LOGINMONTHS LATER:Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos hindi na nga namalayan ni Catalina ang mga buwang nagdaan. Maliban sa naging abala siya sa pag-aaring cafeteria ay natuon din ang kanyang atensyon sa kanyang pagbubuntis na waring pinahirapan pa siya nang dumating ang kanyang last trimester.She was advised by the doctors to be careful by her pregnancy. Aminado rin naman kasi siya na nitong mga nakalipas na buwan ay pinagod niya ang kanyang sarili sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo. Dahil kasi sa maayos na takbo niyon ay napagpasyahan nila ni Apollo na magtayo ng isa pa nitong branch. Bahagyang may kalayuan ang lugar na nakuha nila kaya naman hindi maiwasang mapagod siya sa tuwing pupuntahan niya iyon, bagay na ginagawa niya kahit pa pinapayuhan siya ni Apollo na ipaubaya na lamang sa kanilang mga empleyado ang pag-aasikaso ng lahat.Sa kabila ng lahat ay masaya siya sa itinatakbo ng negosyong iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Nagawa niyang palawakin iyon kahit pa wala na ang
Marahang nagpapalakad-lakad si Apollo sa malawak na sala ng bahay ng mga magulang ni Catalina. He was doing it while his eyes were roaming around the place. Hindi niya pa maiwasang mapatitig sa mga bagay na naka-display doon, maging sa mga nakakuwadradong larawang nakasabit sa dingding. Ang ilan pa roon ay litrato ng kanyang asawa. May ilang graduation picture nito na sadyang pinalaki upang maisabit sa dingding doon.Mayamaya pa ay napahakbang siya palapit sa bureau na hindi kalayuan sa may kinaroroonan ng TV. May ilang figurines na naka-display doon katabi ng ilang pang picture frames ng pamilya Rivera. Hindi pa nga mapigilan ni Apollo ang paglambot ng ekspresyon sa kanyang mukha nang makitang karamihan pa roon ay mga larawan ng kanyang asawa.He knew Catalina was an only child. Iyon ang dahilan kung bakit puro litrato nito ang mga naroon at nakatutuwang isipin na hindi man lang iyon naalis kahit pa nag-asawa ulit ang ama nito. Ngayon niya nauunawaan kung bakit ganoon na lamang kalap
May kung ilang saglit na hindi nakahuma sa kanyang kinauupuan si Catalina. Maang na nakatitig lamang siya sa mukha ni Apollo habang puno ng pinaghalo-halong emosyon ang kanyang dibdib. Abot-abot din ang antisipasyong nararamdaman niya habang naghihintay sa iba pa nitong mga sasabihin.But Apollo was silent for a moment. Katulad niya ay nakatunghay lamang ito sa kanya na wari bang pinagsasawa ang paningin sa kabuuan ng kanyang mukha. Nakalarawan pa sa mga mata ng kanyang asawa ang isang emosyon na sa buong durasyon ng kanilang pagsasama ay parang ngayon niya lamang napuna.Was it love? Totoo ba ang mga sinabi nito? Was he really in love with her?“A-Apollo...” untag niya rito nang ilang saglit na ang dumaan ay hindi pa rin ito umiimik.A gentle smile curved on his lips. Kumilos ito upang maupo sa gilid ng kama, nakaharap pa sa kanya. Then, he raised his right hand and caressed her cheek. Ginagawa nito iyon nang hindi man lang pinuputol ang paninitig sa kanya.“You heard it right, Catal
“Everything is okay with the baby. There is nothing to worry now but I still suggest for you to rest and take it easy. Please, avoid the stress and danger, para na rin sa kaligtasan ninyong mag-ina,” mahabang pahayag ng doktor na tumingin kay Catalina. Nagsasalita pa ito habang ibinabalik na sa loob ng dala nitong bag ang stethoscope at gamot na inilagay sa kanyang mga pasa.Nakauwi na sila at kasalukuyang nasa loob ng silid nila ni Apollo. Matapos ng mga nangyari ay agad ipinatawag ng kanyang asawa ang family doctor ng mga ito upang patingnan siya. Hindi man tuwirang sabihin ni Apollo pero alam niyang labis din itong nag-aalala sa kalagayan niya, lalo na ng kanilang anak.Hindi niya alam kung saan na dinala ng mga tauhan nito si Francesco. Siya kasi ay agad na nitong inakay patungo sa sarili nitong sasakyan saka nagpahatid na pauwi.Wala ring inaksayang sandali si Apollo. Nasa kotse pa lang sila ay agad na nitong inutusan ang isa nitong tauhan na ipatawag ang doktor ng pamilya Morano
