LOGINTULAD NG NAKASANAYAN, maaga pa lang ay gising na si Flint. Kahit siya ang CEO ng sariling engineering firm, pumapasok at umuuwi siya na para bang isa lamang sa mga regular na empleyado.
Gusto niyang maging huwaran sa kanyang mga tauhan, at nagsisimula iyon sa sarili niyang disiplina.
Maayos siyang nakabihis ng long white sleeve polo at gray na slacks, pinaresan niya ito ng black leather shoes. Kapag sa opisina lang siya maglalagi, lalo na kung may meeting, kadalasan ay naka-business casual attire siya, katulad ngayon. Pero kapag mag-o-onsite naman siya, mas madalas siyang nakasuot ng polo shirt at maong na pantalon.
Sinipat niya ng makailang beses sa salamin ang kanyang kabuuan, gaya ng palagi niyang ginagawa tuwing umaga bago bumaba papunta sa kusina.
Hindi siya karaniwang nag-aalmusal sa bahay, madalas ay sa opisina na. Kaya ang pagpunta niya sa kusina ay para lang uminom ng malamig na tubig.
Pagdating niya sa kusina, isang tanawin ang sumalubong sa kanya.
Si Xyza.
Nakatalikod ito, abala sa paglalagay ng gatas sa tasa, gamit ang kutsarita. Walang kamalay-malay sa presensiyang unti-unting lumalapit.
At doon, saglit na tumigil ang oras para kay Flint.
Ang liwanag mula sa bintana ay banayad na bumalot sa katawan ng dalaga. Manipis ang suot nitong pantulog na bestida, at sa nipis niyon ay lantad ang maliit nitong panloob. Napukaw ang atensyon niya sa tanawing nasa harapan, pero agad din niyang kinastigo ang sarili.
Hindi niya ito puwedeng pagpantasyahan, hindi lang dahil sa papel ay magkapatid sila, kundi dahil kabaligtaran sila sa halos lahat ng bagay.
Agad siyang napalingon sa ibang direksyon, pinilit ibalik ang sarili sa ayos. Pagkatapos ay mabilis siyang lumapit sa lalagyan ng mga baso, tila walang nangyari, parang hindi siya naakit kay Xyza ilang segundo lang ang nakalipas.
Kumuha siya ng baso at dumiretso sa water dispenser, tahimik na kumuha ng malamig na tubig. Ayaw na sana niyang magsalita pa, pero bakit kaya kapag nasa paligid niya lang ito ay kusang lumalabas sa bibig niya ang mga salita, para bang iyon ang tanging paraan para mailabas ang inis, o itago ang kung anumang mas malalim na damdamin.
“Himala,” basag niya sa katahimikan kasabay ng pag-inom ng isang baso ng tubig, pagkatapos ay marahan niyang ipinatong sa lababo ang ginamit na baso bago muling nagsalita. “Maaga yatang gumising ang feeling prinsesa at spoiled brat. Sa pagkakaalam ko, tanghaling tapat gumigising ang katulad mo.”
Doon pa lang yata siya napansin ni Xyza. Tahimik nitong inilapag ang kutsaritang ginamit panghalo sa gatas sa lababo bago ito humarap sa kanya.
At muntik na siyang mapaubo.
Walang suot na bra si Xyza. Manipis na nga ang suot nitong pantulog, bahagya pa itong nakalaylay sa bandang dibdib. Ngayon, nakabuyangyang sa harapan niya ang may kalakihang dibdib ng dalaga, na may mumunting koronang halos nagmamakaawang huwag pansinin, pero lalo lamang niyang napansin.
Napalunok siya, pilit na iniiwas ang tingin sa dalaga.
“Anong ginagawa nito? Bakit ba lumalabas ito ng silid na ganyan ang suot, kung alam nitong may mga lalaking kasama sa bahay?” aniya sa sarili.
NANG HUMARAP si Xyza kay Flint, napansin niyang hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Para bang may iniiwasang mapagtuunan ng tingin. Saglit siyang nagtaka, pero hindi na niya pinag-aksayahan pang isipin iyon.
Muli na naman siyang napahanga sa taglay nitong kagwapuhan. Bagay na bagay dito ang suot, malinis tingnan, disente, at mukhang napakabango pa.
