登入Noon, natatandaan ni Joanne na naglilinis si Mang Ben sa bodega. May nakita itong isang box ng vitamins. Malapit na iyon mag-expire at itatapon na raw. Pinanghinayangan iyon ni Mang Ben at maging si Joanne ay nanghinayang din. Siya na mismo ang nag-alok kay Mang Ben na itapon ang mga iyon.
Saka malas-malasan ng araw na iyon, nakita siya ni Mariz na buhat-buhat ang box na puno ng vitamins. Isang maling hinala ang pumasok sa isip nito. Palihim siyang kinuhaan ng picture ni Mariz nang hindi niya alam.
Saktong pagbalik niya sa loob ng mansyon, bigla na lang itong sumigaw sa sala.
“Magnanakaw ka! Nagnakaw ka sa bahay namin para sa pamilya mo!” sigaw nito sa kanya kaya nagtaka si Joanne dahil hindi niya ito maintindihan.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi ako magnanakaw,” sabi niya noon na hindi man lang natakot.
“Huwag mo kong pagbintangan,” dagdag pa niya.
Ngumisi lang si Mariz.
“Mas mabuti umamin ka na. Kung hindi, mas gagulo pa ito! Kung hindi ka nagnakaw, bakit nasa kamay mo ang bote ng isang vitamins na pagmamay-ari namin!” sigaw nito ulit na halos pumutok na ang lalamunan.
Hindi agad na-gets ni Joanne kung ano ang ibig nitong sabihin. Hanggang sa ipinakita nito sa kanya ang screen ng phone. Sa convo nila ni Miguel, naroon ang picture niya na may hawak na isang box. Ipinakita pala iyon ni Mariz kay Miguel.
Maya-maya pa, sunod-sunod na mga yabag ang narinig niya papunta sa sala. Mga kasambahay, at si Miguel. Nababalot ng itim na aura ang buo nitong mukha. Nakakamatay ang bawat titig nito sa kanya noong mga panahon na iyon.
“Ikaw, walang hiya ka talaga!” sabi ni Miguel sa kanya that night. Walang emosyon ang bawat salita.
“Balak mo pa kaming pagnakawan ng mamahaling vitamins! Hindi ka ba makuntento sa ibinibigay ko sayo—”
Isang malakas na sampal ang binigay ni Joanne sa kanya para mapasinghap silang lahat. Sinalubong niya ang masama nitong tingin.
“Wala akong ninanakaw! Ang sabi ni Mang Ben, itatapon na raw iyon dahil malapit nang mag-expire. Naawa lang ako kaya—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang putulin iyon ni Miguel.
“Wag mong idamay si Mang Ben! Alam kong tinulungan ng nanay mo si Mang Ben noon. Kaya natural na kakampihan ka niya!”
Nakita ni Joanne ng ilang sandali ang pandidiri sa mga mata nito. Napahawak siya sa mismong dibdib niya dahil pakiramdam niya may mga karayom na tumutusok-tusok nang paulit-ulit sa puso niya. Hindi na siya nagpaliwanag dahil wala rin namang silbi.
Kinagabihan, hindi talaga siya tinantanan ni Mariz dahil palagi na lang itong humihingi ng eksena sa kanya para maging masama siya sa mata ni Miguel.
“Mga basura lang ito, pero tinatrato niya na parang ginto. Galing talaga sa squatter.”
Nasa bukana pa lang si Joanne ng p***o ng kwarto niya nang marinig niya iyon mula kay Mariz. Pagpasok niya, nakita niyang nakabukas na ang maleta at bag niya. Nagkalat lahat sa sahig, at nagusot ang mga damit niya. Bigla na lang kumulo ang dugo niya dahil sa mga pinaggagawa nila.
Dali-dali siyang lumapit kay Aling Linda para pigilan ito sa paghalughog ng mga gamit niya.
“Ano bang ginagawa niyo? Wag niyong galawin ang mga gamit ko!” galit niyang sigaw sa kanila.
May isang kahon na lang na hindi pa nabubuksan. Sa loob ng mga kahon na iyon, nandoon ang mga scarf na tinahi niya para sa mga anak niya. Isang buwan na siyang buntis noon nang mangyari iyon. Si Aling Linda lang ang kasama ni Mariz. Habang hawak nito ang isang gunting. Hindi nila siya pinansin.
