LOGINIsang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ni Kleinder.Patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo, na para bang walang nawala. Noong una ay nagtaka lang ang mga katrabaho ko sa biglaang pagre-resign ni Kleinder dahil maganda na rin naman ang posisyon niya sa Hornbrown Investments, pero naka-move on din sila kaagad.Kinuha nila ako bilang bagong Branch Manager, at tinanggap ko naman iyon. Doon din inamin sa amin ng management na utos ni Shainara, ang dati nilang CEO, na huwag akong kunin sa bagong branch. Kinailangan lang nilang sumunod dahil doon nakasalalay ang trabaho nila.Katulad ng pangarap ko noon, napakulong na si Shainara, isang taon na ang nakararaan. Masyadong matibay ang mga ebidensiya na ipinasa ni Kleinder, at nakakuha rin siya ng iba't-ibang witness, kasali na siya, para patunayan ang iba't-ibang illegal activities sa gang at mafia nito.Doon na natapos ang kalbaryo namin, at ang paghahanap ko ng hustisya para kay Aya. Kung tutuusin ay wala naman akong ginawa. Si Kleinder an
Nakakunot ang noo ko nang tumayo sa kama. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa sala kami ni Kleinder, at hindi kami umalis doon.Masyado yata akong napagod kaya nakatulugan ko na siya. Totoo nga ang sinabi niya kagabi na papagurin niya talaga ako, at hayaan ko lang siya na gawin iyon.Dapat pala hindi ako pumayag dahil anong oras na! Galit na kaya si Shainara? Kaya ba wala rito si Kleinder ay dahil ipinakuha na niya ang lalaking mahal ko?"Kleinder?" pagtawag ko kay Kleinder bago isinuot ang damit at underwear na inihanda niya para sa akin bago lumabas ng kuwarto. "Nasaan ka? Wala ka ba rito sa bahay? U-Umalis ka ba?"Sobrang pamilyar ang eksenang ito para sa akin. Ganito rin ako noong hinahanap ko si Aya noong lumabas siya para bumili ng snacks namin para sa isang celebration. Ganito rin ang bilis ng tibok ng puso ko.This time, mas matindi ang takot na baka naulit ang nakaraan."Kleinder... Nasaan ka?"Hindi ko na namalayang tumutulo na p
Nakatulala lang ako nang iwan ni Shainara sa parking lot. I look like a mess. Basa pa rin ang mukha ng luha, at tila gulong-gulo sa mga nangyayari.Naiintindihan ko na ang lahat. Ganoon pa man, nahihirapan akong tanggapin iyon.I didn't have any chance to grieve the relationship I had just started with Kleinder. Kakaumpisa pa lang namin pero kailangan ko siyang iwan.Kailangan ko siyang saktan para kung sakaling umalis ako, hindi na niya ako hanapin pa."Bakit... Bakit ganito?" bulong ko habang nakatitig lang sa sahig at sinusubukang kontrolin ang nararamdaman ko.But it was impossible. Durog na durog ako ngayon. Nalaman ko nga kung sino ang pumatay sa kapatid ko, pero wala naman akong laban.Hindi ko ito napaghandaan, dahil hindi ko inakalang si Shainara pala ang makakalaban ko.Ang sakit. Sobrang sakit na para bang paulit-ulit akong sinasaksak.Pero kailangan kong lumaban. Hindi lang para kay Aya at Kleinder, kun'di para sa akin na rin.Kung hindi man ako magiging masaya sa buhay ko
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na napansin pala ni Shainara ang pagpindot ko sa voice recording kanina habang nag-uusap kami. I forgot how perceptive she was. Iyon siguro ang isa sa totoo sa kabila ng mga pagpapanggap niya.Kinagat ko ang labi bago inilabas ang phone ko. Pinatay ko ang voice recording at ibinulsa iyon ulit. Ang totoo niyan ay balak kong i-send ito kay Kleinder kapag nalingan siya. Iyon ay kung hindi niya kukunin ang phone ko at sapilitang ide-delete iyon."Tsk. Talagang nag-iisip ka pa ng ibang paraan para maisahan ako, ano? Magkaparehas nga kayo ng kapatid mo," aniya bago umiling. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nasa kamay ko ang buhay ni Kleinder. I can kill him however you want me to."Ako naman ang napangisi ngayon. "At paano mo naman iyon gagawin? Ordinaryong empleyado ka lang sa kumpanyang ito, Shainara. Mayaman ka, oo, pero may sapat ka bang kapangyarihan para magpapatay ng tao?"Alam ko na ang tungkol sa kan'ya, pero hind
