Share

Chapter 10

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-11 17:05:56

“WHAT?! May anak din iyong stepfather mo?!” gulat na tanong ni Cyla.

“Ano pa nga ba?!” umiikot ang mga matang sagot niya. “Alam mo bang napakasungit niya at pakialamero? Mapanghusga rin! Sabihan ba naman akong spoiled brat! Akala mo naman kilalang-kilala na niya ako kung makapanghusga siya sa ‘kin! Kaya kahit kailan, hinding-hindi ko siya matatanggap na kapatid, o kahit tawagin siyang kuya! Eeew!”

“Ibig sabihin, lalaki ang bago mong kapatid?” tanong pa ni Cyla.

“At magkasama kayo sa iisang bahay? Paano na lang kung gawan ka niya ng masama?” singit naman ni Andro.

Hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tinging ipinukol dito ni Lance. Alam kasi ng dalawa na pareho ang mga itong pumapapel sa buhay niya para mapansin niya.

“Teka nga, nandito tayo para magsaya. Hindi iyong pinag-uusapan pa natin dito ang naiwan kong problema roon!” pag-iiba niya sa usapan.

Dinukot niya ang cellphone mula sa loob ng maliit na shoulder bag na dala niya para tingnan ang oras. Medyo nagiging dalawa na ang pani
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 84

    “A-ANO BANG KLASENG TANONG ‘YAN, LOVE?”Alanganin pang ngumiti ang dalaga.“Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan, ha? Bakit, may nagawa ka bang kasalanan sa ‘kin na hindi ko nalalaman? O baka naman, may balak ka pa lang na gumawa?” dugtong pa nito, tiningnan pa siya ng tuwid sa mga mata.Napabaling siya sa ibang direksiyon dahil hindi niya kayang salubungin ang mga inosente nitong tingin sa kanya.Ngayon pa lang ay kinakain na siya ng labis na konsensiya. Paano pa kaya kung may mabuong bata sa sinapupunan ni Jaela?Napailing-iling siya kasabay ng paghaplos sa sariling buhok.Pagkatapos ay idinaan na lang niya sa biro ang sagot niya.“Ah, ano kasi baby, gusto ko lang sukatin at malaman kung hanggang saan ang pagmamahal mo sa ‘kin. Kaya sinubukan kong magtanong ng ganyan sa ‘yo,” nakangiting sagot niya, pilit na itinatago ang konsensiyang nararamdaman.“Ikaw talaga! May nalalaman ka pang mga tanong na gano’n!” hinampas pa siya nito ng mahina sa balikat na sinabayan pa ng pagtawa. “Love, it

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 83

    NAKAHINGA ng maluwag si Flint at nabawasan din ang kaba at takot na nararamdaman niya nung mapanood ang full live video ng pag-aaway nina Xyza at Jaela sa loob ng mall.Mabuti na lang at walang nabanggit ni isang salita si Jaela tungkol sa nangyari sa kanila. Pero kita naman niya kung sino talaga ang nagsimula ng away.Bakit kaya tila malaki ang galit ni Jaela kay Xyza? Ayaw man niyang mag-isip pero parang nahihinuha na niyang dahil iyon sa kanya.Mabuti na lang pala talaga dahil ipinasama niya si Merry rito, dahil kung hindi? Baka nasaktan na ni Jaela si Xyza kanina.At hindi niya alam kung ano ang puwedeng magawa niya sa babae kung nagkataong nasaktan nga nito ng tuluyan ang babaeng mahal na mahal niya.Kahit pa magkagalit sila ni Jared dahil ipagtatanggol niya si Xyza sa kapatid nito, ay gagawin niya pa rin.Mas mahalaga ang dalaga sa kanya sa kahit na ano pa mang relasyon niya sa ibang tao.Ganoon niya ito kamahal.Narinig niya ang paghinto ng sasakyan sa labas ng gate. Alam niyan

