LOGIN"ONE iced coffee, please," wika ko roon sa barista bago ko inabot sa kan'ya ang credit card ko.
Kaagad naman niyang ini-swipe 'yon at ibinalik sa akin.
"On it, ma'am!" she said as she pointed to the empty table, gesturing me to sit while waiting for the coffee I ordered.
Tinuturo niya 'yong upuan malapit doon sa glass wall. Maganda kasi ang view doon. Kitang-kita ang view sa loob at sa labas ng coffee shop.
Napahinga na lang ako nang malalim bago ako umupo sa isa sa mga table rito sa coffee shop. Sa sobrang busy sa Hornbrown Investments ngayon ay hindi ko na rin magawa kahit ang pagbili ng iced coffee ko rito. I love my job and hate it at the same time. It makes me stressed, yet I love the one how I can help people to be financially literate because of my job.
Isa pa ay malaki ang sahod dito. Let's be practical. Masarap magtrabaho kapag malaki ang suweldo. Bukod sa iced coffee, ang sahod ko lang ang bumubuhay sa pagod kong diwa, lalo na kapag sobrang daming workload.
Just like now.
After my argument with Kleinder, hindi ko na rin siya masyadong nakita matapos no'n dahil na rin sa naging busy na rin siya sa trabaho. Sa aming lahat dito sa Manila Branch, siya ang pinaka-busy dahil na rin sa handle niya kaming lahat dito sa kumpanya.
However, I really do admire him when it comes to working. He's competent and intelligent, which is a major turn-on for girls. Kung hindi nga lang siya mahilig sa babae, siguro ay papasa na siya sa standard ko kahit papaano. He looks cool when he's in a meeting or the workplace, but he seems like a jerk when he acts as he did weeks ago.
"Ma'am Sandara!" pagtawag sa akin ng barista na lumilingon-lingon pa sa paligid habang hinahanap ako.
Suki kasi nila ako rito. Halos araw-araw ba naman akong napunta rito para um-order ng iced coffee, kaya hindi na ako magtataka kung lahat sila rito ay kilala na ako. Hindi lang naman ako nakakapunta rito kapag sobrang busy sa trabaho o kaya naman kapag wala akong pera pambili.
Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang tumayo ako at naglakad papalapit doon sa counter para kunin ang iced coffee ko. The smell of the coffee was so addicting. Parang kahit na hindi pa ako umiinom ng kape ay gising na gising na kaagad ang diwa ko.
This is what I love about iced coffee. No matter how I had a bad day, coffee makes my life better, lalo na ang coffee shop na ito. May kalayuan man ito sa Hornbrown pero worth it naman siyang puntahan. The quality of the coffee and the ambiance of the place was good. Ang isa pang bagay na gustong-gusto ko rito ay hindi siya palaging puno ng mga tao.
I hate crowded places as much as I hate Kleinder.
"Thank you!" nakangiti kong wika roon sa barista bago ko kinuha ang kape ko at humigop dito habang naglalakad pabalik sa inuupuan ko kanina.
Right, Sandara. I should stop thinking about my pervert boss for now. Dapat ay mag-focus lang muna ako rito sa iniinom kong iced coffee dahil matagal din 'tong hinanap ng tiyan ko. Sa totoo lang ay hindi na talaga ako natutuwa sa instant coffee sa Hornbrown. Instead of making me feel refreshed as I was drinking it, it makes me sick.
Sana lang ay hindi ko makita si Kleinder ngayong araw para naman magtuloy-tuloy na ang pagiging good mood ko, lalo na at nagsisimula naman nang mabawasan ang gawain ko ngayon dahil unti-unti ko na rin namang natatapos ang tasks ko.
Pero siguro nga ay hindi lang talaga ako malakas sa itaas, ano?
Kakasabi ko lang na sana ay huwag ko na sana siyang makita pero nandito na kaagad ang buwisit na 'yon sa harapan ko ngayon.
"Damn it," I said in frustration as I saw someone occupy my favorite seat. "What are you doing here?"
