Home / Romance / ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE / CHAPTER 6 : ARE YOU SICK?

Share

CHAPTER 6 : ARE YOU SICK?

Author: ATE BHIETAT
last update publish date: 2026-07-30 08:17:43

“So, ano’ng ginagawa mo nga rito?!” Pag uulit na tanong ni Miguel kay Joanne.

Nanginig sa takot ang mga tuhod ni Joanne, agad naman niyang pinakalma ang sarili. Yumuko siya para damputin ang nahulog na cellphone.

Kumunot naman ang noo ni Miguel ng hindi siya pansinin ni Joanne. “Sinong kausap mo kanina?” Tanong ni Miguel na halatang gusto niya talagang malaman kung sino ang kausap ng asawa sa kabilang linya.

“Si Yumi lang,” sagot ni Joanne.

Bumilis ang tibok ng puso ni Miguel ng maalala nito ang mukha ng bata. Maamo, bilugan ang pisngi, Sa pagbanggit pa lang ng pangalan, may kung anong gumalaw sa dibdib niya. Parang may naramdaman siyang excitement ulit Katulad noong una niya itong makita.

Habang iniisip niya kung bakit siya biglang nagkaganon isang malamig na boses ang narinig niya mula kay Joanne.

“Pwede ko na bang kunin ang phone ko?” Walang gana nitong tanong.

Napansin ni Miguel na may basag ang screen ng cell phone ni Joanne.Hindi niya namalayan na iniabot na pala ni Joanne ang kanang kamay, saka inilipat sa kaliwa para tanggapin.

Nang makita niyang may benda ang kamay ng babae , nagbago ang ekspresyon niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya.

“Ang kamay mo, saabi ni Dok Vince, kailangan mong ipahinga ‘yan ng isang linggo. Huwag mong babasain.” Mababakas sa boses ni Miguel ang Kunting pag alala para kay Joanne.

Kinuha ni Joanne ang cellphone ng walang imik. Tumalikod na siya at umalis, wala siyang paki alam sa sinabi ng asawa dahil iniisip niyang hindi bagay dito ang magpakita ng Kunting awa.

---

Kinaumagahan, lumapit si Butler Ben sa hapag-kainan at inabot ang isang box kay Joanne.

“Ma’am, regalo po ito mula kay sir Miguel .”

Nagulat si Joanne at hindi makapaniwala . Simula nang ikasal sila, ni minsan hindi siya nakatanggap ng kahit ano galing kay Miguel.

Ngayong maghihiwalay na sila, bakit bigla na lang nagiging mabait.

Binuksan niya ang box, tumambad sa harapan niya ang mamahaling cellphone na halatang limited edition.

Ngumiti si Butler Ben.

“Ma’am, sabi po ni Sir nasira raw ang phone niyo kahapon. Kaya binilhan niya po kayo ng bago.”

“Hindi na kailangan. Kaya ko naman—”

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang biglang inagaw ni Mariz ang box.

“Hindi dapat sa kanya ‘yan! Butler Ben, nagkakamali ka ng binibigyan. Para sa akin ‘to.” malditang wika ni Mariz sabay ngisi kay Joanne.

Ilang saglit pa ng pumasok si Miguel sa loob, nakita niyang Hawak-hawak ng kapatid ang cellphone na dapat ay sa asawa niya.

“Mariz, anong ginagawa mo?” malamig niyang tanong habang mabigat ang awra at presensya.

“Kuya, hindi ba’t para sa akin ‘to?” naglalambing na tanong ni Mariz.

“Kung gusto mo, pwede ka naman bumili ng sayo. Ibalik mo ‘yan,” matigas na sagot ni Miguel.

Agad na sumimangot si Mariz. Sinulyapan niya si Joanne na tahimik lang sa hapag, habang ang mga mata niya ay puno ng panglalait ang tingin kay Joanne.

“Kuya, probinsyana lang naman siya. Bakit mo pa bibigyan ng bago? Masasayang lang!” Inis na sabi ni Mariz at nagdabog pa.

Dumilim ang mukha ni Miguel ng mga oras na iyon.

“Mariz! Miyembro ka ng pamilyang Villanueva . Nasaan ang respeto mo?” Galit na sambit ni Miguel.

Nanahimik si Mariz ng mga sandaling iyon, galit niyang sinulyapan si Joanne at inihagis niya ang box sa mesa saka umalis.

Itinulak din ni Joanne ang box sa gitna ng mesa.

“I'm sorry , but I don't need this. Salamat.”