Pero hindi dapat nito mahalata ang nakatago niyang paghanga. Kapag nalaman nito, tiyak na pagtatawanan lang siya nito…o mas malala pa, aasar-asarin na naman siya.
Buti na lang at agad niyang naitago ang sariling reaksyon. Mabilis niyang napalitan ang ekspresyon sa mukha, kasabay ng pagpipigil sa anumang emosyon na maaaring magbunyag ng kanyang lihim na paghanga.
Sa halip ay nagsalita siya, sagot sa mga pasaring nito.
“Alam mo, Kuya Flint…” at sadyang pinagdiinan talaga niya ang salitang kuya, may bahid ng panunuya sa kanyang tinig.
Uminom siya ng gatas mula sa hawak niyang tasa ng dahan-dahan, bago marahang ibinaba ang tasa sa counter at muling nagsalita.
“Marunong naman akong umintindi at magparaya…pero para lang sa mga taong karapat-dapat. Ang problema, hindi mo naman iyon deserve mula sa ‘kin. Kasi, ikaw mismo ang nauunang manggulo.”
Diretso ang tingin niya sa mga mata nito, walang bahid ng takot o pag-aalinlangan.
“Akalain mo ‘yon? Hinuhusgahan mo na ako, kahit ngayon mo pa lang naman talaga ako nakilala. O baka naman…may narinig ka lang na kuwento tungkol sa ‘kin mula sa iba, tapos pinaniwalaan mo naman agad?” umiling siya nang bahagya, saka ngumiti ng mapang-asar. “Ang babaw mo palang mag-isip, kuya.” Dugtong pa niya, muling pinagdiinan ang huling salita.
Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok ni Flint. Maging ang bahagyang pag-igting ng mga panga nito, isang senyales na tinamaan ito sa sinabi niya.
“Umintindi at magparaya, ha?” balik ni Flint, may pang-asar din sa tono. “Panigurado, kahit maayos ang kausap mo, hindi mo pa rin gagawin iyon. Kasi nga, wala kang respeto. Ni katiting na pagpapakumbaba, wala kang alam.”
“Bakit ikaw?” mariing balik ni Xyza, nanginginig ang boses niya sa iritasyon. “Mayroon ka ba ng mga binaggit mo, ha?! Ang kapal mo talaga! Hindi ka talaga karapat-dapat tawaging kuya, kasi wala ka namang alam sa pag-intindi at pagpaparaya!”
Unti-unti na naman nitong binubuhay ang natutulog pa niyang inis at galit para rito.
“Kaya nga only child ako, ‘di ba?” sagot ni Flint, may halong pang-aasar at pagmamataas. “I’m not even intended to be a kuya. Gamitin mo naman ‘yang common sense mo.”
Bahagya pa itong tumawa, kasabay ng mapang-uyam na tono.
“At speaking of pag-intindi at pagpaparaya, sa tingin mo ba makakarating ako sa pagiging CEO kung wala akong good manners, right conduct…o kahit kaunting character development?”
Hindi man lang siya nito pinagbigyang makasagot. Agad nitong ibinato ang susunod pang sasabihin.
“Iyan ang problema sa ‘yo. Akala mo habambuhay ka nang magiging anak mayaman. Ni ‘yung pag-aaral mo, pinabayaan mo. Spoiled brat ka talaga.”
Tuluyan nang sumabog ang galit sa dibdib ni Xyza.
“How dare you na pagsalitaan ako ng ganyan?!” sigaw niya, namumula ang mukha sa matinding galit. “Wala kang alam sa buhay ko! Sumusobra ka na sa mga panghuhusga mo!”
Eksaktong pumasok sa kusina ang ina niya at ama ni Flint, kapwa nagulat sa eksenang nadatnan.
“Hey! What’s happening here?” saway ni Alfredo, kunot ang noo. “Kauma-umaga, nagbabangayan na naman kayo!”
“Xyza! What are you wearing?!” gulat na sambit ng ina niya. “Hindi ka man lang nagbihis bago lumabas ng kwarto!”
Doon lang siya natauhan.
Napatingin siya sa sarili, at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Suot pa pala niya ang manipis na pantulog.
At ang mas malala, bakat na bakat ang tayung-tayo niyang dibdib, pati ang bawat kurba ng kanyang katawan.
