SAMANTALA kasalukuyang nasa loob ng opisina niya si Manuel at abala sa mga papeles at blue print na nakatambak sa ibabaw ng lamesa niya. Ilang araw rin na hindi siya pumasok ng opisina. Nitong mga nakaraan araw ay si Yza ang palaging kasama niya. Hindi niya rin kasi maiwan-iwan ang dalaga dahil sa kalagayan nito. Napapangiti siya na parang temang ng maalala ang nangyarli sa kanila ni Yza nang nagdaang gabi. "Boss, your coffee," sabi ni Neza, sabay lapag nito ng tasa ng kape sa lamesa niya. Hindi niya man lang naramdaman na nakapasok na pala ang Secretary niya dito sa loob ng opisina niya.Saglit siya nag-angat ng mukha mula sa pagkakayuko niya sa mga papels nasa harapan niya. Binitawan niya ang sign pen nasa daliri niya. Tinapunan niya ng tingin ang tasa ng kape na umuusok pa. He needs caffeine. Dahil hindi siya nakatulog ng maayos ng nagdaang gabi at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang pamimigat ng kanyang ulo. Tila dinuduyan siya ng antok. Kung hindi lang urgent ay hin
"BY the way how is she? Wala siya sa huling lamay ni Don Franco Calvajar?""She's fine. Nagpapagaling pa siya."Turan ni Manuel. Hindi niya na binanggit ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Yza. Kapag binanggit pa niya. Tiyak marami pang katanungan at hindi siya tigilan ni Greyson sa kakatanong. Napabuntong-hininga siya ng malalim at agad din iyon pinakawalan. "Pinapahanap siya ni Mr Wong."Sumimsim ng red wine si Greyson sa hawak nitong goblet. Pagkatapos ay nilapag muli sa center table."Cm told me," sabi ni Greyson. "That's the reason why you wanted to talk to Mr Wong?""Yeah, para tigilan niya na si Yza.""Kung kailangan mo ng tulong, tell us bro."Muli nagpakawala ng buntong-hininga si Manuel. Sinimsim niya na rin ang huling patak ng red wine nasa goblet niya. Nagsalin rin si Greyson sa sariling kopita nito ng red wine. Nakasunod lang ang tingin niya sa ginagawa ng kaibigan niya na may balak yata magpakalasing ng maaga pa at dito pa mismo sa loob ng opisina niya."May problema ka
"Magbihis ka nang damit at aalis tayo."Tinampal ni Manuel ang sariling noo. "Aalis pala tayo. Sorry nakalimutan ko,"Dali-dali nito dinampot ang mga damit nito hinubad na nagkalat sa sahig. "Bilisan ko," sabi nito na nagmadadali at malalaki ang bawat hakbang ng mga paa nito patungo roon sa walk in cabinit."Take your time," natatawa sabi ni Yza na nakasunod ang tingin sa lalaki na nagmamadali ang bawat kilos nito. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na siya kinulit ni Manuel na kumain ng pagkain. Kung pwede lang gusto niya batukan ang sarili niya sa kagagahan niya.Pagbalik ni Manuel, nakabihis na ito. Kulay light blue ang tshirt na suot nito at pinarisan ng shorts na maong.Nang matapos nila magpaalam kay Manang Salod. Umalis na rin sila para pumunta ng shopping mall. Sa gan'on ay makapamili siya ng kanyang mga gamit. "Napaupo siya ng tuwid ng napansin niya na ibang daan ang tinatahak ng kotse minamaneho ni Manuel. "Bakit dito?" Nagtatakang tanong ni Yza ng huminto ang sasakyan sa m
SA SUMUNOD na mga araw, nagmistulang magnobyong nagbahay-bahayan sina Yza at Manuel. Walang pangalaang kanilang relasyon pero nag-e-enjoy sila sa kung ano ang mayroon sila. Besides it was too soon to tell. Ayaw ni Yza na madaliin ang mga bagay-bagay, ayaw niyang maramdaman ni Manuel ang pressure mula sa kanya.Nagising si Yza sa mumunting halik sa kanyang mukha, sa noo, sa tngki ng kanyang ilong, sa pisngi at bumaba ang halik sa mga labi niya.Nagdilat siya ng kanyang mga mata. Ang guwapong mukha ni Manuel ng nabungaran niya, may malapad na ngiti nakapaskil sa labi nito.Bagong paligo ang lalaki. Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Tila sinaniban siya ng demonyo sa nakita. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Sinundan niya ang pagdausdos ng isang butil ng tubig mula sa dibdib nito pababa sa tiyan nito. His body looked sinfully awesome. His muscles were all in the right places, making his body look more eye-catching. Idagdag pa ang six-pack abs
