malesice Park. Hindi ko alam kung bakit pero ang tahimik ng lugar na ’to. Para bang... pinipilit akong kalmahin kahit ang gulo-gulo sa loob ko. The trees sway lazily, and the scent of fresh grass lingers in the air. Nakakagaan. Nakakapanatag. For the first time in weeks, parang nakakahinga ako nang maluwag.I look down at myself. Suot ko pa rin ’yung simple cream-colored knitted dress na pinili ni Xander para sa akin kaninang umaga. Soft, stretchy, and comfortable for my seven-month baby bump. Sabi niya bagay daw sa ’kin. That it makes me look calm and gentle—exactly what I don’t feel inside.Napahawak ako sa tiyan ko. My baby. The only thing that keeps me grounded. The only proof that I had a past before everything blurred into nothing.“Are you okay?”Napalingon ako kay Xander. Nakaupo siya sa tabi ko, isang siko nakapatong sa backrest ng bench habang nakatitig sa akin. His