Share

A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle
A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle
Penulis: Anne

CHAPTER 1

Penulis: Anne
last update Tanggal publikasi: 2025-12-29 22:49:22

CHAPTER 1

MAXENE GONZALES

“Sa wakas ay natapos din ang meeting na iyon,” naiusal ni Maxene nang tuluyan ng matapos ang meeting nila kasama ang kanilang mga investors.

Halos tumagal kasi ng tatlong oras ang naturang meeting dahil nagkaroon ng problema sa kanilang kumpanya kaya naman inip na inip na talaga si Maxene kanina pa.

Si Maxene kasi ay bunsong anak ng mag asawang Maximo at Andrea Gonzales at dahil may edad na ang kanyang mga magulang ay siya na lamang ang pinagkakatiwalaan ng kanyang ama pagdating sa kanilang kumpanya dahil may sarili na ring pamilya at kumpanya ang nag iisa niyang kapatid na si Andrei.

Nang biglang maalala ni Maxene ang kanyang matalik na kaibigan na si Bea ay agad na niyang kinuha ang kanyang cellphone at agad na niya itong tinawagan dahil may ipinakisuyo siya rito kanina.

“Hello Bea. Nabili mo ba yung pinapasuyo ko sa’yo?” agad na tanong ni Maxene ng sagutin ni Bea ang kanyang tawag.

“Oo naman. Nakabili na ako ng cake para sa pinakamamahal mong nobyo. Pero hindi na kita nahintay pa dahil may kailangan pa akong gawin kaya iniwanan ko na lamang ito sa iyong opisina. Pakisabi na lamang kay Joseph na Happy birthday,” agad din naman na sagot ni Bea kay Maxene.

“Sige. Makakarating. Maraming salamat ulit ha. Kahit kailan talaga ay maaasahan kita,” sagot ni Maxene at saka niya kusa ng pinutol ang kanilang tawag.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay nagmamadali naman ng bumalik sa kanyang opisina si Maxene at ng makita niya ang nakapatong na cake sa kanyang table ay lalo namang lumawak ang ngiti sa kanyang labi dahil maisasagawa na niya ang kanyang plano na surpresahin ang kanyang nobyo.

Kaarawan kasi ngayon ng long time boyfriend ni Maxene na si Joseph Aragon at dahil parehas silang abala sa kani kanilang mga trabaho ay hindi na sila nakapagplano pa ngayon para makapagcelebrate sila ng kanyang nobyo. Kaya naman naisipan ni Maxene na surpresahin na lamang ito sa condo nito ngayon dahil alam naman niya na naroon ito ngayon at nagpapahinga.

At dahil plano na nga ito ni Maxene ay talagang nagbaon na rin siya ng damit na pamalit para hindi na siya uuwi pa sa kanila at didiretso na talaga siya sa unit ng kanyang nobyo.

Matapos na makapag ayos ay saglit pa na sinulyapan ni Maxene ang kanyang sarili sa harap ng salamin at napangiti na lamang talaga siya habang nakatitig siya sa kanyang repleksyon doon. Naisip kasi niya na pagbigyan na ang kanyang nobyo sa matagal na nitong hinihiling sa kanya.

Sa loob kasi ng pitong taon na relasyon nila Maxene at Joseph ay wala pa rin talagang nangyayari sa kanila dalawa dahil gusto sana ni Maxene ay kapag naikasal na sila ay saka niya ibibigay ng buong buo ang kanyang sarili. Pero nitong mga nakalipas na buwan ay napag isip isip ng dalaga na bakit hindi na lamang niya pagbigyan ang kanyang nobyo tutal naman ay sigurado na rin siya rito lalo na at mahal na mahal nga niya ito at isa pa ay napag uusapan na rin naman nila ang pagpapakasal.

Makalipas ang ilang minuto na pagtitig ni Maxene sa kanyang sarili sa harap ng salamin ay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at saka siya nagpasya na umalis na.

Saglit lamang naman ang naging byahe ni Maxene dahil hindi rin naman kalayuan ang condo unit ni Joseph sa kanilang kumpanya.

Bago bumaba ng kanyang kotse ay tila ba may kakaibang kaba na nararamdaman si Maxene kaya naman makailang ulit pa siyang napabuga ng hangin sa kanyang bibig.

“Maxene, kumalma ka. Kaya mo yan. Nagmamahalan kayo ni Joseph kaya tama lang ang gagawin mo na iyan,” kausap ni Maxene sa kanyang sarili at saka siya muling bumuga ng hangin sa kanyang bibig.

Hindi naman nagtagal ay bumaba na rin si Maxene sa kanyang sasakyan habang bitbit niya ang cake na pinabili niya kay Bea.

May ngiti naman sa labi habang naglalakad si Maxene pero sa kaloob looban niya ay sobra na talaga siyang kinakabahan sa hindi niya malaman na dahilan.

Nang mapatapat na siya sa pinto ng unit ng kanyang nobyo ay saglit pa na tumigil doon si Maxene at saka siya bumuntong hininga. At dahil may susi siya ng unit ng kanyang nobyo ay hindi na siya kumatok pa at dahan dahan na lamang niya iyong binuksan.

