PAGKARAAN ng mahabang sandali ay lumabas sila ni Asher sa pinagkukublihan nila at tinugpa ang salungat sa direksyong nilandas ng tatlong kalalakihan.Ngunit hindi pa man sila masyadong nakakalayo ay nakasalubong na nila ang isa sa mga humahabol sa kanila.Halos takasan siya ng hininga dahil sa abot-langit na takot lalo na nang agad nitong itutok kay Asher ang hawak na baril."Ilagay mo sa'yong ulo ang iyong mga kamay," matigas na utos nito kay Asher.Nag-aalangan pang sinunod ng binata ang utos nito habang pasimpleng sumusulyap sa kaniya, pinakikiramdaman siya."Asher!" Nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan nito."Nandito sila!" sigaw ng lalaking ito habang lumalapit sa kanila.Walang anu-ano'y hinampas nito ng hawak na baril sa mukha ang binata na agad napahandusay sa forest floor at tila nawalan ng malay."Asher!" patiling tawag niya rito.Mabilis siyang lumapit dito para daluhan ito subalit agad siyang nilapitan ng lalaki at hinatak palayo sa binata."Get off me!" gigil
HINDI niya alam kung ilang oras na ang nakalipas buhat nang makatulog siya.Pero nang imulat ni Raven ang mga mata ay medyo maliwanag na ang kapaligiran.Naririnig na rin niya ang huni ng mga pang-umagang ibon sa paligid na animo'y nag-aawitan.Ang lamig na tiniis niya nang nagdaang magdamag ay naibsan nang bahagya ngayon.Ang kirot sa mga sugat sa talampakan ay nananatiling nandoon, habang hindi na masyadong masakit ang napilay niyang paa at tiyak hindi na siya masyadong mahihirapang lumakad.Sinubukan niyang gumalaw upang magbago ng puwesto pero natigilan siya.Parang may kung anong pumigil sa kaniyang pagkilos.Kinapa niya ang baywang at ang braso ni Asher ang kaniyang nahawakan doon.Napalunok siya ng laway at awtomatikong nawala sa normal ang pulso.Noon lang niya napagtanto na nakayakap pala sa kaniya ang binata, at iyon marahil ang dahilan kung bakit ang ginaw na nararamdaman niya sa magdamag ay naibsan.She'd wished to feel his embrace again many times over the last few years,
HALOS liparin ni Asher ang kinaroroonan niya nang makita nitong ibinababa na ng pangahas ang saplot niya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.Nang ganap itong makalapit ay ubos lakas nitong hinataw ng suntok sa leeg ang abalang lalaki.Timbuwang ito sa tabi niya at hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Asher para makabawi pa, agad itong umibabaw dito."Hayop ka! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Asher habang binabayo ito ng suntok sa mukha at hindi tinigilan hanggang sa magmumog na ito ng sariling dugo at mawalan na ng malay.Tahimik siyang umiiyak habang nakatitig kay Asher.Humihingal ang binata nang huminto.Tiningnan siya nito bago siya nilapitan at masuyong inayos ang bahagya ng nakababang saplot sa kaniyang ibabang katawan.Kapwa hindi sila makapagsalita habang nakatitig sa isa't-isa. Sa mga mata nito ay naroon ang guilt. Guilt dahil siguro iniwan siya?Nagulantang siya nang makita ang lalaking may hawak na sanga ng kahoy sa likuran ni Asher, at bago pa man siya makasigaw
"A-ASHER is that you?" ulit niya.Kahit pa nga hindi siya sigurado kung sinundan nga ba siya nito ay nagbabaka-sakali siyang ito ang lumilikha ng kahit na anong kaluskos sa paligid.Subalit wala pa rin siyang natanggap na tugon.Kinabahan na siya kaya agad siyang tumayo at dahan-dahang umatras palayo.Noon biglang lumundag malapit sa kaniya ang malaking bayawak.Nagulat siya at napakaripas ng takbo sa tubig.Hindi siya tumigil hanggang sa makalayo roon.Humihingal siyang huminto sa pagtakbo at pilit na kinalma ang sarili habang tahimik na idinadalangin na sana ay nasa paligid lang si Asher.Kahit sinabi niya na hindi na siya lalapit pa rito, piping idinadalangin ng puso niya na sana ay nasa malapit ito.Halos mabingi siya sa mabilis at malakas na tibok ng kaniyang puso, nadarama rin niya ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod dahil sa labis na takot.Hindi pa man siya tuluyang kumakalma ay muli siyang napapitlag nang makarinig ng kulabsaw sa tubig.Akmang tatakbo siya pabalik kung saan