And that someone is Kleinder, who was just staring at me while holding my black shoulder bag.
"Who are you?" Ngumisi ito sa akin habang pinaglalaruan ang bag ko. Nasa pangalawang daliri kasi nito ang strap ng bag ko at ipinapaikot niya 'yon sa kamay niya.
Kapag talaga may nasira o natapon na make-up sa loob ng bag ko ay pababayaran ko 'yon sa kan'ya. Hindi lang doble, kung hindi triple pa! At saka, ginagago niya ba ako? Nagpapanggap siyang hindi niya ako kilala dahil wala kami sa kumpanya ngayon?
"I already took that seat, Mr. Velasco." I sighed in frustration as I massaged my temple, not minding his question earlier.
Wala akong oras ngayon para makipagbardagulan sa kan'ya. Ang payapa na sana ng araw ko, eh. Pero bakit nandito na naman siya sa harapan ko at mukhang balak na namang sirain ang araw ko?
"By whom? I mean, by what? By the bag?" Tinaasan niya pa ako ng kilay pagkasabi niya no'n. "I don't think a bag has the capacity to save a seat for someone."
"Well, flash news. It has the capacity to save my seat, Kleinder," I said with emphasis on his name as I sat in front of him. "So, get lost."
Ako ang nauna rito kaya hindi ako aalis! Kahit na kaladkarin niya pa ako palabas ay hindi niya ako mapapaalis dito! Ang dami-daming upuan dito sa loob pero mas pinili niya pa talagang kuhain ang favorite seat ko.
Isa pa, sa tinagal-tagal kong nagpupunta at tumatambay dito para uminom ng iced coffee, ngayon ko lang siya nakitang pumunta rito. Wala naman kasing empleyado ng Hornbrown ang napapadpad dito dahil mayroon namang coffee shop na malapit lang doon.
I was curious. How did he know this place? Malayo ito sa kalsada, kaya nga nadiskubre ko lang ito noong naglalakad ako at nakita ko 'tong lugar na 'to.
"I'm your boss." Masama ang tingin nito sa akin habang nakakunot ang noo.
"Lunch time, sir," napangisi ako bago ko tinapik ang suot kong wristwatch. "You can't use that against me. Kapag tinanggal mo ako dahil lang sa ayaw kong umalis sa puwesto ko ngayon, isusumbong kita sa labor union."
Hindi siya nakapagsalita pagkatapos kong sabihin 'yon, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkamangha dahil sa mga sinabi ko.
Gotcha.
Pero, bakit ko nga ba kinakausap itong boss ko ngayon? At kung umasta siya, parang nakalimutan niya na 'yong ginawa niyang paghalik sa akin nitong nakaraan, ah!
Or was that kiss didn't really matter at all?
"Fine." Tumayo ito bago inayos ang necktie niyang kulay blue. He was wearing a white collared shirt with blue necktie, and blue slacks. Naka-shades pa ito na kulay itim kaya naman mas mukha pa siyang mafia boss na feminine ang itsura kaysa sa isang branch manager.
"Sana ay mabulunan ka riyan sa iniinom mo," pagsumpa naman niya sa akin bago niya padabog na inihagis sa akin ang bag ko.
"Napakabastos at napaka-immature," naiirita kong bulong sa kan'ya bago ko isinukbit sa sarili ko ang bag ko. "Sana madapa ka at hindi ka makalakad."
Akala niya ay siya lang ang marunong manumpa? Ako rin, 'no!
Hindi na ito sumagot sa akin at umiling na lang nang bahagya bago ito naglakad paalis, pero bago ito tuluyang makalayo sa akin ay narinig ko pa ang sinabi nito sa kausap niya sa phone.
"Someone's here," he said in a low tone, pero sapat na para marinig ko. Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago ito muling nagsalita. "Maybe we should date somewhere else."
"Wow, date." Nanlaki ang dalawang mata ko bago ko dinire-diretso ang pag-inom ko ng iced coffee. "Date mo mukha mo."