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 82

    KANINA PA nagtitimpi sa galit si Jared para sa kapatid.Hinihintay niya itong makauwi para pagsabihan at tanungin kung ano ang nangyari.Pinanood niya ang buong video na nag-viral kanina lang sa pag-aaway nito at ni Xyza. Sa una pa lang, nakita na niya na ito ang nagsimula ng away.Kaya tiyak na makakatikim ito sa kanya ng nakakamatay na sermon pagdating nito. At hindi na niya ito palalampasin pa, sasabihin niya sa kanilang mga magulang ang mga pinaggagagawa nito.Doon naman biglang bumukas ng malakas ang pintuan at pumasok ang kapatid niyang galit na galit at humahangos.Ibinalibag pa nito sa kinauupuan niyang sofa ang suot nitong shoulder bag na para bang wala siya roon at hindi siya nito nakikita.“Aaaah! Aaaah! I hate you! Xyza Gabrielle!” sigaw nito ng malakas.Paroo’t parito ito habang hawak-hawak ang sabog na sabog nang buhok. Naghintay muna siya ng ilang minuto bago niya ito kinompronta.“Jaela, nakita ko ang viral video ninyo kanina ni Xyza na nag-aaway sa mall. Ano ba ang na

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 81

    NANINGKIT ang dalawang mga mata ng babae matapos na sabihin dito ni Xyza ang mga salitang talaga namang kahit na sino, ay masasaktan at magagalit.Pero sa tingin ng dalaga, mukhang matigas din ito at hindi basta-basta aatras. Naningkit man ang mga mata nito, pero hindi nawawala ang mapang-uyam nitong mga ngisi sa labi.“Sinasabi mong mapurol ang utak ko?” nakangisi nitong tanong. “Eh, anong tawag mo sa sarili mo? Bakit ka huminto sa pag-aaral? Dahil ba sa hindi na kinaya ng utak mo ang mga lessons? O, dahil wala ka nang maipambabayad sa mga estudyanteng inuutusan mo para gumawa ng mga projects at assignments mo para pumasa ka lang?” iniikot-ikot pa nito ang ilang piraso ng buhok gamit ang hintuturo.Kahit naman nakukuha niya rati ang lahat gamit ang pera, hindi naman niya ginawa kailanman ang ibinibintang nito dahil may sarili naman siyang talino at kakayahan.Huminto lang talaga siya sa pag-aaral dahil hindi niya nakayanan ang depression dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.Pareho lan

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 80

    PAGKATAPOS na maipabalot at mabayaran sa cashier ang biniling mamahaling wristwatch na panregalo niya kay Jared, ay iniabot niya ang paper bag na pinaglagyan kay Merry para ito na ang magdala.Doon pa rin naman siya bumili sa pinuntahan nila ng binata noong nakaraan.Paalis na sana sila ni Merry nang biglang may magsalita sa likuran nila.“Well, well, well. Look who’s here!” sambit ng babaeng kung sino.Ramdam na ramdam niya sa tono nito ang panghuhusga kahit na iyon pa lang mga salitang binitiwan nito.Mabilis siyang lumingon para tingnan kung sino ang nagsalita.Medyo kumunot pa ang kanyang noo dahil sinubukan niyang alalahanin kung saan nga ba niya nakita rati ang babae, medyo pamilyar kasi sa kanya ang mukha nito.Bumalik sa dating anyo ang kanyang mga kilay nang maalala na niya kung saan niya ito palaging nakikita.Pareho pala sila ng university na pinapasukan sa college, doon niya ito madalas na makita.Nakapagtatakang pinagsasalitaan siya nito ng gano’n, gayong hindi naman sila

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 79

    “SIGE NA, LOVE…” pangungulit sa kanya ng dalaga habang magkatabi silang nakaupo sa isang mahabang bench sa mini garden isang hapon.“Bibili lang naman ako ng regalo ko para kay Jared. Pagkatapos ay uuwi rin ako kaagad, promise. Dati ko namang ginagawa ang lumakad ng mag-isa, eh. At saka, nasa kulungan naman na si Paolo kaya hindi na niya ako magagawan ng masama. Kaya ano pa ba ang pinag-aalala mo sa ‘kin kung lumabas man akong mag-isa?” dugtong pa nito.“Baby, huwag ka na sanang makulit. Kaligtasan mo lang naman ang iniisip ko, eh. Kahit pa nasa kulungan na si Paolo, hindi mo masasabing ligtas ka na. Malay mo may mga tao pala siyang palihim na inutusan para ipagpatuloy ang naudlot niyang masamang balak sa ‘yo. Kung bakit ba naman kasi ayaw mong samahan kita, iniisip mo na may sapi pa rin ako at hindi pa gumagaling…” nilakipan niya ng kaunting tampo ang tono sa huling salitang sinabi.Sumbong kasi ito ng sumbong sa kanilang mga magulang kapag sinusubukan niyang kontrahin ang mga panini

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status