共有

ONE

作者: deadofwrites
last update 最終更新日: 2026-01-09 14:00:09

Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na nag mula sa labas.

“Samarah, gumising kana at tanghali na,” saad ng aking ina.

Bumangon ako sa hinihigaan ko at dumiretso sa may bintana.

Isang napaka-gandang umaga na naman ngayong araw, ang mga manok ay malalakas ang tilaok, ang mga kalabaw naman ay mukhang masiglang masigla.

Ngayong araw ay mag-aani kami ng mga palay nina nanay at tatay.

“Mayap a abak,” bati ko sa aking ina.

“Magandang umaga rin sa'yo, anak,” tugon ni mama habang nag luluto.

Ang aming bahay ay gawa sa kahoy, at kami'y naka tira sa San Isidro—probinsya ng Pampanga.

Dumiretso ako sa palikuran at nag simula ng mag sipilyo at mag hilamos ng mukha.

Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin at nag punas ng mukha gamit ang tuwalya.

Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang buhok kong kulay kayumanggi na abot hanggang sa aking pwetan.

“Napaka-gandang dilag naman,” dinig kong puri ng aking Ama.

Napatingin ako sa gawi nito at bahagyang nahiya sa kaniyang pag pupuri.

Pumasok siya sa aming bahay at umupo sa isang upuan na nasa gilid ko.

“Tay naman,” nahihiyang sambit ko.

“Aba! Huwag mong sabihing nahihiya ka?” tanong nito habang nakahawak pa sa kaniyang dibdib.

Bumusangot ako dahil gano'n nga ang aking nararamdaman.

“Huwag kang mahihiya, Anak. Tingnan mo, napaka-ganda mo, nagmana ka sa nanay mo,” naka-ngiting aniya.

Naglakad ito papunta sa akin at niyakap ako.

“Pag butihin mo lagi,” bulong nito sa'kin habang mahigpit akong niyayakap.

“Isali niyo naman ako,” malungkot na ani nanay.

“Halika,” pag-aaya ni papa.

“Pag butihin mo palagi, Samarah. Hindi mo kami binigo, nakapag-tapos ka ng kurso mo. Naalala ko kung gaano kahirap ang pinag-daanan natin noon, makapag tapos ka lang. Kahit walang pang tustos, nag patuloy ka. Kumayod ka rin, naghanap ng makukunan ng pera, upang may pang bayad ka nang tuition mo. Tingnan mo ngayon, nakapag tapos kana dahil sa pag sisikap,” ani tatay.

“Maraming salamat. nay, tay,” nakangiting sabi ko.

“Oh, ano pa ang hinihintay niyo? Mag-almusal na tayo, alas otso na tama na ang drama. Mag-aani tayo ngayon, nako,” sambit ni nanay at natawa naman ako sa kaniya.

I am Samarah M. Daevron, 24 years old. Daughter of Alejandro Daevron and Emillia Mallari–Daevron. My height is 5'8. My Grandfather is a spanish, that's why I have a lot of freckeles. I also have a pointed nose, chinita eyes and small lips na bumagay sa maliit kong mukha. Ang aking pilik mata na kulay itim ay makapal tulad ng aking mga kilay, at ang mata kong kulay kayumanggi ay hinahangaan ng nakakarami. Ang aking balat ay makinis at maputi. I have a pair of sexy legs, makurba ang aking bewang.

Nagtapos ako sa kursong Bachelor of Science in Agriculture. Mahirap ang naging takbo ng pamumuhay namin, ngunit nakayanan kong makapag tapos dahil sa pagkakayod ng aking mga magulang at ang pagsisikap ko.

And now, I've been going to another miles stone of my life, the more hardful but if you love it it's gonna make it easy, I've never regret to be an BSA student thus I'm thankful to be part on it, someone told me being Agriculture students is easy and not work it there's no alternative success on it, but for me it's worth it. Why? Because farmers are ones who provide us food to eat. Since every person needs proper food for their living, so they are a necessity in society no hate but love. Agriculture education is important in public schools because students learn ways to efficiently feed a burgeoning population and gain a better understanding of food production and distribution.

