LOGIN
Ang lakas ng ulan noong araw na ‘yon. Naiinip na naghihintay sa loob ng clinic si Joanne na tumila ang ulan pero parang walang pag-asa. Kaya naisipan niyang umalis na lang. Total nakuha naman niya ang dapat niyang makuha sa lugar na iyon. Paglabas niya sa OB-GYN clinic, nakayuko siya habang tinitingnan yong mga hawak niyang papeles. Hanggang sa hindi niya napansin na may tao pala sa tabi niya.
Hanggang sa nagkabunggo silang dalawa. Kumalat sa sahig yong mga papel na kanina lang ay hawak pa niya. Napatampal siya sa noo, at inis na tiningnan yong taong nakabunguan.
"Ay, pasensya na po," sabi niya agad at lumuhod para pulutin ang mga papeles. Napansin niyang umalis na yong taong nakabungguan niya.
Akmang dadampot na sana niya ang isang papel nang may tumapak doon. Napakagat na lang siya sa ibabang labi habang nakatingin sa itim na leather shoes na kumikintab at halatang mamahalin.
"Sir, pwede po ba paki-angat muna yong paa niyo?" nahihiya niyang sabi na hindi pa rin inaangat ang tingin.
Ngunit hindi ito sumagot, pero ramdam niya yong bigat ng titig nito. Hanggang may isa pang yumuko para tumulong sa kanya na pulutin yong mga papel. Tapos bigla itong sumigaw na hindi niya alam kung bakit.
"Reconstruction ng hymen?!" Nanigas si Joanne, dahil pamilyar na pamilyar yong boses na ‘yon. Dahan-dahan siyang tumingala at doon niya nakilala yong boses na sumigaw na sobrang arte.
Si Jasmine De Leon – ex ng asawa niyang si Miguel. Ang babaeng mahal nito mula noo pa. Ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Miguel.
“That's mine!” Sabi ni Joanne at inagaw ang papel kaya napasinghap si Jasmine dahil doon. At saka bumaling sa katabi niyang lalaki. Si Miguel Villanueva ang lalaking tumapak sa papel. Sobrang maliit lang talaga ang mundo dahil sa dinami-dami ng pwedeng pagkakakitaan nilang tatlo ay sa ospital pa talaga.
"Masaya akong makita ka, Joanne," sabi ni Jasmine, at ngumiti ng plastik. Tapos sumandal pa siya sa braso ni Miguel na parang siya talaga ang asawa.
Ang kapal ng mukha!
Napangiti rin si Joanne ng peke. "Sana ganon din ang gusto ko para sa 'yo." Napakunot ang noo ni Jasmine dahil hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Joanne.
Simula noong umuwi si Jasmine galing abroad kasama ang anak niya, mas pinabilis ni Miguel ang pagputol sa kontrata nila. Ginawa niyang hanggang tatlong buwan para mas maaga.At tatlong buwan na rin itong magkasama palagi.
"Kaya pala minadali mo yong divorce," diretso niyang sabi kay Miguel at may pang-iinsulto na tiningnan si Jasmine. “Dahil sa kabit mo?” Walang preno niyang tanong kaya umusok naman sa galit si Jasmine.
"Ano?! Ako kabit?!" Bulyaw ni Jasmine sa kanya kaya napatawa si Joanne.
“Hindi ba halata?” tumingin si Joanne kay Jasmine habang sinasabi iyon. “At ikaw kating-kati ka na bang makasama siya kaya mas pinaaga mo ang divorce?”
Nakita niyang umuusok sa galit si Jasmine. Buti na lang pinipigilan ito ni Miguel na huwag makisali sa usapan ng mag-asawa. Tatalikod na sana si Joanne nang biglang hinawakan ni Miguel ang braso niya. Mahigpit iyon kaya iwinaksi niya ang kamay nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan.
