Share

Chapter 14 : Light's Off

ITO na ang huling burol ng Lola ni Kayden at ngayon lamang siya dinala ng asawa niya rito sapagkat hinintay pa nitong kumupas ang pasa sa kaniyang pisngi na tuluyang naikubli ng manipis niyang make up.

Napalunok si Raven nang silipin niya ang Lola ni Kayden sa loob ng coffin nito.

Medical doctor siya at hindi takot sa patay ngunit naalala niyang paborito nitong apo si Kayden kaya may mga kakatwang bagay ang sumilid sa isip niya habang sinisilip ang matanda roon.

Kinapa niya sa kaniyang tabi si Kayne at inakbayan ito bago sinulyapan.

Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa Lola nito.

Tiningnan din niya si Kayden na noon ay nakatayo sa tabi ni Kayne, nakatunghay ito at nakapikit ang mga mata, tila nanalangin.

Muli niyang tiningnan ang matanda at umusal din ng maikling panalangin para rito.

Pagkaraan ay iginiya sila ni Kayden upang maupo sa unang hanay ng mga upuan doon sa kaliwang bahagi ng silid na iyon, katapat ng kinauupuan ng ama nito kung saan katabi ang espos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status