Nasa hapag-kainan kami at nag simula na kaming kumain, ang paborito kong tortang talong na ang aming ulam ngayon.

“Huwag kalimutang mag pasalamat,” paalala ni tatay.

Tumango ako at nag simulang manalangin. Pumikit ako at ipinag-siklop ang aking mga palad.

“Good morning, dear Lord! I thank you for a new day full of good work to do.

Yesterday has come and gone, along with any regrets, mistakes, or failures I may have experienced. Today is a good day to be thankful, and I thank you for our daily bread, Lord. Thank you for helping me today, for a new opportunity to love, to give, and to become the person you want me to be. I praise you today Lord for you are our Father. In Christ's name I pray.

Amen.” Minulat ko ang aking mga mata at ngumiti.

Nagsimula na kaming kumain at napakaraming nilagay na pagkain ni Nanay sa aking plato.

Habang kumakain ay nag-kuwentuhan naman kami.

“Kailan mo balak humanap ng trabaho, Samarah?” tanong ni nanay.

“Hindi ko pa po alam, nay,” tugon ko sa kaniyang tanong.

“Huwag ka muna mag aasawa, Samarah. Nako, malilintikan ka sa'kin,” pananakot ni tatay kaya natawa ako.

“Hindi pa po, tay. Mag ta-trabaho muna ako,” natatawang sagot ko sa kaniya.

“Dapat lang,” mariin na sabi nito at tinitigan ako. Napalunok naman ako.

“Kain kayo ng kain, heto at marami pang kanin at ulam,” ani nanay habang inaalok ang mga kanin at ulam.

“Busog na po ako,” natatawang sagot ko dahil maraming mga kanin at ulam ang inilagay niya kanina.

“Itabi mo na 'yan, Emillia,” ani Tatay.

“Ako na po ang mag huhugas,” pag piprisinta ko.

Iniligpit ko ang mga plato, at inilagay sa lababo. Kumuha ako ng basahan at sinimulan punasan ang hapag kainan.

“Anak, Samarah? Bilisan mo r'yan at mag aani tayo,” sabi ni nanay.

“Opo!” sagot ko at agaran na pumunta sa lababo upang mag-hugas na.

Mabilis kong sinabunan ang bawat plato, kutsara, at ang mga basong ginamit namit kanina. Nang masabunan na ito ay agad kong binanlawan at isinaklob sa isang palanggana.

Hinugasan ko ang aking kamay at nag punas sa isang basahan na nakasabit.

Isinuot ko ang botas de goma, at sinuot ang isang longsleeve at isang pantalon na tinuck-in ko. Itinali ko ang buhok kong mahaba at kulot na pa-pusod. Kinuha ko rin ang sumbrero kong gawa sa abaca, at nag lakad na papunta sa bukid.

“Nay!” sigaw ko at kumaway.

Bago kami makapagtanim ng palay ay inihanda muna namin ang aming lupa. Kailangan na basa at malambot ang lupa upang madali itong bungkalin. Ang mga magsasaka ay nagpapatubig muna bago gawin 'yon. Kinakailangan mong gumamit ng araro at kalabaw. Ito ang isa sa pinaka ginagamit na paraan ng mga magsasaka upang araruhin ang lupa.

Sa pag-aararo ng lupa, ay hahawakan ang araro at maglalakad ang kalabaw. Dahil sa pwersa na mayroon ang kalabaw ay nahahatak nito ang araro at dahil do'n ay nabubungkal na ang lupa. Ang magsasaka naman ay hinahawakan ang araro at maglalakad sila kasabay ng kalabaw, isang mahabang bungkal ng lupa ang magagawa at madami pa ang malilikha hanggang sa mabungkal na lahat ng lupa.

Maari ding gumamit ng makabagong teknolohiya gamit ang landmasher. Mayroon din kasi itong isang klase ng pang-araro sa lupa at madaling gamitin.

Pagkatapos na maararo ang lupa ay kailangan na itong pinuhin. Gamit ang handtractor ay pinipino nito ang lupang binungkal. Kailangang gawing pino ang lupa upang madali itong pagtaniman. Kapag pino ang lupa mas madaling ibaon sa lupa ang mga punla na itatanim.