Sinubukan niyang pigilan si Aling Linda pero umiiwas lang ito sa paglapit niya. Habang nagkakagulo sila, nang aksidenteng nasagi niya ang gunting na hawak ni Aling Linda.
“Aray!” malakas niyang sabi para matigilan si Aling Linda.
“Ay! Ikaw yung bumangga sakin ah,” depensa ni Aling Linda habang natataranta.
Apat na taon siyang nagtiis sa mansyon na iyon. Nagpakumbaba siya sa lahat. Pati ang pride niya, ibinaba niya para matanggap siya ng lahat. Ngayon, pati pagprotekta sa sarili niyang gamit, wala na siyang karapatan.
“Ano bang ginagawa niyo?” biglang umalingawngaw ang boses ni Miguel sa silid na iyon. Hindi niya man lang namalayan ang pagdating nito.
Nabitawan ni Aling Linda ang hawak niyang gunting. Bigla itong nagtago sa likod ni Mariz habang namumutla ang mukha dahil sa takot. Kumunot ang noo ni Miguel habang nakatingin kay Joanne.
“Mariz. Ano itong nangyayari?”
Nakitaan ng kaunting takot si Mariz. Pero agad itong napalitan ng yabang.
“Kuya, buti nakauwi ka na. Sa tingin ko nagnanakaw na naman siya dito. Kaya pinabuksan ko kay Aling Linda ang mga gamit niya.”
“Mariz!” parang kulog ang boses ni Miguel ng mga oras na iyon. “Hindi ka na bata. Bakit mo hinahalungkat ang gamit ng ibang tao?”
Hindi alam ni Joanne kung totoo ba ang pinapakitang paggalit nito sa ginawa ng kapatid. O baka naman isa lang iyon palabas. Walang pagsisisi ang makikita kay Mariz. Nagtataray pa rin ito kahit alam niyang siya ang may mali in the first place.
“Kuya, hindi ko sinasadya. Magnanakaw naman talaga siya dito. Normal lang na magduda ako,” depensa ni Mariz.
Nainis si Miguel. Hindi dahil sa sinabi ni Mariz kundi sa magulo niyang kwarto. Inis niyang binalingan ang mga kasambahay.
“Bakit nakatayo lang kayo? Tulungan niyo siya mag-ayos.”
Inutusan din niya ang ibang mga kasambahay na i-impake ulit ang mga gamit ni Joanne at ibalik sa lalagyan.
“Hindi na kailangan, Miguel. Aalis na ako ngayon!” matigas na sabi ni Joanne kahit masakit ang kamay niya. Siya pa rin ang nag-impake.
“Sinong may sabing pwede ka nang umalis?” malamig na tanong nito habang magkasalubong ang mga kilay.
Napatingin si Joanne sa kanya dahil sa gulat.
“Ano ang ibig mong sabihin? Malapit nang maayos ang divorce agreement natin. Sunod na buwan makukuha na natin ang certificate. Anong problema kung lilipat ako?” matigas niyang tanong.
Biglang dumilim ang mukha ni Miguel. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
“Kapag nakuha na natin ang divorce certificate, bahala ka na sa buhay mo. Pero ngayon, dito ka muna sa Villa Real!” utos nito at tinalikuran sila.
Nakaramdam ng hapdi sa palad si Joanne. Dahilan para bumalik siya sa realidad. Walang pinagkaiba ang eksenang iyon kumpara ngayon. Parang naulit lang at pangalawang beses na siyang nasugatan sa kamay.
“Hayaan niyo na kaming maglinis, Ma’am,” sabi ni Aling Glo. Nasa kusina ito kanina kaya hindi nito alam ang gulo nila ni Mariz.
“Tinawagan na rin ni Sir Miguel si Dr. Vince para gamutin kayo.”
Hindi alam ni Joanne kung masisiyahan ba siya.
“Naku, kung nandito lang sana si Mang Ben, hindi sana kayo aapihin ni Ma’am Mariz,” bulong pa nito.
“Salamat po, Aling Glo,” mahina niyang sagot.
---
30 minutes later
Dumating si Dok. Vince sa mansyon. Sinalubong siya ni Aling Glo sa gate at sinamahan papunta sa silid ni Joanne.
“Dok, pasensya na sa abala. Tatawagin ko na si Ma’am.”
“Nasaan siya? Ako na ang pupunta,” si Dok. Vince. Kaibigan ito ni Miguel since college. Anak din ng mayamang pamilya pero pinili maging doktor. Mabait at hindi mayabang.
