Share

CHAPTER 2

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-12-29 22:51:26

CHAPTER 2

Pilit namang linakasan ni Maxene ang kanyang loob at humugot na muna siya ng isang malalim na buntong hininga at saka niya lakas loob na binuksan ang pinto ng silid ni Joseph.

“Oopppsss… I’m sorry, mukhang nakakaistorbo yata ako sa inyo. Hindi ko naman akalain na may iba na palang nagpapaligaya sa nobyo ko,” lakas loob na sabi ni Maxene kahit na sa kaloob looban niya ay durog na durog siya sa kanyang mga nakita at grabeng pagpipigil talaga niya na maiyak ng mga oras na iyon.

Pagbukas kasi ni Maxene ng pinto ng silid ni Joseph ay naabutan niya na abalang abala sa pagbayo ang kanyang nobyo na si Joseph sa matalik kuno nito na kaibigan na si Veronica. 

Matagal na rin kasi talagang napapansin ni Maxene ang kakaibang tingin ni Veronica sa kanyang nobyo pero dahil sa bestfriend ito ni Joseph ay hindi niya mapaglayo ang dalawa  kahit na sinasabi na ni Maxene sa binata ang kanyang napapansin sa dalaga.

Bigla namang natigilan sila Joseph at Veronica sa kanilang ginagawa at ng mapatingin sila sa gawi ng nagsalita ay gulat na gulat sila pareho ng makita nila na naroon na pala si Maxene. Hindi kasi talaga inaasahan ni Joseph ang pagdating ng kanyang nobya dahil sa ang alam niya ay may meeting pa ito at talagang gagabihin ito roon.

“M-Maxene!? L-let me explain,” kandautal pa na sabi ni Joseph at saka ito nagmamadaling hinugot ang kanyang pagkalalaki kay Veronica at agad na umalis sa ibabaw nito.

Habang si Veronica naman ay nanatili lamang na walang imik at hinila na lamang nito ang comforter para takpan ang hubad niyang katawan. Pagtingin pa niya kay Maxene ay inirapan pa niya ito dahil talagang nabitin siya sa kanilang ginagawa ni Joseph.

“Ssshhhh…. Dyan ka lang, Joseph. Hindi mo na kailangan pang lumapit sa akin,” awat ni Maxene kay Joseph ng akmang tatayo na ito at lalapit sa kanya. “Pasensya na kayo kung naistorbo ko ang inyong ginagawa. Pero wag kayong mag alala dahil hindi na rin naman ako magtatagal dito. Gusto ko lang sanang batiin ang boyfriend ko ng Happy birthday. Sana ay naging masaya ka sa ginagawa nyo ng bestfriend mo at mukha namang nag eenjoy ka na kasama siya kaya ipagpatuloy nyo lang iyan,” pagpapatuloy pa ni Maxene at saka siya tumalikod na pero ng maalala niya ang hawak niya na cake ay bigla siyang natigilan kaya muli siyang humarap sa dalawa.

“Bago ko nga pala makalimutan. Baka kasi mapagod kayong dalawa sa inyong ginagawa kaya heto may dala na rin ako na cake para sa inyong dalawa. And one more thing, Joseph. Thank you for the seven wonderful years with you and I think this is the end of our relationship. Naging masaya naman ako sa piling mo at wala akong pinagsisisihan doon pero ang ginawa mong ito ay hinding hindi ko matatanggap,” seryoso pa na sabi ni Maxene at saka niya ipinatong sa table na naroon ang hawak niyang cake at saka siya tuluyang tumalikod sa dalawa at naglakad palabas ng naturang silid.

“Maxene, wait. Let me explain first, love,” sabi ni Joseph at akmang tatayo na ito ng bigla itong hawakan ni Veronica sa braso kaya naman agad itong napatingin sa dalaga.

“Pabayaan mo na sya, Joseph. Masaya ka rin naman na kasama ako hindi ba? Kaya pabayaan mo na lamang si Maxene. Makakahanap din siya ng lalaki na para sa kanya,” buong tapang naman na sabi ni Veronica kay Joseph.

“Are you crazy? Veronica, alam nating dalawa na mali ito. Sadyang nadala lamang ako ng init ng katawan ko kaya ko ito nagawa. Kaya please lang kung gusto mo pang maging maayos ang pagkakaibigan natin ay itigil na natin ito,” galit naman na sigaw ni Joseph kay Veronica.

“Itigil? Matapos natin gawin ito? Baka ikaw ang nababaliw Joseph. Kanina lang ay ligayang ligaya ka na pagsawaan gamit ang iyong labi ang buo kong katawan pagkatapos ngayon na naangkin mo na ako ay sasabihin mo sa akin na itigil natin ito dahil lang sa dumating ang babae na iyon. Pwede ba Joseph mag isip ka naman. Ako ang palaging nariyan sa tabi mo simula pa ng mga bata tayo at ngayon… ako rin ang nagpapaligaya sa iyo at handa kong paligayahin ka palagi sa kama sa tuwing gugustuhin mo. Kaya please lang pabayaan mo na si Maxene,” sagot naman ni Veronica habang nanatili pa rin na hawak nito ang braso ng binata.

