Home / Romance / A Woman's Unparalleled Love / Chapter 7.1 - A New Beginning: Unforseen Threat

Share

Chapter 7.1 - A New Beginning: Unforseen Threat

Author: Zaligma
last update Huling Na-update: 2024-07-26 08:50:51

Bumagsak ang balikat ni Airith dahil sa sinabing iyon ni Arthur. Gayunpaman ay hindi siya nawalan ng pag-asang baguhin ang isip nito.

Lumuhod siya sa harapan nito, mapupuna sa mata ang pagmamakaawa. "Nakikiusap po ako sa inyo, Papa. Huwag niyo na pong parusahan ang pamilya ni Sebastian. Kalimutan nalang po natin ang nangyari sa'min."

Nagsalubong ang kilay ni Arthur dahil sa suhestiyon ng anak. Ganito ba talaga kamahabagin si Airith? Siya itong inapi ng pamilya Vergara, hindi ba't siya dapat itong mas nakakaramdam ng galit sa pamilyang iyon?

Si Clara, na mas tumindi pa ang pag-aalala sa mukha nang lumuhod si Airith, ay dali-daling lumapit sa kanya upang alalayan siyang muling maupo sa kama. "Jusko hija, hindi mo kailangang gawin 'to," nag-aalalang sambit nito pagkatapos ay binalingan ng tingin si Arthur. "Sir, nakikiusap rin po ako sa inyong pakinggan niyo nalang ang hinihiling ng inyong anak. Mas importante ang kalagayan ni Airith ngayon kaysa sa paghihiganti sa pamilya Vergara. Isa pa ay hindi na n'on mababago pa ang naging resulta ng isang taong pagsasama ni Airith at Sebastian." Tumingin si Clara sa tiyan ni Airith. "Mas mainam pong isipin niyo nalang ang kinabukasan ng inyong magiging apo."

Hindi agad nakapagsalita si Arthur. Naibsan ang galit nito nang tingnan din nito ang tiyan ni Airith. May punto rin naman ang sinabi ni Clara na kahit parusahan niya ang pamilya Vergara ay hindi na n'on mababago pa ang sinapit ni Airith. Wala na siyang magagawa pa kung hindi ay tanggapin nalang ang tila biyayang dumating sa kanilang buhay.

Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Arthur na makailang ulit na niyang nagawa. Magiging lolo na siya sa susunod na dalawang buwan. Masamang ideya kung patuloy niya lang na bibigyan ng alalahanin si Airith. Kahit na si Clara ang halos kasama ni Airith lumaki, alam niya pa rin ang kakaibang pag-uugali nito na marahil ay minana pa nito sa ina nito.

Pinagmamasdan niya si Airith. Ang kanyang anak ang tipo ng babaeng may kakaibang klase ng pagmamahal. Si Sebastian ang unang lalaking nakaranas niyon. Maihahalintulad ang pagmamahal na iyon sa kahulugan ng salitang tapat na hinaluan ng pagiging martir. Hindi niya iyon maunawaan.

Ang dahilan ng kanyang galit sa pamilya Vergara ay ang hindi pagpapahalaga ng mga ito sa kabutihan ng kanyang anak. Pinayagan niya si Airith na ilihim ang pagkakakilanlan nito sa pamilyang iyon, lalo na kay Sebastian, dahil tiwala siyang ang kabutihan ng pusong meron si Airith ay sapat na upang tanggapin siya ng pamilya Vergara. Alam niya kung gaano kagusto ni Airith noon si Sebastian kaya hinayaan niyang ikasal ito kay Sebastian kapalit ng kasunduan kay Agustin.

Naupo si Arthur sa tabi ni Airith. "Dahil sa paghihiwalay niyo ni Sebastian ay wala nang bisa pa ang naging kasunduan namin ni Lord Agustin." sambit nito, huminahon na ang boses nito. "Iyon lang naman ang gagawin ko sa kanila. Kalahati ng yaman lang nila ang maaapektuhan. Sa paglipas ng panahon ay muli rin naman nila 'yong mababawi." dagdag na paglilinaw nito.

