登入Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa Science Center, Manila na si Joanne kasama ang dalawa niyang anak at ang bestfriend niyang si Carla. Dumiretso muna sila sa garden area. Hawak ni Joanne ang file para sa meeting nila about AI strategic partnership. Nakasunod lang sa kanila ang assistant niyang si Han.
Umupo si Joanne sa bench at lumanghap ng sariwang hangin. Ang ganda ng ambiance ng garden, mas nagbigay kulay sa paligid ang iba’t-ibang mamahaling bulaklak. Bigla niyang naalala na hindi niya nagagawa ang bagay na ito noong naka-focus pa ang buo niyang atensyon kay Miguel. Pero ngayon, bumabawi na siya para sa sarili niya.
Kung dati isa lang siyang hamak na asawa sa papel, ngayon isa na siyang magaling na translator at may sarili nang kinikita galing sa dugo at pawis niya. Kayang-kaya na niyang buhayin ang dalawa niyang anak. Hindi alam ni Miguel iyon dahil wala naman itong paki-alam sa mga ginagawa niya. Ang bilin lang nito, huwag siyang gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilya at negosyo nito.
“Ma’am, after dito, may call ka pa with Germany team at 3PM—”
Hindi na narinig pa ni Joanne ang ibang sinasabi ni Han. Dahil biglang nanliit ang mga mata niya. Sakto kasing paglingon niya kay Han, nakita niya ang dapat na hindi niya makita. Si Miguel kasama si Jasmine na malawak ang ngiti. Lahat ngiti ni Joanne ay biglang nawala. Nablangko ang utak niya.
Agad niyang nilapitan si Yumi. Dahilan para mapansin iyon agad ni Carla. Nanlaki rin ang mga mata nito at nagtatanong sa kanya kung bakit naroon ang dalawang iyon gamit lang ang mga mata. Kaya umiling lang si Joanne dahil bigla siyang kinabahan. Baka kasi makilala na ni Miguel ang mga batang kasama nila.
“A-anong gagawin ko?” nauutal na tanong ni Joanne kay Carla. Ngumiti ito at lumapit kay Yumi. Malakas ang boses para marinig nina Miguel.
“Ay Yumi, ang kulit mo naman,” sabi ni Carla.
“Ha, why naman po?” inosenteng tanong ng anak niya.
“Lagi ka nalang tumatalon sa braso ni Tita Joanne. Halika na kay Mommy.”
Sanay na sina Yumi at Sky sa ganong eksena. Pag may nakikita silang kakilala, “Tita” o “Ninang” agad ang tawag nila kay Joanne.
Lumingon si Yumi kay Carla at ngumiti.
“Mommy, namimiss ko na kasi si Tita,” sabi nito. Kumirot ang puso ni Joanne. Minsan lang kasi sila magkasama ng mga anak niya. Sa Villa Real siya umuuwi dahil asawa pa rin niya si Miguel. Tuwing pupunta siya sa mga anak niya, ingat na ingat siya na baka may makakita sa kanya. Dahil may parte pa rin sa puso niya na ayaw niyang magkaroon ng issue at masira si Miguel dahil sa kanya.
Napatingin si Joanne sa gawi nina Miguel. Napasinghap siya noong magtama ang mga mata nila. Nakatitig si Miguel sa kanya nang malalim. Para bang hinuhukay nito ang kaluluwa niya sa uri ng tingin. Hanggang sa unti-unting bumaba ang mga mata nito kay Yumi na nasa bisig niya.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Miguel. Sinusuri nito ng maayos ang batang karga ni Joanne. Nakitaan niya ito ng pagka-gulat at pagka-lito habang nakatitig kay Yumi. Nanigas si Joanne at mas humigpit ang yakap niya kay Yumi noong palipat-lipat ang tingin ni Miguel sa kanilang mag-ina. Hindi rin nito nakita si Sky dahil nakaupo ito habang naglalaro.
Biglang nag-iba ang atmosphere sa garden. Pakiramdam ni Joanne ay nahihirapan na siyang huminga. Gusto niyang tumakbo, gusto niyang magtago at ilayo na doon ang dalawa niyang anak. Pero napako ang mga paa niya sa sahig. Hindi niya iyon kayang igalaw.
