Share

Chapter 3

last update publish date: 2022-04-01 13:11:33

KASALUKUYAN akong tumitingin ngayon kung ano ang magandang bilhin na stocks nang biglang may kumatok sa opisina ko, at kahit naman hindi ko na buksan ang pinto ay alam ko na kaagad kung sino iyon.

Walang iba kung hindi si Kleinder.

"Go on, sir," maikling wika ko habang patuloy pa rin ako sa pag-scroll sa stock report nitong isang kumpanya na nakita ko.

Fluctuating ang pagtaas at ang pagbaba ng stocks ng kumpanyang ito, pero kung titingnan ang stock price moment nito ay hindi maipagkakaila na maganda ito para sa short term. Fluctuating man ito pero kapag tumataas ang stock price nito ay mas mataas pa ito sa standard price.

Saktong-sakto ito dahil short-term investments lang din ang gusto ng iba sa mga kliyente ko ngayon.

Kinuha ko ang kulay berde kong sticky note sa drawer ko at kumuha na rin ako ng ballpen para isulat ang pangalan ng kumpanyang ito na bibilhan ko ng stocks.

Nang matapos kong isulat iyon ay ididikit ko na sana iyon sa pc ko nang mapatalon ako nang bahagya sa gulat nang makita ko si Kleinder na nakaupo sa harapan ko at nakatingin sa akin habang pinaglalaruan ang itim niyang ballpen. Parker pa ang tatak ng ballpen na iyon pero kung laruin niya iyon ay parang ballpen lang ito na tig-limang piso sa kanto.

Sosyalin talaga.

"Kanina ka pa nandiyan?" tanong ko sa kan'ya dahil hindi ko man lang napansin na pumasok pala siya rito sa office ko.

Ganoon ba ako ka-focus sa binabasa ko at hindi ko man lang narinig ang pagbukas at ang pagsara ng pintuan ko?

"Oo, hindi mo lang ako napansin kasi busy ka pa," maikling sagot niya sa akin bago niya isinandal ang likod niya sa swivel chair. "Pero pinapasok mo ako kanina, baka nakakalimutan mo."

Tama siya, nakalimutan ko nga.

"Ano nga pala ang kailangan mo at bakit ka nandito?" direct to the point kong tanong sa kan'ya.

Wala nang paligoy-ligoy pa. Sabihin na kaagad niya ang agenda niya at nang makakain na rin muna ako ng meryenda. Ginugutom ako ng pagbabasa tungkol sa stocks ng iba't-ibang kumpanya, eh.

Ito ang isa sa perks ng pagtatrabaho rito sa Hornbrown Investments. Ang rule rito ay puwede kaming kumain ano mang oras, pero kailangan din naming siguraduhin sa sarili namin na hindi makakaapekto ang trabaho sa pagbaba namin sa cafeteria para kumain.

Isa na rin ito sa dahilan kung bakit mas gusto ko itong Hornbrown Investments kaysa sa ibang insurance companies. Mahal nila ang mga empleyado, kahit na ano pa man ang posisyon nito.

Hindi siya nagsalita noong tinanong ko siya, bagkus ay inilapag niya sa lamesa ko ang isang black folder na naglalaman ng business proposal ko kanina. Tungkol iyon sa ilang modifications ko para sa branch expansion sa Cavite. Kung ako ang mapalad na mapipili para maging branch manager ng Cavite branch ay dapat pinapaganda ko na kaagad ito ngayon pa lang.

"Accepted or rejected?" diretso ko na siyang tinanong dahil ayokong buksan ang black folder na iyon.

Baka kasi ni-reject niya iyon at talagang siya pa ang naghatid sa akin ng folder para buwisitin ako. Gutom na nga ako tapos ay pasasamain niya pa lalo ang loob ko.

Masama pa nga rin ang loob ko ngayon dahil kung kausapin niya ako ay parang hindi niya ako hinalikan kanina. Ano 'yon, kinalimutan na lang niya kaagad? Ganoon yata ka-normal sa kan'ya ang makipaghalikan kung kani-kanino.