Tiningnan ng namumulang namumungay na mga mata ni Airith ang mata ni Arthur. Gumuhit ang bahagyang pagngiti sa kanyang labi. "Thank you 'pa." wika niya sa medyo garalgal na boses.

Nag-aalala si Airith na baka pagdusahin ng kanyang ama ang pamilya Vergara. Bukod pa roon ay baka sa sobrang galit nito sa pamilyang iyon ay mabanggit nito ang tungkol sa kanyang pagdadalang tao. Bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari. Papalakihin niya ang kanyang anak na walang kinalaman sa napakalungkot niyang nakaraan.

Niyakap ni Arthur si Airith nang may pag-aaruga at pagmamahal. Sila ang pinakamayamang pamilya sa syudad, sinuman ang mang-api sa kanyang anak o sa kanyang apo sa hinaharap ay hindi niya mapapatawad.

Sa likod ng yakap na iyon ni Arthur ay ang lihim na determinasyon sa damdamin nito. 'Sisiguraduhin kong pagdurusahan pa rin ng pamilyang iyon ang ginawa nila sa'yo.' sambit nito sa isip.

-ONE YEAR AND SIX MONTHS LATER-

Huminto ang taxi sa tapat ng bahay na may puting bakod. Bumaba mula roon si Airith habang karga-karga ang ngayong isang taong gulang na si Alicia, ipinangalan niya sa anak niya.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Airith nang tingnan niya ang bahay nina Clara. Napagdesisyunan niyang pumunta rito sa bahay nina Clara upang bumisita at siguro ay dumito muna nang ilang linggo. Mas gusto niyang mamalagi rito kaysa doon sa napakalaki pero napakalungkot nilang mansyon.

"Talaga? 'Usto mo rito sa kanila? Ayaw mo do'n sa malaki nating bahay?" nilalarong tanong ni Airith kay Alicia habang pinagmamasdan ang tila tuwang-tuwa nitong napaka-cute na mukha.

"Airith? Baby Ali!" may pagkabigla sa mukhang reaksyon ni Clara nang makita sila. Kasalukuyan pa itong may hawak na walis-tingting. Agad nitong binitawan iyon at lumapit sa kanila upang patuluyin sila.

Sa loob ng bahay na iyon, ibang klase ng pakiramdam ang hatid kay Airith kumpara sa sarili nilang bahay. Napakasimple pero napakakomportable. Kahit na maliit ay punong-puno ng pagmamahal. Nakangiti siya habang pinagmamasdan si Clara at Hector na nilalaro si Alicia. Nagpakawala siya ng mababaw na buntong hininga pagkatapos ay napagdesisyunang hayaan muna sila at maglakad-lakad muna sa labas ng bahay. Sobra niyang namiss ang bayan na iyon nina Clara.

Una niyang binisita ang parke. Naginhawaan siya nang husto sa mga alaalang meron siya sa lugar na iyon. Naupo siya sa isang duyan na may kinakalawang nang hawakan. Iyon ang paborito niyang pwesto kapag nag-babasa siya noon ng libro habang nakikinig ng musika sa pamamagitan ng earphones. Tuwing nalulungkot siya o masama ang loob, dito rin siya pumupunta noon. Bukod sa matataas na puno sa palibot ng parke, ang presko at sariwang hangin ay mas nagpapaginhawa ng kanyang pag-iisip.

Habang nagninilay-nilay si Airith nang mga oras na iyon, hindi niya namamalayan ang dalawang pares ng matang nakamasid sa kanya sa hindi kalayuan.

"Kumpirmado po Sir, siya po ang target." saad ng isang boses ng lalaki sa kausap nito sa cellphone.

"That's great. Do your task and ensure that you don't cause any harm to her." sambit ng lalaki sa kabilang linya, ang boses nito ay maawtoridad at seryoso.

"Yes Sir."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 49

    "You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 48

    Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 47

    "I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 46

    "Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 45

    Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 44

    Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status