Sa paggagamit ng handtractor ay kailagan na lagyan ito ng goma mula sa maliit na bilog hanggang sa malaking bilog na makina sa gilid. Ang goma ang tutulong upang umikot ang makina at umandar ang tractor.

May mga matutulis na bakal ang gulong ng tractor na siyang pumipino sa lupa. Sa bawat daan ng tractor, napipino nito ang mga dinadaan na lupa. Hinahawakan ni Tatay ang dalawang hawakan ng tractor na parang nagmamaneho ng motorsiklo, may preno din ang tractor kaya humihinto din ito kapag gusto ng pahintuin.

Ilang araw lang ay nag punla na kami ng aming palay, halos 3 drum ang ginamit namin, inilalagay sa drum ang kalahating sako ng palay at lagyan ng tubig. Kailangan na ang tubig na ilalagay mo ay mas mataas sa palay. Ibabad mo ang mga buto ng palay sa drum ng dalawang araw. Pagkatapos ay ilagay sa sako ang mga palay, pagkalipas lang ng ilang araw ay sisibol na ang mga dahon mula rito.

Habang ang nga buto ay tumutubo, ay kinakailangan ng suyurin ang lupa, matapos itong suyurin at kailangan itong planstiyahin—tinawag itong pagpaplansya dahil parang pinaplansta ang sakahan gamit ang isang malapad at mahabang kahoy ay ipa flat ang putik. Sa pamamagitan nito ay maganda at madali ang pagtatanim ng mga punla. Kapag medyo matangkad na ang palay ay nilalagyan na namin ito ng pataba, nakatutulong ito sa palay para mabilis na tumubo at lumaki.

Noong mag papatubig kami ng palay ay saktong umalan, kaya mas lalong natuwa si Tatay dahil naaayon ang panahon sa aming ginagawa.

Pagkalipas ng limang buwan ay inaani na namin ang palay. Sa pag-aani ng palay ay pinuputol ang mga ito at pagkakatapos ay ilalagay ito sa tresher upang maalis ang mga butil ng palay, maari ding gumamit ng makabahong teknolohiya na ginagamitan ng isang sasakyan na nag-aani ng palay. Sa ganitong paraan ay mas napapadali ang pag-ani ng palay ngunit wala kaming pambili ng gano'n at mano-mano namin inaani ang mga palay.

Nagtungo ako sa kanilang gawi at nagsimula na kaming mag-ani.;Mainit ang sikat ng araw ngayon, kaya mabilis akong pinag pawisan.

Ilang oras na kaming nag-aani at naramdaman ko na ang pagod. Tumingin ako sa gawi ni tatay at mukhang pagod na pagod siya sa pag-aani.

“Tay! Pahinga po muna!” sigaw ko upang marinig niya 'ko. Tumungin siya sa akin at itinaas niya lang ang kaniyang kanan kamay, kitang-kita sa mukha niya ang pagod.

Naglakad ako papunta sa isang silungan na gawa rin sa kahoy.

“Samarah! Halika't mag miryenda ka muna,” anyaya sa akin ni nanay.

“Opo, nay. Kaya nga po ako pumarito,” sambiy ko sa kaniya.

Tinanggal ko ang abaca kong sumbrero at Inalis ang suot kong long sleeve. Tanging sando ang suot ko ngayon, na kulay puti at pantalon. Umupo ako sa upuan na naro'n.

Kumuha si Nanay ng isang pitsel at isang baso, pinuno niya ng tubig ang baso na nanggaling sa pitsel. Lumapit siya papunta sa'kin at ibinigay sa'kin ang baso na may laman na malamig na tubig.

“Inom ka muna.” Umupo si nanay sa tabi ko.

Kinuha ko ang inaalok niyang tubig at ininom ko ito.

Tila napawi ang pagod at init na naramdaman ko kanina dahil sa isang basong malamig na tubig.

“Napaka-init ngayong araw,” nakangiwing sabi ni nanay.

