MasukPumasok si Minna sa kwarto niya sa loob ng yate upang magbihis. Bumungad sa kanya ang malaking kama sa gitna at may malaking puting kurtina sa gilid na natatamaan ng araw. Napangiti siya at agad na tumalon sa kama. “Ang lambot!” sigaw niya at gumulong-gulong pa. Pero bago pa siya makatayo, may mabigat na dumagan sa likod niya."Aray! Ang bigat mo!" reklamo ni Minna kay Nikolaj. Alam niyang ang lalaki yun dahil sa naamoy niyang pabango nito. "Wag na tayong lumabas," bulong nito sa kanya. Agad na bumangon si Minna at sinamaan ng tingin ang lalaki. "No way! Nandito tayo para mag-jet ski! Huwag kang KJ diyan!""Tinatamad ako eh," sabi ni Nikolaj at napayakap na lamang sa kanya."Nikolaj," inis na sabi ni Minna. "Takot ka lang ata eh. Hindi ka naman siguro marunong mag-jet ski 'no?"Ngumisi si Nikolaj at kinurot ang pisngi niya. “You’re provoking me?""Hindi ah. Nagtataka lang ako bakit ayaw mo. Baka takot kang matalo sa race natin!"Hinaplos ni Nikolaj ang ulo niya at tumango na laman
Ipinanganak si Minna sa Siquijor, isa isang maliit na probinsya roon. May simpleng pamumuhay, walang building na makikita o infrastructure. Dahil sobrang hirap ng buhay, ang layunin ng bawat tao roon ay makalayo. Pumunta sa siyudad, magtrabaho sa pabrika o makipagsapalaran sa Kamaynilaan.Ganun din ang ginawa ni Minna, nag-aral siya ng mabuti na halos patayin na niya ang sarili sa pagre-review para lang makapasa sa isang university sa Manila. Gusto niyang magka-ugat sa malaking lungsod at takasan ang kahirapan. Pero iba ang realidad sa Maynila, sobrang hirap, ang mahal pa ng mga bilihin na kahit ilang galaw lang ay may bayad na. Ang dami mo ring ka kumpitensya’t lahat magagaling pa.Ngayon, nakatayo siya sa harap ng dagat na pagmamay-ari ni Nikolaj. Sobrang ganda ng sunset habang ang malinaw na tubig na nagkukulay ginto dahil sa repleksyon ng araw ay sumasayaw sa harap niya. At sa hindi kalayuan, may nakaparadang mamahaling yate na sinakyan nila kanina. Dati, sa TV lang niya ito n
Hingal-hingal si Minna habang nakadapa sa ibabaw ni Nikolaj. Ang maliit niyang mukha ay nakadikit sa malapad at matigas nitong dibdib. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso ng lalaki kung kaya’t napapikit na lamang siya. Ang kamay ng binata na nasa bewang niya ay nagsimula na namang gumalaw, hinahaplos ang kanyang malambot na balat. Naramdam ni Minna ang paggalaw ng adam’s apple nito kung kaya’t napapitlag siya. Bigla siyang kinabahan, baka umulit na naman ito ng isa pang round sa kanya. Kailangan niyang mag-isip ng isang topic upang ma-distract ang binata. "M-may pasok ka ba bukas?" tanong niya, medyo garalgal pa ang boses.Hinigpitan ni Nikolaj ang hawak sa bewang niya. "Wala. Dito lang ako mansyon, babantayan kita."Nag-angat ng tingin si Minna. “Talaga? So, buong araw tayong nasa loob nitong bahay?” Ngumisi si Nikolaj. "Bakit? May gusto ka bang puntahan?” Sa katunayan, wala naman siyang gustong puntahan. Gusto lang din niyang mapagod ang lalaki para hindi na ulit siya nito ga
Sa mga sumunod na araw, si Nikolaj ay parang naging nurse na niya. Kahit busy sa trabaho, umuuwi ito nang maaga para painumin siya ng gamot. Minsan, via video call pa habang nasa meeting ang binata. Talagang hands on ang lalaki sa kanya. "Inumin mo na ang gamot mo, don’t cheat palagi akong nakatingin sa’yo," sabi ni Nikolaj sa screen habang nasa board room."Oo na po," reklamo ni Minna.Nang matapos ang period niya, akala niya tapos na ang pagbabantay ni Nikolaj sa kanya at pagpapainom nito ng gamot. Pero nagpadala ulit si Nikolaj ng bagong set ng gamot para sa kanya. Mas mapait yun at nakakasuka pa!"Nikolaj!" sigaw niya. "Sobra na ‘to! Bakit ba ang hilig mong painumin ako ng gamot?!""Para sa dysmenorrhea mo 'yan. Hindi ba’t masakit ang puson mo?" sagot ng lalaki. "Hindi naman ganito kasakit dati eh, noong nakaraang buwan ay mild lang. Ngayon lang naman sumakit nang todo ang puson ko dahil yun sa’yo! Masyado kang aggressive, Mr. Carreon! Pudpod na ata ang puson ko dahil sa’yo!” N
Napatingin siya sa leeg ni Nikolaj. Kitang-kita niya ang adam’s apple nitong sexy-ng gumagalaw. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ni Minna. Alam niyang weakness ni Nikolaj ang leeg nito. At alam din niyang safe siya ngayon dahil may period siya. Hindi siya pwede nitong galawin. Kaya ang naisip niya maglalaro sila ng lalaki. Mabilis na hinalikan niya ang Adam's apple ng lalaki kung kaya’t biglang buminto si Nikolaj sa paglalakad. Ang mga braso nitong nakahawak sa kanya ay biglang humigpit. Unti-unting dumilim ang mga mata ng lalaki kung kaya’t kinabahan siya ng very slight. "Iniisip mo bang safe ka dahil may regla ka ngayon?" bulong ni Nikolaj sa kanya. Bago pa makasagot si Minna, yumuko si Nikolaj at hinalikan at kinagat-kagat ang labi niya. "Tandaan mo, Minna...Ano pa ba ang silbi ng sandata ko kung hindi naman maduduguan? Alam mong kung gugustuhin ko, marami namang paraan.”Nanlamig siya dahil sa takot at hiya. Agad niyang itinikom ang bibig at nagtago na lamang sa dibdib
Nakatulala lang si Nikolaj habang nakatingin kay Minna na namumutla at namimilipit sa sakit kanina pa. Hindi na rin pumasok ang binata sa opisina ngayong umaga, kinansela niya ang lahat ng meetings niya at inilipat na lamang sa hapon. Nang makarating sa mansyon si Dok Hannah, agad na chineck nito si Minna. Napatingin naman ang doktor sa kanya ng masama at nagtanong. “May nangyari na naman ba sa inyo kagabi?” Nag-iwas ng tingin si Nikolaj at nakaramdam ng guilt ang lalaki. "Meron."Napabuga sa hangin si Dok Hanna saka napailing. Kilala na ni Hannah si Nikolaj mula pagkabata pa kaya wala na itong takot pang sermunan ang binata. "Ikaw, Nikolaj," sermon ng dalaga at malakas na tinatapik ang maskuladong braso nito. "Para kang isang tigre, pagkalaki-laki at ang bigat mo tapos itong girlfriend mo, parang isang maliit na kuting lang sobrang fragile hindi mo ba yun nakikita? Bulag ka ba? Napakahina niya oh, sobrang brutal mo naman!” Napayuko si Nikolaj."Sa susunod," dagdag pa ni Hannah. "







