IYAK NANG IYAK si Xyza, hindi lang dahil sa galit, kundi dahil na rin sa matinding kahihiyan na naranasan niya kanina.
Kung hindi dahil sa kanyang ina, hindi niya malalaman kung ano na ang itsura niya sa harapan ng masungit, pakialamero, mayabang, at mapangutyang si Flint.
Paano niya ngayon mabubura sa isipan nito ang lahat ng nakita? Baka lalo pa siyang kutyain nito dahil doon.
Panay ang punas niya ng luha gamit ang likod ng kamay habang patuloy sa paghikbi. Maging ang sipon niya ‘y nagsimula na ring tumulo.
Ngayon lang talaga nangyari sa buong buhay niya ang mapahiya. At sa harap pa talaga ng isang aroganteng lalaki.
Kahit nanlalabo ang paningin dahil sa masaganang luha, tinungo niya ang cabinet upang kumuha roon ng damit na pampalit. Kinuha niya ang isang simpleng t-shirt at shorts na sakto lang ang haba.
Basta na lang niya isiniksik doon ang mga damit na kinuha niya galing sa maletang dala-dala noong nakaraang gabi. Hindi na rin kasi niya nagawang iutos ang pag-aayos niyon sa katulong dahil nga sa nangyaring sagutan nila ni Flint.
Ito na muna ang isusuot niya sa ngayon, kahit pa sanay siyang magsuot ng mga maiikli at seksi, dahil mayroon silang kasamang lalaki sa bahay. At isa pa, ayaw na niyang maulit muli ang pagkapahiyang nangyari sa kanya kanina.
Eksaktong pagkatapos niyang magpalit ng damit ay may narinig siyang katok. Ilang saglit pa’y pumasok ang kanyang ina.
Hindi siya makatingin nang diretso rito dahil sa nangyari kanina. Nahihiya siya at alam na niyang pagsasabihan na naman siya nito.
“Anak, hindi lang ugali mo ang kailangan mong ayusin, pati na rin ang mga isinusuot mo, lalo na at may mga kasama tayo ritong lalaki sa loob ng bahay. Katulad nga nang sinabi ko sa ‘yo noong una, wala na tayo sa mansyon. Kung doon ay kampante ka na gawin ang lahat at isuot ang lahat ng mga gusto mo, dito ay iba na. Kasi kahit paano, nakikitira lang tayo rito. Hindi natin ito pagmamay-ari para gawin mo ng malaya ang lahat ng gusto mo kahit labag na at mali. Alam mo bang halos hubad ka na kanina? Diyos ko naman, anak!”
Sinasabi na nga ba niya! Pagsasabihan na naman siya nito. Napabuntung-hininga siya habang iniikot ang mga mata. Hindi naman talaga niya intensyon ang lumabas na nakasuot pantulog dahil nga nasa ibang bahay na sila, nakalimot lang naman talaga siya.
“Kaya ka ba pumunta rito para pagsabihan na naman ako? Simula nung lumipat tayo rito sa bahay na ‘to, parang wala na akong ginawang tama sa paningin ninyo! Nakakasama lang ng loob kasi pinaparamdam niyo talaga sa ‘kin na wala na akong kakampi simula nang mamatay si Dad,” sagot niya, may sama ng loob.
Ibang klase kasi magmahal ang Daddy niya sa kanya. Kahit kailan, hindi siya nito napagalitan, ni hindi siya kailanman napagtaasan ng boses. Prinsesa ang turing nito sa kanya.
Hindi rin siya pinakikialaman sa mga desisyon at ginagawa niya. Bukod pa roon, halos walang limitasyon ang perang inilalagay nito sa kanyang credit card. Pero ngayon, iilan na lamang ang laman nito dahil sa walang tigil na pagbili niya ng kung anu-ano at kagagala kung saan-saan.
Dahil dito, lahat ng gusto at luho niya ay nabibili at nakukuha niya gamit ang pera. Sa mata ng kanyang mga kaibigan, maging sa paaralan, siya ang reyna.
Ayon sa iba, lalo na sa mga inggitera nilang kamag-anak, mali raw ang pagpapalaki sa kanya ng ama. Kinukunsinti raw nito ang mga maling ginagawa niya at palaging ipinagtatanggol, kahit siya naman ang nagsimula ng gulo.
Pero para sa kanya, iyon ang tamang pagmamahal. Kaya nang mamatay ang kanyang ama, pakiramdam niya’y literal siyang nawalan ng kakampi.
Hindi rin kasi sang-ayon ang kanyang ina sa istilo ng kanyang ama sa pagtatanggol sa kanya, at sa pagtatakip sa mga kamalian niya kaya madalas mag-away ang dalawa kapag nakakagawa siya ng mali o kaya naman nasasangkot sa gulo.