Mabuti na nga lang at hindi ako nabulunan, dahil kung nagkataon na nabulunan ako, sa kan'ya ko isisisi iyon. Lahat ng masamang pangyayari sa buhay ko ay isisisi ko kay Kleinder dahil nabubuwisit ako sa kan'ya.
Mukhang wala nga lang sa kan'ya ang halik na ibinigay niya sa akin noon, at mukhang tama nga si Shainara. Ganito na yata talaga ang panahon ngayon. Kahit kanino ay puwede mo nang gawin ang mga bagay na dapat sa asawa mo lang ibinibigay noon.
What an evolution, world.
"SAAN ka galing, 'te?" kaagad na pambungad sa akin ni Shainara pagkapasok ko ng Finance Department.
Bago kasi ako makapasok doon sa office ko ay madadaanan ko muna itong department kung nasaan ang ibang empleyado. Ganoon din si Shainara. Kaagad namang bumati sa akin ang ibang empleyado na nakakita sa amin kaya naman ay bumati na rin muna ako sa kanila pabalik bago ko sinagot si Shainara.
"Nagkape," maikli kong sagot sa kan'ya bago ako naglakad papunta sa office ko.
Nang makapasok ako sa loob ng office ay kaagad kong nilagay ang bag ko roon sa swivel chair at hinubad ang coat ko. The only thing I was wearing now is my pink floral shirt with short sleeves. Sobrang init kasi sa labas, at na-late ako ng balik sa opisina dahil hindi ako kaagad naka-contact ng sasakyan para makabalik ako rito.
"May nangyari ba, girl?" may pag-aalang tanong sa akin ni Shainara na hindi ko napansin na sumunod pala sa akin dito sa loob ng office ko. "Saka, kape lang ang lunch mo? Baliw ka ba?"
Maybe I was too preoccuppied. Bakit ba masyado kong iniisip ang mga bagay-bagay? Ano naman kung may bago siyang ka-date ngayon? Hindi pa ba ako sanay?
"J.erk," I stated unconsciously which made Shainara have her eyes wide open.
"What?" she asked as she blinked twice.
Kaagad akong umiling habang iwinawagayway ko ang magkabilang kamay ko sa kan'ya. "It's not you, I'm sorry." Kinuha ko ang dokumento na inaaral ko kanina bago ako mag-lunch at nagpaalam na muna kay Shainara bago ako lumabas ng office.
Nilapitan ko ang isang empleyado roon at nagtanong, "Where's Janice, by the way? I need to discuss something with her-"
I wasn't able to finish my sentence as my gaze traveled on the corner of the finance department. Nakatayo roon si Kleinder habang nakikipag-usap din sa isang empleyado na under yata ng marketing department pero hindi ko lang sigurado.
Bakit sila nandito sa department ko, at bakit dito pa talaga nila napiling magtsismisan?
"Nakakapanibago, boss. Hindi na kayo nagbabangayan ni ma'am Sandara," rinig kong sabi ng kausap ni Kleinder kaya naman ay kaagad na napokus ang atensiyon ko sa kanila.
Pero sana pala ay hindi ko na lang sila pinansin pa at ang trabaho ko na lang ang pinagtuunan ko ng pansin.
"It wasn't worth it to deal with her."
I closed my eyes as I clenched my fists. Siya pa talaga ang may ganang sabihin 'yon?!
"Ma'am Sandara, mahalagang dokumento iyan!" kaagad na sigaw sa akin ni Janice na siyang hinahanap ko habang nakatingin sa kamay ko na hawak-hawak ang mga papel na hindi ko napansin na nalukot ko na pala nang husto dahil sa unti-unting pag-usbong ng galit ko ngayon sa boss ko.