Hindi ko maiwasan na mapahalakhak nang marinig ko ang sinabi ni Shainara. Dati ay naco-comfort niya ako kapag ganito siya mag-alala. Pero ngayon? Nandidiri ako. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo siya sa akin."Bakit? Kasi papatayin mo rin si Kleinder kung sakali?" tanong ko bago pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad ko. "Grabe ka, Shainara. Sobrang tagal mong nagpanggap na mabait ka sa akin. Pero gagaguhin mo lang ako nang ganito?"I can't control my emotions anymore. Gustuhin ko man, pero pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag pinigilan ko ito.Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, sakit, pagkamuhi, pandidiri, at iba pang halos hindi ko na rin mapangalanan.Walang confirmation, pero ito ang sinasabi ng intuition ko. Kung malakas si Shainara makatunog, ganoon din ako pagdating sa mga ganitong bagay."What..." Napakurap si Shainara, at halata ang pagtataka sa kan'yang mukha. "Anong sinasabi mo, Sis? Nandito ako para i-comfort ka dahil sa pag-iyak mo kanin
Gusto ko lang na maglakad-lakad muna rito sa kumpanya habang nagmumuni-muni ako, kaya naman nakarating ako sa office ni Shainara. Nasa labas lang ako habang nasa loob naman siya at may kausap na isang babaeng empleyado.Mas bata iyon sa amin, pero kahit ganoon pa man, halata na sobrang komportable siya kay Shainara. Who wouldn't? Siya ang pinakamabait na babaeng nakilala ko bukod kay kaya.Sa tingin ko nga ay magkakasundo silang dalawa. Napangiti na lang ako dahil sa mga naisip ko. Tuluyan ding nawala ang bigat sa dibdib ko kanina. For me, Shainara is like a sunshine. Kaya niyang pagaanin ang loob ng mga taong malapit sa kan'ya."Napaka-friendly talaga kahit kailan," bulong ko bago sumandal sa pader.Hinihintay ko kasi na lumabas muna 'yong empleyado bago ako pumasok sa loob. Gawa sa salamin ang office at hindi ibinaba ni Shainara ang sliding door ngayon, dahilan kaya kitang-kita ko silang dalawa."Thank you po ulit, Ma'am Shainara!" masayang wika ng babae pagbukas niya ng pinto."Yo
Napakunot ang noo ko. At the same time, binalot ako ng kuryosidad."Sino?" tanong ko bago ko pa man din mapigilan ang sarili ko na magsalita. "Kamag-anak? Or... ex-girlfriend?"Hindi siya kaagad nagsalita at sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig doon sa kuwartong puno na ngayon ng g
"A-Ano? Hindi, ah! Diyan ka na nga!"Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok sa kuwarto ko, dala-dala pa ang blanket kahit hindi ko naman talaga sobrang kailangan 'yon.Pagkapasok ko sa kuwarto ay kaagad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Tuluyan ko na ring binitawan ang blanket at inilagay
Napatigil si Kleinder dahil sa bigla kong tinanong sa kan'ya. Mukhang hindi niya 'yon ine-expect dahil napakurap pa siya noong nilingon ako."What?""Hindi ka bingi, Kleinder. I know na narinig mo ang sinabi ko."Hindi siya kaagad nakapagsalita. Imbes ay lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa mata
“Exploitation?” Kumunot ang noo ko, at halata ang pagtataka sa boses ko. “Sinasabi mo riyan, Kleinder?”Itinuro niya ang folder gamit ang hintuturo, na para bang ine-emphasize niya sa akin na hindi niya gusto ang mga nilalaman no’n.“Halos lahat ng nakalagay dito, walang pabor sa akin,” pagrereklam