Sinamaan naman ng tingin ni Joseph si Veronica at naikuyom na lang talaga niya ang kanyang kamao dahil sa inis sa kanyang sarili.

Kanina kasi ay sobra siyang naiinis dahil sa nagkaproblema rin ang kanilang kumpanya at sumakto pa talaga na kaarawan niya kaya naman ang ginawa na lamang niya ay umuwi sa kanyang unit at saka siya uminom ng alak doon. Pero hindi naman niya akalain na darating pala si Veronica roon at sinabayan siya nito sa pag inom at dahil na rin siguro sa tinatamaan na siya ng alak ay nadarang na siya ng akitin siya ni Veronica at hinalikan pa siya nito. Kaya naman hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at naangkin na niya ang dalaga. Pero nang dahil sa biglaang pagdating na iyon ni Maxene ay tila ba nawala ang kanyang kalasingan dahil alam niya na maaaring hindi maganda ang maging resulta nito.

Napansin naman kaagad ni Veronica ang masamang tingin sa kanya ni Joseph kaya naman agad na siyang nag isip ng paraan para hindi ito tuluyang magalit sa kanya.

“Mas mahalaga pa rin ba sa’yo si Maxene kahit na hindi niya maibigay ang pangangailangan mo? Sya pa rin ba ang pipiliin mo kaysa sa akin na narito palagi sa tabi mo?” mahinahon pa na sabi ni Veronica kasabay ng pagpatak ng kanyang masaganang luha.

Bigla namang natigilan si Joseph ng makita niya ang pag iyak ni Veronica dahil ayaw talaga niya noon pa man na makita itong umiiyak. 

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Joseph at saka niya ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata.

“Okay, fine. Magbihis ka na at ihahatid na kita sa inyo. Pasensya ka na sa mga nangyare. Hindi ko sinasadya na masaktan ka ng ganyan pero alam mo naman siguro kung gaano ko kamahal si Maxene kaya please lang, Veronica. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin kaya sana ay kalimutan mo na lamang na nangyari ito sa ating dalawa,” sabi ni Joseph at saka niya tinanggal ang kamay ng dalaga na nakahawak sa kanyang braso at saka niya pinulot ang damit ng dalaga at iniabot dito at saka naman niya dinampot ang kanyang mga damit at agad na dumiretso sa CR.

Napaawang na lamang naman ang bibig ni Veronica dahil sa sinabi na iyon ni Joseph dahil ang akala niya ay tatalab ang pag iinarte niyang iyon dito.

Akmang magsasalita na sana si Veronica pero huli na dahil naisara na ni Joseph ang pinto ng CR kaya naman napasimangot na lamang talaga siya at naikuyom ang kanyang kamao.

“Bwiset talaga na babae na iyon. Okay na eh. Masaya na kami ni Joseph nabitin pa sa bigla nyang pagsulpot. Tsk. May araw din sa akin ang babae na iyon,” inis naman na sabi ni Veronica habang nanatiling mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 18

    CHAPTER 18Pagkatapos nilang kumain ay naging abala naman na sila sa kani kanilang ginagawa. Sila Diana at Pamela ay nagpunta na sa kusina para gumawa naman ng kanilang meryenda para mamaya habang sila Patricia at Nathan naman ay nagswimming na kaagad dahil ito talaga ang madalas na gawin ng magkapatid sa tuwing pumupunta sila sa mansyon. Habang sila Randy, Jonathan at Bernard naman ay abala sa pag uusap ng tungkol sa kumpanya. Habang si Joseph naman ay may sariling mundo sa sala at inabala ang kanyang sarili sa kanyang cellphone.“Jonathan sa tingin mo ba ay kaya ng humawak ng kumpanya ng iyong anak na si Joseph? Nasa edad naman na siya at maaari na ring humawak ng kumpanya,” tanong ni Randy sa kanyang panganay na anak.Seryoso naman na napatingin si Jonathan sa kanyang ama dahil sa sinabi nito.“Bakit po dad?” kunot noo na tanong ni Jonathan.Napabuntong hininga naman si Randy at saka niya seryoso ring tiningnan ang kanyang mga anak.“Matanda na ako at aaminin ko sa inyo na medyo h