Natakot si Carla na baka may masabi si Joanne kaya kinuha nito si Yumi, pero mas lalong humigpit ang yakap ng bata sa kanya.
“Sino ka? Bakit mo tinatakot yung anak ko?” matapang na tanong ni Carla kay Miguel.
Hindi ito sumagot. Diretso pa rin ang tingin nito kay Joanne.
“What are you doing here?” malamig na tanong ni Miguel.
Napalunok si Joanne dahil biglang nanuyo ang lalamunan niya.
“Dito ako nagtatrabaho,” direstso niyang sagot kahit tumatambol ang dibdib niya sa kaba at takot.
Tumingin ulit si Miguel kay Yumi kaya nanliit ang mga mata nito. Tapos balik kay Joanne na para bang hindi naniniwalang may trabaho na siya.
“Sino siya?” tukoy niya kay Yumi habang hindi pinuputol ang tingin sa anak nito.
Napalunok ulit si Joanne.
“Anak siya ng bestfriend ko. May problema ka ba? Tinatakot mo yung bata.” Mabilis niyang sagot at binigay si Yumi kay Carla.
Tinitigan ni Miguel ang mata ni Yumi. Yung kilay, yung hugis ng mukha. Biglang kumunot ang noo nito na parang may naalala. Parang gusto nitong lumapit sa pwesto nila. Kaya mabilis na inikot ni Carla papunta sa dibdib niya si Yumi para maitago ang mukha ng bata.
“Waahh, mommy!” umiyak bigla si Yumi habang nasa dibdib ni Carla.
At doon halos mamatay si Joanne noong lumingon sa kanya si Yumi. Yung itsura nitong umiiyak, yung nguso, yung mata, yung pagkurap — eksaktong-eksakto katulad kay Miguel.
Nakita ni Joanne na biglang napatayo si Sky sa kinuupuan niya.
“Bakit po kamukha ni Yumi ang lalaking iyon?” tanong nito habang nakaturo ang maliit na daliri kay Miguel.
Kinagat ni Joanne ang ibabang labi. Bakit iyon napansin ni Sky sa mura nitong edad, samantalang si Miguel hindi naman napansin ang pagkakahawig nila ni Yumi. Ang pagiging xerox copy ng anak niya sa kanya.
“Sky, magpakabait ka ha,” bulong niya habang hinahaplos ang buhok nito.
“Medyo kamukha lang ni Yumi ang lalaking iyon,” sabi niya ulit.
Narinig iyon ni Yumi kaya kumunot ang noo niya at tumingin kay Miguel saka sa kakambal niya.
“Sabi rin ni Tita Carla, magkamukha din kayong dalawa. Paglaki mo mas gwapo ka pa doon sa masungit na ‘yon,” inosenteng sabi ni Yumi.
Napabuntong-hininga na lang si Joanne.
“Oo,” sabi ni Carla para ilihis ang usapan. “Kamukha lang. Mas gwapo pa si Sky natin paglaki kaysa doon sa laging nakasimangot.”
Biglang natawa si Joanne dahil pinagtutulungan nilang tatlo si Miguel na walang kamalay-malay.
Napatingin siya kay Carla noong hawakan nito ang braso niya.
“Jo, pag nakalipat na tayo sa bagong apartment, hindi ka na magmamadali. Mas marami ka nang time sa mga anak ko,” palusot na sabi nito.
“Oo naman,” mahina niyang sagot.
Matapos ang eksenang iyon, pinanatili na lang nila Carla sa kwarto ang mga bata. Hindi na niya gustong mag-cross sa pangatlong pagkakataon ang landas ng mag-ama.
Maagang natapos ang meeting niya at maganda naman ang kinalabasan kahit halos hindi siya makapag-isip ng maayos. Bumalik din sila agad sa Roxas kung saan tumutuloy ang mga anak niya kasama si Carla. Doon na lang siya nagpalipas ng gabi bago umuwi sa Villa Real kung saan ang bahay ni Miguel.
