Share

CHAPTER 14 - His Brave Decision

NADATNAN ni Jade ang mga kasamahan na nagkukumpulan sa isang sulok ng mesa at tila nagbubulong-bulungan. Biglang tumigil ang mga ito nang mapansin ang pagdating niya, at nagsibalikan sa kani-kanilang mesa. Naiwan sina Jessica at Apple kaya hindi siya nakatiis na tanungin ang mga ito.

“Ano'ng latest?” nakangiting tanong niya. Absent kasi siya ng dalawang araw dahil pinagpahinga muna siya ni Mark matapos ang pangyayaring nawalan siya ng malay.

“Kung may nakakaalam man ng latest ikaw siguro 'yon,” seryosong sabi ni Jessica sa kanya. Napalis ang kanyang mga ngiti nang makita niyang naluluha ito.

“Ha, ako?” turo niya sa sarili.

“Bakit, hindi mo alam?” ang tanong nito sa kanya. Wala siyang ideya dahil hindi naman niya nakakausap si Mark sa dalawang araw na wala siya sa opisina. Nagtataka nga siya dahil hindi na siya nito kinukulit tungkol sa mga report. Ang tanging bilin nito sa kanya ay magpahinga at huwag na munang intindihin ang mga iyon para mabilis ang kanyang paggaling. Kung tutuusin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status