Share

CHAPTER 2: PAIN

Author: ATE BHIETAT
last update publish date: 2026-07-29 14:55:42

“Babe, bulag ka na ba at bingi, hindi mo ba naririnig ang sinasabi ng babaeng iyan!”

Umalingawngaw ang boses ni Jasmine sa buong hallway ng ospital.

“Ginagawa niya akong katatawanan! Iniinsulto niya ako tapos ako pa yong pinipigilan mo! Sino ba talaga ang kinakampihan mo dito, Miguel?” Sigaw ulit ni Jasmine habang namumula ang mukha dahil sa inis.

Napalingon ang lahat ng taong naroon, yong iba sumisilip pa, tapos naglakad palapit sa kanila para makiramdam.

Sa bawat sigaw ni Jasmine, mas lalong dumidilim ang mukha ni Miguel. At sa bawat sigaw ng babae nito, mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Joanne.

“Aray!” Mahina niyang daing.

Mas masakit pa iyon kaysa sa kanina. Namamanhid na yong braso niya at pakiramdam ay dumidilim na ang paningin niya. Pero hindi pa rin siya magsosorry – wala iyon sa bokabularyo niya. Lalo na para sa kabit nito na hindi karapat-dapat ng paumanhin mula sa kanya.

Tiniis niya ang sakit at pinigil ang luha. Ayaw niyang ibigay sa kanya yong kasiyahan na makita siyang umiyak.

“Excuse me, ano ba nangyayari dito?” Tanong ng doktor na lumapit sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag dahil may dumating din sa wakas. “Pasensya na, pwede ba kayong mag-usap nang maayos? Ang dami ng tao at nakakaistorbo na kayo.” Malumanay na sabi ng doktor sa kanila.

Wala nang nagawa si Miguel kundi pakawalan siya.

Pero bago niya ito gawin, tinulak siya ng malakas. Kaya nawalan siya ng balanse. Naramdaman niyang tumama sa pader ang likod niya, saka ang noo na tumama sa kanto ng pader. Napahawak agad siya sa noo at naramdaman niyang may mainit na likido ang umagos doon.

Pagtingin niya sa kamay, may dugo galing sa noo niya.

Nagulat si Miguel dahil sa ginawa nito at sandali itong natigilan ng makita ang dugo. Akmang lalapitan na sana niya ito nang umarte si Jasmine para makuha ang atensiyon ni Miguel.

“Babe, masakit ang dibdib ko,” Mahina niyang bulong at nagkunwaring nawalan ng malay. Agad siyang nasalo ni Miguel at bakas sa mukha ng asawa ni Joanne ang pag-aalala sa kabit nito.

"Doc!” Sigaw ni Miguel at binuhat si Jasmine.

Doon na tuluyang tumulo ang luha ni Joanne – durog na durog ang puso niya ng mga sandaling iyon. Ako dapat iyon, sabi niya sa sarili. Ako dapat ang binubuhat niya, sa akin siya dapat nag-aalala, at hindi dapat sa kabit niya.

Namumula ang mga mata niya habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pag tapat nila sa kanya, biglang lumingon si Jasmine at ngumisi na parang nanalo. Gusto niyang silang habulin at sampalin si Jasmine, ngunit ipinikit na lamang niya ang mga mata at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

Iniwas na lamang niya ang mga mata sa kanilang dalawa habang sila ay papalayo.

Sa pagkakataong iyon, nawala na yong huling 1% ng pag-asa niya kay Miguel.

“Do, nararapat ba akong maranasan ang ganitong sakit?” Tanong niya sa sarili habang hinahayaan na tumulo ang luha.

Kahit kontrata lang ang kasal nila, walang nakakaalam na matagal na niya itong gusto. Oo, matagal na niya itong gusto at minamahal si Miguel. Matagal na niya itong minahal ng palihim. Takot siyang umamin sa kanya dahil baka hindi niya ito tanggapin. At tama nga ang naging desisyon niyang iyon na ilihim na lang dahil sa nangyayari sa kanila.