Bandang alas diyes ng umaga nang makauwi siya sa Villa Real. Umuwi siya para mag-impake dahil hindi na niya hihintayin pa ang tatlong buwan. Gusto na niyang makasama oras-oras ang mga anak niya.
Paglabas niya sa gate, nandoon agad si Mariz, kapatid ni Miguel. Nanliit ang mga mata nito noong makita siyang may dalang maleta.
“Ano ‘yang dala mo?” tanong nito na bakas sa boses ang yabang.
Tiningnan siya ni Joanne nang walang buhay.
“Mga gamit ko,” sagot niya nang hindi ito tinitingnan.
Sa totoo lang hindi sila magkasundo ni Mariz. Ramdam ni Joanne na ayaw nito sa kanya simula pa noon. Mas gusto nitong maging bayaw si Jasmine dahil pareho sila ng ugali.
Ngumisi si Mariz.
“Mga gamit mo? Ano naman kaya ang kinuha mo dito sa Villanueva? Wag mong sabihing nagnakaw ka na naman ng vitamins namin.”
Doon na napatingin si Joanne sa kanya. Naalala niya yung araw na iyon. Yung pinaka-nakakahiya niyang araw sa bahay na ‘to. Noong inakusahan nila siyang nagnakaw ng vitamins para ibenta. Samantalang vitamins niya iyon at siya ang bumili.
“Mariz Villanueva,” malamig niyang sambit sa pangalan nito.
“Pagnanakaw ba ang tawag sa pagkuha ng sarili kong gamit?”
Ngumisi ito at pinagkrus ang dalawang braso. Tiningnan siya nito from head to toe na may pang-iinsulto.
“Joanne, hindi naman bago sayo ‘yan. Kaya buksan mo!” utos nito at itinuro ang maleta niya. “Gusto kong tingnan kung ano naman ang itinatago mo.”
Hindi gumalaw si Joanne. Tiningnan niya lang ito na parang hangin.
“Bingi ka ba? Sabi ko buksan mo!” sigaw nito kaya dahan-dahan niyang binaba ang maleta. Pero bago pa niya mabuksan, bigla itong sinipa ni Mariz kaya nagulat siya. Dahil sa lakas ng sipa, nabuksan ang takip at nagsikalat sa sahig ang mga damit niya.
Naikuyom ni Joanne nang mahigpit ang kamao niya dahil sa pagtitimpi.
“Kung wala kang tinatago, bakit ka matatakot?” sabi nito habang kinakaladkad ang mga gamit niya gamit ang paa.
“Mariz, tama na,” sabi niya.
“Tama na? Ikaw dapat yung tumigil! Limang taon kang namuhay dito nang libre. Tapos ngayon aalis ka na parang wala lang?”
Hindi niya pinansin ang sinasabi nito. Pinulot niya sa sahig ang mga gamit nang hindi niya nakita ang matulis na gunting. Dahilan para masugatan siya at mapadaing sa sakit. Pumatak ang dugo niya sa sahig ngunit hindi niya iyon pinansin.
“Ahhh!” napasigaw siya noong biglang hinawakan ni Mariz ang kamay niyang dumudugo. Mabilis nitong iwinaksi ang kamay niya noong bumukas ang p***o.
Iniluwa noon si Miguel na madilim ang aura. Naka-suot pa ito ng coat na parang galing sa labas. Tumingin ito sa kanya, sa kamay niyang dumudugo, sa mga kalat, at sa kapatid niyang si Mariz. Akala ni Joanne ipagtatanggol siya nito pero hindi pala. Muli na naman siyang nasaktan at umasa.
“Anong nangyayari dito?” tanong nito.
“Ikaw magtanong diyan sa asawa mo!” sabi ni Mariz na kunwaring concerned.
Tiningnan siya ni Miguel nang matagal. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya na may dumaan na awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
“Ayusin mo muna ang mga gamit mo. Manatili ka muna dito hanggang hindi pa final yung divorce.”
Biglang napakunot ang noo ni Joanne. Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod na si Miguel at hindi na lumingon pa.