“Oo nga, nay. Napaka-init ng sikat ng araw ngayon,” pagsasang-ayon ko sa kaniyang pahayag.

Pinagmasdan ko ang aking ama na patuloy pa rin sa pag-aani ng mga palay kahit na napaka-init ng sinag ng araw.

“Pagmasdan mo 'yang tatay mo, napaka-sipag. Parang sa kaniya ka nag mana.”

Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni nanay.“Ikaw rin po masipag. Nagmana ako sa inyong dalawa.”

Yumakap si nanay sa 'kin. “Lagi kang mag-sikap abutin lahat ng pangarap mo, dahil sarili mo lang ang maasahan mo para abutin ang mga panagarap mo.”

“Syempre naman, nay. Susuklian ko pa ang mga sakripisyo niyo sa'kin,” saad ko.

“Ano'ng pinagkaka-abalahan niyo r'yan, ha,” rinig kong ani tatay kaya tumingin kami sa kaniya.

“Usapang pang-babae, Alejandro,” saad ni ina.

“Sali ako,” pabirong sabi ni tatay. Tinanggal niya ang kaniyang sumbrero at ipinatong sa mesa, kumuha siya ng isang baso ng malamig na tubig at ininom ito.

“Ang sarap," saad nito matapos niyang inumin ang isang baso ng tubig.

“Bakit ka makikisali, aber? Babae kaba?” tanong ni nanay habang naka-pamaywang.

“Oo, Emillia. Babae ako, baket?” Nag taas ng kilay si tatay.

Natawa naman ako sa kanilang ginagawa. Ganito sila palagi, nag-aasaran ngunit kitang-kita naman na mahal nila ang isa't isa.

Mayaman ang pamilya ng aking tatay, ngunit hindi matanggap ng kaniyang mga pamilya ang aking nanay, dahil hindi ito nakapag-tapos ng pag aaral at tanging sa bukid lang ang alam nito. Pinaglaban ni tatay ang aking nanay, dahil labis niya itong mahal. Dahil sa kagustuhan ni tatay na pakasalan ang aking nanay, at tinanggihan ang babaeng dapat niyang mapangasawa na isang mayaman din at gustong ipakasal ng mga magulang ni tatay sa kaniya, itinakwil siya ng aking mga lolo't lola dahil mas pinili niya si nanay, at nalaman na nag dadalang-tao si Ina. Hindi rin ako kinilala bilang apo ng mga magulang ni tatay. Ang mga magulang naman ng aking nanay ay hindi ko na nakita, dahil bata pa lang si nanay ay sumalangit na ang kaniyang mga magulang.

“Samarah, tara't kumain na ng tanghalian,” pag-aaya ni Nanay habang inaadya ang mga plato't kutsara.

“Sige po. Busog pa po ako,” pag-tatanggi ko.

Tumayo ako mula sa pakakaupo at pinagmasdan ang aming bukid. Nag muni-muni ako at iniisip kung saan nga ba ako dapat mag trabaho, nakapag tapos naman ako ng pag aaral.

“Huy”

“Ay, palaka!” napasiigaw ako sa gulat nang biglang may nag salita.

Tumingin naman ako at si Arthur 'yon, ang aking matalik na kaibigan simula pagkabata.

Siya si Arthur, 25 years old. Dark and muscular, very manly. His eyes are black with a pair of long eyelashes and thick eyebrows. Ang kaniyang labi ay sing pula ng mansanas, lahat ng kababaihan ay nahuhumalimg kay Arthur hindi lang dahil sa kaniyang panlabas na anyo, dahil din sa kakulitan nito at dahil din sa mapag-biro ito.

“Nasaan?” kunot-noong tanong nito.

“W-wala, ginulat mo kase ako,” sambit ko at tumawa naman siya.

“Lalim ng iniisip mo eh,” natatawang sabi niya.

“Nasisid mo?” pilosopong tanong ko na mas lalo niyang ikinatuwa. Pumalakpak pa ito habang tumatawa at halos umiyak na ito kakatawa.

“Para kang siraulo,” singhal ko sa kaniya.

“Grabe ka naman sa'kin,” aniya at tumigil sa kakatawa.