“Joanne ! Ang kapal ng mukha mo! Mag-sorry ka kay Jasmine!” Sigaw ni Miguel pero tinaasan lang siya ni Joanne ng kilay.
“Ako, magso-sorry sa kanya? For what! Bakit, ano bang ginawa ko?” Matapang niyang tanong habang naka cross arm ang mga kamay sa didbib.
“Wala kang karapatan pagsalitaan siya!” tiim-bagang na sabi ni Miguel.
Napatawa si Joanne ng mahina. “Wala nga akong karapatan, pero wala din siyang karapatan para maging kabit! Hangga’t hindi pa tayo tuluyang nagdi-divorce!” Sigaw niya pabalik sa kanya.
Mas hinigpitan pa lalo ni Miguel ang pagkakahawak sa braso niya. Para bang balak nitong baliin ang mga buto niya. Mangiyak-ngiyak niyang tiningnan ng masama ang asawa.
"Bitawan mo ako," sabi niya habang nagtitimpi.
Pero hindi ito nakinig, lalo pa nitong diniinan ang braso niya kaya napangiwi siya sa sakit. Kunti na lang ay iiyak na sana siya pero sa gilid ng mga mata niya, nakita niya si Jasmine. Nakangiti, tuwang-tuwa dahil sa ginagawa ni Miguel sa kanya.
“Hindi ko na uulitin! Mag-sorry ka ngayon din," utos ulit ni Miguel sa kanya.
Ngumisi siya kahit masakit – gusto niyang ipakita na hindi na siya natatakot sa kanya. “Hindi ko rin uulitin. At sino ka para utusan ako?”
Natigilan si Miguel ng marinig iyon. “Sumasagot ka na! Ang sabi ko mag—” Hindi na ito natuloy pa ang sasabihin dahil malakas na siyang sumigaw. Wala na siyang pakialam kahit nasa pampublikong lugar pa sila. Ang gusto niya lang, bitiwan siya nito para makaalis na.
"Hindi!” Malakas niyang sigaw. Kinalas niya ang kamay nito sa braso niya at dinuro siya. “Simula ngayon, hindi na ako susunod sa 'yo. Hindi mo na ako pagmamay-ari!” Nanggagala-iti niyang sabi sa asawa.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tapang niya. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas para sigawan siya. Pero isa lang ang alam niya – pagod na siya sa lahat ng bagay, sobra na ang ilang taon niyang pagtitiis.
Umatras siya ng isang hakbang . Tiningnan niya si Jasmine ng nakakatakot , bigla itong nagtago sa likod ni Miguel kaya lihim siyang napangisi.
"Kailan ka pa natutong sumagot sa 'kin, Joanne?" seryosong tanong ni Miguel.
"Hindi ko rin alam kung kailan e. Siguro nauubos din yong pasensya ng isang tao. Tulad ng isang kandila, Miguel, unti-unting nauupos!” Mahina niyang sabi.
Ilang segundo silang nagkatitigan hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Yumuko siya saglit, sabay balik ng tingin kay Miguel.
"Hah! Akala mo kaya mo na akong takutin?" ngumisi ito sandali. “Isang bagay lang ang hinihingi ko! Mag-sorry ka kay Jasmine, ngayon din!” Inis niyang kinagat ang ibabang labi niya saka inayos ang buhok niyang nagulo at binalewala niya kung ano ang sinasabi ng asawa.
Mabilis ulit hinawakan ni Miguel ang braso niya. Namumula na iyon dahil sa pagkakahawak nito.
“Ang tigas ng ulo mo!” Malamig nitong sabi sa kanya.
“Saka na ako mag-sosorry kapag naging isa na siyang Mrs. Villanueva,” Sabi niya. “Ngayon kasi, disperadang kabit pa lang siya,” Insulto niya kay Jasmine.
Dahil doon susugod na sana si Jasmine. Buti na lang pinigilan siya ni Miguel.
"Huwag! " sabi ni Miguel at hinawakan sa beywang ang kabit niya.
