LOGINCHAPTER 7
Kinaumagahan naman ay nagising si Maxene na sobrang sakit ng kanyang ulo at pati na rin ang kanyang buong katawan. Kaya naman muli siyang napapikit dahil para bang wala siyang maalala sa mga ginawa niya kagabi. Ilang sandali pa na nanatili si Maxene na nakapikit ang mga mata at nang magmulat na muli siya ay tila ba bigla siyang natauhan dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan siya ngayon. At nang magawi ang kanyang paningin sa kanyang gilid ay nanlaki na lamang talaga ang kanyang mga mata ng makita niya na mayroon pala siyang katabi na lalaki. Napakurap kurap pa si Maxene habang titig na titig sa lalaking nakatalikod sa kanya at dahil na rin sa pagkabigla ay tila ba hindi niya alam ang kanyang gagawin. Pilit pa niyang inaalala ang mga nangyari kagabi pero wala talaga siyang maalala dahil ang huli lang na natatandaan niya ay nasa isang bar siya kagabi at naglalabas ng kanyang sama ng loob. Maya maya pa ay parang bigla ng napabalik sa wisyo si Maxene pero ng akmang baba na sana siya sa higaan ay napangiwi na lamang talaga siya ng maramdaman niya ang hapdi sa kanyang pagkababae kaya naman napasilip na lang talaga siya sa loob ng kumot. Naipikit na lang talaga ng mariin ni Maxene ang kanyang mga mata dahil mukhang naisuko na niya ang kanyang pagkababae sa lalaking kasama niya ngayon. Saglit naman na pinakalma muna ni Maxene ang kanyang sarili dahil parang gusto na niyang kutusan ang sarili niya dahil sa masyado siyang nagpakalasing kagabi at hindi na niya alam pa ang mga sumunod na nangyari. “Ano ka ba naman, Maxene? Bakit naman hindi ka man lang nagtira kahit na pang uwi mo lang? Paano ka na nyan ngayon? Naisuko mo na ang bataan,” sabi ni Maxene sa kanyang isipan lamang at naipikit na lang talaga niya muli ng mariin ang kanyang mga mata. Nang medyo kalmado na si Maxene ay isang malalim na buntong hininga naman ang kanyang pinakawalan at saka niya iginala ang kanyang paningin. At nang makita niya ang damit niya sa sahig ay dahan dahan na siyang bumaba sa higaan at bawat pagkilos niya ay napapangiwi na lang talaga siya sa hapdi ng kanyang pagkababae at bukod pa roon ay talagang masakit ang kanyang katawan sa hindi nya malaman na dahilan. Naging maingat naman si Maxene sa kanyang pagkilos dahil ayaw naman niyang magising ang lalaki na kasama niya ngayon dahil talagang nahihiya siya sa kanyang ginawa. Agad naman na nagbihis si Maxene at kahit pa nahihirapan talaga siyang kumilos ay dahan dahan na siyang umalis sa silid na iyon. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas sa naturang silid ay liningon pa muli niya ang lalaking kasama niya roon na mahimbing pa rin na natutulog. At dahil nakaharap ito sa kabila ay hindi niya makita ang mukha nito pero agad niyang napansin ang tattoo nito na agila sa kaliwang braso. Hindi naman na nag aksaya pa ng oras si Maxene at agad na rin siyang umalis sa silid na iyon. May pagmamadali pa nga siya na lumabas sa naturang gusali at agad na lamang siyang pumara ng taxi at agad na nagpahatid sa kanyang sariling condo unit. Pagkapasok na pagkapasok ni Maxene sa kanyang unit ay nasabunutan na lamang talaga niya ang kanyang sarili dahil sa matinding inis. “Nakakainis ka talaga Maxene. Hindi ka na naman nag iisip,” inis na inis naman na kausap ni Maxene sa kanyang sarili dahil hindi niya matanggap ang nangyari na ito. Matagal kasi niyang iningatan ang kanyang sarili at gusto niya ay maibibigay niya iyon ng buong buo sa kanyang mapapangasawa pero ngayon nga ay mukhang hindi na niya iyon magagawa pa dahil naisuko na niya ang kanyang pagkababae at ang masaklap pa ay sa hindi niya kilalang lalaki. Dahil sa matinding inis sa kanyang sarili ay agad na dumiretso si Maxene sa CR at agad na tumapat sa shower. Ni hindi na rin siya nag abala pa na hubarin ang