Share

Chapter 118

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-27 19:29:58

“GANITO ang gusto kong mangyari, Xyza. Dahil may for sale akong condominium at wala pa namang buyer na kumu-contact sa ‘kin, ikaw na muna ang manuluyan doon, ipapa-cancel ko na lang muna ang pagpapabili no’n. Hindi ako papayag na mag-rent ka sa mga mumurahing apartment dahil gusto kong masiguro ang kaligtasan mo,” seryosong sambit ng ina ng kaibigan niya matapos na malaman nito ang totoong pakay niya.

“At dahil gusto mo rin ng trabaho, kahit pa maraming available na positions sa company, may gusto akong special project na ipapagawa sa ‘yo, iyon na ang magiging trabaho mo. Gagawa ka lang ng sketch ng mga modern gowns at ng iba pang mga klase ng damit na nauuso, at individually ang bayad ko sa ‘yo roon. Hindi mo na kailangang pumunta sa kompanya para magtrabaho dahil puwede mong trabahuhin ‘yon kahit nasa loob ka lang ng condo. So, what do you think?” mahabang litanya pa nito.

Literal na napanganga siya sa mga sinabi nito. Napakaganda naman kasi ng offer nito sa kanya. Ang laking tulon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 131

    “DAD! DAD! MOMMY GLENDA!” malakas na tawag ni Flint sa mag-asawa matapos na makitang tumatawag sa kanya si Xyza.Nagtataka man siya kung bakit bigla itong tumawag sa kanya, ay ipinagsawalang bahala na lang muna niya iyon.Ang importante ay naalala siya nito at gusto siyang kausapin.Patakbo siyang bumalik sa living room habang patuloy sa pagtunog ang kanyang cellphone.Paakyat na kasi sana siya sa kanyang silid para magpahinga, eksaktong nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan nung tumawag si Xyza.“Ano kamo? Tumatawag si Xyza?!” pag-uulit ng ama niya sa sinabi niya, bakas ang katuwaan sa mukha.“Mabuti naman at tumawag siya! Naku, sagutin mo na, anak! Baka gusto na niyang umuwi at nami-miss na niya tayo!” excited naman na sambit ni Glenda.Maging siya ay excited na rin, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang boses ng babaeng matagal na niyang nami-miss na mayakap at mahalikan.Mabilis niyang binuksan ang tawag at ini-on pa ang speaker para marinig

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 130

    “ANO BA ANG BALAK mong gawin sa ngayon, honey?” tanong ng kanyang ama sa katabi nitong si Glenda na hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin nito.“S-sa totoo lang, hindi ko alam…” malamlam ang mga matang sagot nito, may tumakas pang isang butil ng luha sa kabila niyon nung pumikit ito.“Dumito ka na lang, honey. Bumalik ka na, para magkasama na ulit tayo. Nang sa ganoon, mas mapapadali ang paghahanap natin kay Xyza kapag magkakasama tayo rito. At kahit magpumilit ka pa na umuwi ng mansion, hindi na kita papayagan. Kung puwede lang, ikukulong talaga kita roon sa silid natin para hindi ka na makalabas pa rito,” ani ng ama niya.“K-kung okay lang sa inyong dalawa nitong si Flint na bumalik ako rito, sige,” sagot naman ni Glenda at tumingin pa ito sa kanya.“Aba’y oo naman po, mommy Glenda! Sino ba ang aayaw na bumalik ka rito? Eh, pagkakataon na natin muli na mabuo ang pamilyang ito!” masayang sambit niya.“At dahil diyan, sasamahan kita mamaya sa pagpunta mo ng mansion para muling dalhin

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 129

    “NAKU, HONEY. Kahit kailan, simula nung umalis kayo rito at bumalik ng mansion, ay hindi pa ‘yon nagagawi rito si Xyza. Baka sa ibang mga kamag-anak ninyo siya nanuluyan?” komento ng ama niya sa sinabi ni Glenda.“Nasasabi ko ‘yon dahil simula nung umalis kayo, hindi na ako lumalabas ng bahay, naghihintay sa muli ninyong pagbabalik,” dugtong pa nito, hindi maitago ang lungkot sa mukha.Malungkot din na napayuko si Glenda. Pero hindi niya matukoy kung para saan ba ang lungkot na nakarehistro sa mukha nito.Dahil ba sa nabigo ito sa pag-aakalang naroroon sa kanila si Xyza?O, dahil sa emosyonal na sinabi ng ama niya rito?Kung alin man sa dalawa, ay hindi niya matiyak.“Sa totoo lang, natatakot ako para sa kaligtasan ng anak ko, lalo na at wala pa siyang masyadong alam sa pag-iisa. At alam kong wala siya ni isa man sa mga kamag-anak namin ang gusto niyang makipanuluyan, dahil lahat sila ay galit sa ‘min, dahil sa tagumpay noon ni Geronimo sa negosyo, doon nagsimula ang inggit nila,” an