“Xyza, wala na nga ang Daddy mo. Kaya kailangan mo nang mag-adjust. Ano, tayo naman ngayon ang mag-aaway dahil sa katigasan ng ulo mo?! At saka, hindi mo pa ba napapansin? Mali ang pagkunsinti sa ‘yo noon ng Daddy mo! Hindi ba ‘t madalas kang napapaaway at nasasangkot sa gulo, dahil imbes na pagsabihan ka, kakampihan ka pa niya?” matigas na wika ng kanyang ina.
Doon lalong nagrebelde ang kanyang damdamin.
“Dahil ba patay na si Dad, kaya nasasabi mo na ngayon ‘yan sa kanya, ha? Mom?” nang-uusig niyang tanong, habang unti-unting muling nababalot ng luha ang kanyang mga mata.
“Buhay pa siya noon pero sinasabi ko na ‘yan sa kanya! Hindi ba madalas mo kaming makita na nagtatalo? Kaya nga hindi na ‘ko magtataka kung bakit ganyan ang ugali mo ngayon!”
“No! Patay na si Daddy! At sana naman, mga magagandang alaala o salita man lang ang marinig ko mula sa ‘yo tungkol sa kanya! Pero ano? Puro paninisi, na kesyo kaya ako nagkaganito ay dahil sa kanya!”
“Bakit, hindi nga ba?” tugon ng kanyang ina, taas-kilay at walang alinlangang hinamon ang kanyang emosyon. Para bang nauubusan na ito ng pasensiya sa kanya.
“I hate you, Mom! I hate you!” sigaw niya. “Ano, dahil ba may bago ka nang asawa? May bago ka nang pamilya na kinikilalang mas mahalaga kaysa kay Daddy at sa ‘kin?!”
“Huwag mo akong taasan ng boses, Xyza!” mariing sagot ng kanyang ina. “Hindi ako ang Daddy mo na palalagpasin lang ang ganyang ugali mo! Baka tamaan ka sa ‘kin, huwag mo akong susubukan!” sambit nito, tila nasagad niya ang galit nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang sila ngkaroon ng matinding sagutan ng kaniyang ina. Madalas itong mahinahon at mapang-unawa sa tuwing nagtataray at nagmamaldita siya. nakapagtatakang hindi na siya nito ngayon nagagawang pagpasensiyahan katulad ng dati.
At Alam niyang may kinalaman doon ang bago nilang pamilya. Ito na ngayon ang pinahahalagahan nito, hindi na siya.
Doon naman biglang pumasok si alfredo sa kanyang silid, dahil naiwan ng kanyang ina na bukas ang pinto.
“Hey, honey. What’s happening here?” tanong nito sa malumanay na tinig, habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ina.
“A-ANO BANG KLASENG TANONG ‘YAN, LOVE?”Alanganin pang ngumiti ang dalaga.“Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan, ha? Bakit, may nagawa ka bang kasalanan sa ‘kin na hindi ko nalalaman? O baka naman, may balak ka pa lang na gumawa?” dugtong pa nito, tiningnan pa siya ng tuwid sa mga mata.Napabaling siya sa ibang direksiyon dahil hindi niya kayang salubungin ang mga inosente nitong tingin sa kanya.Ngayon pa lang ay kinakain na siya ng labis na konsensiya. Paano pa kaya kung may mabuong bata sa sinapupunan ni Jaela?Napailing-iling siya kasabay ng paghaplos sa sariling buhok.Pagkatapos ay idinaan na lang niya sa biro ang sagot niya.“Ah, ano kasi baby, gusto ko lang sukatin at malaman kung hanggang saan ang pagmamahal mo sa ‘kin. Kaya sinubukan kong magtanong ng ganyan sa ‘yo,” nakangiting sagot niya, pilit na itinatago ang konsensiyang nararamdaman.“Ikaw talaga! May nalalaman ka pang mga tanong na gano’n!” hinampas pa siya nito ng mahina sa balikat na sinabayan pa ng pagtawa. “Love, it
NAKAHINGA ng maluwag si Flint at nabawasan din ang kaba at takot na nararamdaman niya nung mapanood ang full live video ng pag-aaway nina Xyza at Jaela sa loob ng mall.Mabuti na lang at walang nabanggit ni isang salita si Jaela tungkol sa nangyari sa kanila. Pero kita naman niya kung sino talaga ang nagsimula ng away.Bakit kaya tila malaki ang galit ni Jaela kay Xyza? Ayaw man niyang mag-isip pero parang nahihinuha na niyang dahil iyon sa kanya.Mabuti na lang pala talaga dahil ipinasama niya si Merry rito, dahil kung hindi? Baka nasaktan na ni Jaela si Xyza kanina.At hindi niya alam kung ano ang puwedeng magawa niya sa babae kung nagkataong nasaktan nga nito ng tuluyan ang babaeng mahal na mahal niya.Kahit pa magkagalit sila ni Jared dahil ipagtatanggol niya si Xyza sa kapatid nito, ay gagawin niya pa rin.Mas mahalaga ang dalaga sa kanya sa kahit na ano pa mang relasyon niya sa ibang tao.Ganoon niya ito kamahal.Narinig niya ang paghinto ng sasakyan sa labas ng gate. Alam niyan