kanyang suot na damit dahil pakiramdam niya ay nanlalagkit talaga siya. Kasabay ng pag agos ng tubig sa mukha ni Maxene ay ang pag agos din ng kanyang luha dahil sa nangyari na ito sa kanya. Naiinis pa rin siya sa kanyang sarili dahil na rin sa kapabayaan niya at nagpadalos dalos talaga siya ng desisyon kaya ito nangyari. Ilang minuto pa na nanatili roon si Maxene at pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Ipinagpatuloy na rin niya ang kanyang pagliligo para kahit papaano ay mapreskuhan naman siya pero kahit na ganon ay ramdam pa rin niya ang hapdi sa kanyang pagkababae. Nang matapos na makapagligo si Maxene ay tila ba natutulala pa rin siya dahil sa mga nangyari. At nang maalala niya ang kanyang nobyo na si Joseph ay hindi niya maiwasan na hindi ito sisihin dahil hindi naman siya magpapakalasing kung hindi siya linoko nito. At dahil na rin sa isipin na iyon ay muli na namang nabuhay ang galit sa puso niya rito dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Muli namang naalala ni Maxene ang nadatnan niya sa unit ng kanyang nobyo kahapon kaya naman hindi na niya napigilan pa na maiyak dahil sobrang sakit talaga nito para sa kanya dahil mahal na mahal niya si Joseph at hindi talaga niya akalain na magagawa nito ang bagay na iyon. “Pagsisisihan mo na linoko mo ako, Joseph. Minahal kita pero ganito ang ginawa mo sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mong ito. Hinding hindi talaga kita mapapatawad,” gigil pa na sabi ni Maxene habang nakakuyom ang kanyang kamao. Ilang minuto rin na nanatili si Maxene na umiiyak at gigil na gigil sa kanyang nobyo na si Joseph dahil talagang hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin nito. At hindi rin talaga niya akalain na ang sarili pa nitong bestfriend ang maaabutan niyang may ginagawang milagro kasama ang kanyang nobyo. Maya maya naman ay tila ba kumalma na rin si Maxene pero dahil ramdam pa niya ang sakit ng kanyang katawan at tila ba masama na rin talaga ang kanyang pakiramdam ay nagpasya na muna siya na mahiga upang makapagpahinga dahil para bang hindi niya kayang kumilosCHAPTER 18Pagkatapos nilang kumain ay naging abala naman na sila sa kani kanilang ginagawa. Sila Diana at Pamela ay nagpunta na sa kusina para gumawa naman ng kanilang meryenda para mamaya habang sila Patricia at Nathan naman ay nagswimming na kaagad dahil ito talaga ang madalas na gawin ng magkapatid sa tuwing pumupunta sila sa mansyon. Habang sila Randy, Jonathan at Bernard naman ay abala sa pag uusap ng tungkol sa kumpanya. Habang si Joseph naman ay may sariling mundo sa sala at inabala ang kanyang sarili sa kanyang cellphone.“Jonathan sa tingin mo ba ay kaya ng humawak ng kumpanya ng iyong anak na si Joseph? Nasa edad naman na siya at maaari na ring humawak ng kumpanya,” tanong ni Randy sa kanyang panganay na anak.Seryoso naman na napatingin si Jonathan sa kanyang ama dahil sa sinabi nito.“Bakit po dad?” kunot noo na tanong ni Jonathan.Napabuntong hininga naman si Randy at saka niya seryoso ring tiningnan ang kanyang mga anak.“Matanda na ako at aaminin ko sa inyo na medyo h
CHAPTER 17Habang mag isa naman si Bernard sa kanyang silid ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang ama na bigyan niya na raw ng apo ang mga ito kung ayaw niyang mag asawa. At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na naman niyang naalala ang babae na nakasama niya ng isang gabi. Kaya naman naipikit na lamang niya ng mariin ang kanyang mga mata ng dahil doon.“Tsk. Bakit ba palagi na lang kitang naaalala? Bakit ba palagi ka na lamang gumugulo sa isipan ko? Dala lang yun ng init ng katawan kaya nangyari iyon at wala ng iba pang dahilan. Bakit ba paulit ulit ko na lang naaalala ang mukha mo?” kausap ni Bernard sa kanyang sarili at tila ba naiinis na siya dahil hindi mawala wala sa isip niya ang babae na iyon.Hindi na kasi talaga maintindihan ni Bernard ang kanyang sarili kung bakit ba palagi na lang niyang naaalala ang babae na iyon. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang halos araw araw na lang niyang naaalala ang babae na iyon kaya naman inaabala na lang niya ang kanyan