Ang layo ng mundo nila – isa siyang bilyonaryong CEO habang siya ay isa lamang hamak na asawa sa papel at sa kontrata.

Kung hindi lang dahil sa aksidente apat na taon na ang nakalilipas, hindi sana sila nagkakilala. Hindi sana siya naging isang “Mrs. Villanueva.”

Mas masakit pa yong dibdib niya ngayon kaysa sa noo niyang dumudugo. Dahan-dahan siyang sumandal sa pader para makabawi ng lakas at pilit na tumayo.

Nakita niyang lumapit agad sa kanya yong nurse at doktor.

“Ma'am, linisan po natin ‘tong sugat niyo," sabi ng nurse. Tumango lang siya bilang sagot. “Namamaga rin po yong braso niyo – grabe po ang ginawa sa inyo ni Sir Miguel,” malungkot niyang sambit.

Napailing siya dahil medyo kakaiba pa ang paningin niya – parang blurred. “Hindi na po, salamat sa concern niyo," sabi niya at humakbang na para makaalis.

“Pero ma'am?” Habol na sabi ng nurse sa kanya kaya nilingon niya ito at nginitian.

“It's fine, I can handle myself. Malayo ito sa bituka.”

Wala siyang oras para magdrama katulad ni Jasmine. May hinahabol pa siyang meeting sa Science Museum sa Maynila. Isa siyang translator doon at nakapagpaalam na sa kliyente kagabi. Pag nalate siya, siya ang magbabayad ng penalty. At hindi niya kaya ‘yon. Mabuti na lamang mayroon siyang talento sa ganong trabaho. Dahil sa tulong ng kaibigan niyang si Carla, kaya siya nagkaroon ng maayos na trabaho. Pero kahit siguro maging anak pa siya ng presidente, hindi magbabago ang tingin sa kanya ng asawa niya. Mananatiling isa lamang siyang hamak na babae sa buhay nito.

Hanggang sa tumunog ang phone niya. Walang gana niya itong dinukot sa bulsa ng pantalon niya. Agad niyang sinagot iyon ng makita kung sino ang caller.

Si Carla – ang kanyang tanging bestfriend.

“Jo, papunta na kami. Hintayin mo na lang kami sa labas ha.” Sabi nito kaya tumango siya kahit hindi niya nakikita.

Bigla siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Bumalik siya ulit sa clinic para ipalinis ang sugat niya. Dahil ayaw niyang makita ni Carla at ng anak niya na mayroon siyang sugat. Ayaw niyang sila ay mag-alala sa kanya.

Ilang sandali ay natapos na din siya sa clinic. Paglabas niya ng ospital, umaambon pa rin.

“Mommy!” Napalingon siya sa kabilang banda kung saan narinig niya ang cute na boses ng anak niya.

Si Yumi, tumatakbo papalapit sa kanya habang nakabukas ang dalawang kamay. Umupo siya at hinintay itong makalapit, ibinuka niya ang mga kamay at dinamba siya nito ng yakap at pumulupot sa leeg niya ang maliit niyang mga braso. Nang marinig niya ang halakhak nito, parang lahat ng sakit kanina ay nawala. Tiningnan naman niya si Sky na nasa bisig ni Carla. Ang bilis lang ng panahon dahil limang taon na silang dalawa. Limang taon na din niya itong tinatago.

Minsan kapag hindi na niya kaya ang sakit, uuwi lang siya sa maliit nilang apartment. Yayakapin niya ang  dalawa na magkapatid, tapos magiging okay na siya ulit.

Sabay na silang uuwi mamaya sa apartment – siya, si Yumi, at yong bunso niyang anak na kambal ni Yumi.

Hindi na niya ito itatago pa kahit kailan. Tapos na din kasi yong cooling-off period nila ni Miguel. Wala pa sa kanila ang divorce certificate – pirma na lang nila ang kulang at kapag nakapirma na sila, tapos na ang lahat.

Wala na silang kinalaman sa isa't isa – maging sa mga anak niya.

"Mommy, ang ganda-ganda mo ngayon," sabi ni Sky habang tinititigan siya. Kaya natawa na lamang siya dahil alam niyang hindi pa niya gaanong naiintindihan ang sinasabi nito.

