Compartir

CHAPTER 5 : HOUSE RULES

Autor: ATE BHIETAT
last update Fecha de publicación: 2026-07-29 17:22:06

“Kailangan mo ng tetanus shot. Malalim yung sugat mo.”

Caring niyang sabi kaya napakurap si Joanne. Naalala niya bigla noong pinilit siya ng biyenan niyang lumuhod sa harap ng altar. Nasugatan ang tuhod niya at dumugo. Ilang araw lang ang nakalipas, noong naglilinis siya sa bodega, nabangga ang likod niya sa mga kahon tapos ang bilis niyang nagkapasa.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na napunta si Dok. Vince sa Villa Real dahil sa kanya.

“Salamat sa tulong mo, Dok,” mahina niyang sabi.

“Walang anuman,” sagot nito at maingat niyang binalot ng benda ang palad niya. Tapos nagpaalam na itong uuwi na.

—

Lumabas si Joanne kahit pinagbawal ni Dok. Vince. Maliit lang ang sugat kahit na malalim. Napadaan siya sa office ni Miguel. Bahagyang nakabukas ng maliit ang p***o. Kaya dahan-dahan siyang lumapit. Nakita niyang naroon pa pala si Vince at mukhang may pinag-uusapan sila kaya nakinig siya.

“Halos maging personal doctor na ako ng pamilya niyo,” biro ni Vince kay Miguel.

“Ilang araw pa lang ang nakalipas, nasugatan na naman asawa mo?” rinig niyang tanong ni Vince sa asawa niya. Nasa boses pa rin nito ang pag-aalala.

Nakita ni Joanne na tinaas ni Miguel ang tingin niya na may ngisi sa labi.

“Kontrata lang ‘yon. Hindi ko siya asawa.”

Halos manigas si Joanne sa kinatatayuan niya dahil sa sagot ni Miguel. Hanggang kailan? Hanggang kailan siya ituturing na tunay na asawa, hindi yung sa kontrata lang.

Nakita niyang inayos ni Dok. Vince ang salamin niya. At lumapit sa mesa ng asawa niya.

“Kung hindi mo siya asawa, bakit pinarehistro mo pa ang kasal niyo noong una pa lang?” Maging si Joanne ay na-curious din sa magiging sagot ni Miguel dahil tama naman ang tanong ni Vince sa kanya.

“Ganito ba kayo mantrato ng tao pagkatapos niyong ikasal?” tanong ulit ni Vince.

Nakita niyang kumunot ang noo ni Miguel.

“Hindi siya inaapi ng pamilyang Villanueva.”

“Siya mismo yung walang delika—.” Hindi na nito tinuloy ang sasabihin at napapikit na lang nang mariin.

Bumuntong-hininga si Dok. Vince at tumayo nang tuwid.

“Malalim ang sugat sa palad niya. Kailangan iyon tahiin. Hindi siya pwedeng magtrabaho muna. Ipaalaga mo siya sa mga katulong. At bawal din iyon mabasa.”

Mahabang sabi ni Vince. Nanonood at nakikinig lang si Joanne sa kanilang dalawa sa labas ng p***o. Pero parang nalusaw ang puso niya dahil kay Vince.

Napatitig si Miguel kay Vince at biglang nagbago ang aura niya.

“Ano bang problema mo, Vince? Dati tahimik ka lang kapag may ganitong pangyayari! Bakit ngayon, ang dami mo nang sinasabi? Iniisip mo ba siya o baka naman nag-aalala ka sa kanya!” nalilitong tanong ni Miguel sa kaibigan.

Maging si Vince ay nalilito rin ang ekspresyon sa mukha.

“Doktor ako. Natural na maawa ako. Ayoko lang makakita sa panahon ngayon na may mga tao pa ring nagpapa-luhod at nanakit ng ganito.”

Mas lalong dumilim ang aura ni Miguel. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Vince.

“Aalis na ako. Alagaan mo ng mabuti ang asawa mo!”

Biglang bumalik si Joanne sa kwarto dahil ayaw niyang mahuli siya ng sino man sa kanila.

---

Samantala

Masayang nag-uusap sa kabilang linya sina Jasmine at Mariz.

“Ate, sabi mo nakaraan binastos ka ni Joanne sa ospital? Kaya gumawa ako ng dahilan para magalit sa kanya si Kuya kanina,” sabi ni Mariz.

Sa kabilang linya naman kumislap ang mga mata ni Jasmine dahil sa tuwa.

“Mariz, parang hindi yata maganda ‘yon?” kunwari nitong sabi.

“Ate Jasmine, hayaan mo na. Saka ang bait mo kasi,” sabi ni Mariz habang masayang kausap ang babaeng gusto niya para kay Miguel.

