Share

Chapter 23 (Part 4)

"A-ASHER is that you?" ulit niya.

Kahit pa nga hindi siya sigurado kung sinundan nga ba siya nito ay nagbabaka-sakali siyang ito ang lumilikha ng kahit na anong kaluskos sa paligid.

Subalit wala pa rin siyang natanggap na tugon.

Kinabahan na siya kaya agad siyang tumayo at dahan-dahang umatras palayo.

Noon biglang lumundag malapit sa kaniya ang malaking bayawak.

Nagulat siya at napakaripas ng takbo sa tubig.

Hindi siya tumigil hanggang sa makalayo roon.

Humihingal siyang huminto sa pagtakbo at pilit na kinalma ang sarili habang tahimik na idinadalangin na sana ay nasa paligid lang si Asher.

Kahit sinabi niya na hindi na siya lalapit pa rito, piping idinadalangin ng puso niya na sana ay nasa malapit ito.

Halos mabingi siya sa mabilis at malakas na tibok ng kaniyang puso, nadarama rin niya ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod dahil sa labis na takot.

Hindi pa man siya tuluyang kumakalma ay muli siyang napapitlag nang makarinig ng kulabsaw sa tubig.

Akmang tatakbo siya pabalik kung saan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
grabe pla ang pinagdaan nila Raven at Asher nung nsa gubat sila... at sino nnman kaya ung nkmasid s kanila....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status