At doon niya na-realize: sa bahay na iyon, hindi talaga asawa ang turing nito sa kanya. Ni minsan hindi niya naramdaman na safe siya dito. Hindi niya naramdaman ang init ng pagmamahal nito. Ang tanging turing nila sa kanya, isang bisita lang. Na pwede nilang itulak, apakan, at palayasin anytime.
Natatawang iniwan siya ni Mariz. Pagkatapos ayusin ulit ang mga gamit, bumalik siya sa kwarto. Hinugasan niya ang kamay sa lababo at tinitigan ang sugat. Maliit lang pero ang hapdi. Parang siya — maliit lang din yung pag-asa niya noon. Pero ang sakit pala kapag unti-unti nang nawala.
Kinuha niya ang phone nang maalala si Carla. Baka naghihintay na sila. Hindi niya muna itinuloy ang pag-alis noong araw na iyon. Ipinagpabukas na lang niya.
Tinitigan niya ang sugat sa palad hanggang sa naalala niya ang nakaraan. Ganito-ganito rin ang eksenang iyon.
Pagkatapos sabihin ‘yon ni Miguel, humarap siya sa yaya. “Kunin mo si Lele.” utos niya dito Pagkatapos nun, humakbang siya papunta kay Joanne. Na may madilim na mukha. Hinablot niya ang kamay ni Joanne at hinila. “Sumama ka sa akin. Uuwi tayo.” Hindi niya matanggap na may kasama si Joanne na ibang lalaki. At ang masaklap pa ay matanda na ito. At mukhang tatay na nila kung tutuusin. Sa utak niya, asawa pa rin niya ‘to. At hanggang hindi pa final ang divorce, kanya pa rin si Joanne. Napahinto si Miguel ng pigilan siya ni Misis Lin nang hilahin niya palabas si Joanne. “Hoy! Anong problema mo? Kaibigan ko si Joanne! Hindi mo siya pwedeng basta kunin!” singhal nito sabay hawak sa kabilang kamay ni Joanne. Napakamot si Miguel sa gilid ng kilay. Halatang nagpipigil. Ayaw niya ng may humaharang sa gusto niya. “Papauwiin ko ang asawa ko. May problema ba doon?” proud niyang sabi Kaya nanlaki ang mga mata ng mga taong nakarinig. Naramdaman ni Joanne ang bigat ng boses ni
"Miguel, kung gusto mong punain ang isang tulad ko bakit hindi ka muna magpakita ng isang halimbawa kahit papaano sa sarili mo?”Agad na namutla ang mukha ni Miguel at umigting ang panga. Wala siyang ideya na wala pang isang buwan mula nang mapirmahan ang kasunduan sa divorce. Malaki ang hinala niya ngayon na nagkukunwari lang sa harapan niya si Joanne noon pa man.Wala pang sumubok na sawayin si Miguel noon. Lumabas ang maliit na ugat sa noo nito. At pinipigilan sumabog ang galit. "Joanne, hindi kita sinisisi noong araw na iyon dahil nauntog mo ang noo mo. Pero ngayon dapat ay tumigil ka na!" sigaw ni Miguel kay Joanne pero hindi man lang kumurap ng isang beses si Jaonne. Hindi siya nagpakita o nagpahalata ng takot dahil sa malakulog na boses ni Miguel. Nanginig sa takot ang mga taong naroon sa boutique Lalo na si Mr. Lin. Ngunit sa harap ni Miguel nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Naawa si Mr, Lin kay Joanne kaya sumingit na siya sa usapan. "Sir,baka may hindi ka lang
“So, ano’ng ginagawa mo nga rito?!” Pag uulit na tanong ni Miguel kay Joanne. Nanginig sa takot ang mga tuhod ni Joanne, agad naman niyang pinakalma ang sarili. Yumuko siya para damputin ang nahulog na cellphone. Kumunot naman ang noo ni Miguel ng hindi siya pansinin ni Joanne. “Sinong kausap mo kanina?” Tanong ni Miguel na halatang gusto niya talagang malaman kung sino ang kausap ng asawa sa kabilang linya. “Si Yumi lang,” sagot ni Joanne. Bumilis ang tibok ng puso ni Miguel ng maalala nito ang mukha ng bata. Maamo, bilugan ang pisngi, Sa pagbanggit pa lang ng pangalan, may kung anong gumalaw sa dibdib niya. Parang may naramdaman siyang excitement ulit Katulad noong una niya itong makita. Habang iniisip niya kung bakit siya biglang nagkaganon isang malamig na boses ang narinig niya mula kay Joanne. “Pwede ko na bang kunin ang phone ko?” Walang gana nitong tanong. Napansin ni Miguel na may basag ang screen ng cell phone ni Joanne.Hindi niya namalayan na iniabot na pala