Tiningnan siya ni Miguel ng may pagtataka at walang emosyon. Napansin niyang ibinaba ng lalaki ang kutsara at matalim siyang tiningnan.

“Nasira ang phone mo kahapon. Kasalanan ko rin ‘yon. Ituring mo na ‘tong bayad. Bahala ka na kung gagamitin mo.” May bahid ng inis ang boses ni Miguel.

Magsasalita pa sana si Joanne nang tumunog ang phone ni Miguel. Hindi alam ni Joanne kung na nanadya ba si Miguel na iparinig sa kanya kung sino ang nasa kabilang linya. Awtomatikong umangat ang isang kilay ni Joanne ng mabosesan kung sino ang nasa vedio call. Narinig niya ang malambing na boses ni Jasmine. Naiinis siya dahil sa pamamaraan ng boses ni Jasmine kung paano mag lambing.

“Tss parang kambing na sinasakal!” Bulong ni Joanne sa sarili at pinigilan na huwag matawa.

“Babe , hinihintay kita. Susunduin mo ba ako?” Tanong ni Jasmine.

“Sige, pupuntahan kita.” Sagot ni Miguel na walang pag alinlangan saka iniwan si Joanne mag isa sa hapag.

Nagpatuloy sa pagkain si Joanne, wala naman siyang paki-alam sa mga narinig niya. Dahil sa loob ng apat na taon sinanay siya ni Miguel sa ganoong sitwasyon. Kaya kahit maglambingan pa ang mga ito sa harapan niya mismo balewala lang iyon sa kanya. Bumalik lamang sa tamang wisyo si Joanne ng marinig ang boses ni Butler Ben.

“Ma’am, tanggapin niyo na. Apat na taon na rin ‘yang phone niyo.” Nakayukong sabi ni Butler Ben.

Ilang minuto niya tinitigan ang box sa harapan, ilang taon din naman siyang nag tipid para sa dalawa niyang anak at sa nanay sa nursing home. Totoong napakaluma na talaga ang cellphone niya. Napabuntong hininga siya at kinuha ang box.

“Sige,salamat.” Nakangiting sabi niya kay Butler Ben.

Sa isip niya marami na rin naman siyang nagawa para sa lalaking ‘yon. Karapatan niyang tanggapin ang ano man bagay na ibibigay sa kanya.

Siya ang nag-alaga dito noong unang taon niya sa Royal Bay, inaral niya lahat ng paborito nitong pagkain. Gumawa pa siya ng mga masustansyang sopas para hindi sumakit ang tiyan nito.Kinuha niya ang phone saka umalis.

---

*VALERIE BOTIQUE*

Malamig ang aircon at amoy na amoy ni Joanne ang mamahaling pabango sa shop na iyon.

Naka-upo si Joanne sa gilid, naka-low ponytail, simpleng damit at may dalang backpack. Halatang hindi siya bagay sa mamahaling store na iyon.

Katabi niya sa kabilang upuan si Mr. Lin na magalang siyang kinakausap.

“Ms. Jo, salamat sa pagsama sa asawa ko mag-fitting. Pumili ka na rin bilang pasasalamat ko.” Anyaya ni Mr, Lin.

“Baku, hindi na po” ngiti niyang sagot.

Samantala, naroon din sa boutique na iyon si Jasmine kasama si Miguel. Habang naghahanap ng mabibili si Jasmine ng matuon ang paningin niya kay Joanne at sa lalaking kasama nito. Agad na rumehistro sa mukha niya ang ngisi.

“Joanne?” Malakas nitong tawag sa pangalan.

Nang marinig iyon ni Joanne napalingon siya sa likuran, nandoon si Jasmine naka angkla sa braso ni Miguel ang isang kamay nito. Tinapunan niya ng tingin ang asawa naka itim na suit—matangkad, guwapo, at malamig ang tingin sa kanya.

Nang makita ni Miguel si Joanne na kausap si Mr. Lin, kumunot agad ang noo niya sa inis. Kumuyom ang mga kamao ng palihim.

“Ate Joanne, sino ‘tong kasama mo?” kunyaring tanong ni Jasmine na naguguluhan. Pagkatapos ay biglang nagtakip ng bibig na parang nagulat sa nakita . “Ay, pasensya na naistorbo ko ba kayo?” Tanong ulit ni Jasmine.

“Jasmine , sa susunod na makita mo ako, magkunwari ka na lang na hindi mo ako kilala. Ang malas ng araw ko dahil ikaw pa ang nakita ko.” Natigilan si Jasmine sa narinig.

“Ate Joanne,binabati lang naman kita nang maayos. Bakit mo ako sinisigawan?” kunwari nitong nasasaktan at may bahid ng kahihiyan.