KANINA PA nagtitimpi sa galit si Jared para sa kapatid.Hinihintay niya itong makauwi para pagsabihan at tanungin kung ano ang nangyari.Pinanood niya ang buong video na nag-viral kanina lang sa pag-aaway nito at ni Xyza. Sa una pa lang, nakita na niya na ito ang nagsimula ng away.Kaya tiyak na makakatikim ito sa kanya ng nakakamatay na sermon pagdating nito. At hindi na niya ito palalampasin pa, sasabihin niya sa kanilang mga magulang ang mga pinaggagagawa nito.Doon naman biglang bumukas ng malakas ang pintuan at pumasok ang kapatid niyang galit na galit at humahangos.Ibinalibag pa nito sa kinauupuan niyang sofa ang suot nitong shoulder bag na para bang wala siya roon at hindi siya nito nakikita.“Aaaah! Aaaah! I hate you! Xyza Gabrielle!” sigaw nito ng malakas.Paroo’t parito ito habang hawak-hawak ang sabog na sabog nang buhok. Naghintay muna siya ng ilang minuto bago niya ito kinompronta.“Jaela, nakita ko ang viral video ninyo kanina ni Xyza na nag-aaway sa mall. Ano ba ang na
NANINGKIT ang dalawang mga mata ng babae matapos na sabihin dito ni Xyza ang mga salitang talaga namang kahit na sino, ay masasaktan at magagalit.Pero sa tingin ng dalaga, mukhang matigas din ito at hindi basta-basta aatras. Naningkit man ang mga mata nito, pero hindi nawawala ang mapang-uyam nitong mga ngisi sa labi.“Sinasabi mong mapurol ang utak ko?” nakangisi nitong tanong. “Eh, anong tawag mo sa sarili mo? Bakit ka huminto sa pag-aaral? Dahil ba sa hindi na kinaya ng utak mo ang mga lessons? O, dahil wala ka nang maipambabayad sa mga estudyanteng inuutusan mo para gumawa ng mga projects at assignments mo para pumasa ka lang?” iniikot-ikot pa nito ang ilang piraso ng buhok gamit ang hintuturo.Kahit naman nakukuha niya rati ang lahat gamit ang pera, hindi naman niya ginawa kailanman ang ibinibintang nito dahil may sarili naman siyang talino at kakayahan.Huminto lang talaga siya sa pag-aaral dahil hindi niya nakayanan ang depression dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.Pareho lan
PAGKATAPOS na maipabalot at mabayaran sa cashier ang biniling mamahaling wristwatch na panregalo niya kay Jared, ay iniabot niya ang paper bag na pinaglagyan kay Merry para ito na ang magdala.Doon pa rin naman siya bumili sa pinuntahan nila ng binata noong nakaraan.Paalis na sana sila ni Merry nang biglang may magsalita sa likuran nila.“Well, well, well. Look who’s here!” sambit ng babaeng kung sino.Ramdam na ramdam niya sa tono nito ang panghuhusga kahit na iyon pa lang mga salitang binitiwan nito.Mabilis siyang lumingon para tingnan kung sino ang nagsalita.Medyo kumunot pa ang kanyang noo dahil sinubukan niyang alalahanin kung saan nga ba niya nakita rati ang babae, medyo pamilyar kasi sa kanya ang mukha nito.Bumalik sa dating anyo ang kanyang mga kilay nang maalala na niya kung saan niya ito palaging nakikita.Pareho pala sila ng university na pinapasukan sa college, doon niya ito madalas na makita.Nakapagtatakang pinagsasalitaan siya nito ng gano’n, gayong hindi naman sila
“SIGE NA, LOVE…” pangungulit sa kanya ng dalaga habang magkatabi silang nakaupo sa isang mahabang bench sa mini garden isang hapon.“Bibili lang naman ako ng regalo ko para kay Jared. Pagkatapos ay uuwi rin ako kaagad, promise. Dati ko namang ginagawa ang lumakad ng mag-isa, eh. At saka, nasa kulungan naman na si Paolo kaya hindi na niya ako magagawan ng masama. Kaya ano pa ba ang pinag-aalala mo sa ‘kin kung lumabas man akong mag-isa?” dugtong pa nito.“Baby, huwag ka na sanang makulit. Kaligtasan mo lang naman ang iniisip ko, eh. Kahit pa nasa kulungan na si Paolo, hindi mo masasabing ligtas ka na. Malay mo may mga tao pala siyang palihim na inutusan para ipagpatuloy ang naudlot niyang masamang balak sa ‘yo. Kung bakit ba naman kasi ayaw mong samahan kita, iniisip mo na may sapi pa rin ako at hindi pa gumagaling…” nilakipan niya ng kaunting tampo ang tono sa huling salitang sinabi.Sumbong kasi ito ng sumbong sa kanilang mga magulang kapag sinusubukan niyang kontrahin ang mga panini