"Pinirmahan ko na iyan," ma-awtoridad na tugon niya nang makita na para akong kinakabahan dahil sa tanong ko sa kan'ya. "The proposal was good and no need for revisions. I can't see any reason why would I reject it."

Tila ay nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon sa akin. Akala ko ay mag-iinarte pa siya, eh! Halos dalawang linggo kong ginugulan ng oras ang proposal na iyan kaya dapat lang ay pirmahan niya iyan.

"Salamat," maikling wika ko sa kan'ya bago ko inayos ang mga dokumento ko. Mamaya ko na lang ito itutuloy dahil hindi naman magf-function ang utak ko kung gutom ako. "May kailangan ka pa?" dagdag ko pang tanong dahil gusto ko na talaga ang kumain.

"Oo," sagot niya bago siya naglakad papalapit sa akin kaya naman ay napatingin ako sa kan'ya.

Sobrang seryoso ng mukha niya habang naglalakad siya papalapit sa akin, at nang tuluyan na niyang hinawi ang distansya sa pagitan naming dalawa ay kaagad niya akong isinandal sa pader at iniharang ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko para hindi ako makaalis.

Sa mga oras na iyon ay parang nakalimutan kong huminga.

"A-Ano 'yon?" tanong ko sa kan'ya, at hindi ko matanggap kung bakit bigla akong nautal nang makita ko nang malapitan ang mukha niya.

Para akong nalalasing sa mga titig niya ngayon sa akin. Hindi ko mabasa ang isa pang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya ngayon, pero sa isang emosyon... siguradong-sigurado ako kung ano iyon.

Pagnanasa.

"You," he told me.

Napakurap ako at medyo napatagilid ang ulo dahil hindi ko kaagad naintindihan ang sinasabi niya. Siguro na rin ay dahil naka-focus lang ako sa mukha niya at wala na ako sa tamang wisyo para mag-isip pa ng ibang bagay.

"I want you, Sandara," tugon niya, at muli ay parang naestatwa na naman ako sa kinatatayuan ko nang siniil niya ako ng halik.

Napapikit na lang ako sa sarap habang patuloy akong hinahalikan ni Kleinder. Nakakapit ako sa likod niya habang hawak-hawak naman niya ang magkabilang beywang ko, pilit akong itinatayo dahil pakiramdam ko ay unti-unti nang nanghihina ang mga tuhod ko.

Iniangat niya ang puwetan ko at iniupo ako sa lamesa habang unti-unting lumilikot ang magkabilang kamay niya sa iba't-ibang parte ng katawan ko. He made me sit on the table without breaking our lip contact.

I feel so euphoric as his kisses was draining the remaining energy I have.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nagugustuhan ko na 'tong ginagawa niya sa akin. Is this what it feels to be kissed? Nakakabaliw, pakiramdam ko ay may gusto pa akong maramdaman. Natatakot ako na baka kung saan pa kami mapunta, pero hindi ko naman maigalaw ang katawan ko para pigilan siya.

All I can do is to hold onto his back while trying to accept all of the pleasures he's giving me.

"You smell good," he said in his husky voice before his kisses travel onto my neck. Marahan niyang s******p iyon na para bang iniingatan niyang masaktan ako, pero kaagad akong napangiwi nang kagatin niya nang bahagya ang leeg ko.

Nakaramdam ako ng sakit dahil sa ginawa niyang 'yon, pero nagpapasalamat na rin ako dahil sa ginawa niyang pagkagat sa akin na naging dahilan para matauhan ako mula sa ginagawa niya at maitulak ko siya nang malakas.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Kleinder?" Mabuti na lang at kahit na ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko ay hindi ako nautal.

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin kanina at umabot pa ang paghalik niya sa leeg ko. Gusto ko tuloy i-untog ang sarili ko sa pader, pero mamaya na lang siguro iyon. Gagawin ko na lang 'yon pagkatapos kong tumakas sa sitwasyon na ito.

"I told you that want you," mariing wika nito sa akin bago nito pinunasan ang kakaunting laway na kumalat sa bibig nito.

