Share

Chapter 05

Author: Serene Hope
last update Huling Na-update: 2025-08-06 12:55:37

HINDI MAWALA-WALA ang ngisi ni Flint mula pa kanina. Paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang nangyaring kahihiyan ni Xyza habang siya’y nagmamaneho.

Wala pala itong ideya na lumabas ito ng silid na nakapantulog lang. Kitang-kita niya kung paano namula ng husto ang mukha nito sa sobrang hiya.

Tuwang-tuwa siya dahil hindi na nito nakuhang sumagot pa sa kanya, agad-agad itong tumakbo palabas ng kusina para bumalik sa kwarto upang itago ang sarili.

At ngayon, iniisip niya. Magagawa pa kaya nitong humarap sa kanya matapos ang nangyari? Sa isip niya, panalo na siya rito sa pagkakataong iyon pa lang.

Pero aminin man niya o hindi, hindi niya maikakailang may kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan nang masulyapan niya ang hubog ng katawan nito sa ilalim ng manipis na tela.

Parang bigla siyang nagising sa isang damdaming noon lang niya naranasan, isang pagnanasa na kailanman ay hindi niya naramdaman sa kahit sinong babae sa buong buhay niya.

Napangisi na naman siya nang makaisip ng ideya. Gagawin niyang pang-asar ang naging pagkakapahiya nito kanina, tingnan lang niya kung kakasa pa ito sa asaran. Sa itsura pa lang kasi nito, mukhang napakadali nitong mapikon.

Hanggang sa makarating siya sa kanyang opisina, iyon pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Pagdating niya, agad niyang hinila ang upuan sa harap ng kanyang working table, saka siya umupo at sinimulang ayusin ang mga papel na nakakalat sa ibabaw ng lamesa.

Maya-maya, nakarinig siya ng mahihinang katok mula sa labas ng pintuan.

Ilang saglit pa ‘y bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang executive assistant, may dala itong tasa ng umuusok pang kape.

“Good morning, Sir,” magalang nitong pagbati. “Heto na po ang kape ninyo.” Maingat nitong inilapag ang tasa sa harap niya.

“Thank you, Jenni,” nakangiti niyang tugon, sabay kuha sa tasa at dahan-dahang humigop.

Ganoon ito tuwing umaga, lagi siyang ipinaghahanda ng kape, na siyang nagsisilbi niyang agahan. Naging bahagi na iyon ng routine nito araw-araw kahit na hindi naman niya ito inuutusan. Basta kapag dumating siya, awtomatikong ipinaghahanda na siya nito.

Simula nang siya ang pumalit sa kanyang ama bilang CEO, ay ito na ang naabutan niya bilang executive assistant ng firm.  Halos magkasing-edad lamang sila. Minsan, napapansin niya ang kakaibang mga tingin nito sa kanya na parang nagpapahiwatig ng pagkagusto, ngunit hindi niya iyon pinagtutuunan ng pansin dahil wala naman siyang interes dito.

Kahit kailan, wala pa siyang pinaglaanan ng oras at pag-ibig dahil sa masamang karanasan niya sa ginawang pag-iwan sa kanila ng kanyang ina. Palagi niyang itinatatak sa isip na kahit anong sakripisyo at pagmamahal ang ibigay mo, iiwan ka pa rin.

Ready na ba ang meeting room?” tanong niya rito.

“Yes, Sir. Naayos ko na po ang lahat ng kakailanganin, copies of project brief, plano, at presentation file sa screen. Darating na rin po ang mga department heads,” mabilis na sagot ni Jenni, tila kabisado na ang takbo ng araw na ito.

Tumango si Flint at muling humigop ng kape. Naroon ang kakaibang sigla niyang nararamdaman. Marahil dahil sa project na pag-uusapan nila. Isa ito sa mga project na gusto niyang pamunuan upang maipamalas ang galing at husay ng kanilang firm.