May ngiti pa sa labi ng pumasok si Maxene sa unit ni Joseph pero agad ding nawala ang ngiti na iyon ng pagpasok niya ay tila ba may kakaiba roon dahil dati naman ay naaabutan niya si Joseph na nakaupo lamang sa sala ng ganong mga oras pero ngayon ay wala roon ang binata.

Akmang isasara na sana ni Maxene ang pintuan ng naturang unit ng bigla siyang makarinig ng kaluskos mula sa silid ni Joseph kaya naman agad siyang napatingin doon at napansin niya na bahagya pang nakaawang ang pinto ng naturang silid.

Dahan dahan pa na humakbang si Maxene patungo sa silid ng kanyang nobyo at habang papalapit siya roon ay nakakarinig na siya ng halinghing na nagmumula sa loob kaya naman lalo siyang nakaramdam ng matinding kaba kaya naman makailang ulit pa na napalunok ng sarili niyang laway si Maxene.

Nang tuluyan ng mapatapat ang dalaga sa pinto ng silid ni Joseph ay hindi na naiwasan pa ni Maxene na mangilid ang kanyang luha at bahagya pa nga na nanginginig ang kanyang mga kamay at ramdam na rin niya ang panlalamig noon dahil sa matinding kaba pero umaasa pa rin siya na mali ang kanyang naiisip ng nga oras na iyon.

“Ughhhh.. F*ck Veronica… Binabaliw mo ako… ughhhh.”

“Sige pa Joseph.. Ughhh.. ang sarap nyan… ughhh.. ughhh. Hindi ba at hindi ito kayang gawin ng iyong nobya? Pwes ako ay kayang kaya kitang paligayahin. Ughhhh. Sige pa.”

“Just shut up, Veronica. Ughhhh.”

Hindi naman maiwasan ni Maxene na mapatakip ng kanyang bibig dahil mas malinaw na niyang naririnig ang pag ungol ng mga nasa loob ng silid ng kanyang nobyo na tila ba sarap na sarap sa kanilang ginagawa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 197

    CHAPTER 197“Well nasa sa iyo pa rin naman ang desisyon kung papayag ka na makipagtulungan sa akin at patuluyin ako r’yan sa munti mong bahay. Pero kung ayaw mo naman na makipagtulungan sa akin ay ayos lang din naman. Panigurado na paldo ako kapag ibinenta ko ang video na ito,” sabi pa ni Joseph habang hindi inaalis ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. “Ano kaya ang magandang title ng video na ito? Hmmm… Panigurado sisikat ka rito at baka kunin ka na ng mga p*rn site na artista nila. Kitang kita kasi sa video na ito na kung gaano ka kahumaling sa pakikipags*x,” dagdag pa niya.Ramdam na ramdam naman ni Irish ang butil butil na malamig niyang pawis sa noo at ramdamrin niya ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa sinabi na iyon ni Joseph. “H-H*yop ka,” gigil na sabi ni Irish kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Hindi kasi niya akalain na magagawa iyon ni Joseph sa kanya matapos ng lahat lahat ng nagawa niya para rito. At wala rin talaga siyang kaalam alam na kumukuha pala

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 196

    CHAPTER 196Sa kabilang banda naman matapos na magpakita ni Joseph kay Maxene sa isang restaurant ay nagtago naman na muna ang binata at dahil wala nga siyang ibang maaasahan ngayon ay no choice talaga siya kundi ang pumunta kay Irish.Pagkarating pa lamang ni Joseph sa lugar kung saan alam niyang nagtatago si Irish ngayon ay hindi naman niya maiwasan na hindi kabahan dahil ipinagkanulo niya ito sa kanyang ama kaya nalaman ng mga ito kung saan nakatira si Irish.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Joseph bago siya naglakas loob na kumatok sa pintuan kung saan naroon si Irish.Makailang beses pa nga na kumatok si Joseph doon at kinakabahan na nga siya dahil walang nagbubukas ng pinto. Isa rin sa dahilan kaya kinakabahan siya ay dahil wala naman na siyang ibang mapupuntahan ngayon dahil natatakot siya na matagpuan siya ng kanyang ama dahil panigurado ay ipapabugbog na naman siya nito sa mga tauhan nito.Noon kasing dinala siya ng kanyang ama sa kanilang bahay ay wa

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 195

    CHAPTER 195Mabilis naman na lumipas ang mga araw at sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay hindi pa rin natatagpuan nila Jonathan ang kanyang anak na si Joseph kaya naman minabuti na rin muna nila Bernard at Maxene na ipaasikaso na lamang sa kanilang pinagkakatiwalaan na tao ang lahat ng kailangan nila para sa kanilang kasal.Napag usapan kasi nila muli ang tungkol sa kanilang kasal dahil nga sa suhestyon ng ina ni Bernard na ipagpaliban na muna ang kanilang kasal. Pero naisip kasi nila na mas dapat nga nilang madaliin ang kanilang pagpapakasal para matigil na sila Joseph at Irish sa kakahabol sa kanila dahil kapag naikasal na silang dalawa ay wala ng magagawa pa ang mga ito at baka sakaling tantanan na sila ng dalawa. At napagkasunduan din nila na wala na munang ibang pagsasabihan ng tungkol sa kanilang nalalapit na kasal at tanging pamilya lamang din muna nila ang nakakaalam nito. Nakiusap na lamang din sila Bernard sa kanyang kapatid na hindi dapat malaman ni Joseph ang tungkol