“Kailangan mo ng tetanus shot. Malalim yung sugat mo.” Caring niyang sabi kaya napakurap si Joanne. Naalala niya bigla noong pinilit siya ng biyenan niyang lumuhod sa harap ng altar. Nasugatan ang tuhod niya at dumugo. Ilang araw lang ang nakalipas, noong naglilinis siya sa bodega, nabangga ang likod niya sa mga kahon tapos ang bilis niyang nagkapasa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na napunta si Dok. Vince sa Villa Real dahil sa kanya. “Salamat sa tulong mo, Dok,” mahina niyang sabi. “Walang anuman,” sagot nito at maingat niyang binalot ng benda ang palad niya. Tapos nagpaalam na itong uuwi na.— Lumabas si Joanne kahit pinagbawal ni Dok. Vince. Maliit lang ang sugat kahit na malalim. Napadaan siya sa office ni Miguel. Bahagyang nakabukas ng maliit ang pinto. Kaya dahan-dahan siyang lumapit. Nakita niyang naroon pa pala si Vince at mukhang may pinag-uusapan sila kaya nakinig siya.“Halos maging personal doctor na ako ng pamilya niyo,” biro ni Vince kay Miguel. “Ilang
Noon, natatandaan ni Joanne na naglilinis si Mang Ben sa bodega. May nakita itong isang box ng vitamins. Malapit na iyon mag-expire at itatapon na raw. Pinanghinayangan iyon ni Mang Ben at maging si Joanne ay nanghinayang din. Siya na mismo ang nag-alok kay Mang Ben na itapon ang mga iyon. Saka malas-malasan ng araw na iyon, nakita siya ni Mariz na buhat-buhat ang box na puno ng vitamins. Isang maling hinala ang pumasok sa isip nito. Palihim siyang kinuhaan ng picture ni Mariz nang hindi niya alam.Saktong pagbalik niya sa loob ng mansyon, bigla na lang itong sumigaw sa sala. “Magnanakaw ka! Nagnakaw ka sa bahay namin para sa pamilya mo!” sigaw nito sa kanya kaya nagtaka si Joanne dahil hindi niya ito maintindihan. “Ano bang sinasabi mo? Hindi ako magnanakaw,” sabi niya noon na hindi man lang natakot. “Huwag mo kong pagbintangan,” dagdag pa niya.Ngumisi lang si Mariz. “Mas mabuti umamin ka na. Kung hindi, mas gagulo pa ito! Kung hindi ka nagnakaw, bakit nasa kamay mo ang bot
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa Science Center, Manila na si Joanne kasama ang dalawa niyang anak at ang bestfriend niyang si Carla. Dumiretso muna sila sa garden area. Hawak ni Joanne ang file para sa meeting nila about AI strategic partnership. Nakasunod lang sa kanila ang assistant niyang si Han.Umupo si Joanne sa bench at lumanghap ng sariwang hangin. Ang ganda ng ambiance ng garden, mas nagbigay kulay sa paligid ang iba’t-ibang mamahaling bulaklak. Bigla niyang naalala na hindi niya nagagawa ang bagay na ito noong naka-focus pa ang buo niyang atensyon kay Miguel. Pero ngayon, bumabawi na siya para sa sarili niya. Kung dati isa lang siyang hamak na asawa sa papel, ngayon isa na siyang magaling na translator at may sarili nang kinikita galing sa dugo at pawis niya. Kayang-kaya na niyang buhayin ang dalawa niyang anak. Hindi alam ni Miguel iyon dahil wala naman itong paki-alam sa mga ginagawa niya. Ang bilin lang nito, huwag siyang gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilya at neg