Makalipas ang ilang minuto, hawak pa rin ni Flint ang tasa ng kape habang tinatahak ang hallway patungong conference room.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang maluwag at maaliwalas na silid, modernong disensyo, salaming dingding, at isang mahaba at makintab na mesa na napapalibutan ng mga ergonomic na upuan. Nandoon na ang ilang department heads, abala sa pagbubuklat ng mga printouts, habang ang iba’ y gumagamit ng kani-kanilang laptop.

Tumango siya sa mga ito bilang pagbati, saka dumiretso sa kanyang upuan sa dulo ng mesa.

“Magandang umaga sa lahat,” panimula niya, habang inilalapag ang tasa ng kape sa mesa. “Alam kong lahat tayo ay abala, pero hindi natin pwedeng palampasin ang magandang oportunidad ng proyektong ito.”

Umayos sa pagkakaupo ang lahat.

“Starting today, the design and construction of the SI Inter-Island Bridge, a suspension bridge to be built over the San Isidro River, connecting two provinces, is officially transferred to us. This is a flagship government project and part of the ten-year national infrastructure plan.”

“At alam kong magagawa natin ito sa loob ng lalong madaling panahon, siguro nga ay kaya natin itong gawin sa loob lamang ng limang taon. First of all, our firm has its own technology and equipment, and we have a proven track record of delivering quality results quickly. We also have access to private funding and international partners. Most importantly, we will make this bridge our flagship project to showcase the strength and capability of our firm. We’re also strong when it comes to planning, and our methods are up to date,” mahabang dugtong niya.

Totoo naman ang lahat ng iyon. Kaya nga mas maraming tao ang pumipili at kumukuha sa kanila, dahilan kung bakit lalo pang nakikilala at tumatanyag ang kanilang firm.

Sumulyap siya kay Architect Emil Rodriguez, ang lead design consultant.

“Rodriguez, nakuha mo na ang initial site study?”

“Yes, Sir,” tugon nito. “Topographic data, soil tests, hydrology reports, and seismic reports. May ilan lang na concerns sa foundation depth dahil sa ilog. Pero manageable naman.”

Tumango siya. “Ayokong may ‘manageable’ sa vocabulary natin. Gusto ko, lahat ay sigurado.”

Napangiti si Rodriguez, bahagyang nahiya.

Lumapit ang screen technician at ipinakita sa screen projector ang 3D render ng paunang disensyo ng tulay. Sa bawat galaw ng 3D model sa screen, detalyado itong ipinaliliwanag ni Engr. Alden Juarez, ang bawat bahagi ng SI inter-Island Bridge, mula sa pundasyon sa ilalim ng San Isidro River, hanggang sa mga bakal at kable na magpapatibay sa tulay laban sa mga pagbaha, malakas na hangin, at lindol.

“Ang SI Inter-Island Bridge ay gagamitan ng reinforced concrete para sa mga haliging itatayo sa mismong gitna ng San Isidro River, dahil kayang-kaya nitong labanan ang malakas na agos ng tubig sa tuwing magkakaroon ng malawakang pagbaha. At higit sa lahat, kaya nitong saluhin ang bigat ng trapiko. Habang ang mismong daanan ay bubuuin ng precast concrete slabs na itatambal sa matibay na steel frame. And this bridge measures two kilometers in length.”

“Gusto ng client ng simbolo,” dagdag ni Jessica Lim, head ng structural division. “Parang landmark na makikilala ng mga dayuhan ang kanilang lugar.”

Tahimik si Flint habang nakatingin lang sa screen projector. Sa isip niya, hindi lang ito isang proyekto, isa itong pagkakataong mailagay ang pangalan ng kanilang kompanya sa kasaysayan.

“Hindi tayo ang klase ng firm na tumatanggap ng project para lang matapos,” aniya, malamig pero may diin. “Kapag pinirmahan natin ‘to, pangalan natin ang nakasalalay sa pundasyon ng tulay. Kaya kailangang siguraduhin natin na magiging maayos at successful ang pagpapatayo nito.”

Tahimik ang lahat, maging ang pinakamatatagal nang tauhan ay nakadama ng bigat sa kanyang salita.

“Simulan na natin. I want your full progress reports by Friday.”

“Understood, Sir,” sabay-sabay na tugon ng mga heads.