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 194

    CHAPTER 194Matapos na makipag usap ni Bernard sa kanyang tinawagan ay naupo na muna siya sa may pool area at nagpakuha pa nga siya ng wine sa kanilang kasambahay.Agad naman na nagsalin si Bernard ng wine sa kanyang wine glass at saka niya inisang lagok ang laman noon. Nagpakawal pa nga siya ng isang malalim na buntong hininga dahil sa totoo lang ay hindi na niya alam kung ano pa ba ang kailangan niyang gawin para tigilan na sila nila Joseph at Irish. Isa lang naman kasi ang gustong mangyari ngayon ni Bernard at yun ay ang maging tahimik na ang kanilang buhay ni Maxene kasama ang kanilang anak. Pero dahil nga sa muling pagpapakita ni Joseph kay Maxene ay mukhang magsisimula na naman ang kanilang panibagong problema at panibagong isipin na naman ito lalo na at baka makipagsabwatan na naman ito kay Irish.Nanatili naman na muna si Bernard sa pool area habang nag iisip nga siya ng mga dapat niyang gawin ngayon lalo na at kailangan din nilang maging maingat dahil baka madamay pa ang kan

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 193

    CHAPTER 193“Tumawag sa akin ang kuya Jonathan mo? Anong nangyari? Kumusta si Maxene?” agad na tanong ni Randy sa kanyang anak nang makalapit siya sa mga ito.Katatapos lang kasi ng meeting ni Randy at sakto naman na tumatawag ang kanyang panganay na anak na si Randy at ibinalita na nga nito ang mga nangyari mula sa pagtakas ni Joseph hanggang sa nakita nga ito ni Maxene sa isang restaurant.Agad naman na napatingin sila Bernard at Diana sa bagong dating na si Randy. At base pa lamang sa awra nito ay kita mo ng mainit ang ulo nito.“Ayos lang naman po si Maxene at hindi naman po siya nalapitan ni Joseph. Nakita lamang po niya ito sa labas ng restaurant na kinainan namin kanina,” sagot naman ni Bernard sa kanyang ama. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Randy at saka niya naipikit ng mariin ang kanyang mga mata.“Ano na kaya ang tumatakbo sa utak ng bata na iyon? Hindi naman siya pinalaki na kulang sa pagmamahal at lalong hindi naman siya b*bo para hindi makaunaw

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 192

    CHAPTER 192“Nakatakas daw si Joseph kay kuya kaya ang nakita mo kanina ay mukhang si Joseph nga talaga iyon,” sabi ni Bernard kay Maxene.Napabuntong hininga naman si Maxene dahil sa sinabi na iyon ni Bernard dahil ang buong akala pa naman nila ay matatahimik na sila pero mukhang nagsisimula na namang kumilos si Joseph para guluhin sila.“Kung gayon ay kailangan na naman pala natin na magdoble ingat,” sagot ni Maxene. “Ang mabuti pa ay umuwi na lamang tayo. Nag aalala ako sa anak natin. Alam ko naman na safe siya sa mansyon pero mas mapapanatag ako kung nakikita ko siya. Saka na lamang tayo magpunta sa boutique marami pa namang araw para magpunta roon,” pagpapatuloy pa niya.Dahan dahan naman na tumango si Bernard dahil kahit naman siya ay nag aalala rin sa kanilang anak na iniwan nila sa mansyon. “Mabuti pa nga. Tatawagan ko na lamang si mommy na magpa resched ng appointment sa boutique,” sagot naman ni Bernard at muli na nitong kinuha ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang in

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 31

    CHAPTER 31Agad na rin naman na bumalik sa kanyang opisina si Bernard matapos nilang mag usap ni Jayson. Sadyang pinuntahan lamang niya ang kaibigan dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya.Habang inaabala ni Bernard ang kanyang sarili sa kanyang nga ginagawa ay hindi pa rin maalis alis sa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 35

    CHAPTER 35Mabilis naman na lumipas ang dalawang linggo at sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay talagang problemado pa rin talaga si Maxene at ang kanyang ama dahil sa kanilang kumpanya.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila alam kung saan ba sila kukuha ng ganoon kalaking halaga ng pera par

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 30

    CHAPTER 30“May problema ba? Kanina ko pa napapansin na para bang hindi ka mapakali e,” hindi na napigilang tanong ni Maxene kay Bea dahil nagtataka na talaga siya sa ikinikilos nito ngayon.“Sige na. Sumakay ka na muna ng sasakyan. Bilisan mo,” sagot naman ni Bea at halos itulak na nga niya si Max

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 32

    CHAPTER 32Lumipas pa ang mga araw at napagdesisyunan na ni Maxene na sabihin na sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nag ipon na talaga siya ng lakas ng loob at hinanda na rin talaga niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga it

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status