CHAPTER 16Matapos na mag usap ng mag ina ay muli naman ng bumalik si Diana sa kusina dahil kapag ganitong magkakasama sama sila ng kanyang pamilya sa mansyon ay gusto niya na siya ang magluluto ng kanilang mga kakainin dahil minsan na lang din talaga sila makumpleto roon.Samantalang si Bernard naman ay nagpasya na pumunta sa kanyang silid pero bago pa man siya makarating doon ay nakita niya ang kanyang ama kaya agad niya itong linapitan.“Good morning dad,” bati ni Bernard sa kanyang ama.“Narito ka na pala, hijo. Kagabi ka pa hinihintay ng mommy mo,” sagot naman ni Randy kay Bernard.“Opo dad. Nagkita na po kami ni mommy sa baba. May mga tinapos pa po kasi ako kahapon sa opisina at halos gabi na po ako natapos kaya po sa unit ko na po muna ako umuwi kagabi,” sagot naman ni Bernard dito.Dahan dahan naman na tumango si Randy sa kanyang anak.“Kumusta naman ang kumpanya mo? Pasensya ka na kung naabala pa kita noong nakaraan dahil talaga sumabay rin na nagkasakit ako kaya hindi ko i
CHAPTER 15Hinayaan na lamang naman muna ni Bea na umiyak si Maxene at hindi na rin niya ito iniwanan pa dahil alam niya na ngayon siya higit na kailangan ng kanyang kaibigan.Nang medyo kalmado na si Maxene ay inalalayan naman muna ito ni Bea na makaupo at saka niya ito kinuhaan ng tubig.“Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Pasensya ka na kung iniwanan kita kanina. Dapat pala ay isinama na lamang kita,” puno ng pag aalala na sabi ni Bea kay Maxene.“Ayos lang naman ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pa niya ako kinukulit samantalang hindi naman ako naghabol sa kanya. Hinayaan ko na nga siya dahil gusto ko na maging masaya sya pero bakit parang gusto niya na kalimutan ko na lang ang ginawa niyang panloloko. Hindi ba niya alam na sobra akong nasaktan sa ginawa niyang iyon?” umiiyak pa rin na sabi ni Maxene.Napabuntong hininga naman si Bea habang naaawa niyang tinitingnan si Maxene. “Alam mo, Maxene. Sa tingin ko ay mas mabuti na magpah
CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang ako at ganon din ang gagawin ko sa’yo. Salamat sa pitong taon na pinagsamahan natin at wala akong pinagsisisihan doon. Pero siguro ay hanggang doon na lang talaga tayo. Kung ang Veronica na iyon ang magpapasaya sa’yo ay doon ka na lamang dahil matagal ko naman ng napapansin ang kakaibang tingin niya sa’yo. Matututunan mo rin siyang mahalin lalo na at napapaligaya ka naman niya sa kama,” sabi pa ni Maxene at saka siya naglakad paalis sa harapan ni Joseph.Agad naman na tumayo si Joseph at agad niyang yinakap si Maxene.“Hindi, Maxene. Ikaw lang ang mahal ko at hindi si Veronica. I’m sorry sa mga nangyari. Please bigyan mo naman ako
CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extra table doon si Maxene kaya naman hindi rin siya nahirapan na gawin ang kanyang trabaho.Ilang oras na rin ang nakalipas at seryosong seryoso naman na ginagawa ni Maxene ang kanyang mga trabaho. Paminsan minsan ay linalapitan siya ni Bea upang tulungan siya sa ilang mga paper works niya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kanyang mga ginagawa.Nang sumapit naman ang hapon ay saglit naman na umalis si Bea dahil may kailangan siyang puntahan pero nangako naman siya kay Maxene na babalik din siya kaagad.Habang wala si Bea ay inabala pa rin ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho at maya maya pa ay may kumatok sa kanyang opisina kaya naman napatingin siya roon ng bumukas iyon.“







