공유

Chapter 163

작가: Serene Hope
last update 최신 업데이트: 2026-02-25 19:35:22

DAHIL SA NANGYARING matinding pag-aaway sa pagitan nila ng binata, ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang at mas mabuti pang asikasuhin na lang niya ang bagong tayo niyang kompanya kaysa ang mamalagi sa isang lugar na hindi naman napapalagay ang kanyang utak.

Ayaw pa sana nina Cyla at Wilma ang ideya niyang iyon dahil halos dalawang araw pa lang silang naroroon, pero hindi siya nagpapigil.

Sinabi niya na kung gusto pang mamalagi ng mga ito roon ay hindi naman niya pinilipit na sumama ang mga i
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 166

    PASADO ALAS SIETE na ng gabi nang makarating si Flint sa kanilang bahay.Tamang-tama ang dating niya para sa hapunan dahil naabutan niyang magkaharap at sabay na kumakain ang kanyang ama at si Glenda.Nagulat pa ang dalawa nang makita siyang papalapit sa mga ito.“Hijo, Flint. Akala ko ba ay sa sabado pa ang balik mo? Mukhang napaaga yata ang uwi mo, ah? Miyerules pa lang ngayon,” tanong kaagad sa kanya ni Glenda.“Oo nga, anak. At saka, bakit parang may iba yata sa sa awra mo ngayon? May nangyari ba roon na hindi maganda sa lugar na pinagbabakasyunan mo kaya ka napauwi ng maaga?” nag-aalalang tanong naman sa kanya ng ama.“Yes, at hindi kayo maniniwala sa ibabalita ko sa inyo,” walang pag-aatubiling sagot niya.“Ano ‘yon?” sabay pang tanong ng dalawa habang nakakunot ang mga noo.“The place is good, malinis, tahimik at relaxing. Kay gandang lugar at perpekto para sa bakasyon, not until magkita kami roon ni Xyza,” diretsong pahayag niya.“W-what?” tila hindi makapaniwala si Glenda sa n

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 165

    “I’M SORRY, BRO. But I need to do this…” sagot niya sa kaibigan.“U-uuwi ka na? Uuwi na ba tayo? Bakit, hahabulin mo ba si Xyza?” muling tanong sa kanya ni Jared.“I-I don’t know. Basta ang alam ko, hindi ko na kaya pang magtagal dito.”“O-okay, if that’s your decision, wala naman akong magagawa,” dama niya ang panghihinayang sa boses ni Jared.“Bro, hindi naman kita oobligahin na sumama sa ‘kin, mas lalong hindi kita pipilitin. Kung nag-e-enjoy ka pa rito na mag-stay, go lang. Hindi mo kailangang sumama sa ‘kin pauwi.”“Sasama ako, bro. Wala rin namang saysay ang pag-stay ko rito dahil wala ka na, at isa pa, para sa ‘yo talaga itong bakasyon na ‘to. And don’t worry, naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon,” sambit nito, pagkatapos ay tinapik siya sa balikat.Pilit ang ngiting tumingin siya sa kaibigan.“Thank you, bro.”Nagsimula na rin na mag-impake ng mga gamit si Jared, at nang matapos sila ay lumabas na sila para magpaalam sa mag-asawa.Nadatnan nilang magkaharap ang mga ito

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 164

    TINANGHALI ng gising si Flint kaya naman makirot ang kanyang sentido.Siguro dahil napuyat siya kagabi sa kakaisip sa nangyaring pag-aaway nila ni Xyza kahapon. At isa pa, kung anu-anong plano ang ginagawa niya sa kanyang utak kagabi kung paano niya mapapaamo ang dalaga para makausap na niya ito ng maayos.Kaya naman ngayon ay halos mabiyak ang ulo niya sa sakit lalo na nung tumama sa kanyang mga mata ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw.Hindi pa naman siya sanay magpuyat dahil ang kinasanayan niya ay gumising ng maaga dahil sa trabaho.“Hays, ang sakit talaga ng ulo ko…” reklamo niya sa sarili.Nagpasiya siyang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan at lumabas ng kubo. Nakita niya roon si Jared na nakatayo habang nasa bulsa ang dalawang mga kamay.Lumingon ito sa kanya nung maramdaman nito ang kanyang presensiya.“Oh, bro. Tinanghali ka yata ng gising, ah? Hulaan ko, hindi ka agad nakatulog kagabi dahil iniisip mo ‘yong nangyari sa inyo ni Xyza kahapon, ‘no?” tanong nito sa kanya.

