Share

01

Masaya akong naglalakad sa palengke habang pumipili ng mga kasangkapan para sa iluluto namin ni nanay.

Balak naming mag ginisang gulay lamang at ginamosKahit na simple lamang ang ulam namin di talaga maiwasang matatakam ka. Lalo na pag may ginamos

kung tawagin nila.

Pinanganak ako sa Isla ng Siargao. Isang simpleng manininda ang nanay ko ng banana cue habang ang ama ko ay hardinero sa isang hacienda dito ng mga Castillo.

Habang ako mag dadalawang taon ng naninilbihan sa mansyon ng mga Castillo. Nagpa-parttime ako para ipangtustus sa pag-aaral ko, pero nitong nakaraan ay tumigil muna ako sa pag-aaral dahil kapos kami at walang sapat na pera para tustusan ang pag-aaral ko.

Kapatid ko naman ay isa ring part-timer sa isang fast food chain sa Laguna. Doon na siya pinaaral para kahit papano ay may makasama ang tiyahin kong si Nanang Amor.

Mag kokolehiyo na ang aking kapatid kaya't nagparaya muna ako, mag do-doctor siya. Kahit na magastos ay pinagsumikapan naming makahanap ng pera para sa pagpapa-aral sa kanya.

Nangingisda ako sa madaling araw. Pagkatapos mangisda ay de-diretso ako sa mansyon ng mga Castillo upang manilbihan. Isa ako sa pinagkakatiwalaan ng mga Castillo.

Minsan rin pag walang araw ng trabaho ay sinasamahan ko si Nanay na maglako ng banana cue. Isa si Nanay sa pinagkakaguluhan ng mamimili dahil sa sarap ng kanyang banana cue or sa bisaya man ay maruya.

Kahit na hindi na ako nag-aaral ngayon dahil nga sa kakulangan ng pera, hindi ako nagalit saking kapatid. Ako rin naman kasi ang kusang nag suhestiyon na titigil muna. Naiintindihan ko ang estado ng buhay namin, kaya ganoon nalang ang aking naging desisyon.

"Hi te, mayng buntag! Papalita kog isa ka bugkos na batong."

Sabi ko tsaka inabot naman ito sakin ng matanda tsaka ako nagbayad.

Ito nalang ang kakailanganin ko matapos kong mabili ang ibang kasangkapan, kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Malapit lapit lamang ang bahay namin sa palengke kaya naglakad nalang ako.

"Uy, Kley! Saan ka galing? Namalengke?" biglang sulpot ni Miko sa gilid ko. Simpleng t-shirt lamang ang kanyang suot iyong may butas sa magkabilang gilid tsaka maong na shorts.

Habang ako ay isang simpleng blouse at mataas na palda.

"Ah oo, ikaw ba?" Pabalik na tanong ko naman, nag presinta siyang magdala sa hawak ko kahit dalawang cellophane lamang iyon ay magagaan naman. Sa huli ay hinayaan ko nalang siya.

"Galing ako nangisdasinamahan ko si itayNangisda ka ba kanina?" Tanong niya naman sakin. Kitang kita sa ekspresyon na nag-aalala siya.

"Eh tinatanong pa ba iyan, syempre. Araw-araw akong nangingisda." Sagot ko naman, nasa bahay na kami kaya pinatuloy ko rin si Miko bago ko nilapag sa mesa ang mga cellophane at Isa isa itong hinugasan.

Ang bahay namin ay simple lamang na gawa sa kahoy, kahit papano pag may kalamidad ay hindi ito natitibag.

"Gusto mo ba ako nalang nangingisda para sayo, tapos benta narin natin. Kahit wala akong porsiyento, okay lang." Ani niya naman kaya napalingon ako sakanya habang iniisa parin ang gulay at nililinisan.

"Pwede ba iyon? Masasayang lamang ang paghihirap mo tapos wala ka namang mapapala." Sagot ko at ng matapos ng maghugas ng gulay ay hiniwa-hiwa ko na ito.

"Hindi maganda para saiyo ang magtrabaho ng madaling araw, tapos nangingisda pa. Isa ka paring babae." Aniya at tinulungan akong maghiwa ng gulay.