Alam niya kung ano ang mangyayari kung hindi siya hihingi ng sorry. Pero wala siyang pakialam – hindi siya hihingi ng tawad kay Jasmine.
Hatinggabi na iyon pero gising pa rin si Joanne.Tahimik na ang buong bahay, tulog na si Doña Lila, tulog na si Yumi at Sky sa tabi ni Mariz sa kabilang kwarto. Binuksan niya ang pinto ng bodega. At pagpasok niya sa bodega, bumalik ang lahat. 5 YEARS AGO. VILLA REAL. Alas kwatro pa lang ng umaga, ginising na si Joanne ni Mariz sa pamamagitan ng pagkatok ng malakas sa pinto ng kwarto nila ni Miguel."Joanne! Bumangon ka na! Anong oras na!” Singhal ni Mariz. Bumangon si Joanne . Hindi pa siya nakakatulog ng maayos dahil masakit ang likod at likot nang likot ang bata sa loob ng tiyan. Pero wala siyang magawa.Pagdating sa kusina, andun na si Doña Lila na nakaupo sa silya, nagkakape."Joanne, bakit ang tagal mo? Akala mo ba prinsesa ka dito sa Villa Real? Kahit asawa ka na ng isang CEO kailangan mong magtrabaho! Hindi ka pwedeng humiga-higa lang!" sabi ni Doña Lila na hindi man lang tinitingnan si Joanne.Tulad ng mga ginagawa ng katulong ganon din ang ginagawa ni Joanne. "Maam J
Umaga pa lang nakatayo na agad si Joanne sa harap ng pinto ng kwarto ni Dona Lila, hawak niya ang kamay nig kambal. Sa likod nila, si Miguel at Mariz na may dalang tray ng lugaw at gamot. Hindi pa pumapasok si Joanne, pero rinig na rinig niya ang mahinang pag-iyak sa loob ng kwarto na iyon. "Joanne, andyan ka na ba?" boses ng nurse sa loob.Huminga ng malalim si Joanne at pumasok.At doon niya nakita si Doña Lila.Hindi na ito yung Doña Lila na nakaupo sa malaking silya na parang reyna ng Villa Real na sumisigaw. Ang Doña Lila na nasa harap niya ngayon ay payat na payat, halos buto't balat na lang. Yung pisngi niya na dati bilugan, lubog na. Yung buhok niya na dati nakapusod nang maayos, puti na at kalat-kalat. Nakasuot ng oxygen at yung kalahati ng katawan niya hindi na gumagalaw dahil sa stroke. Nakahiga lang siya sa kama na dating malaki at matigas, pero ngayon parang nilulunod siya sa kumot.Pagkakita kay Joanne, biglang gumalaw ang mata ni Doña Lila at umiyak."Jo... Joanne..."