Lalong lumawak ang ngiti ni Jasmine. Masaya siya. At sa loob-loob niya, madali lang niyang nakuha ang loob ni Mariz. At mayroon na siyang katulong kung paano mapapaalis si Joanne sa buhay ni Miguel.

“Ate Jasmine, sa susunod na linggo punta tayo sa Cherry Blossom Lake. Magpa-picture tayo,” yaya ni Mariz dito.

“Hindi pwede. May lakad ako. Manood ng sine at mag-shopping,” nahihiyang sagot ni Jasmine.

Napatawa naman si Mariz.

“Aba, kaya pala. May date ba kayo ni Kuya?” tanong ni Mariz.

---

Maghapon lang na nakahiga at nagkulong si Joanne sa kwarto dahil iyon ang sabi ni Vince sa kanya noong bumalik ito. At tuluyang umalis. Tinawagan na lang niya si Carla para sabihin dito.

“Ano? Hindi ka pinayagan ng walang hiyang Miguel na umalis diyan?” gulat na tanong ni Carla. Nailayo ni Joanne sa tenga ang cellphone dahil sa pagsigaw nito.

“Oo,” pagod niyang sagot. “Hindi niya ako pinayagan lumipat. Dito daw muna ako sa Villa Real hangga’t hindi pa natatapos yung sa divorce.”

Inis niyang sabi.

“Ha! Ehh bakit naman? Ano bang pinaplano ng mukong na iyon sayo!” tanong ni Carla halatang nang-gigigil.

“Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya,” sabi niya.

Nainis din si Carla at narinig pa niya ang buntong-hininga nito.

“Inaabangan ka ng mga bata. Akala nila uuwi ka ngayon,” malungkot na sabi ni Carla.

Kaya nalungkot din si Joanne dahil miss na miss na niya ang mga kambal niya. Tiningnan niya ang kamay niya. Mas mabuti sigurong huwag muna nila siyang makita. Baka malungkot sila pag nakita ang sugat niya.

“Babalik ako sa ilang araw. Maghintay lang sila. Pagkatapos ng divorce, okay na ang lahat.”

“Sige. Sasabihin ko sa mga bata. Yumi, Sky, halika kayo. Kausapin niyo si Mommy,” tawag nito sa mga anak niya.

Bigla na lang napayakap si Joanne sa unan dahil sa lungkot para sa mga anak niya. Hindi niya magawang makasama sila ng matagal kahit gustuhin niya man.

“Mommy, hindi ka pa po ba uuwi?” boses ni Yumi ang narinig niya. Malambing na may halong lungkot. Kaya napatakip siya sa bibig niya.

“Hi baby, uuwi din si mommy okay? Miss ko na kayo.” Pinigilan niyang huwag makagawa ng isang hikbi para hindi nito marinig.

“Okay po mommy. Miss na rin po namin ikaw,” sagot nito at pinatay na niya ang tawag.

---

Sa kabila

Kung saan naroon ang garden, hindi pinapansin ni Miguel ang galit ng nanay niya.

“Matagal nang nagtatrabaho si Aling Linda sa pamilya natin,” sabi ng mommy niya. “Bakit mo siya tinanggal?” inis na segunda ng mommy niya.

“Kailangan may managot pag may nagkamali,” kalmadong sagot ni Miguel.

“Hindi ba’t dahil kay Joanne ‘yon? Kung hindi siya pumalag, hindi sana siya nasaktan ni Aling Linda.”

“May tama at mali. Iyon ang rules ng pamilyang Villanueva,” sagot ni Miguel.

Tumahimik sandali ang nanay niya. Siya rin naman kasi ang nagsabi noon dati noong dumating si Joanne sa buhay nila.

Iginala ni Miguel ang paningin niya. Tapos nakita niya si Joanne sa sulok ng garden. Bumaba ito habang kausap pa din ang mga anak sa kabilang linya. Gulat na gulat si Joanne ng makitang nasa harapan niya na si Miguel. Salubong ang mga kilay nito habang matalim na nakatingin sa kanya. Dahil sa gulat bigla na lang nahulog ni Joanne ang cellphone.

“Anong ginagawa mo?” galit na tanong niya kay Miguel.

Pero hindi ito kumibo at Lumapit pa ng kaunti sa kanya. Isang hakbang lang para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Naamoy ni Joanne ang paborito nitong pabango. Yung pamilyar na amoy na dati niyang iniintay pag-uwi nito galing company.

“Manatili ka dito sa Villa Real,” sabi niya gamit ang mababang boses. “Hanggang sa matapos yung divorce natin.” Medyo malungkot ang tono pero ipinilig na lang ni Joanne ang ulo dahil baka guni-guni niya lang iyon.