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 163

    DAHIL SA NANGYARING matinding pag-aaway sa pagitan nila ng binata, ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang at mas mabuti pang asikasuhin na lang niya ang bagong tayo niyang kompanya kaysa ang mamalagi sa isang lugar na hindi naman napapalagay ang kanyang utak.Ayaw pa sana nina Cyla at Wilma ang ideya niyang iyon dahil halos dalawang araw pa lang silang naroroon, pero hindi siya nagpapigil.Sinabi niya na kung gusto pang mamalagi ng mga ito roon ay hindi naman niya pinilipit na sumama ang mga ito sa kanya pauwi, basta’t ihatid lamang siya ng mga ito sa sentro ng probinsiyang kinaroroonan nila para makasakay siya sa terminal pabalik ng Maynila.Pero dahil takot si Cyla na umuwi siyang mag-isa dahil baka raw kung mapaano pa siya, ay napilitan na rin itong sumama sa kanya pati na si Zayn na ayaw na ring magpaiwan kung hindi lang naman daw silang dalawa ang kasama nito.“Sige, kung ‘yan ang desisyon mo, ma’am Xyza. Kakausapin ko lang si Ronan tungkol diyan, para bukas na bukas din ng umag

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 162

    “A-ANO BA ANG NANGYAYARI RITO?” puno ng kalituhan na tanong ni Wilma matapos nitong makalapit sa kanila.Agad naman na kumilos sina Cyla at Jared para awatin sina Zayn at Flint.Mabilis na inilayo ni Jared si Flint kay Zayn at hinawakan naman ni Cyla si Zayn para pigilan itong hindi na makalapit pa kay Flint.Parehong sapo ng mga ito ang mga sariling labi na pumutok na dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa isa ‘t isa.“Nag-aaway ba kayo?” sabat din ni Ronan na hingal na hingal pa dahil siguro sa pagmamadaling bumaba sa puno ng santol at nagtatakbo rin palapit sa kanila.“Ah, hindi naman. May kaunting misunderstanding lang sa pagitan namin ni Xyza—”“Total, nandito lang din naman tayo at hindi na sila sa ‘tin iba, bakit hindi na lang natin sabihin sa kanila ang kung ano ang namamagitan sa ‘tin? Kung ano ang nangyari sa ‘tin sa nakaraan?!” sabat niya sa sana ‘y sagot ng binata sa tanong ni Ronan.“No, this is about family matter. Kaya dapat na pag-usapan natin ito in private at tayo lang na

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 161

    “HUWAG KA namang sumigaw dahil hindi naman ako nakikipag-away sa ‘yo,” mahinahong sambit ni Flint, pilit pinapakalma ang dalaga.“Wala kang karapatang sabihin ‘yan sa ‘kin dahil choice mo ‘to, ikaw mismo ang lumapit sa ‘kin para guluhin ang pananahimik ko!” muling pasigaw na sambit nito.Luminga-linga siya at tiningnan ang mga kasama, mukhang hindi pa napapansin o naririnig ng mga ito ang malakas na boses ni Xyza.“Please, Xyza. Kahit ngayon lang, mag-usap tayo,” paki-usap niya, may halong pagsusumamo.Akmang hahawakan niya ulit ito pero mabilis itong pumiksi at umatras.“Huwag na huwag kang magkakamaling muling ihawak sa ‘kin ‘yang marurumi mong mga kamay,” may pagbabanta sa tonong sambit nito.Nasaktan siya sa sinabi nito.Ganoon ba talaga karumi ang tingin nito sa kanya dahil sa malaking pagkakamaling nagawa niya rito?Huminga siya ng malalim at muling nakiusap sa dalaga.“Please, hindi naman tungkol sa nakaraan natin ang pag-uusapan natin. Kundi tungkol sa pamilya natin, kay mommy

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status