"Kaya ko naman Miko, tsaka ayos lang naman ako. Hanggang kaya ko ang ginagawa ko, hindi ako aasa sa iba." Sagot ko sakanya at hinanda na ang paglulutuan ko bago lagyan ng mantika.

Napaharap kami sa pinto ng maabutan namin si Nanay na may hawak ng box sa banana cue na wala ng laman. Sinalubong niya kami ng ngiti.

"Uy Miko, andito ka pala." Baling ni Nanay ng makita niya si Miko.

"Ah opo, nakita ko kasi si Kleian kanina kaya sinabayan ko na po pauwi...mano po." Paliwanag niya tsaka lumapit kay Nanay. Nakangiti naman nitong nilahad ang kamay niya upang makapag-mano si Miko.

Lumapit naman ako kay Nanay para makapag-mano narin tsaka kinuha ang dala niyang box upang ilapag iyon sa hugasan.

"Dito ka nalang rin mananghalian Miko, murag lami ning giluto ni Kley." Sabi naman ni Nanay tsaka nilapitan ako at inakbayan habang naghahalo ako sa niluluto kong ginisang gulay.

"May luto ba akong hindi masarap?" Kunware'y tanong ko sakanila. Ngumiti sila sa akin.

"Puros napakasarap anak, masarap na masarap." Ito namang Nanay ko oh, masyadong pinapalaki ulo ko.

Nagke-kwentuhan lang kami habang nag gigisa ako, ilang minuto lang a nilapag ko na ito sa mesa pati ang kanin. Medyo hindi ako nakapaghanda ng kanin kasi naman biglaan ang pagsabay samin ni Miko.

Mga dalawang kutsara lamang ng kanin ang aking sinandok, ilang sandali lang ay dumating na si Tatay. Binati namin siya at maghugas siya ng kamay bago kami sinabayan sa hapag.

Hindi mawawala ang pasasalamat namin sa poong maykapal sa pagbigay saamin ng makakain, ito ang tradisyon naming hindi namin makakaligtaan.

"Kamusta ang trabaho tay?" Pangungumusta ko naman habang kinakamay ang kinakain ko at isang paa ay nasa upuan nakapatong na sinasaldalan ng siko ko.

"Nakakapagod pero ayos lang iyon, kalahating araw lang naman ako ngayon sa hacienda. Ngayong hapon sasama ko kela Arturo para pumalaot." Aniya.

"Ako nalang po sasama

kela

angkol

, kailangan niyo pong magpahinga." Suhestiyon ko naman at inubos na ang pagkain ko.

"Naku, ayan ka nanaman anak. Inaako mo ang trabaho ko, hayaan mo lang at kaya ko naman. Uuwi rin ako bago lumubog ang araw." Aniya at isa isa na nilang nilagay sa hugasan ang mga pinagkaininan nila.

"Nag-aalala lang ako sayo Tay, pero sige kung kaya niyo naman. Basta bago lumubog ang araw ay umuwi na kayo." Habilin ko naman at parang si Tatay ay batang nagsasaya dahil pinayagan ng magulang. Napailing iling nalang ako.

"Ako na riyan at ihatid mo nalang si Miko sa labas." Ani ni Nanay saka pinalitan ako sa paghuhugas. Sumang-ayon naman ako at pinahid sa tuwalya ang basa kong kamay.

"Tutulak

napo ako, maraming salamat pala ho. Nang Maria, Nong Jiro, tuloy na ho ako." Paalam ni Miko sa kanila, Ngumiti rin sila Nanay at tumatango tango.

Si Miko or Mikeolo Arthur Serventes ay kababata kong lalaki. Sa simula palang ay malapit na kami sa isa't isa lalo na rin ang mga magulang namin. Tatay niya ay isang nangingisda, si Nong Arthur Serventes.

"May Fish Joke akong hinanda." Magiliw na sabi ni Miko sakin tsaka tumingin naman ako sakanya at tinaas ang kilay habang nakangisi na para bang nanghahamon.

"Anong

isda ang pwedeng ipambayad sa kendi?" Unang hirit nito.