He looked pissed as he stared at me. He looked like was being disturbed by eating his favorite meal. Napalakas ang pagkakatulak ko sa kan'ya kaya naman ay nagkaroon na nang sapat na distansiya sa harap naming dalawa, kaya naman nang akmang lalapit ulit siya sa akin ay kaagad akong naglakad papunta sa kabilang side ng lamesa at hinawakan ang payong na nasa ibabaw no'n.

"What are you doing?" His expression lightened as his gaze went to the umbrella I was holding.

Tumagilid pa ang ulo nito nang bahagya na para bang nagtataka siya dahil hindi niya alam ang rason kung bakit bigla-bigla na lang akong humahawak ng payong pagkatapos ko siyang layuan.

"Kapag lumapit ka pa sa akin ay ihahampas ko talaga sa iyo 'tong payong na 'to," pambabanta ko sa kan'ya bago ko inamba sa kan'ya ang hawak kong payong. My brows furrowed when he didn't even flinch nor tried to avoid my attack.

"Don't worry, I am not the type of guy to force someone if they don't like it."

Itinaas niya ang magkabilang kamay niya na para bang sinasabi niya sa akin na sumusuko na siya, pero hindi kasi ganoon kalaki ang tiwala ko, lalo na nga at sa kan'ya.

I didn't let my guard down.

"You want me naked while moaning under you, don't you?" tanong ko sa kan'ya na naging dahilan para manlaki ang dalawang mata niya saglit, pero kaagad ding nasundan iyon ng pagngisi niya bago niya inilagay sa bulsa niya ang magkabilang kamay niya. "Sorry, but the feeling wasn't mutual, Mr. Velasco. Ang gusto ko lang ay magtrabaho at magpakayaman, okay? I don't have time for those shits."

Matapos ang speech ko na iyon ay hindi sinasadya na napatingin ako sa pang-ibabang parte ng katawan niya, at hindi ko na naitago sa mukha ko ang pagkagulat nang makita ko kung gaano kalaki ang umbok sa pagitan ng mga hita niya. I gasped because of the view.

"Why are you staring at it like that, Vernace?" he asked in a casual tone as he stared at me. His face went darker as his gaze travelled onto my lips down to my collarbone. "Aren't you aware that you're the reason why is it bulging? Your words are already enough to turn me on, but your gaze makes it harder even more."

Napailing na lang ako dahil sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. "You're a hopeless case."

"So as you," sagot nito sa akin kaya naman ay pinagtaasan ko siya ng kilay.

"And why?" Nakatutok pa rin sa harapan niya ang payong na hawak ko. Wala akong balak na bitawan ito.

"Because this is my first time having someone rejected me after tasting my lips."

"It's my honor, then." Lumawak tuloy ang ngisi ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Nakakatuwa namang malaman na ako ang kauna-unahang babae na nakasira ng ego niyang sobrang taas na. "Mula ngayon, huwag mo na akong kakausapin kung hindi naman tungkol sa trabaho ang sadya mo. We should maintain our employer-employee relationship, don't you think?" I added as I stared back at him.

"What if I don't want to?" tanong nito sa akin.

"You don't have a choice," I stated authoritatively. "You can't manipulate me, sir. That's the last thing I would let you do to me. Now if you excuse me," pagpapaalam ko sa kan'ya bago ako naglakad nang mabilis palabas ng office ko, kahit na siya naman talaga ang dapat gumawa no'n.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Simple Way To Break You   Chapter 20

    I've been rummaging the entire house for a while now, pero kahit isang bagay na puwede kong magamit laban kay Kleinder, o kahit tungkol man lang sa No Mercy, eh wala akong nakita.Kaya ba ganoon na lang siya ka-confident na iwan ako mag-isa sa bahay, kasi kahit ano naman ang gawin kong pagkalkal dito, wala akong mapapala?"Buwisit," bulong ko bago lumabas sa kuwarto ni Kleinder at humilata sa couch.Nasa isang oras na rin mula nang kalkalin ko ang buong bahay ni Kleinder. With care, of course. Mahirap na, ano. Perceptive pa naman ang isang 'yon, at sa tingin ko, memorize niya kung paano niya sinasalansan ang mga gamit niya.Kaya buong ingat ko ring ibinalik lahat ng gamit niya sa kung paano ko iyon kinuha.Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kisame. Imposible iyon. Noong kinalkal ko ang lahat ng gamit dito, parang isa lang siyang sikat na manager at hindi miyembro ng isang gang.Kung hindi ko lang nakita ang panyong puro dugo kagabi, baka pinagdudahan ko na ang sarili kong int

