Share

08

Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami papunta sa Velasco Resort. Buti nalang talaga at kabisado niya ang mga direction.

Naka board shorts lang si Sir na kulay puting sando na naipababawan ng itim na polo na lahat ng butones ay nakabukas. Suot niya parin ang mga alahas niya at sunglasses. Parang ako nalang ang semi-formal ang datingan. Na realize na siguro ni Sir na Isla to kaya ganyan na ang suot niya. Buti naman, sir.

Ng makapasok kami sa Resort, talagang hindi mabilang ang tumititig sa kanyang mga babae. Si sir, ayun walang pake. Taas noo lang siyang naglalakad, habang ako ay nakasunod lang sa kanya na parang tuta.

Beach restaurant parin ang meeting place dito sa Velasco Resort. Kompara sa Kay Mr. Teroso na resort, itong resort nato ay simple lang walang bahid ng modern na desenyo. Mas relaxing ang lugar nato lalo na at maramig puno ng niyog.

"Mr. Castillo, nice to finally meet you." Bungad samin ng lalaki na siguro nasa mga late 40s palang.

"Nice to meet you too, Mr. Velasco." Sabi niya at inaya naman kaming umupo. Tumingin pa ang lalaki sakin ng may ngiti sa labi. Binalewala ko lang iyon at ginawa ang trabaho ko.

"So I guess you have an idea why i want a meeting with you, right?" Panimula ng lalaki.

"Yes, you want to upgrade your resort." Iyon ang sinabi ni Sir.

"Ah yes." Sagot naman ng lalaki.

"And..." Sabi ni Sir ng nakataas ang kilay.

"And... I want you to be part of it." Sagot naman ng lalaki. Oh so partnership ba ganun? Bakit niya naman i-uupgrade ang resort nato?

"Your resort definitely have positive reviews because of it's concept. This resort has very relaxing view and place. I actually love your resort. So why upgrade it?" Tanong ni Sir at tinaas ang glasses niya.

"Coz I wanna change the vibe and aura of this." Aniya.

"Mr. Velasco, most of the resorts are modernized. Even if this place looks old class. People have different taste. If we make it modernized, I'm expecting that this will be end of your resort." Sagot ni Sir. Tama naman si Sir, halos lahat ng Resort dito ay modernized. Iilan nalang ang mga ganitong resort. Mas gusto ko pa ang ganito, kahit na hindi masyadong magarbo ay sobrang ganda naman. Mas relaxing nga talaga ang ganito.

"But if you really want to upgrade it, we will still follow the concept. We will add Gazebos, and let's hire landscape artist for the upgrade." Dagdag ni Sir. narinig ko naman ang sabi niya, landscape artist? Pangarap ko iyan! Ang maging isang landscape artist.

Mahilig akong mag desenyo lalo na pagdating sa halaman. Sabi nila ay namana ko daw iyon kay Tatay. Bata palang si tatay ay gusto na niya ng ganong trabaho, kaso wala silang pera. Naging hardinero lang siya. Pero kahit na hardinero lang iyon, tinitingala siya sa galing niya. Hindi lamang simpleng hardinero ang tatay ko. Halos lahat sa mansyon ng Castillo ay siya ang nag desenyo at namahala.

"Can't believe that you're still in college but know how to make great ideas. I really agree about that Mr. Castillo." Ani ng lalaki at nakangiti.

So college pa pala si Sir? Akala ko ay tapos na siya sa pag-aaral. Siguro ay mature lang talaga siya mag-isip.

"I'm glad to be a part of this, Mr. Velasco." Noon ko lang nakita si Sir na ngumiti.

Sinulat ko na sa iPad ang mga pinag meetingan nila, tungkol sa mga napagdesisyonan nila. Ilang saglit lang ay nagpaalam na kami. Next week pa nila sisimulan ang pag upgrade nitong resort ni Mr. Velasco.

Sumakay na kami sa kotse niya at para dalawin ang mga restobars nila at mga ilang resorts nila dito. Hinayaan ko lang si Sir kung san siya unang pupunta. Hindi ko naman kasi alam kung saan ang mga restobars and resorts nila.

Una naming pinuntahan ang restobars nila sa bayan. Nagpadagdag lang siya ng mga wines at mga pagkain sa menu. Tinitignan ko lang si Sir sa pinangagawa niya. Talagang marunong na siyang mag manage sa isang negosyo.

Nakakabilib, siguro si Sir nasa mga 20 palang. Mga ganyan edad siguro nag te-training pa. Pero siya parang gamay na gamay na niya ang mga trabaho.