Ilang saglit pa, may kumatok sa p***o ng kwarto ni Joanne.
“Jo, ako ito, si Vince.”
Nakahiga si Joanne sa kama ng mga oras na iyon. Tinititigan niya yung mga scarf na ginawa niya para sa mga anak niya. Noong narinig niya ulit yung katok, mabilis niyang itinago ang gamit sa ilalim ng kumot bago binuksan ang p***o.
Pagbukas niya, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Dr. Vince. Nakita nito ang dugong tumutulo sa palad niya at yung maputla niyang mukha. Bigla itong naawa sa kalagayan niya.
“Stay still,” malumanay nitong sabi. “Linisin muna natin yung sugat mo baka ma-infect. Sa pagkakatanda ko, dito sa mismong kanang kamay na ito ka rin nasugatan noon, hindi ba?” Medyo natatawa nitong sabi kaya ngumiti lang si Joanne.
“Napansin mo rin pala?” tanong niya.
“Oo naman. Malinaw pa ang mga mata ko. Saka ang malas naman ng kamay mo na iyan!” biro nito na may kaunting halakhak. Pero ramdam ni Joanne yung concern nito.
“Okay ka lang ba?” mahina nitong tanong.
Tumango lang si Joanne kasi kung magsasalita pa siya, baka umiyak na siya. At ayaw niyang ibigay kay Miguel ang satisfaction na makita siyang mahina.
Pagkatapos sabihin ‘yon ni Miguel, humarap siya sa yaya. “Kunin mo si Lele.” utos niya dito Pagkatapos nun, humakbang siya papunta kay Joanne. Na may madilim na mukha. Hinablot niya ang kamay ni Joanne at hinila. “Sumama ka sa akin. Uuwi tayo.” Hindi niya matanggap na may kasama si Joanne na ibang lalaki. At ang masaklap pa ay matanda na ito. At mukhang tatay na nila kung tutuusin. Sa utak niya, asawa pa rin niya ‘to. At hanggang hindi pa final ang divorce, kanya pa rin si Joanne. Napahinto si Miguel ng pigilan siya ni Misis Lin nang hilahin niya palabas si Joanne. “Hoy! Anong problema mo? Kaibigan ko si Joanne! Hindi mo siya pwedeng basta kunin!” singhal nito sabay hawak sa kabilang kamay ni Joanne. Napakamot si Miguel sa gilid ng kilay. Halatang nagpipigil. Ayaw niya ng may humaharang sa gusto niya. “Papauwiin ko ang asawa ko. May problema ba doon?” proud niyang sabi Kaya nanlaki ang mga mata ng mga taong nakarinig. Naramdaman ni Joanne ang bigat ng boses ni
"Miguel, kung gusto mong punain ang isang tulad ko bakit hindi ka muna magpakita ng isang halimbawa kahit papaano sa sarili mo?”Agad na namutla ang mukha ni Miguel at umigting ang panga. Wala siyang ideya na wala pang isang buwan mula nang mapirmahan ang kasunduan sa divorce. Malaki ang hinala niya ngayon na nagkukunwari lang sa harapan niya si Joanne noon pa man.Wala pang sumubok na sawayin si Miguel noon. Lumabas ang maliit na ugat sa noo nito. At pinipigilan sumabog ang galit. "Joanne, hindi kita sinisisi noong araw na iyon dahil nauntog mo ang noo mo. Pero ngayon dapat ay tumigil ka na!" sigaw ni Miguel kay Joanne pero hindi man lang kumurap ng isang beses si Jaonne. Hindi siya nagpakita o nagpahalata ng takot dahil sa malakulog na boses ni Miguel. Nanginig sa takot ang mga taong naroon sa boutique Lalo na si Mr. Lin. Ngunit sa harap ni Miguel nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Naawa si Mr, Lin kay Joanne kaya sumingit na siya sa usapan. "Sir,baka may hindi ka lang