“Parang ate lang – hindi halatang nanay,” segunda ni Yumi.

Hindi ko na napigilan pa ang humalakhak dahil sa biro nila.

Ngayon lang siya nagsuot ng business suit – light peach fitted na sobrang bumagay sa kanya. Hindi na yong dating maluwag na damit na tinatago ang katawan niya.

Tumabi si Carla sa kanya. “Dapat matagal mo na ‘tong ginawa. Ang ganda mo, Jo. Sasabihin ko talagang ate ka ng mga kambal na ito.” Maging si Carla ay nakisali na din sa mga bata.

“Gusto ko yakapin si Ate Joanne,” biro ni Yumi sabay higpit pa ng yakap samantalang ang bunso niyang anak ay nakingiti lang habang nakatingin sa kanila.

Pinilit niyang kalimutan yong nangyari kanina – ayaw niyang ma-stress dahil sa nangyari. 

Habang masaya silang nagbibiruan, ng marinig niya ulit ang boses ng lalaking iyon.

"Joanne, ano pa ang ginagawa mo dito?” Yong boses nito ay mabigat at malamig sa uri ng tanong nito – parang ayaw niyang makita siyang naroon sa lugar na iyon.

Napahinto siya at lumingon ng dahan-dahan.

Nakatayo ito sa may exit ng ospital habang nakabulsa ang mga kamay. Tiningnan niya ito sa mukha – mas malamig pa iyon kaysa sa ulan.

Nakatitig lang din ito sa kanya ng diretso.

Tapos bumaba yong tingin nito sa kamay niya na nakahawak kay Yumi, sa peach suit niya, at sa benda sa noo niya.

Kinabahan siya bigla noong maalala ang mga anak niya. Pero agad siyang nagpasalamat sa Diyos ng hindi napansin ni Miguel ang buong mukha nina Yumi at Sky.

Hanggang sa bigla na lang kumunot ang noo nito.

“Ano na namang drama ‘to?" sabi nito nang walang emosyon.

Umayos ng tayo si Carla sa tabi niya at masamang tiningnan si Miguel habang karga si Sky. Si Yumi naman ay nagtago sa likod niya dahil natatakot sa boses ni Miguel na parang kulog.

"Uuwi na tayo, anak," bulong niya kay Yumi. Pinilit niyang maging kalmado ang boses niya.

Pero yong pasaway niyang puso ay kabog ng kabog dahil sa kaba para sa mga anak niya.

Hindi niya ito sinagot at nilagpasan nila ito.

"Sinabi ko—" Hinawakan nito ang braso niya kung saan pa yong namamaga. Paborito niya talagang hawakan iyon.

Pero bago pa niya siya mapigilan, humarap siya.

Tiningnan niya ito sa mata na walang bakas ng emosyon kundi pagod lang – mga matang dati niyang iniiyakan.

“Wala ka nang pakialam sa akin, Miguel," sabi niya ng mahina pero malinaw. “Tatlong buwan na lang, tapos hindi na kita magiging problema.” Binitawan siya nito pagkatapos niyang sabihin iyon.

“That's good,” sagot lang nito tapos tumalikod na at pumasok ulit sa loob ng ospital.

Hindi niya alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib niya. Dapat masaya na siya dahil magiging malaya na siya sa loob ng ilang buwan. Parang may iba siyang inaasahan na sasabihin ni Miguel pero natutuwa itong malapit na silang maghiwalay.

Palagi niyang tinatanong ang sarili kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan sa kanya para tratuhin ng ganito. Parang tutol ang puso niya sa sinabi nito.

"Jo, okay ka lang?" tanong ni Carla.

Tumango siya at muling hinawakan ang kamay ni Yumi.

"Uwi na tayo." Iyon na lang ang nasabi niya at nauna nang maglakad.