“Kaya mo ba ako kinukulong dito?” tanong niya dito. “Matatapos na ang kontrata natin, Miguel,” sabi niya ulit.

Umayos ito ng tayo at nagpamulsahan sa harap niya. Tiningnan siya nito from head to toe. Yung benda sa kamay niya. Yung maputla niyang mukha. Parang sinusuri siya nito. Napapikit si Joanne nang biglang inangat nito ang kaliwa niyang kamay. Parang sasampalin siya kaya hinarang niya agad ang dalawa niyang braso. Agad ibinaba ni Miguel ang kamay niya, gusto niyang haplusin ang buhok ni Joanne pero pinigilan niya ang sarili.

“You think sasaktan kita? Tss. Saka hindi naman kita kinukulong,” sabi nito.

“Iyan ang rules ko. Habang asawa pa rin kita sa papel, dito ka dapat nakatira.” Matigas nitong sabi kaya napatawa si Joanne nang mahina.

“Asawa?” tumawa siya nang mapait at tiningnan ito ulit sa mata.

“Kung asawa mo ko, bakit hindi mo ko ipinagtanggol kanina? Bakit hinayaan mo si Mariz na halughugin ang mga gamit ko?” tanong niya pero hindi ito sumagot at sa iba tumingin.

“Bawal kang umalis. Yun lang,” sabi nito.

Malinaw sa kanya na hindi siya mahal ni Miguel dahil paulit-ulit nitong pinaparamdam iyon sa kanya emotionally. At harap-harapan pa talaga kung bumanat ito kasama ang kabit nito. Pero yung mga kinikilos nito, kakaiba. Ilang saglit silang naging tahimik na para bang parehong pinapakiramdaman ang isat-isa.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 146: KOMPRONTA

    Tahimik ang loob ng kotse, pero parang may bagyong namumuo sa pagitan nina Miguel at Andrea.Sa backseat, tahimik na umiiyak si Milo. Apat na taong gulang pa lamang siya, pero pilit niyang pinipigilan ang paghikbi. Hawak niya ang tuhod niyang may maliit na gasgas na nilagyan ng panyo ni Joanne bago siya tuluyang hilahin ni Andrea palayo sa garden.Hindi naman ganoon kasakit ang sugat niya. Mas masakit para sa kaniya ang nangyari sa birthday party ni Hope.Hindi niya maintindihan kung bakit nagalit si Mama Andrea. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sinigawan ni Papa Miguel ang kaniyang ina. Ang alam lang niya, gusto niyang bumalik sa bahay nina Hope para makapaglaro silang muli.Sa driver's seat, mahigpit ang hawak ni Andrea sa manibela. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa galit at sama ng loob na kanina pa niya kinikimkim."Put*ngina talaga, Miguel! Nakita mo ba ang ginawa nila sa akin? Pinahiya nila tayo sa harap ng lahat! Tapos ikaw, ano ang ginawa mo? Kinampihan mo pa sila

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 145 :ANG PAGPUTOK NG SELOS

    Tahimik na ang buong garden matapos sumigaw ni Andrea. “WAG MONG HAWAKAN ANG ANAK KO!” Napahinto ang lahat ng bisita. Ang dating masayang selebrasyon ng ikalimang kaarawan ni Hope ay napalitan ng tensiyon at takot. Nasa sahig pa rin si Milo, hawak ang kaniyang tuhod na may maliit na gasgas. Hindi naman malalim ang sugat, pero umiiyak ang bata. Hindi lamang dahil sa sakit, kundi dahil sa sigawan ng mga matatanda sa paligid niya. Lumuhod si Joanne sa harap ni Milo. Gusto niya sanang tingnan ang sugat ng bata, pero hindi siya makalapit dahil nakaharang si Andrea. “Andrea, tama na. Bata lang sila. Naglalaro lang naman sila. Gasgas lang 'yan, kaya puwede nating linisin at lagyan ng gamot,” mahinahong paliwanag ni Joanne kahit nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya. “Gasgas lang sa paningin mo kasi hindi mo anak!” sigaw ni Andrea. “Anak ko 'yan! Ako ang ina niya! Wala kang karapatang hawakan siya, at wala kang karapatang pagsabihan siya!” Napatayo si Joanne. Hindi siya makapaniw