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 128

    PAGPASOK ni Flint sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang amang nakaupo sa sofa sa living room.Walang binabasang magazine.Hindi nanonood ng TV.Kundi nakatulala ito sa kawalan na kahit ang presensiya niya ay hindi man lang napansin o naramdaman.Dahan-dahan niya itong nilapitan bago tinawag.“D-dad.”Mabilis itong napatingin sa direksyon niya, pero hindi niya alam kung tunay ba ang nakita niyang mga luha na tumulo sa mga mata nito, at wala siyang ideya kung para saan iyon.Sa biglaan ba niyang pag-uwi?O, dahil sa lungkot na bumabalot dito dahil sa pag-iisa?Nakangiti itong tumayo at lumapit sa kanya kasabay ng pagyakap ng mahigpit.“Sa wakas anak, naisipan mo ring umuwi. Alam mo ba na palagi kong ipinagdarasal na sana, ay matulog ka rito kahit isang gabi lang? Para naman maibsan ang kalungkutan ko sa pag-iisa,” sambit nito.Dahil doon ay hindi niya napigilang lumuha.“I-I’m sorry, dad. Hindi ko man lang naisip na naisasantabi na pala kita…” lumuluha niyang paliwanag.“Son, h

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 127

    “BESTY, ANO BA ANG NANGYARI? Bakit ganyan ang hitsura mo, ha?! Para kang sinabunutan at binugbog ng sampung ka-tao, Diyos ko naman!” gulat na sambit ng kaibigan niya matapos makita ang hitsura niya.Sobrang namamaga na kasi ang mga mata niya dahil sa maghapong pag-iyak, sabayan pa ng halos maghapon din siyang hindi nagsuklay ng buhok.Siguro ‘y ang medyo may kalakasang hangin sa ilalim ng puno na siyang kinaroroonan niya ang dahilan kung bakit naging sabog-sabog ang buhok niya.Agad naman siyang tumayo at mabilis itong sinunggaban ng yakap, kaya mas lalo itong nagtaka.“Besty, may hindi ka ba sa ‘kin sinasabi, ha? At saka, nakakapagtakang halos maghapon kang nawala sa condo, ni hindi ka rin sa ‘kin nagpaalam o kahit kay mommy. Alam mo bang nag-aalala ako sa ‘yo? Kanina pa sana kita gustong tawagan para tanungin kung saan ka nagpunta. Pero since naisip ko na rest day mo ngayong araw, ipinagpalagay ko na lang na baka lumabas ka at gusto mong gumala ng mag-isa.”“B-Besty…” humihikbi niya

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 126

    HINDI MAIPALIWANAG ni Flint ang galit na nararamdaman niya para kay Jaela.Ngayon, para siyang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib dahil tuluyan na siyang nakalaya mula sa panloloko nito.Pero ang tanong, paniwalaan kaya siya ni Xyza kapag ipinaliwanag niya ang lahat dito?Maibabalik pa ba niya ang tiwala at pagmamahal nito sa kanya katulad nung dati?At paano kung hindi na?Doon niya lang naisip na halos sa limang buwan na hindi niya pag-reach out dito, baka sobrang bigat na ng nararamdaman nito at nababaliw na sa kaiisip kung bakit ganoon ang ginawa niya.Naging makasarili siya sa mga oras na iyon, dahil puro sarili lang niya ang iniisip. Puro sariling problema at damdamin, without knowing na pareho pala silang nasasaktan.Papalabas na siya ng pintuan ng bahay para sana umuwi na sa kanila, pero narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Jared."Atlas!” tawag nito sa kanya.Bilang tugon ay nilingon niya ito kahit na kunot na kunot ang kanyang noo.“Puwede ba tayong mag-usap kahit sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status