NAITAKIP ni Asher ang palad sa bibig ni Raven matapos nilang masilip kung saan nagmumula ang ingay na kanilang naririnig. Napaluha siya sa labis na takot at halos mag-collapse matapos makita kung ano iyon. Nasaan ba silang lupalop ng mundo at bakit nakikita nila ang ganoong kaganapan na akala nila ay sa isang palabas lamang nangyayari? Isa iyong grupo ng mga taong-gubat, kaiba ang diyalektong gamit ng mga ito at hindi nila maunawaan. Naka-grupo ang mga ito at tila naroon upang sumaksi sa isang iudicum iudicium kung saan ang akusado ay ang mga lalaking humabol sa kanila, na naroon at nakatali ng patayo sa bawat tulos ng kawayan sa lupa, nakapaikot ang mga ito at isa-isang sinisilaban kahit pa nga ang ilan ay mayroon pang buhay. Nakakikilabot ang sigawan ng mga lalaking iyon na sinasabayan ng mga taong-gubat ng animo'y mga wikang binibigkas sa isang ritwal. Nanatiling nakayakap ang kaliwang braso ni Asher sa baywang niya buhat sa kaniyang likuran, habang ang kanang kamay naman nito
NAKADAMA na ng pag-aalala si Raven nang makalipas na ang mahabang sandali ay hindi pa rin bumabalik si Asher.Nakatulog na siya sa paghihintay.Mababa pa ang sikat ng araw sa silangan nang umalis ang binata kanina pero ngayon ay bahagya na iyong pakubli sa kanluran.Binabaha ng pag-aalala ang kaniyang dibdib. Alam niyang sa kalagayan ng binata ay mahihirapan na itong ipagtanggol ang sarili, kaya idinadalangin niya sana naman ay walang masamang nangyari.Tinangka niyang bumangon pero agad siyang napadaing at muling napahiga nang maramdaman ang panlalata't pananakit ng buong katawan, kasabay ang humahapdi niyang sikmura.Napapikit siya at umusal ng panalangin bago sinubukang bumangon muli.Nang magawa iyon ay dumungaw siya sa ibaba.Tinanong niya ang sarili kung makakaya ba niyang bumaba roon kung susubukan niya, at hati ang tugon ng kaniyang isip.Tiningnan niya ang mga batong nakausli doon saka lakas-loob na sinimulang bumaba.Nakadarama siya ng labis na hapdi buhat sa mga sugat niya
KALUSKOS sa talahib ang ikinagising ni Raven. Nang mga oras na iyan ay mataas na ang sikat ng masiglang araw sa silangan, at kalat na ang liwanag sa kapaligiran. Akmang babalikwas siya ng bangon ng bigla siyang pigilan ni Asher. "Sshhh..." anas nito saka hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Tinitigan niya ang binata sa mga mata pababa sa labi nito na bahagya nang tuyo. Patuloy ang mga kaluskos sa talahib hanggang sa marinig nila sa paligid ang ingay ng mga taong-gubat. Humigpit ang hawak nila sa isa't isa. Tahimik siyang napaiyak sa takot. "Don't move..." bulong nito sa hangin saka sumenyas na sa mga mata nito lamang siya tumingin. Tumangu-tango siya habang nakatitig sa mga mata nito. "It's okay... " bulong muli nito sa hangin. Nasa bingit sila ng kapahamakan ng mga sandaling iyan, ngunit ang titig nito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya para maniwalang hindi pa sila matatapos doon. Unti-unting lumalapit ang kaluskos sa kinaroroonan nila habang patuloy sa pagsasalita a
NAGPATULOY sila sa paglakad ng magkahawak ang mga kamay. Tinumbok nila ang landas na sa tingin ni Asher ay tamang direksiyon. Matapos ang mahabang paglalakad ay sinapit nila ang ilog gaya ng inaasahan ng binata. Nakadama na ng pagod si Raven kaya humiling siya kay Asher na baka p'wede silang magpahinga roon sa gilid ng ilog at sumang-ayon naman ito. Inalalayan siya nitong maupo sa tipak ng makinis na bato bago ito naupo sa tabi niya.Itinusok niya sa lupa ang gulok. Tumingin siya sa binata at nakita niyang malayo ang tanaw nito. "Asher," untag niya rito. Tumingin ito sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. "Kung...palarin tayong makaalis ng buhay rito sa isla, ano ang bagay na una mong gagawin?" seryosong tanong niya sa binata. Saglit itong natigilan na wari'y nag-iisip, hindi ito nagsalita at kapagkuwan ay iniiwas ang tingin sa kaniya. She thought she'd asked the wrong question, so his temper of mind quickly changed.Napakurap siya at nakagat ang ibabang labi bago iniiwas