Uminom si Flint ng huling lagok ng kape, saka ibinalik ang tasa sa mesa. Nauna na siyang lumabas ng conference room sa kanyang mga tauhan upang bumalik sa kanyang opisina.

Pagkaupo niya ay bahagya niyang hinilot ang magkabilaang sintido habang nakatukod ang dalawang siko sa lamesa.

Sa posisyong iyon ay bigla na lamang lumitaw sa kanyang isipan si Xyza. Ano na kaya ang ginagawa nito? Lumabas na kaya ito sa kanyang silid?

Hindi na naman niya napigilan ang mapangisi, dahil sabik siyang umuwi mamaya para asarin ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 109

    WALANG MAINTINDIHAN si Flint sa kanyang kasalukuyang nararamdaman.Kanina, habang pinapanood niya mula sa bintana ng kanyang silid sa maliit na siwang ng kurtina niyon ang pag-alis ng mag-ina, ay halos gusto niyang takbuhin ang dalaga palabas para pigilan ito sa pag-alis.Pero pinigilan niya ang sarili at tahimik na lamang na lumuha. May pakiramdam siyang tama ang pagkakataong ito para sa magulong relasyon nila ng dalaga.Kailangan muna nila ng sapat na space at panahon para gumaan ang mabigat nilang mga pakiramdam, magulong isipan, at nasasaktang mga puso.At isa pa, ito na rin ang tamang pagkakataon para maayos na rin niya ang problema niya kay Jaela. Buo na ang desisyon niya na ang bata lang ang tatanggapin niya at paglalaanan ng oras at panahon.Iyon nga lang, hindi siya sigurado kung matatanggap ba ni Xyza na may anak siya sa ibang babae.“Aaaah!” naisigaw na lamang niya dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang isipan.Paroo’t parito siya sa loob ng kanyang silid. Nang mapagod siya ay

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 108

    INIANGAT ni Xyza ang kanyang ulo at idinako sa binata ang kanyang mga matang magang-maga na dahil sa pag-iyak.“B-bakit? B-bakit nga ba?” humihikbi niyang tanong.“Siguro, tama naman ang desisyon ni mommy Glenda na paghiwalayin muna tayo. Kasi kung kokontrahin natin siya, mas lalo lang na gugulo ang sitwasyon.”“What? Pumapayag ka na magkahiwalay tayo? Hindi naman ganyan ang ipinangako natin sa isa ‘t isa, ‘di ba? Akala ko ba mahal mo ako?” sunud-sunod niyang tanong sa binata habang nag-uunahan na naman sa pagragasa ang kanyang mga luha.“Oo, mahal kita, Xyza. Mahal na mahal, pero may mga bagay kasing mahirap ipilit lalo na at—"“Mahal mo ako pero gusto mo akong mahiwalay sa ‘yo? Anong klaseng lalaki, ha, Flint? Ni hindi mo na nga ako tinulungang ipagtanggol kanina ang relasyon natin sa harap ng galit na galit na si mommy, pagkatapos ngayon, itinataboy mo naman ako palayo na parang hindi tayo nagkaroon ng magandang pinagsamahan?!Doon na biglang lumapit sa kanya si Flint at itinayo si

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 107

    HALOS HINDI MAKAPANIWALA si Xyza na nasaktan siya ng pisikal ng kanyang ina.Sa buong buhay niya, kahit gaano man ito kagalit sa kanya, kahit kailan ay hindi siya nito napagbuhatan ng kamay. Puro pangaral lang ito at madalas ay pinagagalitan lang siya.Kaya naman ngayon ay bago sa kanya ang ginawang pananakit nito. Sapo pa rin niya ang magkabilaang pisngi dahil sa lakas ng pagsampal nito sa kanya. Pakiramdam nga niya ay namamaga na ang kanyang mukha.Ngayon lang din niya ito nakitang nagalit na halos ubusin na ang boses sa pagsigaw, ni ayaw makinig sa magiging paliwanag nila ng binata.Ibig sabihin, kinamumuhian at tinututulan nito ng sobra ang relasyon nila ni Flint.Dito na ba magtatapos ang kanilang relasyon?Hanggang dito na lang ba talaga sila?Ito na nga ang pinangangambahan niyang mangyari noong una, ang magiging pagtutol ng kanilang mga magulang sakaling malaman ng mga ito ang kanilang lihim na relasyon.At dumating na nga ang kinatatakutan nila.Nabunyag ang kanilang lihim na