“Saan mo balak mag trabaho?” tanong ko sa kaniya.

“Sa ngayon...Hindi ko pa alam, baka luluwas ako ng Maynila para ro'n humanap ng mas magandang trabaho at malaking sahod,” saad nito.

Naging interesado ako sa kaniyang sinabi, mas malaking sahod 'yon mas matutulungan ko sina nanay at tatay.

“Kailan?” interesadong tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko pa nga alam. Bingi kaba?” iritang sambit niya.

“Nagtatanong lang ako,” napipikon na ko at ngumiti ng peke.

“Oh. Arthur, nandito ka pala.”

Agad naman nag-mano si Arthur kay tatay.

“Ah, oo nga po. Kitang-kita niyo naman po,” tugon ni Arthur kay tatay.

“Maloko ka talagang bata ka. Bakit ka nga ba nandito? Aakyat kaba ng ligaw kay Samarah?” nanunuksong tanong ng aking Ama.

“Tay!” suway ko dahil nahiya sa kaniyang itinanong.

“Ha?! Kay Samarah po? Panget po ni Samarah para ligawan ko, kumbaga 'di ko siya type,” ani Arthur habang nakangiti.

Hinampas ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi habang siya naman ay tuwang-tuwa.

“Loko ka talaga. Osya, mauna na 'ko dahil mag-aani pa 'ko. Samarah, samahan mo ang nanay mo sa pag-aani,” bilin ni Tatay at naglakad na sa bukid.

“Sige po!” tugon ko.

“Mauna na rin ako, panget,” ani Arthur. Tinitigan ko siya ng masama dahil sa kaniyang sinabi.

“Sa mukha kong 'to, panget pa 'ko? Mahiya ka naman!” sigaw ko sa kaniya.

Tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya akong naaasar na.

“Panget!” sigaw nito at tumakbo na paalis.

“Bwisit talaga,” mahinang bulong ko.

“Samarah, tara,” pag-aaya ng aking Ina.

“Saglit lang ho!” Bumalik ako sa silungan at sinuot muli ang aking long sleeve upang hindi masunog ang aking balat, kinuha ko rin ang aking sumbrero na gawa sa abaca. Naglakad ako papunta kay Nanay at naalala ang sinabi ni Arthur kanina.

Tumingin ako kay Nanay at ngumiti na ikinanuot ng kaniyang noo. “Baket ka pangiti-ngiti r'yan ha,” aniya na may panunukso.

“Iba na naman nasa isip mo, nay. Si Arthur kase, sabi mas malaki raw ang suweldo sa syudad ng Maynila, nais ko sanang mag trabaho ro'n,” pagku-kuwento ko sa kaniya.

“Aba. Napaka-layo ng Maynila, Samarah,” sambit ni Ina.

Nagpatuloy kami sa pag lalakad habang nag-uusap.

“Kung papayagan niyo po ako ni tatay, paniguradong mas malaking sahod ang kikitain kong 'yon at mas malaki ang perang maibibigay ko,” pagpapaliwanag ko.

“Mamaya natin pag-uusapan 'yan, anak,” ani nanay at tinapik ang aking balikat at nagsimula ng mag-ani.

Napabuntong-hininga ako. “Mas maganda sana ang kapalaran ko sa maynila,” bulong ko sa sarili at nag simula nang mag-ani.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A ONE NIGHT WITH HIM   FIVE

    Hating gabi na at dumaragsa pa rin ang mga tao rito, hindi magkamayaw si Arthur sa pag aasikaso ng mga bagong dumarating na mga costumer.Naka-upo lang ako sa upuan na nasa gilid ng stage dahil oras ng pahinga ko ngayon, minamasdan ko lang ang mga taong nasa loob ng bar. Halos sila ay mga amerikano, bilang lang ang mga nakikita kong pilipino rito dahil puro mestizo ang nakikita kong nandito ngayon.“Good Evening, everyone.”Nabaling ang tingin ko sa nag salita na nanggaling sa entablado, isang matipunong lalaki ngunit hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang sumbrero. Naka upo siya sa isang silya habang hawak ang micropono, sa tingin ko ay nais niyang umawit.“This song... I dedicate to my beloved woman, but now we seperate our ways...” Halata sa boses niya na lasing siya at malungkot.“Minsan talaga sa buhay natin may darating na isang tao,” panimula nito, kaya naman pinagmasdan ko na lamang siya.“Na mag papaniwala sa'yo na walang hanggan, isang tao na mag p