Habang naglalakad sila palayo sa lugar na iyon, hindi na niya nilingon pa si Miguel. Hindi naman siya umaasa na lilingon pa ito sa kanya para makita siya kung paano umalis, hindi din siya umaasa na hahabulin siya nito para pigilan. Mas maganda na iyon para maiwas niya sa lalaki ang mga anak niya. Mabuti na lamang hindi niya agad na pansin ang pagkakahawig nito kay Yumi. Dahil kung nagkataon, hindi niya alam ang gagawin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 112: FLASHBACK

    Hatinggabi na iyon pero gising pa rin si Joanne.Tahimik na ang buong bahay, tulog na si Doña Lila, tulog na si Yumi at Sky sa tabi ni Mariz sa kabilang kwarto. Binuksan niya ang pinto ng bodega. At pagpasok niya sa bodega, bumalik ang lahat. 5 YEARS AGO. VILLA REAL. Alas kwatro pa lang ng umaga, ginising na si Joanne ni Mariz sa pamamagitan ng pagkatok ng malakas sa pinto ng kwarto nila ni Miguel."Joanne! Bumangon ka na! Anong oras na!” Singhal ni Mariz. Bumangon si Joanne . Hindi pa siya nakakatulog ng maayos dahil masakit ang likod at likot nang likot ang bata sa loob ng tiyan. Pero wala siyang magawa.Pagdating sa kusina, andun na si Doña Lila na nakaupo sa silya, nagkakape."Joanne, bakit ang tagal mo? Akala mo ba prinsesa ka dito sa Villa Real? Kahit asawa ka na ng isang CEO kailangan mong magtrabaho! Hindi ka pwedeng humiga-higa lang!" sabi ni Doña Lila na hindi man lang tinitingnan si Joanne.Tulad ng mga ginagawa ng katulong ganon din ang ginagawa ni Joanne. "Maam J

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 111: SI DONA LILA

    Umaga pa lang nakatayo na agad si Joanne sa harap ng pinto ng kwarto ni Dona Lila, hawak niya ang kamay nig kambal. Sa likod nila, si Miguel at Mariz na may dalang tray ng lugaw at gamot. Hindi pa pumapasok si Joanne, pero rinig na rinig niya ang mahinang pag-iyak sa loob ng kwarto na iyon. "Joanne, andyan ka na ba?" boses ng nurse sa loob.Huminga ng malalim si Joanne at pumasok.At doon niya nakita si Doña Lila.Hindi na ito yung Doña Lila na nakaupo sa malaking silya na parang reyna ng Villa Real na sumisigaw. Ang Doña Lila na nasa harap niya ngayon ay payat na payat, halos buto't balat na lang. Yung pisngi niya na dati bilugan, lubog na. Yung buhok niya na dati nakapusod nang maayos, puti na at kalat-kalat. Nakasuot ng oxygen at yung kalahati ng katawan niya hindi na gumagalaw dahil sa stroke. Nakahiga lang siya sa kama na dating malaki at matigas, pero ngayon parang nilulunod siya sa kumot.Pagkakita kay Joanne, biglang gumalaw ang mata ni Doña Lila at umiyak."Jo... Joanne..."

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 110: PAGBALIK SA VILLA REAL

    Pgsapit ng gabi, hindi makatulog si Joanne. Parang naninibago siya. Nakahiga siya sa dating kwarto nila ni Miguel nong bagong kasal pa sila. Katabi niya si Yumi at Sky na mahimbing nang natutulog. Sa baba, sa sala, natutulog si Miguel sa sofa kasi ayaw niyang makisiksik sa kwarto para hindi ma-ilang si Joanne.Bumangon si Joanne at lumabas ng kwarto. Madilim ang buong bahay ng Villanueva, tanging ilaw lang galing sa kwarto ni Doña Lila ang bukas kung saan nagbabantay ang nurse.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Mariz na nakaupo sa mesa, umiiyak habang nagbabalat ng sibuyas."Mariz?" tawag ni Joanne.Nagulat si Mariz at pinunasan ang luha."Joanne, gising ka pa pala. Pasensya na, nagbabalat lang ako ng sibuyas para sa lugaw ni Mama bukas."“May mga katulong naman kayo na pwedeng gumawa niyan.” Sabi ni Joanne. “Naku hindi na, maliit at magaan lang naman ito.KayangKaya ko na at hindi na kailangan ng ibang gagawa.” Sabi niya na sumisinghot pa