Pgsapit ng gabi, hindi makatulog si Joanne. Parang naninibago siya. Nakahiga siya sa dating kwarto nila ni Miguel nong bagong kasal pa sila. Katabi niya si Yumi at Sky na mahimbing nang natutulog. Sa baba, sa sala, natutulog si Miguel sa sofa kasi ayaw niyang makisiksik sa kwarto para hindi ma-ilang si Joanne.Bumangon si Joanne at lumabas ng kwarto. Madilim ang buong bahay ng Villanueva, tanging ilaw lang galing sa kwarto ni Doña Lila ang bukas kung saan nagbabantay ang nurse.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Mariz na nakaupo sa mesa, umiiyak habang nagbabalat ng sibuyas."Mariz?" tawag ni Joanne.Nagulat si Mariz at pinunasan ang luha."Joanne, gising ka pa pala. Pasensya na, nagbabalat lang ako ng sibuyas para sa lugaw ni Mama bukas."“May mga katulong naman kayo na pwedeng gumawa niyan.” Sabi ni Joanne. “Naku hindi na, maliit at magaan lang naman ito.KayangKaya ko na at hindi na kailangan ng ibang gagawa.” Sabi niya na sumisinghot pa
Takipsilim na nong makarating sila Miguel. Hindi pa mismo sa mansion ng Villanueva, pero sa arko na may nakasulat na "WELCOME TO VILLA REAL - VILLANUEVA ". Dati, may mga tauhan na sumasalubong sa kanila, may nagbubukas ng gate. Ngayon, wala na. "Mom, ito na po ba talaga yong Villa Real?" tanong ni Yumi na nakasilip sa bintana. "Oo, anak. Ito yung lugar kung saan nakatira si Lola Lila mo at Tita Mariz mo ," sagot ni Joanne na mahigpit na hawak ang kamay ni Yumi.Huminto ang van sa tapat ng malaking bahay na bato na may second floor na kahoy. Yung bahay na pinangarap ni Joanne dati na maging dream house niya nung bagong kasal, pero naging kulungan niya kalaunan. Yung bahay na may bodega sa likod kung saan siya pinatulog.Nasa labas si Mariz habang naghihintay. Payat na ito, hindi na yong Mariz na maganda ang katawan. Pero maayos pa din manamit. Pagkakita kay Joanne, tumaas agad ang kilay niya. "Joanne? Kuya?” Sabi niya. Bumaba si Miguel at binuksan ang pinto para kay Joanne at sa
Habang nasa byahe tahimik lang silang apat na nasa loob ng kotse. Tulog na ang dalawang kambal habang si Miguel ay nagmamaneho. Si Joanne nakatingin lang sa bintana habang palayo sila ng palayo. Nong malapit na sila sa Villa Real, habang tumatagal ang byahe, mas bumibigat ang dibdib ni Joanne. Naninikip iyon para mahirapan siyang huminga. At pagpawisan ng malamig. Sa kahabaan ng byahe, biglang nagsalita si Joanne. "Miguel, itigil mo yong kotse."Utos niya. "Ha? Bakit, Joanne? Malayo pa tayo," sabi ni Miguel."Sabi ko itigil mo! Ayaw kong bumalik!"Sigaw ni Joanne. Biglang pinatabi ni Miguel ang kotse sa gilid ng kalsada, sa ilalim ng mga puno . Dahilan para magising ang kambal. "Mom, bakit po? Nandito na po ba tayo sa Villa Real?" tanong ni Yumi na inaantok pa.Hindi sumagot si Joanne. Bumaba siya ng kotse at huminga ng malalim sa labas. Nanginginig ang buong katawan niya."Mommy, okay lang po ba kayo?" tanong ni Sky na bumaba rin at niyakap ang binti ni Joanne.Lumapit s
Tahimik na nakatitig si Joanne sa bulaklak na nasa ibabaw ng mesa niya ng pumasok ang kanyang secretary. Kumatok si Alona "Maam , may sulat ka galing villa Real ang return address."Napatigil sandali si Joanne sa pag-type sa laptop. At tiningnan ang secretary na hindi makapaniwala sa narinig. "Villa Real?"Pag uulit niya. Hindi niya hinawakan agad ang sobre. Yonv pangalang Villa Real, kahit tatlong taon na siyang hiwalay kay Miguel, parang may kuryente pa rin pag naririnig niya iyon. Doon siya umiiyak gabi-gabi habang hinuhusgahan ng pamilya ni Miguel. Doon siya tinawag ni Doña Lila na "mala-mukhang pera na taga probinsiya na walang alam sa buhay ". Doon siya pinatulog ni Mariz sa kwarto ng mga katulong habang sikreto siyang nagbubuntis sa kambal ng 2 months."Pakilagay na lang sa drawer ko, Alona," sabi ni Joanne.Pero nong umalis na si Alona, hindi napigilan ni Joanne na kunin ang sulat. Sa brown envelope, may tatak ng Villanueva, may sulat kamay na pamilyar sa kany







