Share

Chapter 23 : Flashback

PAGKARAAN ng mahabang sandali ay lumabas sila ni Asher sa pinagkukublihan nila at tinugpa ang salungat sa direksyong nilandas ng tatlong kalalakihan.

Ngunit hindi pa man sila masyadong nakakalayo ay nakasalubong na nila ang isa sa mga humahabol sa kanila.

Halos takasan siya ng hininga dahil sa abot-langit na takot lalo na nang agad nitong itutok kay Asher ang hawak na baril.

"Ilagay mo sa'yong ulo ang iyong mga kamay," matigas na utos nito kay Asher.

Nag-aalangan pang sinunod ng binata ang utos nito habang pasimpleng sumusulyap sa kaniya, pinakikiramdaman siya.

"Asher!" Nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan nito.

"Nandito sila!" sigaw ng lalaking ito habang lumalapit sa kanila.

Walang anu-ano'y hinampas nito ng hawak na baril sa mukha ang binata na agad napahandusay sa forest floor at tila nawalan ng malay.

"Asher!" patiling tawag niya rito.

Mabilis siyang lumapit dito para daluhan ito subalit agad siyang nilapitan ng lalaki at hinatak palayo sa binata.

"Get off me!" gigil
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status