공유

Chapter 23 (Part 5)

작가: Eastlander
last update 게시일: 2022-06-09 09:33:32
NAITAKIP ni Asher ang palad sa bibig ni Raven matapos nilang masilip kung saan nagmumula ang ingay na kanilang naririnig.

Napaluha siya sa labis na takot at halos mag-collapse matapos makita kung ano iyon.

Nasaan ba silang lupalop ng mundo at bakit nakikita nila ang ganoong kaganapan na akala nila ay sa isang palabas lamang nangyayari?

Isa iyong grupo ng mga taong-gubat o isang tribo, kaiba ang diyalektong gamit ng mga ito at hindi nila maunawaan.

Naka-grupo ang mga ito at tila naroon up
Eastlander

PABATID: Ang istoryang ito ay likha lamang ng aking malikot na kaisipan. Walang bahagi ng istoryang ito ang hinango sa tunay na buhay. Your feedback is always valuable. Thank you so much for reading!

| 1
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Lyn Maghanoy
Ang lupit mo master!!!......... pinahirapan mo talaga cla Asher at Raven, makapigil hininga talaga ang mga iksena......
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
kinakabahan ako s kanila ui
댓글 더 보기

최신 챕터

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Final Chapter (Part 2)

    NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi mait

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Final Chapter

    NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 30: Still

    "TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 29: Guilty

    PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher. Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira. Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan. Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya. "H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito. "Hello!" wika niya sabay ngiti ng manipis. "Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 28: Surrendered

    "OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito. "What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan. Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama. Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip. Balisa ito at tila may kinatatakutan. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito. "I thought you weren't coming,” umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap. "Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito. Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang napansin na tahimik doon sa pagbungad nila. "Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito. "Pinagbakasyon ko sila

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 27 (Part 2)

    PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop. Tanaw niya ang dim light sa loob na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience roon. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden. Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan. Nagpatuloy siya sa makisig na paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang nakatuon sa kaniya. Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. Kaagad itong tumayo at inilahad a

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 (Part 8)

    NAGPATULOY sila sa paglakad na magkahawak ang mga kamay. Tinumbok nila ang landas na sa tingin ni Asher ay tamang direksiyon. Matapos ang mahabang paglalakad ay sinapit nila ang ilog kagaya ng inaasahan ng binata. Nakadama na ng pagod si Raven kaya humiling siya kay Asher na baka p'wede silang mag

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 (Part 7)

    KALUSKOS sa talahib ang ikinagising ni Raven. Nang mga oras na iyan ay mataas na ang sikat ng masiglang araw sa silangan, at kalat na ang liwanag sa kapaligiran. Akmang babalikwas siya ng bangon nang bigla siyang pigilan ni Asher. "Sshhh..." anas nito saka hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Tin

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 (Part 6)

    NAKADAMA na ng pag-aalala si Raven nang makalipas na ang mahabang sandali ay hindi pa rin bumabalik si Asher. Nakatulog na siya sa paghihintay at nagising ay wala pa rin ito. Mababa pa ang sikat ng araw sa silangan nang umalis ang binata kanina pero ngayon ay bahagya na iyong pakubli sa kanluran. Bi

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 (Part 2)

    HINDI niya alam kung ilang oras na ang nakalipas buhat nang makatulog siya. Pero nang imulat ni Raven ang mga mata ay medyo maliwanag na ang paligid. Naririnig na rin niya ang huni ng mga pang-umagang ibon sa paligid na animo'y nag-aawitan. Ang lamig na tiniis niya nang nagdaang magdamag ay naibsan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status