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 17

    CHAPTER 17Habang mag isa naman si Bernard sa kanyang silid ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang ama na bigyan niya na raw ng apo ang mga ito kung ayaw niyang mag asawa. At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na naman niyang naalala ang babae na nakasama niya ng isang gabi. Kaya naman naipikit na lamang niya ng mariin ang kanyang mga mata ng dahil doon.“Tsk. Bakit ba palagi na lang kitang naaalala? Bakit ba palagi ka na lamang gumugulo sa isipan ko? Dala lang yun ng init ng katawan kaya nangyari iyon at wala ng iba pang dahilan. Bakit ba paulit ulit ko na lang naaalala ang mukha mo?” kausap ni Bernard sa kanyang sarili at tila ba naiinis na siya dahil hindi mawala wala sa isip niya ang babae na iyon.Hindi na kasi talaga maintindihan ni Bernard ang kanyang sarili kung bakit ba palagi na lang niyang naaalala ang babae na iyon. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang halos araw araw na lang niyang naaalala ang babae na iyon kaya naman inaabala na lang niya ang kanyan

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 16

    CHAPTER 16Matapos na mag usap ng mag ina ay muli naman ng bumalik si Diana sa kusina dahil kapag ganitong magkakasama sama sila ng kanyang pamilya sa mansyon ay gusto niya na siya ang magluluto ng kanilang mga kakainin dahil minsan na lang din talaga sila makumpleto roon.Samantalang si Bernard naman ay nagpasya na pumunta sa kanyang silid pero bago pa man siya makarating doon ay nakita niya ang kanyang ama kaya agad niya itong linapitan.“Good morning dad,” bati ni Bernard sa kanyang ama.“Narito ka na pala, hijo. Kagabi ka pa hinihintay ng mommy mo,” sagot naman ni Randy kay Bernard.“Opo dad. Nagkita na po kami ni mommy sa baba. May mga tinapos pa po kasi ako kahapon sa opisina at halos gabi na po ako natapos kaya po sa unit ko na po muna ako umuwi kagabi,” sagot naman ni Bernard dito.Dahan dahan naman na tumango si Randy sa kanyang anak.“Kumusta naman ang kumpanya mo? Pasensya ka na kung naabala pa kita noong nakaraan dahil talaga sumabay rin na nagkasakit ako kaya hindi ko i

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 15

    CHAPTER 15Hinayaan na lamang naman muna ni Bea na umiyak si Maxene at hindi na rin niya ito iniwanan pa dahil alam niya na ngayon siya higit na kailangan ng kanyang kaibigan.Nang medyo kalmado na si Maxene ay inalalayan naman muna ito ni Bea na makaupo at saka niya ito kinuhaan ng tubig.“Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Pasensya ka na kung iniwanan kita kanina. Dapat pala ay isinama na lamang kita,” puno ng pag aalala na sabi ni Bea kay Maxene.“Ayos lang naman ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pa niya ako kinukulit samantalang hindi naman ako naghabol sa kanya. Hinayaan ko na nga siya dahil gusto ko na maging masaya sya pero bakit parang gusto niya na kalimutan ko na lang ang ginawa niyang panloloko. Hindi ba niya alam na sobra akong nasaktan sa ginawa niyang iyon?” umiiyak pa rin na sabi ni Maxene.Napabuntong hininga naman si Bea habang naaawa niyang tinitingnan si Maxene. “Alam mo, Maxene. Sa tingin ko ay mas mabuti na magpah

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 14

    CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang ako at ganon din ang gagawin ko sa’yo. Salamat sa pitong taon na pinagsamahan natin at wala akong pinagsisisihan doon. Pero siguro ay hanggang doon na lang talaga tayo. Kung ang Veronica na iyon ang magpapasaya sa’yo ay doon ka na lamang dahil matagal ko naman ng napapansin ang kakaibang tingin niya sa’yo. Matututunan mo rin siyang mahalin lalo na at napapaligaya ka naman niya sa kama,” sabi pa ni Maxene at saka siya naglakad paalis sa harapan ni Joseph.Agad naman na tumayo si Joseph at agad niyang yinakap si Maxene.“Hindi, Maxene. Ikaw lang ang mahal ko at hindi si Veronica. I’m sorry sa mga nangyari. Please bigyan mo naman ako

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 13

    CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extra table doon si Maxene kaya naman hindi rin siya nahirapan na gawin ang kanyang trabaho.Ilang oras na rin ang nakalipas at seryosong seryoso naman na ginagawa ni Maxene ang kanyang mga trabaho. Paminsan minsan ay linalapitan siya ni Bea upang tulungan siya sa ilang mga paper works niya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kanyang mga ginagawa.Nang sumapit naman ang hapon ay saglit naman na umalis si Bea dahil may kailangan siyang puntahan pero nangako naman siya kay Maxene na babalik din siya kaagad.Habang wala si Bea ay inabala pa rin ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho at maya maya pa ay may kumatok sa kanyang opisina kaya naman napatingin siya roon ng bumukas iyon.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status