KAKABALIK lang ni Manuel sa opisina niya mula sa field. Maghapon nasa site siya para surveillance ang ginagawang gusali. Pakiramdam niya ay paod na pagod siya.Napainat siya ng kanyang katawan ng mag-vibrate at nag ring ang cellphone niya na nakalapag lang din sa ibabaw ng lamesa, katabi ng laptop computer niya. Sa pag-aakala na si Yza ang tumatawag. Kaagad niya inabot amg cellphone upang tingnan kung sino ang tumatawag.Ngunit gan'on na lamang ang pagkadismaya niya ng makita ang pangalan ni Greyson na naka registered sa caller ID. Pinindot niya ang reciever. "Istorbo ka Monte Cristo," bungad niya ng sagutin ang tawag ni Greyson. Hindi niya maitago ang pagkadismaya sa kanyang boses.Tumawa lang ng mahina si Greyson nasa kabilang linya. "Are you in the middle of your sex session? At nadistorbo kita Sandoval?" Palatak sabi nito. "Bunutin mo muna ang sandata mong nakabaon at pumunta dito sa club.""Gago, Im in my office," baliwalang sagot niya. "Good," palatak pa rin sabi ni Grey
NANG narating ni Manuel ang nasabing club ay agad siya humanap ng parking lot. Matapos niya na mai-park ng maayos ang kotse niya ay umibis na siya mula sa loob ng sasakyan. Malalaki ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa at nagmamadaling ang kilos niya papasok sa loob ng club."Good evening,Sir," sabi ng guard na nakabantay sa entrance. Tinanguan niya na lamang ang guard at dumiritso na siya sa loob. Binabaybay niya ang pasilyo ng club upang hanapin ang room number ng private room na sinasabi ni Greyson sa text messages nito.Huminto ang kanyang mga paa sa tapat ng pinto ng makita niya ang number na hinahanap niya. Hinawakan niya ang seradura ng pinto sabay pihit para buksan ang dahon ng pinto.To his surprise naroon din ang mga kaibigan niya na sina Cm, Travis , Rod at Dax, nagmukhang hindi Doctor sa itsura nitong business attire. His expecting Greyson pero itong apat na kumag ay hindi niya inaasahan na nandito rin pala. Mukhang may reunion na magaganap sa gabing ito.Maliban
Pinukol niya ng matalim na tingin si Mr Wong. "I know your dirty tricks, assholes. I also know you've been playing dirty games with Franco Calvajar."Ngumisi si Mr Wong tila baliwala lang dito ang galit niya. "Gusto ko ang anak ni Franco Calvajar na maging bayad sa utang niya. Wala na si Franco Calvajar, so he's daughter ang magbabayad ng utang ng ama niya." Talagang hindi na makapagpigil si Manuel. Walang babala na lumapit siya kay Mr Wong atsaka pinilipit ang leeg nito."B-bitawan mo ako," ani Mr Wong tila nahihirapan sa paghinga nito.Pilit na kumawala mula sa mahigpit na mga kamay ni Manuel na nakahawak sa leeg nito.Ngunit hindi nakinig dito si Manuel. Wala siyang pakialam kung makahinga man ito o hindi. Talagang sinubukan nito ang pasensiya niya."Listen, Mr Wong!Hands off from Yzabelle Marie Calvajar dahl kung hindi ako ang makakalaban mo."Mahina ngunit mariin sabi niya at talagang pinagdiinan pa niya ang huling salita."H-hind ako makahinga, let me go..."Nagpupumiglas pa rin s
HINDI namalayan ni Yza, nakaidlip na pala siya sa paghihintay sa pagdating ni Manuel. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauwi si Manuel. Nag-alala na rin siya para sa lalake. Simula nakasama niya si Manuel ay ito ang unang pagkakataon na hating gabi na pero hindi pa rin nakauwi.Lumipad ang tingin niya sa orasan na nskasabit doon sa dingding. Quarter to one in the morning, ibig sabihin madaling araw na pero wala pa rin si Manuel. Talagang nag-alala na siya para kay Manuel at hindi na rin siya mapakali. Pinagulong niya ang wheelchairs, lumapit siya sa tabi ng telepono para tawagan ang cellphone nito. Ngunit nakailang beses niya ng subukan tawagan ang cellphone ni Manuel ay machine operator lang nagsasalita. Sadyang switch off nito ang cellphone kaya hindi niya matawagan ito. Tila ayaw magpadistorbo sa kung saan man ito at kung ano ang ginagawa nito."Ibang babae kayang kasama si Manuel?" Aniya sa sarili. Naghihimagsik ang kanyang kalooban sa isipin iyon. Mas lalong naiinis