Catalina’s tears instantly fell from her eyes as she saw what they did to Apollo. Abot-abot din ang takot at kaba sa kanyang dibdib dahil sa mga nangyayari. Pilit pa siyang nagpupumiglas upang sana ay makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng mga tauhan ni Francesco ngunit hindi man lang siya binitiwan ng mga ito.“A-Apollo...” sambit niya habang umiiyak na. “B-Bitiwan niyo ako!”“Shut up!” Francesco shouted as he turned to look at her. Wari bang nairita ito sa pagsigaw na ginawa niya. Akmang kikilos pa nga sana ito upang patahimikin siya sa pamamagitan ng pagsampal ulit sa kanya. Sadyang hindi lang nito natuloy pa ang binabalak nitong gawin nang magsalita na si Apollo.“Don’t hurt her!” wika nito sa tinig na pilit iniignora ang sakit na nadarama.Alam ni Catalina na iniinda nito ang sakit na dulot ng ginawa ng tauhan ni Francesco. Pilit lang itong nagpapakatatag para sa kanila. And because of that, she couldn’t help but to cry even more. Aminado siyang kasalanan niya kung bakit sila na
Agad na ininda ni Catalina ang sakit na sanhi ng ginawang pananampal ni Francesco. Dama niya ang hapdi sa gilid ng kanyang bibig at kahit hindi niya mahawakan iyon ay alam niyang may dugong umagos mula sa parteng iyon ng kanyang mukha. Nasisiguro niya pang mamaya lang ay magkakaroon ng bakas ang ginawa nito.“Let me just remind you where you are right now, Catalina,” wika ni Francesco na nagtatagis pa ang mga ngipin. “Hawak kita. Ano mang oras ko gustuhin ay magagawa kong patayin ka at ang batang ipinagbubuntis mo.” Saglit pa muna itong huminto sa pagsasalita at naniningkit ang mga matang tinitigan ang kanyang tiyan. After a while, he looked at her face again. “So if I were you, I would just behave.”Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Catalina. Gusto niya pa sanang sumagot dito pero pinigilan niya na ang kanyang sarili. Mas natatakot siya para sa kaligtasan ng kanyang anak na hindi niya pa man naisisilang kaysa sa sarili niya. She wanted to see her child. She wanted to give birth t
Marahan ang paglalakad na ginagawa ni Apollo habang iginagala niya ang kanyang paningin sa loob ng bar na kanyang pag-aari. Katulad ng laging senaryo sa naturang establisyemento ay halos puno na naman ng tao ang kanyang negosyo, lalo na’t ngayon ay Sabado at bukas ay walang trabaho ang karamihan sa
Agad na naramdaman ni Catalina ang paghapit ni Apollo sa kanyang baywang. Nanatiling nakasandal sa executive desk ang kanyang asawa habang siya ay nasa harapan nito. Nakapaikot pa sa batok nito ang mga kamay niya habang magkadampi ang kanilang mga labi.She did the initiative to kiss him and it was
Mula sa binabasang mga dokumento ay agad na napaangat ng kanyang ulo si Apollo nang marinig niya ang mararahang katok mula sa labas ng kanyang opisina. He didn’t bother to answer and just waited for the door to open. Alam niya namang ang sekretarya niyang si Cindy iyon. Nakausap niya na ito kanina
Mariing napalunok si Catalina nang paglabas niya ng Brew and Bites Café ay bumungad sa kanya ang sasakyan ni Apollo. Nakaparada iyon sa tapat mismo ng kanyang café at nasa tabi pa niyon ang binata, nakatayo at prenteng nakasandal doon.Agad pa ngang napalingon si Apollo nang makita nito ang paglaba