Nakalimutan niyang wala na nga pala sila sa mansyon kung saan ay walang pag-aalinlangan siyang lumalabas ng silid na nakadamit pantulog lang.
Biglang uminit ang kanyang mukha, parang nasusunog sa kahihiyan. Agad niyang tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang dibdib at dali-daling tumakbo palabas ng kusina, pabalik sa kanyang silid.
Mabuti na lang at hindi siya masyadong napagtuunan ng pansin ni Alfredo, dahil nakatingin lang ito kay Flint. Habang tinatakasan ang eksenang iyon, isang bagay ang biglang lumitaw sa kanyang isipan.
“Ah, kaya pala…kaya pala umiiwas ng tingin si Flint kanina.”
Nakaramdam siya ng panibagong bugso ng galit, mas matindi, mas malalim.
Dahil nakita na nito ang kabuuan ng kanyang katawan. Ang katawan niyang iniingatan…at ngayon ay hindi niya alam kung paano iyon buburahin sa isipan ng binata.
WALANG MAINTINDIHAN si Flint sa kanyang kasalukuyang nararamdaman.Kanina, habang pinapanood niya mula sa bintana ng kanyang silid sa maliit na siwang ng kurtina niyon ang pag-alis ng mag-ina, ay halos gusto niyang takbuhin ang dalaga palabas para pigilan ito sa pag-alis.Pero pinigilan niya ang sarili at tahimik na lamang na lumuha. May pakiramdam siyang tama ang pagkakataong ito para sa magulong relasyon nila ng dalaga.Kailangan muna nila ng sapat na space at panahon para gumaan ang mabigat nilang mga pakiramdam, magulong isipan, at nasasaktang mga puso.At isa pa, ito na rin ang tamang pagkakataon para maayos na rin niya ang problema niya kay Jaela. Buo na ang desisyon niya na ang bata lang ang tatanggapin niya at paglalaanan ng oras at panahon.Iyon nga lang, hindi siya sigurado kung matatanggap ba ni Xyza na may anak siya sa ibang babae.“Aaaah!” naisigaw na lamang niya dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang isipan.Paroo’t parito siya sa loob ng kanyang silid. Nang mapagod siya ay
INIANGAT ni Xyza ang kanyang ulo at idinako sa binata ang kanyang mga matang magang-maga na dahil sa pag-iyak.“B-bakit? B-bakit nga ba?” humihikbi niyang tanong.“Siguro, tama naman ang desisyon ni mommy Glenda na paghiwalayin muna tayo. Kasi kung kokontrahin natin siya, mas lalo lang na gugulo ang sitwasyon.”“What? Pumapayag ka na magkahiwalay tayo? Hindi naman ganyan ang ipinangako natin sa isa ‘t isa, ‘di ba? Akala ko ba mahal mo ako?” sunud-sunod niyang tanong sa binata habang nag-uunahan na naman sa pagragasa ang kanyang mga luha.“Oo, mahal kita, Xyza. Mahal na mahal, pero may mga bagay kasing mahirap ipilit lalo na at—"“Mahal mo ako pero gusto mo akong mahiwalay sa ‘yo? Anong klaseng lalaki, ha, Flint? Ni hindi mo na nga ako tinulungang ipagtanggol kanina ang relasyon natin sa harap ng galit na galit na si mommy, pagkatapos ngayon, itinataboy mo naman ako palayo na parang hindi tayo nagkaroon ng magandang pinagsamahan?!Doon na biglang lumapit sa kanya si Flint at itinayo si
HALOS HINDI MAKAPANIWALA si Xyza na nasaktan siya ng pisikal ng kanyang ina.Sa buong buhay niya, kahit gaano man ito kagalit sa kanya, kahit kailan ay hindi siya nito napagbuhatan ng kamay. Puro pangaral lang ito at madalas ay pinagagalitan lang siya.Kaya naman ngayon ay bago sa kanya ang ginawang pananakit nito. Sapo pa rin niya ang magkabilaang pisngi dahil sa lakas ng pagsampal nito sa kanya. Pakiramdam nga niya ay namamaga na ang kanyang mukha.Ngayon lang din niya ito nakitang nagalit na halos ubusin na ang boses sa pagsigaw, ni ayaw makinig sa magiging paliwanag nila ng binata.Ibig sabihin, kinamumuhian at tinututulan nito ng sobra ang relasyon nila ni Flint.Dito na ba magtatapos ang kanilang relasyon?Hanggang dito na lang ba talaga sila?Ito na nga ang pinangangambahan niyang mangyari noong una, ang magiging pagtutol ng kanilang mga magulang sakaling malaman ng mga ito ang kanilang lihim na relasyon.At dumating na nga ang kinatatakutan nila.Nabunyag ang kanilang lihim na