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 106

    NANG MAGPAALAM sa kanya ang binata na aakyat ito papuntang silid dahil may kukunin daw itong mahalagang bagay, ay agad niyang pinuntahan ang kanyang asawa sa kanilang silid para ipagbigay alam dito na dumating na ang binata.Pero bago siya pumasok kanina sa kanilang silid, ay nakita pa niya ang ginawang pagsunod ni Xyza sa binata hanggang sa silid nito na ipinagsawalang bahala na lang niya.“Honey, dumating na ang anak mo. Hayon, inaway pa nga ang bisitang kaibigan at sapilitang pinaalis. Mukhang masama ang timpla ng mood. At saka, nagpaalam siya sa ‘kin na may kukunin lang daw siya sa kanyang silid na mahalagang bagay, aalis din daw siya pagkatapos,” ani niya sa asawang abala sa panonood ng TV habang prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.“Aba’y mabuti naman at naisipan niya rin na umuwi sa wakas. Pero bakit niya naman itinaboy ang kaibigan niya? Baka may hindi sila pagkakaintindihan?” komento naman nito.“Siguro,” kibit-balikat naman niyang tugon.“Ang mabuti pa ay samahan mo ako sa

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 105

    SABAY-SABAY na napalingon sa kanyang direksyon ang tatlo matapos niyang magsalita ng malakas. Nakarehistro sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat.Wala siyang ideya kung saan ba nagulat ang mga ito. Dahil ba sa pagsigaw niya o sa biglaan niyang pagdating?“B-bro, salamat naman at naisipan mo nang umuwi rito sa inyo. Pumunta talaga ako rito dahil nagbakasakali akong naririto ka para maka-usap ka. Saktong-sakto, naisipan mong umuwi—”“Don’t call me that way because were not friends anymore. Sinabi ko na sa ‘yo kahapon ‘yan, ‘di ba? Hindi mo ba narinig o hindi mo naintidihan? I think both,” sarkastikong sambit niya sa kaibigan na ngayon ay punong-puno ng pagkagulat sa mukha.“T-teka, bakit nag-aaway kayong dalawa?” nagtataka namang tanong ni Xyza sa kanilang dalawa ni Jared. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanila.Samantalang si Glenda ay nakamasid lang sa kanila habang nakaupo. Palipat-lipat din ang tingin sa kanilang magkaibigan.“Umalis ka na, Jared! Hindi ka na dapat nagpunta

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 104

    “ABOUT YOU AND JAELA,” diretsong sagot sa kanya ng kaibigan.Napangisi na lang siya kasabay ng pag-iling na para bang kaharap lang niya si Jared.Pakiramdam niya ay gusto siyang paglaruan ng magkapatid. Kaya bakit pa siya mag-aaksaya ng panahon na makipagkita rito dahil may mahalagang sasabihin kuno? Hindi pa ba sapat na napikot na siya ng kapatid nito?At ang pinaka-worst pa sa lahat, ay magkakaroon siya ng anak sa babaeng kahit kailan ay hindi niya kayang mahalin o paglaanan ng pag-ibig.“Tama na ang pinikot ako ng kapatid mo, Jared. And from now on, tinatapos ko na rin ang pagkakaibigan natin!” malakas na sambit niya rito bago pinatay ang tawag at tuluyang ini-off ang kanyang cellphone.Naihagis pa niya iyon ng malakas sa ibabaw ng lamesa dahil sa matinding inis at galit.Ngayon lang niya nakitang lumabas ang tunay na kulay at ugali ng kaibigan. Kahit pala mali, basta kapatid o pamilya nito ay kakampihan talaga nito.Kaya pakiramdam niya, ay nawalan na siya ng karamay ngayon. Tila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status