Sorry if natagalan ang update ko rito, pero ito na! Tada! <3 Hopefully ay makapag-update ako rito araw-araw. Thank you sa reads and hearts! <3
Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ni Kleinder.Patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo, na para bang walang nawala. Noong una ay nagtaka lang ang mga katrabaho ko sa biglaang pagre-resign ni Kleinder dahil maganda na rin naman ang posisyon niya sa Hornbrown Investments, pero naka-move on din sila kaagad.Kinuha nila ako bilang bagong Branch Manager, at tinanggap ko naman iyon. Doon din inamin sa amin ng management na utos ni Shainara, ang dati nilang CEO, na huwag akong kunin sa bagong branch. Kinailangan lang nilang sumunod dahil doon nakasalalay ang trabaho nila.Katulad ng pangarap ko noon, napakulong na si Shainara, isang taon na ang nakararaan. Masyadong matibay ang mga ebidensiya na ipinasa ni Kleinder, at nakakuha rin siya ng iba't-ibang witness, kasali na siya, para patunayan ang iba't-ibang illegal activities sa gang at mafia nito.Doon na natapos ang kalbaryo namin, at ang paghahanap ko ng hustisya para kay Aya. Kung tutuusin ay wala naman akong ginawa. Si Kleinder an
Nakakunot ang noo ko nang tumayo sa kama. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa sala kami ni Kleinder, at hindi kami umalis doon.Masyado yata akong napagod kaya nakatulugan ko na siya. Totoo nga ang sinabi niya kagabi na papagurin niya talaga ako, at hayaan ko lang siya na gawin iyon.Dapat pala hindi ako pumayag dahil anong oras na! Galit na kaya si Shainara? Kaya ba wala rito si Kleinder ay dahil ipinakuha na niya ang lalaking mahal ko?"Kleinder?" pagtawag ko kay Kleinder bago isinuot ang damit at underwear na inihanda niya para sa akin bago lumabas ng kuwarto. "Nasaan ka? Wala ka ba rito sa bahay? U-Umalis ka ba?"Sobrang pamilyar ang eksenang ito para sa akin. Ganito rin ako noong hinahanap ko si Aya noong lumabas siya para bumili ng snacks namin para sa isang celebration. Ganito rin ang bilis ng tibok ng puso ko.This time, mas matindi ang takot na baka naulit ang nakaraan."Kleinder... Nasaan ka?"Hindi ko na namalayang tumutulo na p
Nakatulala lang ako nang iwan ni Shainara sa parking lot. I look like a mess. Basa pa rin ang mukha ng luha, at tila gulong-gulo sa mga nangyayari.Naiintindihan ko na ang lahat. Ganoon pa man, nahihirapan akong tanggapin iyon.I didn't have any chance to grieve the relationship I had just started with Kleinder. Kakaumpisa pa lang namin pero kailangan ko siyang iwan.Kailangan ko siyang saktan para kung sakaling umalis ako, hindi na niya ako hanapin pa."Bakit... Bakit ganito?" bulong ko habang nakatitig lang sa sahig at sinusubukang kontrolin ang nararamdaman ko.But it was impossible. Durog na durog ako ngayon. Nalaman ko nga kung sino ang pumatay sa kapatid ko, pero wala naman akong laban.Hindi ko ito napaghandaan, dahil hindi ko inakalang si Shainara pala ang makakalaban ko.Ang sakit. Sobrang sakit na para bang paulit-ulit akong sinasaksak.Pero kailangan kong lumaban. Hindi lang para kay Aya at Kleinder, kun'di para sa akin na rin.Kung hindi man ako magiging masaya sa buhay ko
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na napansin pala ni Shainara ang pagpindot ko sa voice recording kanina habang nag-uusap kami. I forgot how perceptive she was. Iyon siguro ang isa sa totoo sa kabila ng mga pagpapanggap niya.Kinagat ko ang labi bago inilabas ang phone ko. Pinatay ko ang voice recording at ibinulsa iyon ulit. Ang totoo niyan ay balak kong i-send ito kay Kleinder kapag nalingan siya. Iyon ay kung hindi niya kukunin ang phone ko at sapilitang ide-delete iyon."Tsk. Talagang nag-iisip ka pa ng ibang paraan para maisahan ako, ano? Magkaparehas nga kayo ng kapatid mo," aniya bago umiling. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nasa kamay ko ang buhay ni Kleinder. I can kill him however you want me to."Ako naman ang napangisi ngayon. "At paano mo naman iyon gagawin? Ordinaryong empleyado ka lang sa kumpanyang ito, Shainara. Mayaman ka, oo, pero may sapat ka bang kapangyarihan para magpapatay ng tao?"Alam ko na ang tungkol sa kan'ya, pero hind