  • A ONE NIGHT WITH HIM   FOUR

    “Ma, kailangan 'yon para sa pag papagamot ni tatay.”Kanina ko pa kinukumbinsi si nanay na payagan akong lumuwas ng Manila para humanap ng pagkakakitaan.Iniuwi na namin si Tatay at binili ang mga gamot na kailangan niya, at tanging therapy na lang ang problema namin. Kailangan niya rin ng masustansiyang pagkain, para naman lumakas agad ang katawan niya.“Hindi ba delikado?” tanong ni nanay sa 'kin.Kung delikado man do'n, kaya ko naman mag-ingat, kaya ko naman ang sarili ko.“Hindi naman siguro, Nay.”Tumingin ito sa'kin at pinagmasdan ako, tila ba'y sinusuri ang pagmumukha ko.“Mag ingat ka..” mahinang sabi nito habang naluluha.Pinapayagan naba niya ako?“Anong ibig sabihin niyan...Nay? Pinapayagan mo na ba ako?” masayang tanong ko sa kaniya.Tumango ito.Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.“Huwag mong pababayaan ang sarili mo ro'n, Samarah.”“Opo, Nay.” Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko. “Tawagin ko po si Arthur, dahil sa kani

  • A ONE NIGHT WITH HIM   THREE

    Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi

  • A ONE NIGHT WITH HIM   TWO

    Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi

  • A ONE NIGHT WITH HIM   ONE

    Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na nag mula sa labas.“Samarah, gumising kana at tanghali na,” saad ng aking ina.Bumangon ako sa hinihigaan ko at dumiretso sa may bintana.Isang napaka-gandang umaga na naman ngayong araw, ang mga manok ay malalakas ang tilaok, ang mga kalabaw naman ay mukhang masiglang masigla.Ngayong araw ay mag-aani kami ng mga palay nina nanay at tatay.“Mayap a abak,” bati ko sa aking ina.“Magandang umaga rin sa'yo, anak,” tugon ni mama habang nag luluto.Ang aming bahay ay gawa sa kahoy, at kami'y naka tira sa San Isidro—probinsya ng Pampanga.Dumiretso ako sa palikuran at nag simula ng mag sipilyo at mag hilamos ng mukha.Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin at nag punas ng mukha gamit ang tuwalya.Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang buhok kong kulay kayumanggi na abot hanggang sa aking pwetan.“Napaka-gandang dilag naman,” dinig kong puri ng aking Ama.Napatingin ako sa gawi nito at bahagyang nahiya sa kaniyang pag pupuri.Pumasok siya

  • A ONE NIGHT WITH HIM   PROLOGUE

    Lumakas nang lumakas ang sigawan ng mga tao, nahihilo ako sa mga iba't ibang kulay na nakikita ko... Ngunit nakuha ko pang gumiling at itinaas ko ang mga kamay ko, at nagsimulang igiling ang aking katawan na animo'y sumasabay sa indayong ng kanta.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang sumayaw nang malaswa. Hindi ko na makontrol ang aking katawan dahil sa kalasingan.May naramdaman akong biglang humaplos sa aking baywang, ramdam na ramdam ko ang bawat haplos niya. Tinugunan ko ang mga kilos niya kaya naman niyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya upang makasayaw rin ako nang maayos. Nanatili naman na nakapikit ang aking mata at hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nasisilayan ang mukha ng lalakeng kasayaw ko.Nagulat ako nang bigla niya akong siniil nang mapupusok na halik. Ngayon ko lamang naramdaman itong klaseng sensasyon na ito, dahil ito ang unang halik ko.Ginawaran ko rin siya ng halik, sumabay ako sa galaw ng kaniyang mga mapupulang labi. Ang dila niya ay tila uhaw sa isang

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status