NANG MAGPAALAM sa kanya ang binata na aakyat ito papuntang silid dahil may kukunin daw itong mahalagang bagay, ay agad niyang pinuntahan ang kanyang asawa sa kanilang silid para ipagbigay alam dito na dumating na ang binata.Pero bago siya pumasok kanina sa kanilang silid, ay nakita pa niya ang ginawang pagsunod ni Xyza sa binata hanggang sa silid nito na ipinagsawalang bahala na lang niya.“Honey, dumating na ang anak mo. Hayon, inaway pa nga ang bisitang kaibigan at sapilitang pinaalis. Mukhang masama ang timpla ng mood. At saka, nagpaalam siya sa ‘kin na may kukunin lang daw siya sa kanyang silid na mahalagang bagay, aalis din daw siya pagkatapos,” ani niya sa asawang abala sa panonood ng TV habang prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.“Aba’y mabuti naman at naisipan niya rin na umuwi sa wakas. Pero bakit niya naman itinaboy ang kaibigan niya? Baka may hindi sila pagkakaintindihan?” komento naman nito.“Siguro,” kibit-balikat naman niyang tugon.“Ang mabuti pa ay samahan mo ako sa
SABAY-SABAY na napalingon sa kanyang direksyon ang tatlo matapos niyang magsalita ng malakas. Nakarehistro sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat.Wala siyang ideya kung saan ba nagulat ang mga ito. Dahil ba sa pagsigaw niya o sa biglaan niyang pagdating?“B-bro, salamat naman at naisipan mo nang umuwi rito sa inyo. Pumunta talaga ako rito dahil nagbakasakali akong naririto ka para maka-usap ka. Saktong-sakto, naisipan mong umuwi—”“Don’t call me that way because were not friends anymore. Sinabi ko na sa ‘yo kahapon ‘yan, ‘di ba? Hindi mo ba narinig o hindi mo naintidihan? I think both,” sarkastikong sambit niya sa kaibigan na ngayon ay punong-puno ng pagkagulat sa mukha.“T-teka, bakit nag-aaway kayong dalawa?” nagtataka namang tanong ni Xyza sa kanilang dalawa ni Jared. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanila.Samantalang si Glenda ay nakamasid lang sa kanila habang nakaupo. Palipat-lipat din ang tingin sa kanilang magkaibigan.“Umalis ka na, Jared! Hindi ka na dapat nagpunta
“ABOUT YOU AND JAELA,” diretsong sagot sa kanya ng kaibigan.Napangisi na lang siya kasabay ng pag-iling na para bang kaharap lang niya si Jared.Pakiramdam niya ay gusto siyang paglaruan ng magkapatid. Kaya bakit pa siya mag-aaksaya ng panahon na makipagkita rito dahil may mahalagang sasabihin kuno? Hindi pa ba sapat na napikot na siya ng kapatid nito?At ang pinaka-worst pa sa lahat, ay magkakaroon siya ng anak sa babaeng kahit kailan ay hindi niya kayang mahalin o paglaanan ng pag-ibig.“Tama na ang pinikot ako ng kapatid mo, Jared. And from now on, tinatapos ko na rin ang pagkakaibigan natin!” malakas na sambit niya rito bago pinatay ang tawag at tuluyang ini-off ang kanyang cellphone.Naihagis pa niya iyon ng malakas sa ibabaw ng lamesa dahil sa matinding inis at galit.Ngayon lang niya nakitang lumabas ang tunay na kulay at ugali ng kaibigan. Kahit pala mali, basta kapatid o pamilya nito ay kakampihan talaga nito.Kaya pakiramdam niya, ay nawalan na siya ng karamay ngayon. Tila







