LOGINMATAPOS makausap ni Jared ang importanteng tao na gustong bilhin ang kanilang restaurant sa Canada, ay agad din naman siyang bumalik sa hotel na pansamantalang tinutuluyan niya habang naririto siya sa U.S.Dahil kailangang-kailangan nila na maipagbili ang restaurant na iyon, ay siya na rin ang kusang bumiyahe papuntang U.S. kahit pa mapapagastos siya ng malaki-laki at naabala rin ang kanyang panahon at oras.Kaibigan iyon ng kanyang ama at malayong kamag-anak naman ng kanyang ina, kaya kahit paano ay hindi siya masyadong nanghihinayang na tuluyan na nilang bibitiwan ang restaurant dahil sa mabuti at responsableng tao naman iyon mapupunta.Pero walang ibang importante sa kanya ngayon kundi ang katotohanang hindi bumitaw sa buhay ang kanilang ina. Wala siyang pagsidlan sa tuwa nang sabihin ng kanyang ama na uuwi na ito ng Pilipinas kasama ang kanyang ina, hindi upang ilibing ito, kundi upang magpagaling ito ng tuluyan sa sariling bansa.Sino ba naman ang mag-aakalang makaka-survive pa i
“OH MY GOD! No! No! No! No! No!” nababahalang sambit ni Xyza at ipinagsalikop pa ang mga kamay na para bang nananalangin.Napakunot-noo naman ang kanyang kaibigan dahil sa inakto niya.“Bakit mukhang kinakabahan ka yata riyan dahil sa ibinalita ko sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Cyla.Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nangangatog siya, gayong hindi naman masyadong malamig ang temperature ng aircon sa kanyang opisina, at mas lalong wala siyang lagnat dahil normal na normal ang pakiramdam niya.“Alam mo naman na mag-best friend sila ni Flint, ‘di ba? B-baka sabihin niya roon na narito ako!”“Pinagsasabi mo riyan?!” nakangiwing tanong nito. “Nagkataon lang na nagkita kami at nagka-usap, okay? At naitanong ka lang naman niya sa ‘kin. Pero it doesn’t mean na porket nagtanong siya sa ‘kin tungkol sa ‘yo ay sasagutin ko na siya ng tama at totoo!” dugtong pa nito.Bigla na lang nawala ang pagkabahala at kaba niya dahil sa sinabi nito.Oo nga naman, bakit ba nag-jump into concl
MAKALIPAS ANG LIMANG TAON…“Beeesty!” dinig niyang sigaw ni Cyla mula sa labas ng kanyang opisina.Kasalukuyan siyang nagre-review ng mga sketches ng junior designers para makapagbigay na rin siya ng revisions kaya naka-focus siya sa ginagawa.Iyon ang trabaho ng isang senior fashion designer, isang posisyon na special na ibinigay ni Cathy sa kanya matapos siyang magkaroon ng halos tatlong taong experience bilang lead fashion designer sa clothing industry nito, at isa na rin sa dahilan ay dahil malakas siya rito.Tiwalang-tiwala ito sa kakayahan niya, kaya walang pagdadalawang-isip na ibinigay sa kanya ang posisyong sabi nga nito, ay deserve na deserve niya.Well, tama naman ito!Dahil ang posiyong ibinigay nito sa kanya ay pinaghirapan niya. Puyat, pagod at sakripisyo ang ipinuhunan niya para hindi siya maging unfair dito.Gusto niyang iparamdam kay Cathy na hindi ito nagkamali sa pagpili sa kanya. at gusto rin niyang ipakita rito na kayang-kaya niyang i-handle ang trabahong itinalaga
NAKAPANGALUMBABA si Xyza sa bintana ng kinaroroonan niyang silid, habang malungkot na nakatanaw sa mga malalago at makukulay na mga iba’t ibang klase ng bulaklak sa hindi kalayuan.Isang buwan na ang nakalipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat ng sakit na naranasan niya sa tuwing sasagi sa isipan niya ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon sa U.S.Mabuti na lang at kasama niya si Cyla kaya hindi siya masyadong nahihirapan sa buhay at hindi rin kinakain ng matinding lungkot at pangungulila sa kanyang ina, lalong-lalo na sa kanyang ama na hindi na niya magawang madalaw ang puntod dahil napakalayo na niya.Kapag kasi nakikita siya nitong malungkot, gumagawa talaga ito ng paraan para mabaling sa iba ang atensyon niya.Kung anu-ano na lang ang naiisip nitong paraan, matulungan lang siya sa lungkot na pinagdaraan. Katulad na lang ng yayayain siya nitong manood ng movie, mamasyal, mag-shopping, at kung anu-ano pa na labis naman niyang naa-appreciate.Pag-aari ng mga ito ang
NAGSIMULA na si Flint sa paghahanap kay Xyza.Well, hindi lang naman siya, pati na rin sina Glenda at ang ama niya.Lahat ng mga alam nilang kaibigan, kaklase, at maging mga kamag-anak nina Xyza ay pinuntahan nila at pinagtanong ang dalaga kung nagawi man lang ba ito sa kanila o nakipanuluyan.Pero tanging pag-iling at ang salitang “Hindi, eh!” o kaya naman kibit-balikat ang natatanggap nila sa mga ito.Halos mag-iisang buwan na rin silang ginagawa iyon.Nakakapagod man, pero kailangan nilang magpatuloy sa paghahanap sa dalaga.At ang huli nga niyang naisip na puntahan ay ang bestfriend nitong si Cyla, personal pa talaga niyang pinuntahan ang bahay nito para ito mismo ang makausap niya.Nasisiguro niyang kahit paano ay may alam ito sa kinaroroonan ni Xyza dahil alam niya kung gaano ka-close ang dalawa, kaya naman hindi na siya nag-atubili pa.“Sino po ang kailangan ninyo, Sir? At sino po kayo?” tanong sa kanya ng isang may edad na katulong nung mapagbuksan siya.Alam niyang katulong it
MALULUTONG na mga halakhak ang pinapakawalan ni Jaela mula sa loob ng kanyang kwarto.Sa oras na iyon ay alam niyang nagngingitngit na sa galit ang malditang si Xyza dahil sa mga larawang ipinadala niya rito kung saan sila ni Flint ang naroroon, o baka nga kabaliktaran ang nangyayari.Siguro, kung hindi man sukdulan ang galit nito ngayon, ay baka naglulupasay na iyon dahil sa labis na selos at galit sa kanilang dalawa ng binata.Well, kahit alin pa man sa dalawa ang maaaring maging reaksyon ng Xyza na iyon, ay wala na siyang pakialam, basta ang importante sa kanya ay masira ng tuluyan sa mga mata nito ang binata.Kung hindi lang kasi nakialam ang pakialamero niyang kuya, di sana ay masaya pa siya ngayon habang pinagsisilbihan ni Flint dahil hindi naman nito malalaman ang pagkukunwari niya.Kaya dahil wala na siyang choice at nabuking na siya nito at mukhang malabo na ring balikan pa siya kahit pa ano ang gawin niya, eh sisirain niya na lang ito kay Xyza nang sa ganoon, ay hindi na mag