"Eh?... Sige, ano?" Humarap ako sakanya tsaka nakapamewang.

"Edi

fishO! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" natawa ako hindi dahil sa banat niya, kundi sa tawa niyang parang loko-loko.

"May isa pa." Aniya at nagsimula na kaming maglakad ulit. Tinignan ko lang siya at sinenyasang magpatuloy.

"Anong

isda ang nangangarate?" Kahit na alam ko ang sagot ay pinakita ko lang na kunware'y nag iisip ako. Gusto ko kasi siya ang mag deliver ng mismong banat niya.

"Ano?" Tanong ko naman sa kanya.

"Edi

TilapYA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" umaksyon pasiyang parang nangangarate kaya natawa ako lalo.

Puro kami tawa at hanggan sa makaabot kami sa kanto at nag desisyon na doon ko nalang siya ihatid.

"Oy pre si Kleian oh!" may grupo ng lalaki na tumitingin sakin, batid kong mangingisda ang ilan dito at Ilan naman ay nag ta-trabaho sa palengke.

Agad hinarang ni Miko ang katawan niya sakin at matalim na tinignan ang mga lalaki pero hindi ito natinag, hinawakan ko ang braso ni Miko at sumenyas na gumilid siya.

Kahit na mahaba ang palada ko at tanging balat ko sa kamay ang nakikita ay napapasipol ang mga kalalakihan. Napailing iling nalang ako, Wala talagang pinipili ang mga manyak kahit na halos balot na balot ka, pagti-tripan ka parin ng mga to.

Bahagya akong lumapit sa kanila kaya maloko nila akong nginisihan. Ngumiti rin ako sa kanila.

"Alam niyo po...KUNG PASIPOL

SIPOL LANG KAYO RIYAN SA HALIP NA BUMALIK SA TRABAHO WALA KAYONG

MAKUKUHANG

SALAPI MGA ASAWA'T

ANAK NIYO AY NAGTITIIS NA SA GUTOMPURO

KARUMIHAN

LAMANG IYANG MGA INAATUPAG NIYO!" Singhal ko sa kanila sabay duro sa pagmumukha nila. Tumiklop sila, dahil sa lakas ng boses ko napapatingin ang ibang dumadaan.

"Pasensya na Kley..." Paumanhin naman ng isa.

"Alis!" Taboy ko sakanila at bumalik na kay Miko na manghang mangha sakin napailing nalang ako.

"Grabe ka Kley, galing mo don." Papuri niya naman sabay akbay sakin at ang mokong ginulo pa ang buhok ko.

"Maliit na bagay." mayabang kong sagot. Saglit pa kaming nagkwentuhan bago ko napagpasyahang umuwi muna.

Pagkauwi ko ay nagpapahinga na si Nanay, si Tatay naman ay parang pumalaot na. Ilang sandali lang akong magpahinga bago nagluto ulit para sa hapunan.

Habang nagluluto ako ay dumating na rin si Tatay. Nag kwentuhan pa sila si Nanay sa patungkol sa mga nangyari kanina habang pumalaot sila ni Nonong Arturo.

Nagke-kwentuhan rin kami ng nasa hapag na at nahanda ko na ang kakainin namin. Simpleng tuyo lang at kanin. Dalawang kutsara ng kanin ulit ang kinuha ko dahil napansin kong pagod at gutom si Tatay.

"May narinig akong chismisan kanina ng pauwi ako Kley." Ani ni Tatay. Napatingin naman si Nanay saken bago binalingan si Tatay.

"Nagsisigaw ka daw doon sa kanto, sinisigawan mo daw sila Padro" sabi ni tatay napatukhim ako bago uminom ng tubig.

"Bungangera ka parin anak." Ani ni Nanay tsaka napanguso ako.

"Eh sila kasi Nay, sumisipol habang dumadaan ako. Eh iyong isipol nila, I trabaho nalang nila kikita pa sila." Sagot ko naman.

"Tama naman pala ang ginawa ng iyong anak, Jiro." Pagpapanig ni Nanay sakin.