  • A Simple Way To Break You   Chapter 19

    "Tch." Napangisi na lang ako.Dinadaan niya lang pala ako sa pagiging playboy niya, pero ang totoo, siya yata talaga ang matatalo sa deal namin.Pero nawala ang ngisi ko nang may mapansin sa sahig. Puting panyo iyon, pero ang nakapukaw ng atensiyon ko ay ang dugo na naroon."Bakit mayroong panyo na may dugo rito?" tanong ko bago pinulot ang panyo.Confirmed. Dugo nga ito.Pero... Saan siya galing para magkaroon ng ganito karaming dugo ang panyo niya?Sa kan'ya ba ito, o sa taong sinaktan niya, kung sino man siya? Ganito ba ang ginagawa ni Kleinder sa gang niya? Kaya ba rito siya naghuhubad ng damit sa sala?"Shit," napamura ako nang marinig na palabas na si Kleinder ng banyo. Narinig ko na kasing bumukas ang pinto.Dali-dali kong kinuha ang panyo, at kahit nadidiri pa ako sa sariwang dugo ay inilagay ko ito sa loob ng bago ko. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang mapapala ko sa panyo na 'to, pero lahat ng bagay na puwede kong gawing ebidensiya, kukunin ko.Baka may makuha akong impo

  • A Simple Way To Break You   Chapter 18

    Matapos akong gisahin ni Shainara ay nakauwi na rin naman ako. Muntik pa ngang sumama sa akin ang bruha!Ituloy raw namin ang pagkukuwentuhan sa bahay, or as much as I know it, ang pang-iinterogate niya, pero mabuti na lang talaga at naisahan ko siya. Ang sabi ko kasi, sa susunod na lang kami magkita at mag-a-amusement park kami.Kaagad naman siyang pumayag na parang bata. Sa totoo lang, hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng edad naming dalawa, pero para ko na rin siyang nakababatang kapatid.Ayaw ko man aminin, pero madalas kong maalala si Aya sa kan'ya.Siguro nga, kaya ganoon na lang kalapit ang loob ko kay Shainara ay dahil nangungulila ako sa namatay kong kapatid.Napabuntonghininga ako at umiling. Ito na naman. Naaalala ko na naman si Aya. Pero sa bagay, wala namang araw na hindi siya pumasok sa isip ko. Mas marunong lang talaga akong magdala ngayon.Nang makarating sa unit ni Kleinder ay kumatok ako sa pinto. Hindi ko rin alam kung bakit. O baka siguro, awkward pa rin talaga i

  • A Simple Way To Break You   Chapter 17

    Kaagad akong napahinga nang malalim at napadilat ng mga mata ko. Hindi ko napansin na sobrang layo na naman pala ng narating ng iniisip ko, at nagtungo na naman ito sa nakaraan.Paminsan-minsan ay sinasadya ko talaga iyon. Ayaw ko kasi makalimutan na ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Aya.But this time, I'm not planning to go deeper. Dapat aalalahanin ko lang ang nakaraang iyon nang kaunti para lang hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano tungkol kay Kleinder.Pero... Ito na naman. Parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa nakaraang iyon."Stop it, Sandara..." bulong ko sa sarili bago tumitig sa kisame, habang hinahayaan na lumandas ang luha sa pisngi. "Crying won't help. Pero kung makakahanap kaagad ako ng ebidensya, hindi ko na kakailanganin pang magtagal dito."Hindi naman si Kleinder ang pakay ko, kun'di ang gang na sinasalihan niya. Ang No Mercy.Malakas kasi ang pakiramdam ko na may kinalaman iyon sa pagkamatay ni Aya. Hindi ako naniniwalang nagpakamatay siya. Hinding-hi