Hindi ko maiwasan na mapahalakhak nang marinig ko ang sinabi ni Shainara. Dati ay naco-comfort niya ako kapag ganito siya mag-alala. Pero ngayon? Nandidiri ako. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo siya sa akin."Bakit? Kasi papatayin mo rin si Kleinder kung sakali?" tanong ko bago pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad ko. "Grabe ka, Shainara. Sobrang tagal mong nagpanggap na mabait ka sa akin. Pero gagaguhin mo lang ako nang ganito?"I can't control my emotions anymore. Gustuhin ko man, pero pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag pinigilan ko ito.Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, sakit, pagkamuhi, pandidiri, at iba pang halos hindi ko na rin mapangalanan.Walang confirmation, pero ito ang sinasabi ng intuition ko. Kung malakas si Shainara makatunog, ganoon din ako pagdating sa mga ganitong bagay."What..." Napakurap si Shainara, at halata ang pagtataka sa kan'yang mukha. "Anong sinasabi mo, Sis? Nandito ako para i-comfort ka dahil sa pag-iyak mo kanin
Gusto ko lang na maglakad-lakad muna rito sa kumpanya habang nagmumuni-muni ako, kaya naman nakarating ako sa office ni Shainara. Nasa labas lang ako habang nasa loob naman siya at may kausap na isang babaeng empleyado.Mas bata iyon sa amin, pero kahit ganoon pa man, halata na sobrang komportable siya kay Shainara. Who wouldn't? Siya ang pinakamabait na babaeng nakilala ko bukod kay kaya.Sa tingin ko nga ay magkakasundo silang dalawa. Napangiti na lang ako dahil sa mga naisip ko. Tuluyan ding nawala ang bigat sa dibdib ko kanina. For me, Shainara is like a sunshine. Kaya niyang pagaanin ang loob ng mga taong malapit sa kan'ya."Napaka-friendly talaga kahit kailan," bulong ko bago sumandal sa pader.Hinihintay ko kasi na lumabas muna 'yong empleyado bago ako pumasok sa loob. Gawa sa salamin ang office at hindi ibinaba ni Shainara ang sliding door ngayon, dahilan kaya kitang-kita ko silang dalawa."Thank you po ulit, Ma'am Shainara!" masayang wika ng babae pagbukas niya ng pinto."Yo
Napakunot ang noo ko. At the same time, binalot ako ng kuryosidad."Sino?" tanong ko bago ko pa man din mapigilan ang sarili ko na magsalita. "Kamag-anak? Or... ex-girlfriend?"Hindi siya kaagad nagsalita at sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig doon sa kuwartong puno na ngayon ng g
"A-Ano? Hindi, ah! Diyan ka na nga!"Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok sa kuwarto ko, dala-dala pa ang blanket kahit hindi ko naman talaga sobrang kailangan 'yon.Pagkapasok ko sa kuwarto ay kaagad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Tuluyan ko na ring binitawan ang blanket at inilagay
Napatigil si Kleinder dahil sa bigla kong tinanong sa kan'ya. Mukhang hindi niya 'yon ine-expect dahil napakurap pa siya noong nilingon ako."What?""Hindi ka bingi, Kleinder. I know na narinig mo ang sinabi ko."Hindi siya kaagad nakapagsalita. Imbes ay lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa mata
“Exploitation?” Kumunot ang noo ko, at halata ang pagtataka sa boses ko. “Sinasabi mo riyan, Kleinder?”Itinuro niya ang folder gamit ang hintuturo, na para bang ine-emphasize niya sa akin na hindi niya gusto ang mga nilalaman no’n.“Halos lahat ng nakalagay dito, walang pabor sa akin,” pagrereklam