Tiningnan lamang siya ni Joanne mula ulo hanggang paa. At sarkastiko na ngumisii.

“Huwag mo kong tawaging Ate! Dahil mas mukha kang matanda kaysa sa akin!”

Mas matanda pa nga ito kay Miguel ng isa o dalawang taon. Hindi niya alam kung saan kinukuha ng babaeng iyon ang kapal ng mukha para tawagin siyang ate.

Nanating walang ekspresyon si Miguel. Kasing lamig ng yelo ang mga mata niya.

“Joanne, anong klaseng ugali ‘yan? Hindi ba’t sinabihan na kitang mag-ingat ka sa mga sinasabi mo? Bingi ka ba?” Umiigting ang panga ni Miguel dahil sa galit.

Tiningnan lamang sila ni Joanne na walang kabuhay-buhay na parang mga basura na patapon na ang buhay. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kina-uupuan at inayos ang sarili. Mabilis na nagbago ang awra niya ng muling humarap sa dalawa. Katulad ng kay Miguel, walang emosyon at ekspresyon sa mukha ni Joanne. Bagay na natutunan niya kay Miguel.

“Miguel, masakit ba ang ulo mo?” malamig niyang tanong sa asawa. Kaya naman napakunot ang noo ni Miguel dahil hindi niya alam kung bakit iyon ang naging tanong ni Joanne.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 146: KOMPRONTA

    Tahimik ang loob ng kotse, pero parang may bagyong namumuo sa pagitan nina Miguel at Andrea.Sa backseat, tahimik na umiiyak si Milo. Apat na taong gulang pa lamang siya, pero pilit niyang pinipigilan ang paghikbi. Hawak niya ang tuhod niyang may maliit na gasgas na nilagyan ng panyo ni Joanne bago siya tuluyang hilahin ni Andrea palayo sa garden.Hindi naman ganoon kasakit ang sugat niya. Mas masakit para sa kaniya ang nangyari sa birthday party ni Hope.Hindi niya maintindihan kung bakit nagalit si Mama Andrea. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sinigawan ni Papa Miguel ang kaniyang ina. Ang alam lang niya, gusto niyang bumalik sa bahay nina Hope para makapaglaro silang muli.Sa driver's seat, mahigpit ang hawak ni Andrea sa manibela. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa galit at sama ng loob na kanina pa niya kinikimkim."Put*ngina talaga, Miguel! Nakita mo ba ang ginawa nila sa akin? Pinahiya nila tayo sa harap ng lahat! Tapos ikaw, ano ang ginawa mo? Kinampihan mo pa sila

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 145 :ANG PAGPUTOK NG SELOS

    Tahimik na ang buong garden matapos sumigaw ni Andrea. “WAG MONG HAWAKAN ANG ANAK KO!” Napahinto ang lahat ng bisita. Ang dating masayang selebrasyon ng ikalimang kaarawan ni Hope ay napalitan ng tensiyon at takot. Nasa sahig pa rin si Milo, hawak ang kaniyang tuhod na may maliit na gasgas. Hindi naman malalim ang sugat, pero umiiyak ang bata. Hindi lamang dahil sa sakit, kundi dahil sa sigawan ng mga matatanda sa paligid niya. Lumuhod si Joanne sa harap ni Milo. Gusto niya sanang tingnan ang sugat ng bata, pero hindi siya makalapit dahil nakaharang si Andrea. “Andrea, tama na. Bata lang sila. Naglalaro lang naman sila. Gasgas lang 'yan, kaya puwede nating linisin at lagyan ng gamot,” mahinahong paliwanag ni Joanne kahit nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya. “Gasgas lang sa paningin mo kasi hindi mo anak!” sigaw ni Andrea. “Anak ko 'yan! Ako ang ina niya! Wala kang karapatang hawakan siya, at wala kang karapatang pagsabihan siya!” Napatayo si Joanne. Hindi siya makapaniw