“So, ano’ng ginagawa mo nga rito?!” Pag uulit na tanong ni Miguel kay Joanne. Nanginig sa takot ang mga tuhod ni Joanne, agad naman niyang pinakalma ang sarili. Yumuko siya para damputin ang nahulog na cellphone. Kumunot naman ang noo ni Miguel ng hindi siya pansinin ni Joanne. “Sinong kausap mo kanina?” Tanong ni Miguel na halatang gusto niya talagang malaman kung sino ang kausap ng asawa sa kabilang linya. “Si Yumi lang,” sagot ni Joanne. Bumilis ang tibok ng puso ni Miguel ng maalala nito ang mukha ng bata. Maamo, bilugan ang pisngi, Sa pagbanggit pa lang ng pangalan, may kung anong gumalaw sa dibdib niya. Parang may naramdaman siyang excitement ulit Katulad noong una niya itong makita. Habang iniisip niya kung bakit siya biglang nagkaganon isang malamig na boses ang narinig niya mula kay Joanne. “Pwede ko na bang kunin ang phone ko?” Walang gana nitong tanong. Napansin ni Miguel na may basag ang screen ng cell phone ni Joanne.Hindi niya namalayan na iniabot na pala
“Kailangan mo ng tetanus shot. Malalim yung sugat mo.” Caring niyang sabi kaya napakurap si Joanne. Naalala niya bigla noong pinilit siya ng biyenan niyang lumuhod sa harap ng altar. Nasugatan ang tuhod niya at dumugo. Ilang araw lang ang nakalipas, noong naglilinis siya sa bodega, nabangga ang likod niya sa mga kahon tapos ang bilis niyang nagkapasa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na napunta si Dok. Vince sa Villa Real dahil sa kanya. “Salamat sa tulong mo, Dok,” mahina niyang sabi. “Walang anuman,” sagot nito at maingat niyang binalot ng benda ang palad niya. Tapos nagpaalam na itong uuwi na.— Lumabas si Joanne kahit pinagbawal ni Dok. Vince. Maliit lang ang sugat kahit na malalim. Napadaan siya sa office ni Miguel. Bahagyang nakabukas ng maliit ang pinto. Kaya dahan-dahan siyang lumapit. Nakita niyang naroon pa pala si Vince at mukhang may pinag-uusapan sila kaya nakinig siya.“Halos maging personal doctor na ako ng pamilya niyo,” biro ni Vince kay Miguel. “Ilang
Noon, natatandaan ni Joanne na naglilinis si Mang Ben sa bodega. May nakita itong isang box ng vitamins. Malapit na iyon mag-expire at itatapon na raw. Pinanghinayangan iyon ni Mang Ben at maging si Joanne ay nanghinayang din. Siya na mismo ang nag-alok kay Mang Ben na itapon ang mga iyon. Saka malas-malasan ng araw na iyon, nakita siya ni Mariz na buhat-buhat ang box na puno ng vitamins. Isang maling hinala ang pumasok sa isip nito. Palihim siyang kinuhaan ng picture ni Mariz nang hindi niya alam.Saktong pagbalik niya sa loob ng mansyon, bigla na lang itong sumigaw sa sala. “Magnanakaw ka! Nagnakaw ka sa bahay namin para sa pamilya mo!” sigaw nito sa kanya kaya nagtaka si Joanne dahil hindi niya ito maintindihan. “Ano bang sinasabi mo? Hindi ako magnanakaw,” sabi niya noon na hindi man lang natakot. “Huwag mo kong pagbintangan,” dagdag pa niya.Ngumisi lang si Mariz. “Mas mabuti umamin ka na. Kung hindi, mas gagulo pa ito! Kung hindi ka nagnakaw, bakit nasa kamay mo ang bot
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa Science Center, Manila na si Joanne kasama ang dalawa niyang anak at ang bestfriend niyang si Carla. Dumiretso muna sila sa garden area. Hawak ni Joanne ang file para sa meeting nila about AI strategic partnership. Nakasunod lang sa kanila ang assistant niyang si Han.Umupo si Joanne sa bench at lumanghap ng sariwang hangin. Ang ganda ng ambiance ng garden, mas nagbigay kulay sa paligid ang iba’t-ibang mamahaling bulaklak. Bigla niyang naalala na hindi niya nagagawa ang bagay na ito noong naka-focus pa ang buo niyang atensyon kay Miguel. Pero ngayon, bumabawi na siya para sa sarili niya. Kung dati isa lang siyang hamak na asawa sa papel, ngayon isa na siyang magaling na translator at may sarili nang kinikita galing sa dugo at pawis niya. Kayang-kaya na niyang buhayin ang dalawa niyang anak. Hindi alam ni Miguel iyon dahil wala naman itong paki-alam sa mga ginagawa niya. Ang bilin lang nito, huwag siyang gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilya at neg







