LOGINIMBES na mag-enjoy si Flint sa paliligo ay nawalan tuloy siya ng gana.Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kung ang taong mahal na mahal mo at nawawala ng halos limang taon ay bigla mong makita sa hindi inaasahang pagkakataon?At ang nakapagtataka pa, ay wala man lang itong ka rea-reaksyon nung magtama ang kanilang mga mata.Ni hindi man lang niya nakitaan ang dalaga ng pagkabigla o kahit pangungulila man lang para sa kanya.Parang ibang tao na ito at hindi na ang dating Xyza na nakilala niya. Gustong-gusto niya itong lapitan para kausapin at tanungin kung ano ang nangyari sa buhay nito sa loob ng limang taon na pagkawala.Pero pinipigilan siya ng kanyang pride, lalo na at ramdam niya na parang hindi ito interesado na makausap siya, at tila iniiwasan din ang kanyang presensiya.At isa pa, naiinis siya sa boyfriend nito, at aminin man niya sa hindi, ay kinakain siya ng matinding selos lalo na at nakikita niya kung gaano kasaya si Xyza na kasama ito.Close rin ang lalaki sa bestfr
NAGULAT man si Xyza sa biglaang pagkikita nila ni Flint sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, pero mabilis din naman siyang nakabawi.Ramdam ng katawan niya ang labis na pagkabigla at hindi maintindihang pakiramdam, pero iba ang ipinapakita niyang reaksyon.Alam na alam na niya kung paano dadalhin ang mga ganitong tagpo, kaya hindi siya mahihirapang magpanggap sa harap nito.Gusto niyang makita ng binata na hindi siya apektado sa presensiya nito, na hindi siya nabigla o na-surprise sa biglaang pagkikita nila.Pinanatili niyang kalmado ang sarili at piniling maging blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha habang diretso siyang nakatingin sa mga mata nito.At hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya sa nakikitang galit sa mga mata nito lalo na nung dumako ang paningin nito sa braso ni Zayn na nakapulupot sa kanyang baywang.Aksidente lang naman ang pangyayaring iyon.Dahil maraming bato at pababa ang daang tinatahak nila, para maiwasan na matisod o masubsob siya, ay inalalayan
SOBRANG presko ng tubig sa ilog kung saan silang tatlo nina Jared at Ronan ay kasalukuyang naliligo.Mapresko na, maganda pa ang view.Iyon agad ang pumasok sa kanyang isipan pagdating nila sa lugar kanina.Sobrang linis at linaw kasi ng tubig, wala kang makikita ni isang basura na lumulutang, at sa sobrang linaw nito ay para na rin silang nananalamin dahil nakikita niya ang repleksyon nila mula roon.Sa hindi kalayuan ay naroroon ang isang tila falls dahil may bumabagsak na tubig mula sa itaas. Marami ring mga naglalakihang puno ang siyang nagsisilbing lilim sa ilog, kaya kahit magbabad sila roon magapon ay hindi sila makakaramdam ng init.Maituturing niyang virgin forest o parang isang paraiso ang lugar dahil sa kalinisan, katahimikan, kagandahan, at kaakit-akit na mga tanawin.Teka, kailan pa siya naging nature lover?Pero totoo, sobra niyang naa-appreciate ang lugar, at ngayon ay masasabi na niyang hindi sayang ang pagpunta nila rito, biglang nawala ang kahapon lang ay nararamdama
“BAKIT NAMAN po kasi kayo pumunta roon sa sapa nang hindi sa ‘kin nagsasabi? Eh, di sana ay sinamahan ko kayo. Hayan tuloy, kung anu-ano na ang naririnig niyo roon na sobra ninyong ikinatakot,” sambit ni Wilma sa kanilang dalawa ni Cyla matapos nilang ikuwento rito at kay Zayn ang nangyari sa kanila kanina.Kahit kasi nagsisisigaw sila ni Cyla pagdating sa kubo kanina, ay pareho pa rin na humihilik ito at si Zayn. Naiintindihan naman niya kung bakit, dahil iyon sa sobrang kapaguran nila kahapon sa paglalakad.“At saka, ginising niyo na rin sana ako, para ako na lang ang sumama sa inyo roon, lalo na at pareho kayong babae. Mabuti na lang at hindi kayo roon nakatagpo ng mabangis na hayop,” sabat naman ni Zayn.“Nahihiya naman kasi akong gisingin kayo, eh. At saka, baka pagtawanan niyo pa ‘ko dahil matatakutin ako, kaya si Cyla na lang ang naisipan kong gisingin para may kasama ako,” sagot niya sa dalawa.“Bakit ka naman namin pagtatawanan, eh, normal naman sa isang tao lalo na sa babaen
DAHIL hindi na siya nakaramdam pa ng antok kanina mula nung magising siya, ay naisipan na lang niyang lumabas at maglakad-lakad, at doon siya dinala ng mga paa sa may sapa hindi kalayuan sa tinutuluyan nilang kubo.Hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap sa kanyang pandinig ang mahinang agos ng tubig doon, para bang bigla siyang nagkaroon ng kapayapaan sa isip. Kaya naman naupo siya sa isang malaking bato sa ilalim ng isang malaki at mayabong na punung-kahoy.Ngunit naistorbo naman ng dalawang babaeng napakalalakas ng mga boses kung mag-usap ang sana ay mapayapa niyang pagmumuni-muni.Kahit madilim, ay naaaninag niya ang pigura ng dalawa dahil na rin sa tulong ng malamlam na liwanag na dalang kandila nung isa, habang ‘yong isa naman ay may bitbit na isang timba. Marahil ay mag-iigib ang mga iyon ng tubig sa sapa.Napaatas tuloy ang isang sulok ng kanyang labi.“Bakit ba nag-iigib sila sa ganito kaalanganing oras?” pagka-usap niya sa sarili.Ang alam kasi niya ay ipinag-igi
“BESTY? Pinagsasabi mo? Anong shower, eh wala ngang kuryente rito?” nakakunot-noo nitong tanong.“Mabuti naman at nagising ka na! Tara, samahan mo akong mag banyo, kanina pa ‘ko ihing-ihi!” bulong niya rito para hindi magising sina Wilma at Zayn.Saglit muna itong nagkusot ng mga mata bago siya sinagot.“Oh, sige. Bumangon ka na riyan,” utos nito sa kanya.Bumangon siya at naglakad na papuntang banyo, nakasunod naman sa kanya ang kaibigan na panay ang hikab habang kinakamot ang ulo.Pagpasok niya sa pintuan ay sinigurado niyang nakabantay roon ang kaibigan.“Besty, wala na palang tubig! Paano ako nito maghuhugas at magbubuhos?!” sambit niya sa kaibigan habang nasa loob siya ng banyo at nakaupo pa rin sa bowl, dismayadong nakatingin sa katabing timba na walang laman kundi ang tabo.Hindi niya napansin na wala palang tubig dahil sa pagmamadaling mailabas ang nagpapasakit sa kanyang puson.“What?! Di ba marami pang tubig diyan na natira kagabi? I think nasa dalawang timba pa ‘yon, eh!” g