  • A Simple Way To Break You   Chapter 16

    Matapos ang ilang araw, naging maayos naman ulit si Aya. Mas naging mabilis ang pagmo-move on niya kaysa inaasahan ko. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya o sadyang malakas lang talaga ang kapatid ko.Ganoon pa man, sobrang natutuwa ako para sa kan'ya. She doesn't deserve a woman who will just hurt her in the end."Marami pang babae riyan," wika ko sa kan'ya nang minsang magtanong siya sa akin kung deserve ba ng ex niya ng second chance. "'Yang second chance, ibinibigay lang sa taong deserving.""Pero mukhang hindi naman nagso-sorry ang ex mo, at hindi ka rin hinahabol. Hangga't maaari, dapat hindi mo na iniisip pa ang taong 'yon."Ngumiti lang siya, pero nakita ko rin ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon.At sa totoo lang, ganoon din naman ang nararamdaman ko. Pero mas gugustuhin ko na ngayon siya masaktan kaysa kapag nagtagal pa silang dalawa.Nag-focus siya sa pag-aaral, at ako naman sa trabaho. Habang nasa puder ko pa siya, I want to give her the best life. B

  • A Simple Way To Break You   Chapter 15

    Napakunot ang noo ko. At the same time, binalot ako ng kuryosidad."Sino?" tanong ko bago ko pa man din mapigilan ang sarili ko na magsalita. "Kamag-anak? Or... ex-girlfriend?"Hindi siya kaagad nagsalita at sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig doon sa kuwartong puno na ngayon ng gamit ko.Kahit wala siyang sinasabi, alam kong malalim ang iniisip niya."Kleinder?""That's none of your fucking business," bigla niyang sagot sa akin. Malamig ang tono ng boses niya. "Just stay here and do whatever you want. Basta ay huwag ka lang din papasok sa kuwarto ko."Hindi na ako nakapagsalita pa nang umalis na siya at iniwan ako mag-isa. Naiwan akong nakanganga habang nakatitig sa pintuan kung saan siya lumabas.Ano 'yon? Minura niya ba ako?Aba, punyeta ang isang 'yon, ah! Nagtatanong ako nang maayos tapos ganoon lang ang isasagot niya sa akin? May masama ba sa sinabi ko?"Hay, bahala siya riyan. Ang mahalaga ay nandito na ako," wika ko na lang sa sarili bago isinara ang pinto at

  • A Simple Way To Break You   Chapter 9

    "ANO NGA 'yong pinag-usapan n'yo?" pangungulit sa akin ni Shainara habang nandito ako sa office at nagbabawas ng workload.I was so stressed doing my usual job, which makes me hate this job even though I really love it. Sumasakit na ang ulo ko sa babaeng ‘to. Hindi ko na nga siya sinasagot pero paul

  • A Simple Way To Break You   Chapter 7

    TODAY WAS a gloomy day, unlike the past few days kung saan ay kulang na lang masunog ang buong balat ko dahil sa init. Pagkagising ko pa lang sa umaga ay sobrang dilim na kaagad ng kalangitan. It seems like it will rain anytime by now, pero ngayon kahit na hapon na ay hindi pa rin bumubuhos ang ulan

  • A Simple Way To Break You   Chapter 10

    Napakurap ako.Teka, nananaginip ba ako? Hindi naman, ‘di ba?Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya sa aking pisngi, at dahil doon, parang mas lalo lang akong hindi makapaniwala.It shouldn’t be comfortable. Ayaw ko nga siyang makita, pero bakit sa isang iglap… parang kumalma ang buong katawan

  • A Simple Way To Break You   Chapter 8

    “I’ll break your heart after six months.”That's it.Iyon ang malamig kong wika kay Kleinder na mapayapang kumakain ngayon ng salad habang nakaupo sa isa sa mga lamesa rito sa cafeteria. Wala nang pakiyeme pa o kaya naman ay pagpapatagal ng usapan. Noong hinahanap ko pa lang siya kanina ay iyon na t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status