"Pero dapat ay di na sumisigaw, ke babaeng tao nitong anak mo tapos sumisigaw. Sa susunod makiusap ka ng malumanay anak ha." Pangangaral ni Tatay. Napanguso lang ako at tumango tango.

Nakipagkwentuhan pa sila, at ilang sandali lang natapos na kami at nanghugas na ako ng pinggan. Pumunta sila Nanay sa Sala, para mag kwentuhan ulit. Wala naman kaming TV para maaliw kami kaya palagi lang kaming nag ke-kwentuhan. Mabuti narin ito at palagi naming nakakamusta ang isa't isa.

Habang nasa Sala na kami ay tumunog ang Cellphone ko. Tinignan ko ang tumawag ng makitang si Kuya Kenjiro ko iyon.

"Hoy Mack KenjiroButi naman at nagparamdam ka!" Bungad ko agad. Agad akong sinuway ni Tatay dahil sa bunganga ko, humingi ako ng paumanhin agad.

"Bungaga mo Kleain! Para kang nakalunok ng megaphone!" Saway rin ng kapatid ko sa kabilang linya.

"Sorry, kamusta Kuya?" Tanong ko, sila Nanay ay nakaabang lang sa akin.

"Medyo may problema e." naririnig ko ang pagkapahiya at lungkot sa boses ni Kuya. Kaya nangunot ang noo ko.

"Ano ba iyon?" Tanong ko naman.

"Kakailanganin ko sana ng kaunting pera, medyo gipit na ako at hindi na umabot sa isang libo ang ipon ko. Kung pe-pwedemakahingi lang ako kahit konti lamang." Naawa ako kay kuya. Kaya hindi ako nagdalawang isip na umuo.

Minsan sakin siya nag ke-kwento pag nahihirapan na siya, ayaw niyang malaman nila Nanay at baka mag-aalala pa ang mga to. Kaya ako minsan ang gumagawa ng paraan para malutasan niya ang problema niya.

Minsan naman ay nagiging emosyanal siya at pinaghihinaan ng loob, hinahayaan ko lang siyang mag kwento sakin hanggang sa ayos na ang pakiramdam niya. Kinakaya namin kahit kapos kami, masaya parin kami at nagdadamayan.

"Ano sabi ng iyong Kuya?" Tanong ni Nanay ng binaba ko na ang telepono.

"May kakailanganin daw ho siya, pero wag na kayong mag alala Nay, Tay. May ipon pa ako, at buti nalang malaki laki iyon. Ako na magpapadala kay Kuya, bukas na bukas." Ani ko at nakahinga naman sila ng maluwag.

Ilang sandali lang kanya kanya na kaming pumasok sa kwarto namin.

Pagkapasok ko binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang box tsaka ang alkansya kong gawa sa kawayan.

Sa box ko ay mahigit isang libo ang laman niyon. Minsan kasi ako na bumabayad sa kuryente, pagkain at tubig dito. Kasi hindi naman ganoon kalaki ang kita nila nanay kaya tinutulungan ko sila.

Niyugyug ko ang kawayan kong alkansya, batid kong maliit palang ang laman niyon kaya binalik ko nalang sa cabinet. Tinupi ko ang isang libo at sengkwenta pesos nalang ang naiwan sakin.

Pero bahala na, kailangan ito ng kuya ko. Kakatapos ko lang naman bayaran ang mga gastusin sa bahay. Ang hindi ko lang gumagalaw na ipon ko ay iyong nasa pinakailalim ng aking mga damit na iniipon ko para sa pag-aaral.

Bata palang ay namulat na ako sa hirap ng buhay pero binalewala ko iyon at nakisama sa tadhana. Kahit na mahirap at nakakapagod, hindi ako nawalan ng lakas ng loob. Dahil sa tuwing tinitignan ko ang pamilya kong naghihirap, parang tinutusok ang puso ko.

Kahit wala ng natira sakin, basta nandyan sila parang na saakin narin ang lahat. Kahit anong hirap, sakit, pagod ang maranasan ko kakayanin ko lahat. Matulungan ko lang ang magulang at kapatid ko. Sila ang buhay ko.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status