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 109: PAKI-USAP NI MIGUEL

    Takipsilim na nong makarating sila Miguel. Hindi pa mismo sa mansion ng Villanueva, pero sa arko na may nakasulat na "WELCOME TO VILLA REAL - VILLANUEVA ". Dati, may mga tauhan na sumasalubong sa kanila, may nagbubukas ng gate. Ngayon, wala na. "Mom, ito na po ba talaga yong Villa Real?" tanong ni Yumi na nakasilip sa bintana. "Oo, anak. Ito yung lugar kung saan nakatira si Lola Lila mo at Tita Mariz mo ," sagot ni Joanne na mahigpit na hawak ang kamay ni Yumi.Huminto ang van sa tapat ng malaking bahay na bato na may second floor na kahoy. Yung bahay na pinangarap ni Joanne dati na maging dream house niya nung bagong kasal, pero naging kulungan niya kalaunan. Yung bahay na may bodega sa likod kung saan siya pinatulog.Nasa labas si Mariz habang naghihintay. Payat na ito, hindi na yong Mariz na maganda ang katawan. Pero maayos pa din manamit. Pagkakita kay Joanne, tumaas agad ang kilay niya. "Joanne? Kuya?” Sabi niya. Bumaba si Miguel at binuksan ang pinto para kay Joanne at sa

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 108: AYAW BUMALIK

    Habang nasa byahe tahimik lang silang apat na nasa loob ng kotse. Tulog na ang dalawang kambal habang si Miguel ay nagmamaneho. Si Joanne nakatingin lang sa bintana habang palayo sila ng palayo. Nong malapit na sila sa Villa Real, habang tumatagal ang byahe, mas bumibigat ang dibdib ni Joanne. Naninikip iyon para mahirapan siyang huminga. At pagpawisan ng malamig. Sa kahabaan ng byahe, biglang nagsalita si Joanne. "Miguel, itigil mo yong kotse."Utos niya. "Ha? Bakit, Joanne? Malayo pa tayo," sabi ni Miguel."Sabi ko itigil mo! Ayaw kong bumalik!"Sigaw ni Joanne. Biglang pinatabi ni Miguel ang kotse sa gilid ng kalsada, sa ilalim ng mga puno . Dahilan para magising ang kambal. "Mom, bakit po? Nandito na po ba tayo sa Villa Real?" tanong ni Yumi na inaantok pa.Hindi sumagot si Joanne. Bumaba siya ng kotse at huminga ng malalim sa labas. Nanginginig ang buong katawan niya."Mommy, okay lang po ba kayo?" tanong ni Sky na bumaba rin at niyakap ang binti ni Joanne.Lumapit s

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 107: ANG LIHAM

    Tahimik na nakatitig si Joanne sa bulaklak na nasa ibabaw ng mesa niya ng pumasok ang kanyang secretary. Kumatok si Alona "Maam , may sulat ka galing villa Real ang return address."Napatigil sandali si Joanne sa pag-type sa laptop. At tiningnan ang secretary na hindi makapaniwala sa narinig. "Villa Real?"Pag uulit niya. Hindi niya hinawakan agad ang sobre. Yonv pangalang Villa Real, kahit tatlong taon na siyang hiwalay kay Miguel, parang may kuryente pa rin pag naririnig niya iyon. Doon siya umiiyak gabi-gabi habang hinuhusgahan ng pamilya ni Miguel. Doon siya tinawag ni Doña Lila na "mala-mukhang pera na taga probinsiya na walang alam sa buhay ". Doon siya pinatulog ni Mariz sa kwarto ng mga katulong habang sikreto siyang nagbubuntis sa kambal ng 2 months."Pakilagay na lang sa drawer ko, Alona," sabi ni Joanne.Pero nong umalis na si Alona, hindi napigilan ni Joanne na kunin ang sulat. Sa brown envelope, may tatak ng Villanueva, may sulat kamay na pamilyar sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status