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 144: ANG MASAKIT NA SALITA

    Nasa sahig pa rin non si Milo, hawak ang tuhod na may gasgas. At dumudugo nang kaunti, pero hindi naman malala. Hindi siya umiiyak dahil sa sugat, kundi dahil sa takot. Takot siyang makita ni Andrea na may dugo siya at may kalat sa sahig.Kasi sa bahay nila kapag si Andrea lang ang kasama niya, pag may kalat siya pinapagalitan siya. Pag may dumi ang damit niya, sinisigawan siya. Kaya nung nakita niyang may dugo ang tuhod niya at nadumihan ang shorts niya, ang unang pumasok sa isip ng apat na taong gulang na bata, mapapagalitan siya ng Mommy niya. "Wag po... wag po Tita... sorry po..." umiiyak na sabi ni Milo kay Joanne na papalapit na sa kanya, habang nanginginig ang kamay."Milo, anak, hindi kita papagalitan.Hindi kita aawayin. Titingnan lang ni Tita yung sugat mo ha? Konting gasgas lang yan, lagyan natin ng band-aid," malambing na sabi ni Joanne.Lumuhod agad si Joanne sa lupa , hindi alintana na madumihan ang dress niya. Aabutin na sana niya si Milo para tingnan ang sugat.Pero

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 143: BAGONG KAAWAY

    Si Andrea naman, hindi man lang ngumiti pabalik kay Joanne. Ang mata niya, nasa loob ng bahay. Tinitignan niya ang mga larawan sa pader — family picture nina Joanne, Vince, at ng tatlong bata. Tinitignan niya kung paano kabisado ni Miguel ang bahay na ito, kung paano siya dumiretso sa kusina para kumuha ng plato nang hindi na nagpapaalam. Kung paano siya tawagin nina Yumi at Sky na "Daddy Migs". Para siyang parte pa rin ng pamilyang ito. At doon sumakit ang dibdib ni Andrea. Na malapit pa rin sa puso ng lalaki ang pamilya ni Joanne, bagay na dapat ay sa kanya. "Pasok kayo, Andrea. Kumain muna kayo," sabi ni Vince na lumapit at inabutan ng kamay si Miguel para kumustahin. "Pasensya na kayo, Joanne, Vince ha. Biglaan lang, nagpumilit kasing sumama si Andrea. Gusto niya raw makilala si Hope," bulong ni Miguel na halatang hiyang-hiya. Umupo si Andrea sa isang upuan sa pinakagilid, malayo sa handaan. Karga niya pa rin si Milo kahit gusto nang bumaba ni Milo at makipaglaro. Ang mg

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 142: 5 YEARS LATER

    LIMANG TAON ang lumipas.Kung may himala man na nangyari nung gabing umuulan na yon — nung gabing akala ni Vince ay mawawala na ang mag-ina niya sa ER — ito na yon ang batang si Hope. Nasa ikalimang taon na si Hope Delos Reyes. Ang dating 5 weeks na sanggol na kumapit sa sinapupunan ng ina para lang mabuhay, ngayon ay isang batang babae na malikot, bibo, at ang boses ay parang kampana sa buong bahay. Kamukhang-kamukha ni Joanne ang mukha, bilugan at maputi, pero pag tumawa siya nang malakas, mata at ilong ni Vince ang makikita mo. Spoiled siya, oo, pero sa pagmamahal. Lumaki siyang alam niyang pinagdasal siya.Ang kambal na sina Yumi at Sky, 9 years old na. At nasa Grade 4. Malaki na ang pinagbago nila. Si Yumi, hindi na yung batang umiiyak lang sa gilid. Siya na ang pangalawang nanay ni Hope. Siya ang nag-aayos ng buhok ni Hope tuwing umaga, siya ang nagtuturo kay Hope magsulat ng pangalan. Sobrang protective niya. Si Sky naman, tahimik pa rin pero mas malalim mag-isip. Mahilig pa r

  • ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE    CHAPTER 141: ANG BAGONG PAMILYA

    Ang lakas ng ulan nang gabing yon habang mabilis ang pagmamaneho ni Miguel ng kotse.Karga ni Vince sa backseat si Joanne na namimilipit sa sakit ng tiyan . Kabado si Vince habang nakikita ang mukha ng asawa na sobrang nasasaktan. Nag aalala siya sa mag ina ina niya “Ang sakit! Hindi ko na Kaya!” Sabi ni Joanne habang iniinda ang sakit ng tiyan. "Wife, kumapit ka lang. Malapit na tayo sa ospital . Kumapit kayo ni baby," bulong ni Vince sa tenga ni Joanne. Nanginginig ang kamay niya habang hinahaplos ang pawisang noo ng asawa. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa anak at asawa niya. Hindi niya alam na ganon ang idudulot ng kunti nilang pagtatalo. Sa mag asawa kasi hindi naman talaga maiiwasan ang mag away. Hindi na non sumagot si Joanne. Ang kaninang kirot sa puson niya bigla na lang siyang nakaramdam ng mainit na likido. Pagtingin niya sa palda niya, may bahid na ng dugo. Hindi marami, pero sariwa. Sapat yon para matakot ang isang inang tulad niya. T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status