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 144: ANG MASAKIT NA SALITA

    Nasa sahig pa rin non si Milo, hawak ang tuhod na may gasgas. At dumudugo nang kaunti, pero hindi naman malala. Hindi siya umiiyak dahil sa sugat, kundi dahil sa takot. Takot siyang makita ni Andrea na may dugo siya at may kalat sa sahig.Kasi sa bahay nila kapag si Andrea lang ang kasama niya, pag may kalat siya pinapagalitan siya. Pag may dumi ang damit niya, sinisigawan siya. Kaya nung nakita niyang may dugo ang tuhod niya at nadumihan ang shorts niya, ang unang pumasok sa isip ng apat na taong gulang na bata, mapapagalitan siya ng Mommy niya. "Wag po... wag po Tita... sorry po..." umiiyak na sabi ni Milo kay Joanne na papalapit na sa kanya, habang nanginginig ang kamay."Milo, anak, hindi kita papagalitan.Hindi kita aawayin. Titingnan lang ni Tita yung sugat mo ha? Konting gasgas lang yan, lagyan natin ng band-aid," malambing na sabi ni Joanne.Lumuhod agad si Joanne sa lupa , hindi alintana na madumihan ang dress niya. Aabutin na sana niya si Milo para tingnan ang sugat.Pero

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 143: BAGONG KAAWAY

    Si Andrea naman, hindi man lang ngumiti pabalik kay Joanne. Ang mata niya, nasa loob ng bahay. Tinitignan niya ang mga larawan sa pader — family picture nina Joanne, Vince, at ng tatlong bata. Tinitignan niya kung paano kabisado ni Miguel ang bahay na ito, kung paano siya dumiretso sa kusina para kumuha ng plato nang hindi na nagpapaalam. Kung paano siya tawagin nina Yumi at Sky na "Daddy Migs". Para siyang parte pa rin ng pamilyang ito. At doon sumakit ang dibdib ni Andrea. Na malapit pa rin sa puso ng lalaki ang pamilya ni Joanne, bagay na dapat ay sa kanya. "Pasok kayo, Andrea. Kumain muna kayo," sabi ni Vince na lumapit at inabutan ng kamay si Miguel para kumustahin. "Pasensya na kayo, Joanne, Vince ha. Biglaan lang, nagpumilit kasing sumama si Andrea. Gusto niya raw makilala si Hope," bulong ni Miguel na halatang hiyang-hiya. Umupo si Andrea sa isang upuan sa pinakagilid, malayo sa handaan. Karga niya pa rin si Milo kahit gusto nang bumaba ni Milo at makipaglaro. Ang mg

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 142: 5 YEARS LATER

    LIMANG TAON ang lumipas.Kung may himala man na nangyari nung gabing umuulan na yon — nung gabing akala ni Vince ay mawawala na ang mag-ina niya sa ER — ito na yon ang batang si Hope. Nasa ikalimang taon na si Hope Delos Reyes. Ang dating 5 weeks na sanggol na kumapit sa sinapupunan ng ina para lang mabuhay, ngayon ay isang batang babae na malikot, bibo, at ang boses ay parang kampana sa buong bahay. Kamukhang-kamukha ni Joanne ang mukha, bilugan at maputi, pero pag tumawa siya nang malakas, mata at ilong ni Vince ang makikita mo. Spoiled siya, oo, pero sa pagmamahal. Lumaki siyang alam niyang pinagdasal siya.Ang kambal na sina Yumi at Sky, 9 years old na. At nasa Grade 4. Malaki na ang pinagbago nila. Si Yumi, hindi na yung batang umiiyak lang sa gilid. Siya na ang pangalawang nanay ni Hope. Siya ang nag-aayos ng buhok ni Hope tuwing umaga, siya ang nagtuturo kay Hope magsulat ng pangalan. Sobrang protective niya. Si Sky naman, tahimik pa rin pero mas malalim mag-isip. Mahilig pa r

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 141: ANG BAGONG PAMILYA

    Ang lakas ng ulan nang gabing yon habang mabilis ang pagmamaneho ni Miguel ng kotse.Karga ni Vince sa backseat si Joanne na namimilipit sa sakit ng tiyan . Kabado si Vince habang nakikita ang mukha ng asawa na sobrang nasasaktan. Nag aalala siya sa mag ina ina niya “Ang sakit! Hindi ko na Kaya!” Sabi ni Joanne habang iniinda ang sakit ng tiyan. "Wife, kumapit ka lang. Malapit na tayo sa ospital . Kumapit kayo ni baby," bulong ni Vince sa tenga ni Joanne. Nanginginig ang kamay niya habang hinahaplos ang pawisang noo ng asawa. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa anak at asawa niya. Hindi niya alam na ganon ang idudulot ng kunti nilang pagtatalo. Sa mag asawa kasi hindi naman talaga maiiwasan ang mag away. Hindi na non sumagot si Joanne. Ang kaninang kirot sa puson niya bigla na lang siyang nakaramdam ng mainit na likido. Pagtingin niya sa palda niya, may bahid na ng dugo. Hindi marami, pero sariwa. Sapat yon para matakot ang isang inang tulad niya. T

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status