Pinuntahan pa namin ang mga resorts nila. Nalaman kong tatlong resorts ang meron sila dito. Namangha ako sa mga desenyo nito, napakaganda talaga. Pinaghalong modern at old class. Unique ang mga desenyo nito. 

Nang nasa pangatlong resorts na kami, pamilyar na ang daan sakin. Unti unti kong nakita ang dagat na pinangingisdaan namin. Wow! May resort pala sila dito.

Bumaba kami sa isang resort. May puti itong gate na maliit, na gawa sa kahoy. Napakaganda halos puti ang mga gamit. Pati ang mga Gazebos at ilan pang cottages. May mga bangka rin dito.

"Ang ganda naman dito sir." Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapasok dito kahit na malapit lamang ang bahay namin dito.

Hindi ako pinansin ni Sir, sa halip ay pumunta siya sa receptionist. Nagulat sila ng makita si Sir. Ilan sa mga nagta-trabaho dito ay kilala ko. Nagkakawayan lang kami dahil nga nasa trabaho pa kami.

"Goodnoon sir, eto napo ang listahan." Lahad sa kanya ng receptionist. Napasapo siya sa noo niya. Agad naman akong tumabi sa kanya.

"Too low." Aniya. Hindi ko inaasahan na ilalahad niya sakin.

Talagang mabibilang lamang ang nag che-check in sa resort nato. Tinignan ko rin ang offers na meron sila. Napanganga ako, sobrang mahal naman.

"Sir..." Nilakasan ko ang loob ko na tawagin siya. Nilingon niya naman ako.

"Ilan kasi sa mga offer dito sir ay sobrang mahal. Tsaka sir ilan lang ang mga nakatira

ditong may kaya. Hindi naman po ganon karami ang mga turistang

dumadalaw dito. Halos pangkabuhayan lang dito ay pangingisda sir." Sabi ko at tinaasan lang ako ng kilay ni Sir.

"Then.." aniya at sinensyas na magpatuloy ako.

"Gawin nating mura sir. Pero wag naman iyong aabot sa punto na ikalulugi niyo. Enough lang po na may kita pa kayo. Pwede rin nating i advertise ito sir. Yung gawan natin ng page ang resort niyo po. Tapos i post ang mga offers and places po dito. Ako na po bahala doon." Sagot ko, sana naman okay lang sa kanya na manghimasok ako sa trabaho niya.

"Okay. I think we're done here." Yun lang ang sinabi niya at binalik na sa receptionist ang mga listahan.

Di ko inaasahan na aaprobahan niya ang ideya ko, kaya dali dali akong nag picture sa mga lugar ng resort nato. Sabi niya naman siya na daw bahala sa mga offers. Sana naman bawasan niya. Iilan lang talaga sa residente dito ang nakakapunta sa resort na to.

Magpapalagay rin daw si Sir ng karatula samga bagong offers niya dito. Nasayahan naman ako, ang talino ko dun na part!

Pagkalabas namin, may nakita akong pamilyar sakin. Nagpaalam muna ako saglit kay Sir para batiin ang kaibigan ko.

"Miko!" Bati ko ng makalapit sa kanya. Agad niya naman akong niyakap.

"Uy! Big-time ka na ngayon ah." Aniya sabay suyod ng tingin sa suot ko.

"Ulol, P.A na ako ng anak ng boss namin. Kaya ganito suot ko." Ekplenasyon ko.

"Nyamugwapa diay?"  Aniya, nang-aasar.

"Tse!" Sabi ko sabay hampas sa balikat niya. Nagulat ako ng may bumusina! Sasakyan pala ni Sir! Nako patay ako nito!

"Pasensya na, kailangan ko ng pumunta. Byeee!" Paalam ko kay Miko. Kumaway lang sa samin.

Pagkapasok ko sa sasakyan pinaharurut agad ni Sir ang kotse niya. Buti nalang naka seatbelt na ako.

Pagkauwi namin, dumiretso siya sa pool area. Agad naman akong kumuha ng tuwalya para sa kanya. Umupo na muna ako at inayos ang schedule niya bukas. May nag email na pero mamaya ko nalang sasabihin sa kanya.

Ng nakita ko siyang umahon, kinuha ko na ang tuwalya niya. Talagang personal assistant. Hays. Pag lahad ko sa kanya. Kinuha niya naman iyon. Topless siya pero hindi ako naiilang. Marami talagang ganito sa Siargao.

Tumabi muna ako sa kanya kung sakaling may kakailanganin siya. Sa di inaasahang pangyayari! Tinulak niya ako sa pool!

"Learn how to distance yourself." Yun lang ang sinabi niya at iniwan na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status